Chereads / Ang Nobela ng mga Bukas / Chapter 3 - “At ng mga Espiritu”

Chapter 3 - “At ng mga Espiritu”

"Teams, check in. This is Phoenix, over."

"Phonex, Bravo checking in. 5 by 5, in position, over"

"Alpha in position, on stand by, over."

"Oplan Fiery Phoenix, execute, execute."

#

"Ah yung nabanggit ko? So, ayun nga isang araw nagbalak akong bisitahin at makita yung mga sentrong mosque ng mga Kristyano kaya nag-decide akong pumunta sa Quiapo chruch muna t'as next time sa iba naman. Ang layo nga ng biyahe pero pinag-aralan ko namang mabuti ang mga sasakyan at bababaan ko, pati ang itsura ng mga gusali na tatandaan ko para hindi ako maligaw, gamit ang web, mga socmed saka mga picture sites.

"Nung binaba na ako ni manong sa huling sinakyan ko'ng jeep, pag hakbang ko pa lang ng mga tatlo ata yun, naramdaman ko mula sa paa ko na nanginig yung daan, sobrang kaba ko nun. Bigla yung malakas na tunog ng pag-sabog, du'n n'ako napa-upo ng patiklop na nais kong protektahan ang sarili ko sa akala kong darating pa na panganib, at nagtakip ng tenga at ulo, 'fetal position' ang tawag dito, isang position na maximized mo ang protection ng mga vital parts mo sa katawan. Nung wala ng sumunod na putok, tumingala akong bahagya at nakita ang mga tao na nagtatakbuhan, kaya't tumayo na din ako at tumakbo sa direksyon na tinatahak nila. Napansing kong nakatigil ang mga sasakyan sa aking kaliwa, nakita ko pa nga yung jeep ni manong sa 'di kalayuan na nakahinto din at ang mga pasahero ay nakadungaw sa bintana at iisang direkyon lang ang tinitignan nila.

"Nung makarating ako sa may espasyo sa harap na nung church, nakita ko ang pinagkaka-guluhan ng mga tao. Sa kabilang side pala nung simbahan naganap ang pag-sabog. Papunta dun yung dalawang kasabayan kong tumakbo, tutulong ata, nagpasya akong tumulung din kaya't itinayo ko yung unang batang nakita kong naka dapa, chineck ko kung may sugat o dugo ang damit nya, nung wala akong nakita, tinanong ko kung may sugat ba s'ya, wala naman daw kaya't sabi ko dito ka lang at tutulong ako sa iba, 'sasamahan kita ate', sabi nya at bumuntot na sa akin. Nung papunta ako sa gilid na pader na tungo ng iba, nakita kong bukas ang isang malaking pinto ng simbahan at may unting usok sa loob na naa-aninag, duon ako tumakbo habang nakasunod si Samantha daw siya, pitong taon, at malapit sa may Blumentritt sila nakatira. Pagka-pasok namin nakita namin ang mga taong nakahandusay sa sahig, yung iba na malapit sa kaliwa ay marami silang sugatan na tumagos ang dugo sa mga suot nila. Duon ako unang pumunta kasunod si Samantha, ang ibang nakahandusay ay nada-daganan ng mga sementong pira-piraso galing sa may malaking butas ng ding-ding at ang alikabok na sa hangin ay medyo makapal pa s'ya, naghalo din sa mga floating na alikabok ang mga usok galing dun sa mga nasusunog na mga kurtina, mga bangko at iba pang mga aparador ata yun na mga yari sa kahoy. Sa labas nakita ko mula sa malaking butas ng pader, nagkakagulo ang mga tao at maraming sugatan ang itinatayo o inaalalayan nila. Yung ibang mama na nandun sa labas ay kinarga na ang mga sugatang bata.

"Nag umpisa kaming gumalaw ni Samantha, tinunton namin ang mga nasa ilalim ng maraming dagan na semento, bakal, kahoy, mga tela at alikabok. Unang namin napaka-walan yung isang lola na nahimasmasan kaya't inutos ko kay Samantha na akayin namin palabas, nailabas naman namin si lola at dinala sa may gitna ng espasyo na nagu-umpisang nag-iipon na ang mga sugatan at may dugo sa mga suot, yung iba ay parang naiwan yung mga braso o paa nila at nababalutan nalang ito ng t-shirt na puno ng mga dugo. Nung nai-upo namin si lola, tumakbo na kaming muli ni Samantha pabalik sa loob, napansin naman kame nung iba at sumama na sa amin para tulungan makawala, maakay o mabuhat papalabas ang mga nasabugan sa loob. Dun din nag-umpisang magdatingan ang mga ambulansya, mga pulis at mga bumbero kaya't mabilis din nailabas lahat nung nakita naming nakahilata sa loob ng simbahan nung unang pag-pasok namin ni Sam.

"Ewan ko ba kung bakit hindi pa din ako pagod nung nailabas na lahat yung mga nasabugan, pati si Sam alert na alert ang mata pag tingin ko. Wala na kaming nakita pang magagawa o maitutulong pa kaya't niyaya ko ang bata na magmeryenda kame. Tumawid kami ng tulay nung nakalampas sa mga taong nakatayo at nakiki-tsismis sa mga malalapit sa may gitna ng espasyo. May nakita akong kainan sa kabila ng tulay na tinawid namin at duon kami naupo. Umorder ako ng dalawang kanin at dalawang ulam, 'Ate pwede po two ang rice ko, pero wala po akong pera.' Oo naman Samantha, at sagot ni ate Ami, nag ngitian kame at natawang bahagya nung na realize naming ang dungis namin at may mga bahid ng magkahalong dugo at alikabog ang damit at buhok namin. Halika, maki hugas muna tayo, itinuro ng ale yung CR nila kapalit ng maraming tanong sa akin, punta po kayo dun ate, ang dami pong sugatan. May patay ba? Hindi ko po na check if yung ibang nakahiga kung patay po ate. 'O may gaaadd!' Tumakbo na si ate sa may bukana ng tindahan niya at tinatawag ang asawa, para magpasama pagkatapos ihatid yung pagkain namin ni Samantha sa mesa. Pagtapos naming maghugas at mag-ayos ng mga maaayos pa sa mga itsura namin kumain na din kame.

"Duon ko nalaman ang kwento ng buhay ni Sam baby ko na mula nuong namatay ang nanay nya ay nabaliw ata ang tatay nya. Lagi niya itong hinahanap kung saan-saan pag-uwi ng school kapag hindi niya nadatnan sa kanilang bahay. Ilang araw na din daw siyang naghahanap ng bigo, dun siya nasabihan o nakabalitang nakita daw ang tatay niya sa Quipo church, kaya't nanghiram daw s'ya ng pamasahe sa baklang Tonette na kaibigan daw ng nanay nya, nagpaturo kung paano pumunta sa Quiapo, at kaninang madaling araw pa daw s'ya paikot-ikot para hanapin at iuwi na ang tatay n'ya. Nag chikahan pa kami na napunta sa kung anu-anung topic, at naniwala ako sa sagot n'ya sa tanong ko kung hindi ba niya pinababayaan ang pag-aaral - na honor student siya mula nung grade one. Apir sabi ko at nagtawanan na naman kami. Na feel ko talaga yung kakaibang kuneksyon namin na hindi ko ata makakalimutan kahit hindi ko ma-describe.

"Sabi kong pabiro na aampunin ko nalang s'ya, saka ko nakita ang kakaiba niyang ngiti na parang angel at nagliwanag ang paligid sa pakiwari ko. 'Ate ang bata-bata mo pa para mag-anak po, atsaka...' tugon niya. Nakita ko naman yung bakas ng lungkot at pangamba sa mukha niyang waring nagbabago at nakiki pag-usap sa mga makakakita kung ano ang kasalukuyang nararamdaman ng bata, dugtong niya, '... need ko ate makita si tatay. Kailangan ko siyang alagaan at pagalingin, hindi n'ya po kaya mabuhay ng mag-isa at ang mawala ang natitirang pamilya niya sa buhay.'

"Nag-alala naman ako na gabihin s'ya sa pag-hahanap kaya't pinakawalan ko na rin, naisip kong tulungan maghanap pero nag-uumpisa ng sumakit mga kalamnan ko kase at nanlalagkit nako sa suot ko, itsura ko that time talaga nakakaloka, kahit na na-alis namin ang mga natuyong mga dugo at alikabog sa mga buhok, mukha, legs at arms namin eh yung sa damit ang hirap alisin, yung white shirt ko na Hello Kitty at yung beige kong leggings ay may mga bahid ng mantsa. Hindi ko na sinamahan si Sam at gumawa na lang ng fairy tale habang bumyahe ng pauwi kung anong ginagawa ko sa Quiapo kapag in-interrogate ako ni Ama. Alas kuatro na ako ata nakauwi nun, galit si Ama, pero nung nakita niya itsura ko biglang nag-alala. Ang kwento ko ay may project kame sa school at sa Raon lang nabibili yung ibang items, since ako ang leader sa group ako nalang kako ang pumuntang mag-isa para mabili yung sa Raon, at yung iba ay hahanapin ko sa mga tiange du'n, nung may sumabog, Ama, napatulong po ako sa mga nasabugan. Naniwala naman sa alibi ko at nasagap na din siguro ang mga kaganapan na yun sa balita, at tila bilasa si Ama at may mga ibang Imam na nasa bahay na n'un, may meeting ata sila, kaya't nagtuloy na ako sa room ko.

"Balak ko lang sana umidlip ng unti bago maligo, pag mulat ko alas onse na nang gabi, bumaba ako sa kusina at nakita yung tinabi nilang pag-kain. Pagka-ubos ko tinamad nakong maligo sa sobrang antok at makirot ng laman-lamaan, kaya't natulog nalang ulit hanggang... at AYUN ang malaking problema!!! DALAWANG ARAW AKONG TULOOOOGGG!!!!

"Anak ng poowtekteh woh, kapag nanu-nunong punso ka nga naman. Grrrrrr!!!"

#

"Bravo to Phoenix, package delivered, over."

"Phoenix to Bravo, proceed to extract one. Alpha stand by, over."

...

"Bravo to Phoenix, extract complete, en route to base."

"Affirmative Bravo, Phoenix out."

...

"Alpha to Phoenix, detonation detonation. Mark positive. Confirmed, repeat confirmed, over."

"Phoenix overwatch to Alpha, copy Confirmed, detonation, mark positive. Confirmed! Proceed to extraction. 'Fiery Phoenix' oplan ACCOMPLISHED, over and out."

#

Ang isang bag na puno ng C4 at remote detonator na iniwan ng dalawang lalaking magkasamang umalis sa gilid ng confessional booth na nakahilera sa sakdal-gawing kanluran ng simbahan ay naglikha ng isang bagong malaking butas sa makapal na sementong haligi nito. Sa loob ay ang mga nagibang mga bangko, mga confessional booths, mga hiwa-hiwalay na mga bakal galing sa sindihan ng kandila, sa infrastraktura ng nasirang halige at iba pang mga kasangkapan. Nagkalat ang mga baryang piso hanggang sampung-piso sa sahig na galing sa collection boxes sa baba ng mga nakahilerang tirikan ng mga kandila. Sampu ang binawian ng buhay sa mismong pag-sabog, labing lima ang naihatid sa mga kalapit na ospital, ngunit binawian din ng buhay ang walo, mahigit isang daan ang sugatan na mga biktima sa loob ng simbahan. Sa labas, ang mga nasabugan kasabay ng pag-guho ng pader ay limang bata, dalawang dalagita at tatlong matanda na lahat ay nakasandal o malapit sa pader, maingilan-ngilan na dumaraan at namimili ang nagtamo ng sugat sa iba't-ibang parte ng ulo at katawan.

Si mang Celso, 65 taong gulang na pumasok sa batok ang isang matulis na semento na unang tumalsik sa biglaang pag-barag ng pader sa likuran niya. Sa maikling sandali bago ang pang-yayari, nasa isip niya ang bibilhin niyang icedrop kapag sinundo niya ang kaniyang apo na si Jillian, na mahal na mahal ng matanda at pinaghahandaan ang paga-aral hanggang sa makapag-tapos ito ng anumang kursong pipiliin niya, kaya't naman maliban sa pwesto niya sa tabi ng dingding ng simbahan ng mga herbal, dahon, mga pangpalaglag, mga pilik-mata ng kambing at halintulad nito na gawa sa silicone, ay abala siya sa mga iba pang kalakal na pilit niyang inaral, tulad ng realty na nakakabenta na din siya sa wakas, networking, pag-gawa ng mga panindang kakanin at iba pa. Isang pangarap niya sa kaisa-isang anak na babae na namatay sa pagluwal kay Jillian.

Siya ang kasama ng anak sa ospital nung nag-umpisa ng mag-hilab ang tiyan. Ang kanilang huling usapan ng anak ay ang pagpapasalamat nito sa ama, at ang pangako niyang kahit iniwan sila ng tatay ng bata na nasa sinapupunan pa, at tinakbuhan ang obligasyon, ay pagtatapusin niya ang lalabas na baby, humingi ng patawad ang anak sa pagkabigo niyang makapag-tapos na pangarap ng ama na dapat ay kaisa-isahan siyang makakapag-tapos sa talambuhay ng lahi nila. Nagtawanan pa silang mag-ama sa kabila ng sakit at kabang nararamdaman ng anak nuon, hanggang sa pumasok na ito sa O.R., hindi na nakalabas ng buhay.

Nalagpasan ni mang Celso sa paglipas ng panahon at sa pag-gugol nya ng pag-alaga sa apo ang ubod niyang lungkot at dalamhati mula nung kausapin siya ng doctor na hindi na na-agapan ang anak dahil sa komplikasyon na hindi nakita ng O.B., ngunit malusog ang sanggol na babae. Ilang minuto pa mula ng maramdaman niya ang sakit mula sa batok at bandang likod niya bago ito binawian ng buhay, ang iniisip lamang niya sa mga natirang minuto na iyun ay si Jillian, iiyak ito kapag naka-uwi na lahat ng ka-klase niya at wala ang laging sumusundong lolo niya ng walang patid simula ng una siyang hinatid nito sa paaralan. Sino na ang mag-aalaga at magpapalaki kay Jillian? Paano na matutupad ang lagi nilang pinag-uusapan na pagtatapos niya ng pag-aaral? Kawawa naman ang apo ko, kahit na kunin siya ng mga kapatid ko sa probinsya, matutulad ito sa mga kapatid ko at pamangkin na maaagang nagsipag-asawa at ngayo'y napaparamihan ng mga anak, habang hikahos sa buhay na walang pambili man lang ng gamit pang eskwela ang mga bata kaya't minabuti nilang huwag ng pag-aralin kahit elementary man lang ang mga anak nila. Kawawa naman ang apo ko. Isang butil ng luha ang namutawi mula sa kaniyang mga mata na naudlot dahil wala ng buhay ang nagmamay-ari ng sana'y mga susunod pang mga luha.

Dianne ang pangalan nung isang dalagitang namatay sa labas ng simbahan. Grade 8 at labing-tatlong taon, may taglay na kagandahan at charisma na mukhang isang malalim na pagkatao. Ang laman ng lapag niya ay mga cellphone accessories, mga GSM o 'Galing sa Magnanakaw' na mga cellphone units na madalas ay binibili ng nanay niya sa boyfriend n'ya at mga ka-member nito sa frat/gang na Oxo. Kasalukuyang nag-babasa si Dianne sa kanyang cellphone ng matagal ng kinalolokohan nitong "spg" stories sa isang socmed. Mataas ang kakayahan ng dalagita sa larangan ng imahinasyon at paggunita o biswalisasyon, at ang mga literaturang mahahalay ang nagbubukas sa kaniya ng makabagong mundo na gusto pa niyang diskubrehin, hanggang sa muli siyang mag-sawa at mabaling sa iba ang interes, ganun naman daw siya.

Lingid sa kanyang kaalaman ay kamakailan lang lumabas ang mga resulta sa nakaraang IQ test na isinagawa ng isang sikat na unibersidad sa ilalim ng isang pagkalooban o grant upang magsaliksik sa kanilang pampublikong High School. Nakakuha si Dianne ng pinakamataas at mahalagang marka, na maaaring nagpa-pahiwatig ng ibang talino o may taglay na pagka-henyo ang dalagita. Na siya ring pagka-gulat ng mga guro sa paaralang iyon, dahil kilala nila ang bata bilang ga daang-dipa pa ang kulang para maging normal ang dunong, madalas kasi itong bumagsak at nagsa- summer classes, kundi man nai-pasang-awa. Kilala din ito ng mga guro bilang isang maharot na bata, dalawang beses na itong napa-tawag ng principal at na-suspinde, nung una nahuling may ginagawa sa CR kasama ang isang ka-klaseng lalaki nung sinumbong ng isang utility at maintenance na empleyado, at nung nakaraang buwan lang isang guro ang nag overtime at may nadaanang madilim at walang taong classroom, nung may nadinig itong kaluskos o boses sa loob, pumasok ito at nahuli si Dianne at iba namang ka-klaseng lalaki ang kasama - iba mula sa naunang iskandalo. Kasalukuyan daw silang nasa akto habang nakalilis ang damit nung dalawa, sumbong nung guro.

Tuwang-tuwa ang adviser ni Dianne lalo na nung nag-announce sa kanilang meeting ang mga mananaliksik ng prestihiyosong kolehiyo na gusto pa daw sana nilang bigyan pa ng iba pang mga pili at mas malalalim na pagsusulit si Dianne para mas ma-quantify yung unang pagsusuri, dahil ang intelehente ng tao ay malawak at mas tumpak na masusukat sa hindi bababa sa tatlong pagsusuri na ang pangunahing saklaw ay panandaliang memorya (short-term memory), pangangatwiran (reasoning) at pagbabalik sa pandiwang (verbal recall). Malamang daw na bigyan si Dianne ng full scholarship sa naturang unibersidad na gumagawa ng pag-susuri dahil sinadyang ang naunang pagsusuri ay upang lumabas talaga ang mga batang gaya ni Dianne. Sa isip ng kanilang class adviser ay magiging magandang ehemplo si Dianne lalong-lalo na sa mga kabataang kababaihan, iyon sa pakiwari niya ang kulang sa mundo ng mga kabataan ngayon kaya't marami ang naliligaw ng landas: Ang magkaruon ng mga ehemplo sa larangan ng karunungan at kagalingan ng utak, kaya't plano pa ng adviser na bukas na bukas din ay ang susurpresaheng-engrande niyang ipag a-announce sa klase niya at sa marami pang ibang section at baitang ang tungkol kay Dianne na pihado niyang malaki ang magiging pag-babago sa buhay ng dalagita. Isang bukas na hindi na darating.

Isang malaking batong nabiyak mula sa gusali naman ang tumabon at dumurog sa ribs ng isang batang naka-uniporme ng grade school na si Jasmine. Iniwan siya sandali ng nanay upang bumili ng makakain sa nalalapit nang tanghalian nila para may mag-bantay sa pwesto nila ng sigarilyo at candy. Tuwing pagkatapos ng iskwela ni Jasmine ay pupunta na sa pwesto nilang mag-ina. Bunso sa limang magkakapatid at Grade one sa malapit na pam-publikong paaralan, hindi gaanong matalino si Jasmine ngunit kakaiba ang antas nito sa pagmamahal. Hindi niya kayang hindi tulungan ang nanay sa anumang gawain nito sa bahay o sa paghahanap ng pagkakakitaan upang masuportahan ang pangangailangan ng buong pamilya. Matulungin, maasikaso, mapagmahal, at higit sa lahat maawain sa kapwa, laging hinahati ang baon niyang tinapay kapag may nakitang ka-klaseng walang baon. Bibo at mahilig mag-aral ng mga sayaw at kanta upang sa mga salo-salo nilang mag-papamilya ay makapag-bigay siya ng saya.

Nuong isang taon sa edad niyang limang taon, sa isang pampamilyang pagtitipon ay buong kumpiyansang pinahayag ni Jasmine sa lahat na gusto niyang mag duktor.

"Ay sige baby, yayaman ka niyan," ang pabirong sabi ng isang kuya.

"Ay kuya, sa Africa ko po gustong mang gamot lalo na yung mga babies, ayyyy saka pala tulad nung napanuod ko minsan na mga duktor na nagpupunta sa mga lugar na malayo at magulo, kase madami na po duong napapabayaan, lalo na po yung mga maliliit." Ang seryosong sagot naman ng bata.

Kinagulat nila itong lahat, at simula nuon ay hindi pa nagbabago ang sagot ni Jasmine, kahit na sa ka-sutilan ay pinapa-ikot ng mga nakakatandang kapatid ang tanong upang malito ang batang kapatid.