Chereads / Ang Nobela ng mga Bukas / Chapter 9 - "Sa mga Pag-asang Nawawala, o Sadyang Wala"

Chapter 9 - "Sa mga Pag-asang Nawawala, o Sadyang Wala"

Sa tulong ni Don ay matiwasay ang naging unang usapan sa pagitan ni Wilhelm Smith at ang "Kapulungan ng Nakakatanda". Hawi sa pag sang-ayon ng kolektiba at ng Paris Group ay malinaw na sisimulan na ang sariling-kusa o initiatiba sa lalong madaling panahon.

Ang initiatiba ay base sa iba pang proyekto ng Paris Group sa ilalamin ng Empower Program sa mga bansang mahihirap. Unang yugto ay ang pagpapatayo ng mga likas-kayang proyekto sa enerhiya. Ang mga kasunod ay mga iba pang likas-kaya na tutukoy naman sa pagsulong sa buhay, tulad ng seguridad sa pag-kain, edukasyon, community development at people development.

Kaya't nuong ika-10 ng Mayo, taong 2016 ay umandar na ang gulong ng proyekto. Mula sa Paris Group ang gagamiting pondo upang mag-angkat ng kasalukuyang teknolohiya na gamit tulad ng Concentrated Solar Panels (CSP), Photovoltaic Panels (PV), mga komponente tulad ng Solar Trackers, Storage Battery Systems, circuits, controls at iba pa, ay nag umpisang umagos patungo at unti-unting tumayo sa "Bukid", ang matagal ng pinagbabawalang may tumira, sa gitna ng nakapalibot ng Purgatoryo dos siyete, dose, dise-otso at lima.

Taong 2018 nang ganap ng gumagana at nagagamit ang kuryenteng galing sa Empower Project, at marami pang sobra. Ayon sa batas ng bansa, ang anumang sumobra ay dapat bilhin ng Ahensyang Tagapag-hatid o Distributor. Bilang isang cooperatiba, na kasunduan sa Paris Group na nagpaluwal ng puhunan na ang mga magma-may-ari ay ang mga residente ng mga sakop na Purgatoryo, ay nagawa nilang kumita mula sa unang yugto ng proyekto.

Ang ibang yugto naman ng Food Security ay ang eksperimentong baitang na Aquaphonics farms sa mga bakanteng lote at kahit sa loob ng bakuran ng mga condo o sa malalaking lote ng mga "ugat" at mga mansion ng mga "eredero". Base sa kasunduan sa Paris Group, ang lahat ng ito'y libre sa mga miyembro o hindi, para ito sa lahat ng mga nakatira sa nasasakupan ng initiatiba. Tulad sa kuryente, ang sobrang mga gulay at isda ay pinagbibili sa sentrong pamilihan bilang organic produce, na nilalako naman at naging pagkabuhayan ng mga dating nagbo-bote garapa at namamasura.

Nagsulputan din ang mga alternatibong paaralan para sa mga kabataan. Giliw na giliw ang mga kabataan mula anim na gulang hanggang dise-otso sa mga nag-kabuteng Internet Shops na libre, kahit may salaan o filter ang mga ito sa mga pwedeng puntahan sa web, ay okay pa din daw dahil marami silang napupulot na mga interesante, at walang bayad. Ang mga nagpapa-takbo ng mga net shops na ito ay sustentado naman ng mga ibat-ibang kawang-gawang organisasyon mula sa ibat-ibang bansa. Marami ding organisasyon ang pumasok sa saklaw ng komunidad, upang maghatid ng kanilang serbisyo at misyon na magpa-unlad ng kabuhayan o magpa-buti ng buhay.

#

Ika-nga ng isang taga-baranggay, "Parang kumu-konti ata ang mga buraot dito sa Center ah."

Ang ibang dating bumuburaot sa Baranggay ng Porgatoryo Lima ay ngayo'y na awardan na ng mga electric Pedi Cab o e-tricycle. Isang project ng non-profit organization ng mga Filipinos sa abroad sa California, Estados Unidos. Matagal nang naga-outreach ang organisasyon na ito sa Sitio Junel, San Jose, Mindoro, ngayon lang sila pumasok sa urban area. Sa pamamagitan ng Empower Pilot Programs sa mga Purgatoryo ay nai-abot nila ang tulong sa kanilang kababayan na pautang sa bisa na din ng Cooperative Movement na inumpisahan sa mga nasabing lugar. Sa loob ng limang taon ay maibabalik sa non-profit organisasyon ang pondo pina-luwal nila upang muling ipaikot sa iba namang projekto.

#

"Nuong date," umpisa ni Selmo Cruz sa interview ng isang International Correspondent, "nagbo-bote diaryo, garapa lang talaga ako. Yuon lang daw ang bagay sa aku nga trabaho.

"Nag umpisa silang gumawa diha sa "Bukid", umi-extra lang kame taga limpio, taga ligpit, taga tapon ng mga putol na kable na tini-tingga naman namu kasama ko kanang mga sunog wire boys galing didtu sa kabilang tambakan. Nakita nung puti kung paano kame mag-trabaho. Pinabalik kame kinabukasan, araw naging usa ka lingo, lingo 'gang buwan. Isang taon kameng trabahante nila diha. Ngayon naa na organisasyon na kame at Kooperatiba . Nag-offer kame ng mga iba't ibang Bid sa mga trabahong binuksan nila, kasama yung mga naninirahan sa mga looban namin, para sa amin. Unang in-award sa amin sa Purgatoryo kanang "Food to Market". Grupo namin ng mga dating bote, diaryo, garapa, basurero, mga dating nangli-limos sa kalye ang maga-alaga, mag ha-harvest, at magbi-benta sa Central Market ng mga gulay at isda na naka-tanum sa palibot ng mga lugar nila.

"Miyembro na kame ng Liga nila kaya't bukas na din para sa amu yung mga makabagong paaralan nila. Damay ang mga anak namin sa mga prebileyeho ng mga kapit-bahay namen sa internet shops na libre, at sa mga programang mga pangka-buhayan."

#

Taong 2020 nang napansin ni Dr. Max Alberado ang "social deviance" sa sektor na naka-assign sa kanyang na mga Grids, ang Purgatoryo dos siyete, dose, dise-otso at lima. Si Max ay isa sa mga special analysts ng Palasyo. Nag-tapos ng Social and Behavioral Psychology sa Estados Unidos kung saan ang pamilya niya'y nag migrate sa Estados Unidos, Grade Four siya. Nag-masteral sa Oxford, nagtrabaho sa isang Public Relations na ngayo'y consultant naman ng Palasyo. Siya ay naka-sama sa grupo dahil sa kaniyang ethnic baclground skill set at kakayahan mula sa larangan na napili niyang pag-dalubhasaan. Naisip ni Max na anumang mangyari sa current assignment niya, dito sa bansang pinang-galingan niya, 'pwedeng dito ako kumuha ng dissertation ko.'

Kaya't nuong binuo ni Max ang 'brief' na ire-report niya sa boss nya ay naka TAG ang salitang "Flash-Point Zigma". Ito ang isa sa mga objectiba ng Ahensya nila. Ahensya na eksperto sa pag-buo ng mga lider sa pamamagitan ng manipulasyon sa mga nakararami. Gamit ang Multi-media, Social-media at Fora sites at halos lahat ng mass communication contest inputs. Ang Flash-Point Zigma ay isang importanteng oportunidad upang ma-scale up o escalate ng may kapangyarihan ang kanilang tangan na. Alam na alam ng team ng 'Public Relation Agency' na kinabibilangan niya ang mga historya sa bansang Iraq sa panahon ni Mossadegh, ang krisis sa Venezuela sa pagitan ni Maduro at Guaidó, ang tyraniya sa Cairo, Egypt ni Fattah el-Sisi, si de Lozada ng bansang Bolivia, sa Quebec, Tehran, ang Hong Kong nuong 2019, ang London, Paris Yellow Jacket revolt, Chile, Iraq, Russian uprising at lahat ng nakaraan at kasalukuhyang historya ng mga bansa sa buong mundo.

Sa kasalukuyang briefing nila ng team niya mula sa Public Relation Agency at sa ground teams sa isang kampo ng Presidente, unang nagka harap ni Max si Red na lead ng Strike Action Team, si 'Green' na lider ng Overwatch. Matagal na nilang nakaka-sama sa mga naunang briefings ang kanang-kamay ng Kliyente. Hindi pwedeng humarap ang mismong Kliyente upang pangalagaan ang total deniability nito sa anumang mga plano ang mabubuo sa mungkahi ng Ahensya. Ngayong Agenda ay lakip ang kanilang analysis sa naunang misyon ng mga Operatibang Red at Green, ang "Fiery Phoenix".

Ito ang grupong na-atasan ng Presidente upang magsimula ng Digmaan, ang digmaan na maa-aring magdikta sa galaw ng buong mundo. Hindi hahayaan ng Kliyente, na hawak ang bayag ng Presidente sa bansang kasalukuyang misyon nila, na tuluyang mawala ang nalikom nilang kapangyarihan sa buong sangkatauhan, sa loob na nang mga libo-libong taon na pag-iingat at pagpapayaman sa iba't-ibang bansa. Kailangan ng sangkatauhan ng mga tulad nilang pili at hinubog na maging "... mga Pinuno ng iba't-ibang bansa sa mundo".

Dugtong pa nila. "Kailangan ng sangkatauhan ng gabay, kundi'y puro lamang mga tribo itong mag-a-away away, kundi man ay walang tigil na magpapa-rami hanggang ang mga likas na yaman ay magkulang upang mapakain ang lahat. Hindi ba't iyan ang landas natin ngayon, hindi ba't nagkaka-gulo na ang mga bansa dahil gutom na ang mga mamamayan? Hindi ba't nagpapaki-alaman na ang mga iba't-ibang bansa upang maangkin nila ang likas na yaman ng iba?"

#

"Anak, Amihan. Gusto kong maranasan mo, ang mga hindi ko naranasan nuong aking kabataan." sa panaginip ni Amihan. May humahalong musika sa paligid ng dalaga, habang nagpatuloy si Ama, "Alam ko na ngayon ang kaibahan, ang diperensya, ang hidwaan ng mga may kaya sa buhay at yaong mga walang-wala. Hindi na ata magbabago bagkus ang pagkaka-iba ay lalo pang lalalim sa pag-takbo ng walang humpay na panahon." Paborito ni Amihan yung musikang tumutogtog, "Hindi makatarungan!" muling patuloy ng kaniyang ama.

"Ngunit hindi ba't may kapangyarihan tayong lahat upang baguhin ang bawat hina..." Pangiting sagot na pumutol ng monologue ng kaniyang ama. Nagising na ang dalaga at lubos na niyang narinig ang paboritong musika ng Counting Crows. Alam ng dalaga na premonisyon na naman ito, isa sa mga marami na niyang karanasan sa manipestasyon nito. At tulad ng karamihang manipestasyon, ang katotohanang pangyayari ay magaganap ilang oras, araw, buwan o taon sa hinaharap.

Hindi na ikina-gulat ni Amihan nuong nagpa-pahinga sila sa garden nila sa babang bahagi ng kanilang "mansyon" ang pasimula ng kanyang ama. "Anak Amihan. Gusto kong maranasan mo, ang mga hindi ko naranasan nuong..." Nagpatuloy ang pahayag tulad ng sa premonisyon.

"Ngunit hindi ba't may kapangyarihan tayong lahat upang baguhin ang bawat hinaharap, ama? Hindi po ba't may sari-sarili tayong desisyon kung saan natin gustong iliko ang ating buhay, kung nanaisin ba ng lahat na maiba ang kabuuhan ng kasallukuyan, ay mababago po ba ito sa inaasahan?" Sa pagtatapos ng salaysay ng dalaga ay sabay siyang napangiti ng matamis dahil napag-isip na naman niya ang kanyang ama.

Pagkakataon na niya "Ama, magpapakabit po ako ng fiber cable sa Library, hah? Thank you, thank you, love you ama, hihi."

Ang fibre cable ay gagamitin ng grupo ni Amihan na nabansagan nilang "Ang Mga Kabataan Ngayon" o "Kabataan" sa kanilang unang misyon: "Ang Naglalakad na Apoy".