Chereads / Ang Nobela ng mga Bukas / Chapter 8 - "Nangangarap ng Tulala"

Chapter 8 - "Nangangarap ng Tulala"

Laging naka upo ang batang 5-taong gulang na lalaki sa may bintana, nakatingin sa langit na nakasilip sa maliit na butas na hindi pa natatakpan ng bubong ng kanilang mga kapit-bahay, tila nangangarap, tulad nang mga nakaraan. Nuong Desyemre 2015, namamasyal ang kaniyang isip, sumasabay sa hangin na tumutulak sa mga puting mala-bulak na ulap sa asul na himpapawid na dumadaan sa bintana niya sa langit, na laging niyang pinagtu-tuunan ng tingin sa isa sa maraming masikip na eskenita sa Purgatoryo Dose.

"Mark anak, bumili ka nga ng toyo kay aling Pasyon, magluluto ako ng paborito mong adobong chicken, pauwi na din ang papa mo kaya magliligpit lang ako sandali ha." Utos ni Myra sa kaisa-isang anak. "Opo mama." sagot ng paslit. Pag-abot ng barya ay tumakbo ng palabas ang bata.

Ilang bahay mula kila Mark ay ang kanila Anthony. Laking pier si Anthony, 32 taong gulang, likas na ang diskarte at boladas, kaya't naka baklas sa ibang kababata na hanggang ngayon ay sa pier pa din ang diskarte at ikinabu-buhay, at tila wala ng ibang mundong mati-tikman. Naipasok si Anthony ng kaniyang among na-bola niya nuon sa Kawanihan ng Adwana o Bureau of Customs bilang janitor. Ang mga matatagal na sa Kawanihan ay isinasaalang-alang na kabilang sa tahimik at kahit hindi sabihing kapatiran ng mga 'angat'sa dalawang categoryang pang-sosyal ng lipunan na 'mahirap' at 'may-kaya', isang samahan ng mga 'may karapatan'.

Ang mga sa taas ng triangulo ang may mga karapatang tumanggap ng mga padulas at regalong areglo mula sa mga tao o kumpanyang nag-aangkat at nagpa-parating ng sari-saring bagay mula sa ibang bansa. Ang mga nasa baba naman ng triangulo ay may mga karapatan na bumahagi sa ambong grasya mula sa mga nasa itaas, at may mga probilihiyong kakaiba. Kaya't pangarap ng maraming mamamayan, propesyonal man o hindi, milyonaryo man o hanggang pulibi, ang maging bahagi ng Kawanihang ito.

Tuwang-tuwa si Anthony nung umagang iyon sapagkat na approve ang request niyang hiramin ang isang sasakyan na naka imbak, ng isang nagka-prublema o kulang ang padulas, sa malaking bodega ng Kawanihan. Pangarap niyang magka-sasakyan na mamahalin, at kahit man lang hiram nang isang araw ay lubos niyang sinamsam ang tuwang dulot ng pribelehiyong tatlong taon na niyang hinintay mula ng maging bahagi siya ng ahensya. Hindi mabura sa isip ni Anthony ang saya na nagpapa-ngiti habang inilabas niya ang imported na Mercedes C Class na puti sa gusali ng kaniyang pinapasukan. Apat na oras niyang minaneho ang sasakyan sa kung saan-saang siyudad upang kunwa'y sa kanya ito. Nung napagod ay ini-uwi na n'ya na nagdulot ng mas masigasig na ngiti at maipagmamalaki niya sa mga patay-guton niyang mga kapit-bahay ang kaniyang katangi-tanging pribelehiyo.

Masikip ang eskinita nila Anthony halintulad sa iba pang eskenita sa mga Purgatoryo, at bandang gitna ng block o helera ng mga bahay ang kanilang tirahan. Ikakamamatay niyang igarahe ng malayo sa kaniya ang sasakyang pangarap, kaya't ipinasok niya ito sa tapat nila kahit na ang mga dadaa'y kailangang tumagilig kung mataba o malaki ang tiyan. Walang papalag sa kaniya na taga duon, alam niya. Pagka-parada niya ay bumaba na siya at yumuko upang kunin ang bag na gamit niya sa pag-pasok, may isang plastic pa ng mga PX goods na naka-ugaliang hatiang 'sustento' nila.

Nagmamadali lagi ang batang si Mark, gusto niyang laging mabilis matapos ang anumang gawain niya upang ang nalalabing oras pa sa mga araw niya ay magugol niya sa pagbabasa o sa pagtunganga at pagpapalipad ng isipan. Ilang bahay din ang pagitan ng tindahan ni Aling Pasyon, ngunit may nakaharang na sasakyan sa daraanan niya. Wala siyang pwedeng madaanan habang yung may-ari ng sasakyan ay nakayuko sa nakabukas ng pinto ng sasakyan. Tumakbo si Mark at sumampa sa hood ng Mercedes C Class ni Anthony, sa bubong nito at sa likuran, upang makatawid.

"Putangin...!" sigaw ni Anthony sa batang sumampa sa pangarap niyang sasakyan. "Hoy, halika dito gago kang bata ka, papatayin kita!" Padabog niyang isinara ang pinto upang habulin ang walang hiyang paslit. Galit na galit at nagmu-mura habang mabilis na kumilos ang mga paa pahabol sa salarin. Mabilis niyang nasunggaban sa likod na kuwelyo ang papatakbo na sanang batang nasindak sa sigaw at mga mura, Puno ng galit at sumpa niyang binalibag ang paslit sa malapit na pader, tila bumubula ang bibig na lalapitan ang bata upang gulpihin at turuan ng leksyon sa ginawa nitong pag-sampa sa kaniyang magandang kotse.

Ambang pasuntok na si Anthony sa bata, nang may pumigil sa braso niya. Ang ama ni Mark na galing sa trabaho, mabilis na tumakbo sa eksena nung mamukhaan niyang anak niya ang naka handusay sa may pader at tatanggap ng binubuong sapak ng kaniyang kapit-bahay. Mas malaki ng higit isang talampakan ang ama ni Mark kay Anthony, doble ang kaha at mas malalaki ang biyas kumpara kay Anthony. Ngunit ang pakiusap nito kay Anthony ay, "Parang awa kapatid, ako na lang ang gulpihin mo kapalit ng anak ko, at humihingi ako ng paumanhin kung ano man ang nagawang kasalanan ng anak ko." Lumuhod ang ama ni Mark sa harap ni Anthony, bumaling sa anak pinatayo at pinalayo ito sa lugar ng maaring enkwentro, o pagpapataw ng parusa ng isang bugso ng paghihiganti sa isang nakaluhod na nagpahayag ng pagtanggap sa kanyang parusa.

Natigilan si Anthony, hindi niya gustong maka enkwentro ang tahimik na mamang kapitbahay. Bumaklas na din ito ngunit hindi maubos ang mura at mga pagalit na salaysay tungkol sa kasalanan ng anak ng bagong dating.

Gagawin ni mang Pepito ang lahat upang maitaguyod ang anak at protektahan ito, kahit buhay niya ang kapalit. Lalo na ngayong alam na nilang mag-asawa na kakaiba si Mark. Nuong natutong magsalita ang bata sa edad na isa't dalawang buwan ay tumatak sa isip nilang abnormal ang anak. Hindi na pwedeng masundan dahil kumplikado ang matres ng asawa. Tanggap ni Pepe kahit na isinilang na maaring bakla o autistic ang anak, matagal na niyang ipinihiwatig ang debosyon niya sa asawa at sa magiging pamilya nila. Ipinasok nila sa ekwela si Mark sa edad na 3 taon, sa mungkahi na din ng mga guro sa pampublikong paaralan. Nung una'y iniligay ang bata sa SPED program ng paaralan sa paga-akalang espesyal ito. Ngunit ang pagka-espesyal ng bata ay lumabas at napansin ng mga guro at punong guro, isinama ito sa normal program sa unang baitang. Sa ilalim ng mga pamantayang puntos ng pag-abante at pagpapabilis o Acceleration, nakasama si Mark hindi lang sa honor roll kundi pati sa hanay ng Moving-up o magtatapos sa taong 2018.

#

April 24, 2016, 19:35 nang lumapag sa lupa ang eroplanong sakay si Wilhem Smith. Mula Francia sa miting ng Board of Directors ay inisa-isa niya ang itinerary sa Europe, mga bansang Ecuador, Somalia, India, Niger at ang huli ay sa Chad, Africa, bago siya tumungong Pilipinas kung saan ang bulto ng misyon niya ang destino.

"Welcome back Mr. Smith," makahawang ngiti ni Don sa sinusundo niya.

"Hello Don, how's Andrea? She was pregnant the last time I was here if I remember correctly." Balik na bati ng puti sa mataba at maitim niyang assistant at kaibigan.

"Our son is 1 year old now Mr. Smith, and we would like to get you as a god-father at next Sunday's christening." Imbita ni Don habang minani-obra ang kariton ng bagahe ng bagong dating.

"I will get angry if you and Andrea did not, haha. My friend we have a lot to do, I'm afraid my Filipino is still awful so please do not leave my side, especially with the ELDERS. I have good news for you later my friend, when we get to the hotel I will tell you all about it, and the things we need to do." kwento ng banyaga sa katutubo.

"Of course I will be with you always. I am so excited Willhelm." sukdol na tuwang sagot ni Don sa kaibigan.

#

Sa kasalukuyang panahon, ibinabalik ni Red ang balintataw sa kanyang nakaraan, habang lulan siya ng isang itim na SUV papunta sa isang kampo militar. Ang 'Red' niyang pangalan ay isang binyag dito sa grupo na kinabibilangan niya ngayon. Mahigpit na itinatago ang totoong pagka-tao nila bilang operatiba, isa ito sa mga protokol sa kanyang larangan. Alam niyang ang pulong sa destinasyon ay briefing para sa mga kasunod na mga nakapilang yugto mula sa una nilang operasyon. Siya ang team leader ng piling black ops strike team, at kasama niya sa sasakyan ang kakambal sa mga operasyon, ang leader ng tactical team, isang grupo ng mga techs at specialists na gumagabay sa bawat operasyon ng kanyang strike team, upang magbigay ng suportang taktikal gamit ang web, back-door access, at mga maka-bagong teknolohiya. Unang nasubukan ang kanilang sabwatan o kolaborasyon sa Quiapo Church misyon, ang Oplan Fiery Phoenix.

Taong 2007 Northern Iraq sa kanyang guni-guni, kabilang siya sa sundalo ng mga Amerikano na umokupa sa bansa simula nuong invasion, tatlong taon nang nakakaraan, unang combat tour of duty niya ito. 3 taon pa lamang siya nang pinalad mang-ibang lupain sa Estados Unidos ang kaniyang mga magulang mula sa Pilipinas. Sa Bronx, sa boroughs sa New York sila nanirahan. Pagka-lipas ng isang taon ay iniwan sila ng ama at sumama sa isang kana. Nag-pursigi sa paglilinis ng mga bahay ng iba't-ibang amo kasabay ang pagiging taga-hugas ng kubyertos at pinggan sa isang restaurant ang inay upang mapakain silang tatlong magkakapatid. Dahil sa impluwensya na nakapaligid sa kaniya ay naging soldado siya sa isang gang ng mga Latino. Nakapatay ng isang black American sa isang convenient store na hino-hold up nila sa edad na 16. Nakulong sa rehabilitation, at nahikayat magpa-lista sa pagka sundalo sa edad na 18.

Sa ilalim ng Siera platoon, 30th Infantry, 1st Battalion nuong 2007, ang kanilang squad ang naatasang maghatid ng dalawang POW sa kabilang base malapit sa Arab Jabour, ang operasyon ng forward base nila ay ang pagtugis sa mga insurgents na umugat mula pa sa Ba'ath Party ng nabuwag na gobyerno, kaya't ang mga POW ay pino-proseso sa mga baseng nasa loob ng occupied green zones. Mangilan-ngilan na din naman itong ginagawa ng ibang squad ng walang insidente kahit na ang ibang dadaanan ay mabundok at ilang. Walang naging engkwentro ang mga nakaraang misyon, maliban sa kanila nuong gabing iyon.

Unang putok na narinig ni Red na siyang nagpa-taob ng forward humvee ay galing sa isang Improvised Explosive Device (IED), hindi gaanong malakas ang sabog, walang nasawi ngunit gulat at balikwas ang mga sakay nito. Huminto ang dalawa pang humvee na kasunod sa magkabilang gilid ng naka-tagilid na humvee, habang ang mga lulan nito'y mabilis na pumu-westo sa loob at pagitan ng dalawang sasakyan, bilang defensive perimeter. Kahit wala pang utos galing sa kanilang squad leader, ang squad ay biglang nahati sa tatlong fire teams upang kumutan ang 360 degree na espasyong nakapalibot sa kanila, ang bawat 4 na miyembro ng fire team ay nakatutok sa arko ng fire resolution niya sa labas ng kanilang perimeter, nakasandal, nakaluhod, nakadapa sa mga sasakyan upang proteksyon sa mga bala at pasabog pang darating sa taglay nitong balute or armor.

"Here comes the fuckers!" Ang sambit ng isa niyang kasama At nagsimula na ang delubyo. Unang bumayo sa grupo ang mga galing sa Rocket Propelled Grenades (RPG), sa palibot ng kanilang perimeter. Gumanti ng putok ang kanyang tropa kahit na wala silang nakikitang kalaban sa kadiliman ng gabi. Nang tumigil ang mga RPGs, mga putok ng armas sa buong palibot naman at mga sniper fire ang kasunod na bumawas sa kanila ng tatlo, kasama ang kanilang squad leader.

Ilang saglit pa ay lumusob na ang mga strike teams ng kalaban ngunit hindi galing sa kanilang harapan. Mula sa dilim, walang hudyat na biglang nabuo ang anyo ang mga kalabang mandirigma sa kanilang piling sa loob ng kanilang zone, ang mga kasuutan nilang thawb ay kakulay ng buhangin at gabi, ang kanilang mga pakay ay kamatayan ng kalaban. May putok ng Kalashnikov AK-47 mula sa likod, at mga gilid, sa loob mismo ng kanilang perimeter. Ang mga mandirigma ay galing sa mga butas sa buhangin na kanilang pinag taguan. Kinalkula nila kung saan hihinto ang masasabugang sasakyan ng IED, ang kanilang tactical defensive positions, at duon sila naghukay at nagkubli, upang hindi na nila kailangang pasukin ang lugar ng kalaban, nasa loob na sila umpisa pa lamang ng enkwentro.

Nakita niyang isa-isang tumumba ang mga kapatid niya sa armas, ang mga kaibigan niya, ang mga katiwala niya. Hindi nagtagal ay humupa ang resistensya na galing sa grupo nila. Nakita niya habang bulagta na iniisa-isang patayin ng kanilang kalaban ang mga naka tumbang mga kapatid niya sa pamamagitan ng head shots, hindi pa fatal ang mga tirada ng mga mandirigmang kalaban sa mismong enkwentro, 'isa itong rescue mission,' sa pagtanto niya. 'Ngayon pa lang kame papatayin ng mga mandirigma, pagkatapos nilang masigurong buhay ang kanilang sinaklolohang mga bihag namin na malamang ay may mga mataas na halaga.'

Lumapit na ang isa sa kaniya, ang kaniyang berdugo na may kasunod ilang hakbang sa likod niyang nakahanda at nakatuon ang armas sa mga pakay. 'Kung hindi lang inilayo sakin ang mga sandata ko nuong pagtumba ko ay lalaban ako, mamamatay nalang din, gusto kong isama ang isa sa kanila.' Ang muling salaysay niya sa isip ng mga segundong iyon, habang ipinikit ang mga mata sa pag tanggap sa sitwasyong pagta-tapos ng kaniyang buhay.

"Pilipino ka kapatid?" Gulat ng dumilat si Red sa narinig na tanong gamit ang wika ng kanyang sinilangang bansa. Sinipat ang nakatayo sa kinararatayan niya. "O-oo." naguguluhang sagot niya. Hindi niya makita sa dilim ang mukha ng nagsalita, maliban sa turban ay naka war paint at nababalot ng gabi ang kapaligiran.

"Malala na ang natamo mong tama kapatid, igagantimpala ko ang buhay mo. Umuwi ka na sa atin." Huling sambit ng boses, at lumayo na ito sa kanya upang tapusin ang mga kapatid niya. Siya lang ang buhay o nag-aagaw buhay nung dumating ang kanilang responde.

Hindi na siya nakapag-tour of duty pang muli sa serbisyo dahil pinutol ang kanyang isang binti sa ibaba ng tuhod hanggang sa paa, sa tabi ng paa niya sumabog ang initsang granada ng kalaban nuong enkwentro. May hukay ang isang bahagi ng tagiliran niya pagtapos ng operasyon niya sa ospital ng militar, nabasag ng mga bala mula sa AK-47 ng isa sa mga mandirigma ang kalahati ng kaniyang liver.

Sa tulong ng prosthetics at artificial limb and foot ay nakalakad siyang muli, nagpalakas, nag-pursigeng maging sing lakas niya dati. Nag-hilom na ang mga natamo niyang sugat at nabuo ng muli ang pagkatao niya isa't kalahating dekada ang makaraan. Naging isang non-commissioned Drill instructor sa militar. Ngunit hinahanap-hanap niya ang enkwentro, kaya't tumiwalag sa US Army, naging mersenaryo sa iba't-ibang organisasyon sa iba't-ibang bansa.

Ibinalik ni Red ang sarili sa kasalukuyang panahon. Sa isip niya'y ang pagsasambit: 'Misteryosong mandirigma, kilala na kita. Ang mga galaw at gawi mo, ang aming intel kung saan ka galing at nilikha bilang isang mandirigma, lahat ito'y nagtuturo sa iyo. Magkikita tayong muli Sugo ni Kamatayan.