Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 6 - COVID19 AFTERMATH

Chapter 6 - COVID19 AFTERMATH

Nandito ako ngayon sa kwarto, pasilip-silip sa bintana at pinagmamasdan ang mga taong kahit naka quarantine ay panay labas nang bahay. Parang walang kumakalat na sakit eh, tuloy lang sila sa kanilang pang araw-araw na buhay. May nag iinuman, bithday party, tsismisan, mga batang naglalaro sa daan, at may nag sasabong nang manok. Minsan naiisip ko kung alam ba nila na may quarantine ba? Nasaan na ang mga tanod na dapat ay tumutulong magpatupad nang mga batas na ito? Ayun pala si Mang Dado isang tanod, nakikipag inuman. Naku! walang pag-asa to, lahat sila mamamatay pagkumalat ang virus na to, at wala akong pake kung mamatay silang lahat kasalanan nila yan, mga bobo sila, mga mabababang uri.

Nakapag imbak na ako nang pagkain, tubig at ibang mga kailangan, bago pa man lumabas ang covid19 na yan ay pinaghandaan ko na ang posibleng mangyari kung may maganap na mga sakuna. "Preppers" ang tawag sa mga taong kagaya ko, naghahanda kami para sa kung anong sakuna na maganap. Ilang taon kaming nag iimbak at nag re-resupply nang mga stocks namin. Ang nabili kong lupa ay tinayuan ko nang tatlong palapag na bahay, may underground pa ito kaya 4 na palapag ang buong bahay. Tinayuan ko ito nang napakataas na pader, at sa gitna nang pader ay may bakal na hindi basta-basta mabubutas kahit pasabugan pa ito nang granada. Ang buong underground ay gawa sa makapal na bakal at nandoon ang lahat nang naimbak kong pagkain, pwede akong magtago doon nang ilang buwan nang walang labasan. Pinapalibutan din ang pader nang "live wire" para walang maka akyat. Kung ang ibang tao ay pagpapaganda nang bahay at mga magagarang kotse ang gusto, ako naman ay pagpapatibay nang depensa sa bahay ang kinahihiligan.

Sabi nila mahirap daw mag-isa pero nagkakamali sila, sa mga panahong ganito mas maigi na mag-isa ka lang, wala kang ibang aalahanin kundi ang sarili mo. Mas matagal maubos ang pagkain at tubig, sapat rin ang mga gulay na pinapatubo ko sa aking garden sa rooftop. May manok at "Guinea pig" din ako kung sakaling gusto kong mag karne, ang buong bahay ay pinapalibutan nang fishpond na may mga tilapya, hito at iba pang klase nang fresh water fish. May tatlong puno nang niyog at limang iba't-ibang klase nang prutas. May "deep-well" ako para sa tubig at "solar panels" naman para sa kuryente kung sakaling mawala ang supply nito. May mga baril at iba't-ibang uri nang sandata din akong nabili at tuwing sabado ako nag sasanay na bumaril at gumamit nang mga sandatang ito. Dito ko inubos ang perang namana ko mula sa aking mga magulang.

April 28, 2020

Umugong ang balita tungkol sa virus, 80 percent nang mga tao ay infected na at lalong tumaas ang bilang nang mga namamatay. Sinasabi ko na nga ba na mangyayari to, masyadong bobo ang mga taong to para mag-isip tungkol sa hinaharap. Walang sumusunod sa batas hanggang nahuli na ang lahat. Nag iiyakan ang mga tao, nagkalat ang mga patay sa basketball court, nasa loob naman nang mga tent ang mga naghihingalong pasyente na naghihintay na gumaling o di kaya'y mamatay. May nag aagawan nang pagkain, nagpapatayan para sa isang supot nang bigas na may sardinas. Ang mga alagad nang batas ay kukonti lang maging ang mga health workers dahil sila rin mismo ay nahawaan at karamihan sa kanila ay namatay. Napaka gulo nila sa labas, wala nang sumusunod sa batas, matirang matibay ika nga.

April 30, 2020

Huwebes

Nasunog ang buong squatters area malapit sa bahay, mabuti nalang at mataas ang pader ko, may ilang mga bombero na tinangkang patayin ang sunog ngunit konti nalang sila. Nag amoy sunog na laman ang paligid, hindi na nakalabas ang karamihan dahil nanghihina ang mga ito dahil sa sakit at walang gustong tumulong sa takot na mahawaan. Nabuti ang usok na to para sa aking mga puno, mas maraming mabibigay na bunga ang mga ito para sakin.

May 2, 2020

Sabado

Nag sanay akong bumaril mula sa rooftop gamit ang aking "sniper rifle". Ginawa kong target ang mga bobong pilit na binubuksan ang gate. Sapol sa ulo ang mga ito, napinturahan nang pula nilang dugo ang dati'y maputi kong gate. May rumespunding mga pulis pero wala silang nagawa at maging sila ay naging target practice ko. Natawa ako nang nag unahan ang mga tao sa pagkuha nang baril nang mga namatay na pulis, akala nila masasalba sila nang mga baril na yun pero pinag babaril ko rin sila. Labing isa ang patay na katawan na nakahandusay sa harap nang aking gate, at walang gustong kumuha sa takot na mabaril. Masaya pala pag ganito.

May 15, 2020

Biernes

Ilan-ilan nalang ang nakikita kong gumagala sa labas, maging ang mga sundalo ay kukunti nalang. Narinig ko sa balita na ang pangulo nang bansa ay sapilitang pinalitan nang bise presidente at ipinatapon sa ibang bansa. Ngunit ayaw sumunod nang mga militar sa bagong pangulo kaya nagkaroon nang "coup d'etat" nahati ang pwersa nang gobyerno at sila na mismo ang nagpapatayan. Natigil ang paghahatid nang mga pagkain at medical supplies sa mga tao, lalong gumulo ang bansa.

May 16, 2020

Sabado

May nakita akong mga mayayaman na naka kotse na may mga baril at walang pag aalinlangang pinag babaril ang mga nadadaanan nila. Hinintuan nila ang isang nurse na pauwi galing sa treatment center sa may basketball court, pinagkatuwaan nila ito at hinubaran. Hinawakan ang babae nang dalawang lalake habang naghuhubad nang pantalon ang isa, sigaw nang sigaw ang babae ngunit walang gustong tumulong. Dumating ang isang matandang babae na may dalang itak, iniwasiwas nito ang itak at tumakbo papunta sa mga lalake ngunit pinag babaril nila ito. Napasigaw ang babae, ina nya pala ang matandang yun. Nagpatuloy sa paghubad ang lalaki na tuwang-tuwa sa kababuyang pinag gagawa nila. Bago pa man siya nakalapit sa babae ay nalagyan ko nang butas ang ulo nito, parang pakwan ang ulo nito nang sumabog. Nagkalat ang dugo at utak nito sa buong paligid, sa gulat nang dalawang lalake na humahawak sa babae yumuko ang mga ito at nagtago sa gilid nang sasakyan. Akala nila hindi ko sila nakikita, binaril ko ang isa sa ulo at nang tumakbo ang isa ay binaril ko sa paa. Laking tuwa ko nang makita ko ang nurse na pumulot nang baril at pinagbabaril ang sugatang lalaki, nang patay na ang lalaki ay kinuha naman nito ang itak nang kanyang ina at pinagtataga ang katawan nang mga lalake.

May kakatuwa akong nakita sa mga oras na iyon, biniyak nang nurse ang ulo nang lalaking pinatay nya at kinain ang utak nito. Sa tingin ko'y sarap na sarap ang babae sa kinakain nya ito'y tumingala at tumingin sa akin. Imposibleng makita nya ako sa layo ko pero nakatingin talaga sya sakin.

May 25, 2020

Tuluyan nang gumuho ang gobyerno, wala na akong nakikitang mga pulis, sundalo, at mga health workers sa daan. Ang mga bangkay sa basketball court ay sinunog lahat para daw hindi kainin nang mga hayop, sa tingin ko mas gusto nang mga hayop ang lechong tao kasi pagkatapos mawala ang apoy ay nagsilabasan ang mga daga, pusa, aso, at mga uwak at nilantakan nila ang mga bangkay na hindi tuluyang nasunog. Medyo tahimik na ang paligid, maliban nalang sa panaka-nakang putok nang baril na sinusundan nang mga hiyawan. Natutuwa akong pagmasdan ang mga tao habang pinipilit mabuhay sa impyernong sila rin ang may gawa. Base sa tantya ko'y aabot pa nang limang buwan ang supply ko nang pagkain at tubig.

Unti-unting naubos ang mga tao sa paligid ko, ang iba'y namatay sa sakit, ang iba nama'y pinatay at karamihan ay lumayo sa syudad at namundok. Ako nama'y patuloy na nabubuhay nang masagana, kahit wala nang supply nang tubig at kuryente meron naman akong solar panel at deep-well, may sapat na pagkain at may pinagkakatuwaan. May bunga na pala ang mga prutas sa paligid, gumawa ako nang fruit salad at kinain ko ito habang pinagmamasdan ang isang bata na buto't balat nalang at nakatingala sa langit habang naghihingalo. Ano kaya ang pakiramdam nang namamatay sa gutom?

October 25, 2020

Lintik na buhay to! Ubos na ang pagkain ko, namatay lahat nang alaga kong manok at guinea pig. Pati mga isda ko sa fishpond nagsilutangan! ASAR!!! Matagal pa bago mamunga ang mga prutas ko, kakailanganin kong maghanap nang pagkain sa labas.

October 27, 2020

Handa na ako para maghanap nang makakain sa labas, may isang automatic rifle ako, dalawang hand gun at dalawang punyal. Dinala ko na rin ang natitirang pagkain ko at sangdamakmak na mga bala. Una kong pupuntahan ang bodega nang sardinas sa di kalayuan, gagalaw ako sa gabi.

10:28PM

Nasa labas na ako, masangsang ang amoy nang buong paligid, mapapansing tinubuan na nang mga halaman ang ibang gusali, pati gilid nang kalsada at mula sa loob nang mga kanal. Napakatahimik na ang paligid, tanging mga kuliglig at kwago ang naririnig ko wala nang mga sasakyan, videoke, at kung ano-ano pang ingay na dati maririnig tuwing gabie. Malapit na ako sa bodega, napansin kong may apoy na nakasindi sa loob, malamang may nauna na sakin. Napaka bobo naman nang taong to, dyan pa talaga sa bodega tumira eh alam nyang may pupunta at maghahanap nang pagkain dun.

Tinanggal ko ang safety lock nang baril ko at dahan-dahang pumasok sa loob. Tiningnan ko ang dereksyon ang apoy at doon nakita ko ang isang babae na nakatalikod sakin, nakaupo ito sa harap nang apoy at parang natutulog. Siniguro kong walang ibang tao dun maliban sa kanya bago ako lumapit, nakatutok sa kanya ang baril at tinawag ko ang kanyang pansin. Mukhang hindi naman pala ito natutulog kasi hindi ito nagulat, parang pakiramdam ko'y hinihintay nya lang akong lumapit. Tumayo ito at laking gulat ko nang pagharap nito'y hubo't hubad pala ang babae, napaatras ako habang tinututok ang baril sa kanya.

"Gutom ka na noh? Gutom ka kaya ka nagpunta rito.. Hinihintay lang kita rito alam mo ba?" Sambit nang babae habang naka ngiting lumalapit sakin.

"Isang hakbang pa at babarilin kita!!" Sigaw ko.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong nya.

Pamilyar nga ang mukha nang babaeng yun, ilang minuto rin kaming nakatayo lang habang pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita, hanggang sa muli itong nagsalita.

"Salamat sa pagligtas mo sakin"

Bigla kong naalala ang nurse na muntik nang gahasain, siya pala ang babaeng yun. Hinubad ko ang aking jacket at ibinigay sa kanya ngunit hindi nya ito tinanggap. Lumapit sya sakin at idiniin ako sa pader, nilapit ang kanyang labi sa aking pisngi at ito'y bumulong.

"Alam mo ba, hindi pa ako nagagalaw nang sinumang lalake, hinintay kita." Napakalambot nang kanyang....tinig.

Unti-unting umiinit ang aking katawan sa narinig ko sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata at palapit nang palapit ang mga labi nya sa labi ko, ako'y napapikit nalang at pinabayaang gawin nya ang gusto nya.

October 28, 2020

Madaling araw nang ako'y magising, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may halong tuwa, pagod, at pagkauhaw... oo, gusto ko pang maulit iyon. Paglingon ko sa tabi ko'y nandun sya, suot na nya ngayon ang jacket na binigay ko ngunit parang giniginaw parin ito kaya niyakap ko xa para mawala kahit konti ang ginaw. Nagising ito sa yakap ko at niyakap din nya ako, muling nagdampi ang aming mga labi at sa panahong iyon ay ako naman ang pinabayaan nyang gawin ang kung anong gusto kong gawin sa kanya, nagparaya siya sa mga kagustuhan ko.

October 30, 2020

Wala nang natirang pagkain sa bodega na iyon, ubos na rin ang pagkain na dala ko. Ang pinag tatakhan ko'y hindi ko man lang nakitang kumain si Nica, yan pala ang pangalan nya. Tinanong ko sya kung gusto ba nyang sumamasa akin sa paghahanap nang makakain at sumama naman ito.

November 2, 2020

Malas parin kami, walang pagkain sa mga lugar na napupuntahan namin, mabuti nalang at napadaan kami sa isang puno nang bayabas na may konting bunga pero hindi pa rin yun sapat para sakin. Huminto kami sa may mall at doon magpapalipas nang gabi. Hindi ma wala sa isip ko kung paano nabuhay si Nica sa bodega na yun na wala nang pagkain, at hindi ko rin sya nakitang kumain.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Biglang tanong ni Nica, na parang narinig ang iniisip ko."

"Huh? anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko nagtataka ka kung paano ako naka survive sa lugar na iyon, sa mga masasamang tao, at sa virus." Sagot nya.

Tumango ako at tumitig sa kanya, at siyay nagpatuloy.

"May lahing aswang ang pamilya namin, si nanay ang naging tagapagmana nito. Ngunit nang pinatay siya nang mga lalaking nagtangkang gumahasa saakin at nalipat ang pagiging aswang ni nanay at bilang nag-iisang anak nya'y napunta ito sakin."

Nagbago ang anyo ni Nica, naging baboy ito, tapos nag palit uli nang anyo bilang aso, at sa huli at naging isang nakakatakot na halimaw. Napaatras ako ngunit niyakap niya ako at nagbalik ito sa kanyang normal na anyo.

"Samahan mo akong pagharian ang mundong to, uubusin natin ang lahat nang natitirang tao ay tayo ang magiging bagong Adan at Eba sa mundong ito."

Naisip ko ang hinaharap, isang mundo na walang tao, walang mga maiingay, marurumi, salbahe at mapang abuso at mga salot na tao. tanging mga hayop at halaman lang ang nabubuhay at pamumunoan namin ni Nica habang panahon.

Ang virus na ito ay galing sa Inang Kalikasan, ito'y nagsisilbing gamot laban sa mapaminsalang mga tao. Imbes na ang mga tao ang mangasiwa upang mapanatili ang balanse nang kalikasan sila pa mismo ang sumisira nito. Parang mga kanser na pumipili nang lugar at pagkatapos masira ang lugar na iyon ay lilipat naman sa ibang lugar upang muling makapaminsala, mabilis din silang dumami at kinakain nila ang ibang mga hayop na nasasakupan nila.

Kaming mga aswang bilang taga protekta nang inang kalikasan ay gagawin ang nararapat, tutulungan namin ang inang kalikasan na ubusin kayo. Ang matitirang buhay sa virus ay lalapain namin nang buhay!!!

--WAKAS--