Bagong salta sa FEU si Monica, galing sya sa Negros at napilitang lumipat nang paaralan nang namatay ang kanyang mga magulang sa aksidente. Si Tiya Minerva nya ang kumupkop sa kanya at pinag-aral sya bilang working student.
Kilalang matapang sa dating school na pinapasukan nya si Monica, hindi sya ginagalaw nang mga bully sa school dahil alam nilang palaban ito at isa pa, isa itong MMA fighter. Nagsasanay siya tuwing weekends at lumalaban din ito sa mga tournaments.
First day of school nun, wala pa syang uniform at halatang baguhan dahil tanong sya nang tanong kung saan ang kanyang classroom. Napansin siya ni Nikki na isa sa student government at tinulungan siya sa kanyang first day of school. Binigyan siya nang tour nito sa buong campus at ipinakilala sa ibang members nang student government. Bahagyang nawala ang kaba ni Monica dahil sa kabaitan ni Nikki at gumaan ang loob nya rito.
Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman nya sa kanyang unang araw sa koleheyo.
Kinabukasan hinanap agad ni Monica si Nikki sa school, nagpunta siya sa student government office ngunit wala ito. Buong araw nyang hindi nakita si Nikki kaya pagkatapos nang kanyang klase ay sinubukan nya uling hanapin ito hanggang sa mapadpad sya sa likod nang University Hotel.
Nakita nya si Nikki na nakaluhod at luhaan sa harap nang grupo nang mga estudyante na pinagtatawanan siya habang ang iba ay sinisipa at binabatukan ang kawawang babae. Hindi maintindihan ni Monica ang kanyang nakikita, naglalaro sa isip nya kung bakit nila ginagawa iyon kay Nikki.
Kusang gumalaw ang katawan ni Monica at tumakbo ito papunta sa babaeng sumisipa sa nakaluhod na si Nikki. Binigyan ni Monica nang flying kick ang babae at sa ulo ito tumama, tumilapon ang babae at tulog na nang bumagsak sa lupa. Sinubukang gumanti nang lalaking kasama sa pam bu-bully kay Nikki ngunit isang right hook lang na tumama sa panga nito ang kinailangan upang patulugin rin ito. Nagulat ang ibang bully sa nakita, nag aalangan ang ibang lumapit malibang sa mangilan-ngilan na umatake ngunit agad namang pinapatulog ni Monica.
"Kung ayaw nyong masaktan, umalis na kayo. Kayang-kaya ko kayong patulugin isa-isa gamit ang isang kamay ko lang." Banta ni Monica.
Nagsitakbuhan ang mga bully habang bitbit ang mga walang malay na mga kasama.
"Gagantihan ka namin!!" Sigaw nang isa habang kumakaripas nang pagtakbo.
Pinatayo ni Monica si Nikki at pinunasan ang mukha nito na puno nang dugo, pasa, at putik. Patuloy sa pag-iyak ang dalaga kaya niyakap niya ito.
Napag-alaman ni Monica na bina-blackmail nang mga bully na yun si Nikki gamit ang sex video na kinuhanan nang minsang nalasing ito at halinhinang hinalay nang limang lalake. Kaya hindi nakapasok sa klase si Nikki ay dahil sa inutusan siya nang isa sa nang ba-blackmail sa kanya na pumunta sa hotel at kung hindi ay ipapakalat ang sex video nya. Walang nagawa si Nikki at sumunod nalang sa takot sa kahihiyang idudulot nang sex scandal. Pagdating nya sa hotel ay marami pala ang naghihintay sa kanya doon, mga lalake at babae na members nang gang nila. Pinilit nila si Nikki na makipagtalik habang kinukuhanan nang video. Pagkatapos nang kababuyang pinaggagawa sa kanya'y pinagtulungan pa siyang saktan nang mga ito at kinaladkad ito sa likod nang hotel at doon sila na abutan ni Monica.
Iyak nang iyak si Nikki, ayaw nyang magsumbong sa kinauukulan dahil sa kahihiyan, ngunit kung hindi sya magsusumbong ay patuloy ang pamba-blackmail nang gang na yun. Naisip nya rin na dahil sa nangyaring pagtulong ni Monica ay baka sa mga oras na iyon ipinakalat na nang gang ang kanyang scandal.
Ayaw gumalaw ni Nikki sa kinauupuan, nakayakap lang ito kay Monica na sa mga oras din yun ay naluluha na rin.
"Wag kang mag alala, ako ang gagawa nang paraan. Hindi pa kita masyadong kilala pero itinuturing kitang kaibigan ko kaya tutulungan kita." Bulong ni Monica kay Nikki. Saka lang tumayo si Nikki nang marinig ang sinabi nang kaibigan.
Nakilala ni Monica ang pasimuno nang pang ba-blackmail kay Nikki, ito ay si Bart Alvarez ang pinuno nang gang at ang kasintahan nitong si Maila Gonzalez na matagal nang may galit kay Nikki dahil harap-harapang sinabi ni Bart sa kanya na gusto nito si Nikki. Nakilala rin ni Monica ang mga kalalakihan na nakisali sa panghahalay kay Nikki.
Dumaan ang isang linggo, kumalat sa buong paaralan at maging sa social media ang scandal ni Nikki. Walang mukhang maiharap si Nikki sa kanyang mga magulang at kapatid. Halos mabaliw ang kawawang babae na hindi na lumalabas sa kanyang kwarto at hindi na rin kumakain. Sa una'y galit na galit ang mga magulang niya ngunit nagbago ito nang makita nila ang pagdurusa nang anak.
Halatang walang tulog si Nikki dahil sa malalaking eyebags at nangangayayat ang katawan nito. Ang ina nya ang nagtatyagang nagpapakain sa kanya dahil hindi talaga ito kakain pag hindi pinipilit.
Ilang beses ring tumawag si Monica kay Nikki ngunit hindi ito sinasagot kaya naisipan nyang bisitahin ito sa bahay. Sinamahan siya nang mga kasama ni Nikki sa student government.
Pagdating nila sa bahay ni Nikki ay agad silang pinapasok nang nanay nito. Matagal-tagal din silang naghintay bago pumayag si Nikki na kausapin ang mga bisita. Huling lumapit si Monica kay Nikki, niyakap niya ito at bumulong.
"Nik, igaganti kita hindi pa tayo lubos na magkakilala pero tinuturing kitang kaibigan kaya ipaghihiganti kita."
Tinitigan ni Nikki si Monica at bahagyang tumango, nakuha agad ni Monica ang ibig sabihim ni Nikki.
"Lintik lang ang walang ganti." Ang nasambit ni Monica habang naglakad palayo.
Lunes, first subject nasa chemistry lab si Maila na nakaupo sa desk habang nakikipagkulitan sa mga kasama nya sa gang. Hinihintay nila na dumating ang guro nila nang pumasok sa silid si Monica.
"Maila!!!" Sigaw ni Monica na mabilis na naglalakad patungo kay Maila.
Agad na humarang ang mga kasama ni Maila ngunit kinabig lang sila ni Monica sa tabi.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Maila.
Hindi na sumagot si Monica at pinagsusuntok agad ang mukha ni Maila. Lahat nang umaawat ay nakakatikim rin nang suntok at sipa ni Monica.
"Dahil sa ginawa nyo wala nang mukhang maihaharap si Nikki sa mga tao kaya gagawin kong patas, buburahin ko ang pagmumukha mo!" Galit na galit si Monica habang sinusuntok si Maila.
Hindi pa na kontento'y sinabunutan pa ni Monica si Maila at kinaladkad sa may pisara. Binura ni Monica ang pisara gamit ang mukha ni Maila na sa mga oras na iyon ay puno na nang dugo.
Dumating si Bart para tulungan ang kasintahan ngunit hindi pa man ito nakakalapit kay Monica ay pinatid ni Monica ang paa nito at ito'y natumba. Kumuha si Monica nang isang armchair at pinaghahampas sa nakabulagtang si Bart.
"Mamatay ka! Mamatay ka! Mamatay ka! Hayop ka!!" Sigaw ni Monica habang hinahampas ang mukha ni Bart.
Kapwa basag ang mukha nang magkasintahan nang umalis si Monica. Sunod na pinuntahan ni Monica ang mga kalalakihang humalay kay Nikki at pinagbabasag din nito ang kanilang mga mukha.
Agad na umalis sa school si Monica bago maabutan nang mga security guard at nang mg guro. May nakahanda nang plane ticket si Monica para sa kanyang pag-uwi sa Negros para takasan ang kanyang ginawa.
Kinailangang tahiin ang mga mukha nina Bart at nang kanyang mga kasama sa lubha nang pinsalang natamo mula kay Monica. Sekretong napangiti si Nikki nang marinig ang balita, at napahalakhak nang makita ang mukha nang mga taong lumapastangan sa kanya.
Nagkalakas loob si Nikki na isumbong ang mga kahaayang ginawa sa kanya nang gang na pinamumunuan ni Bart. Itinuro rin nya ang mga lalake sa scandal na humalay sa kanya na hindi makilala sa video dahil nakasuot ang mga ito nang maskara.
Nakulong si Bart at ang mga lalaking humalay kay Nikki habang pinasok naman sa koreksyonal ang ibang members nang gang at hindi na pinayagang mag aral ang natitirang member nang gang sa FEU.
"Ano?! Expelled na kami sa FEU (Florencio E. Urot) College?!! Hindi naman kami sumali sa pambu-bully kay Nikki ah?! " Reklamo nang mga members nang gang.
"Hindi nga kayo nakisali pero hindi nyo rin pinigilan na mangyari yun, nilihim pa ninyo ito sa amin." Sagot naman nang Dean.
Nag file din nang kaso ang mga magulang nila Bart kay Monica sa pambubugbog nito sa kanilang mga anak kaya pinaghahanap rin nang batas si Monica.
"Monica!! Kung inaakala mong makakatakas ka sa galit ko'y nagkakamali ka! Nagkamali ka nang binangga! Pamilya kami nang mangkukulam!" Sa isip ni Maila.
Ilang araw ang nagdaan may naramdamang sakit sa tiyan si Monica. Nasa bahay nang kanyang lola sa Negros nakitira si Monica, doon siya nagtago dahil liblib ang lugar na yun. Habang tumatagal lalong sumasakit ang tiyan ni Monica, hindi siya pinapatulog nito at minsan nga'y nahihimatay siya sa sobrang sakit nito.
Malakas na mga mangkukulam ang pamilya ni Maila, siya ang naging tagapagmana nang kapangyarihang mangkulam na mula pa sa kanilang mga ninuno. Ito ang ginagamit nya sa pagpapalago nang kanilang negosyo, kinukulam nya ang mga kakumpitensya nya sa negosyo nang kanyang mga magulang kaya nagsasara ang mga ito.
"Apo ko, kinukulam ka pala kaya sumasakit lagi yang tyan mo. Kawawa naman ang apo ko, nangangayayat na dahil sa kulam." Wika ng lola ni Monica habang hinahaplos ang kanyang noo.
Kinaumagahan nagising nalang si Monica na pinalilibutan nang mga garapong may lamang mga insekto. Iba-iba ang uri nang mga insekto sa garapon, may langaw, ipis, salagubang, salaginto, alakdan at kung ano-ano pang mga insekto. May mga dahon din at mga ugat na nasa loob rin nang garapon.
"La?! Anong ginagawa mo po? " Tanong nya sa kanyang lola.
"Gagamutin kita sa pagkakakulam mo apo." Nakangiting sagot nang matanda.
Mahirap gamutin ang kulam dahil kahit ginamot mo na ito'y pwede paring ulitin lang nang mangkukulam ang kanyang kulam sayo. Kaya ang mga gaya ni Lola Apolinarya ay may mas mabisang paraan para magamot nang tuluyan ang kulam.
Lingid sa kaalaman ni Monica, ang pamilya nya ay may lahing mambabarang. Mas malakas sila kesa sa mga mangkukulam. Kung ang kulam ay dahan-dahan kang papatayin ang mga mambabarang naman ay papatayin ka sa pinaka masakit at mabilis na paraan gamit ang kanilang mga insekto at iba't ibang uri nang mga gamit.
Biglang kumati ang lalamunan ni Maila, napa ubo ito at nagulat nang makitang may ipis na lumabas sa kanyang bibig. Ilang sandali lang at may lumabas na namang alupihan sa kanyang ilong.
Namutla si Maila nang maisip nya ang dahilan nang mga nangyayaring iyon.
"Barang?! Barang ba to?! Imposible... "
Sinubukang gamutin ni Maila ang kanyang sarili ngunit lubhang malakas ang bumabarang sa kanya. Naisipan nyang humingi nang tulong sa kapwa mangkukulam ngunit umuwi lang ito na may lumalabas na langaw mula sa kanyang mata.
"Maila sino bayang binangga mo? Sa dami-daming pwede mong kulamin, mambabarang pa talaga ang kinalaban mo?" Wika nang mangkukulam na nagmadaling lumabas nang bahay.
"Hindi! Hindi ako magpapatalo sa mambabarang na to! Papatayin ko muna si Monica bago ako titigil! " Galit na galit na si Maila
Mas pinahirapan pa nya si Monica, nagkukumbolsyon na ito dahil sa sakit at lagnat na nararamdaman.
"Aba'y lalaban talaga ang mangkukulam na to!" Si Lola Apolinarya na nag aalala sa apo.
Sumakit bigla ang tiyan ni Maila at nagtungo ito sa C. R. para magbawas. Nagulat sya nang may lumalabas na mga salagubang mula sa kanyang pwet, may alakdan na gumapang mula sa kanyang ilong, at may mga palaka n lumalabas sa kanyang bibig.
"Hindi pa ako tapos sayo mangkukulam! " Sigaw ni Lola Apolinarya.
Patuloy ang pambabarang ni Lola Apolinarya kay Maila na siyang nagpapahirap kay Monica.
"Pinipilit mo talaga akong gamitin ang pinakamalakas kong barang... kung hindi mo ititigil ang pangkukulam mo sa apo ko'y papatayin kita agad-agad!!"
Sa hapon ding yun nabalitaang patay na si Maila, wakwak ang buong pwet nito. Nagkalat ang mga insekto sa kanyang tabi at kapansin-pansin ang isang tanke nang LPG na malapit sa bangkay nya.
Pinatae ni Lola Apolinarya nang buong LPG ang kawawang si Maila na dahilan nang pagkamatay nito.
--WAKAS--