Bumalik ang isip ni Mark mula Desyemre 2015, sa kasalukuyan. Masarap pag-lakbayin ang isip dito sa headquarters ng "Ang Mga Kabataan Ngayon" o "Kabataan" dito sa Library ni Amihan. Habang ang tugtog sa Surround Ambiant Sound System ay Perpekto ni Dong Abay, Upuan ni Gloc9, Pinoy ng Orange & Lemons at iba pang genre na tila nanggi-gising. Kagabi lang ay kausap niya sa video call ang kanyang Itay Pepito mula sa Europa, na natuloy sa abroad isang taon mula nung ginugunita niyang pangyayari sangkot si Anthony na kapit-bahay nila nuong taong 2015. w din ni mang Pepito ang dating trabaho niya sa probinsya na assistant ng isang Veterinary ng mga baboy, baka at iba pang livestock.
Nakabit na ang fibre cable nila kahapon, dumating naman ang in-order niya online. Dalawang set na tig-anim ng Multi-Rotor DJI Mavic 2 Pro, Remote Controlled Unmaned Arial Vehicles (RC-UAV) o Drones. Si Mark ang magku-kumpuni ng mga modipikasyon o sa pagbabago ng mga ito pa-akma sa mga misyon nila. Naka toka din kay Mark ang mga configuration at algorythm na magpapatakbo sa feed relay mula sa Hasselblad HDR camera ng mga RC-UAV Drones, ang GPS system, ang handshake interface ng mga drones sa workstation at joystick ng bawat miyembro ng Kabataan, at ang hive program protocol na ang command ay sa computer console ni Mark. Kontrolado ni Mark ang Alpha na susundan nung labing isang indipendent UAV, isa sa mga modipikasyon ng batang henyo. May kani-kaniyang SIM card ang bawat UAV, Mga cell networks ang kanilang buhay na dumadaloy sa bawat isa sa kanila.
Kinagabihan nang alas-onse, gamit ang mga pormasyon na plinano at inensayo ng grupo nung hapon, tig-dalawa ang mga miyembro at operatiba ng Kabataan sa bagong RC-UAV Drones na magi-imbistiga sa "Daang Mahiwaga", sa Purok Dos ng Purgatoryo Nueve. Tila walang antala sa relay feed mula sa mga maliliit na mini cams ng drones papunta sa kani-kanilang workstations, habang ang malaking UHD telebisyon sa Library na naka Local Area Network (LAN) sa bawat isa sa kanila ay ang kanilang central monitor, kasalukuyang naka hati sa labing dalawang punto vista ng bawat drone. Si Mark ang nagko-kontrol kung ano naman ang nais nilang makita ng mas malaki na uukopa sa buong espasyo ng HDTV.
Mabilis nilang nagawan ng digital composite na inimbak sa kanilang server yung ilang metrong daang mahiwaga, nagawan nila ng Topographic Mapping ang sakop ng kanilang perimeter.
Hindi nagtagal ay nakita nila ang apoy sa kani-kaniyang console monitors na nagmula sa gawing Norte na simula ng daan. Nag-lakad ang berdeng apoy tatlong metro mula sa lupa. Bumubuga sa lupa tila sa mga sumunod na hakbang nito. Namangha ang tropa ng Kabataan, ni-recall ang mga Drones. Paulit-ulit nilang pinanuod ang nakuhang feed mula sa unang surveilance mission. Naka ilang ulit pa sila sa remote surveilance missions, bago sila nag-pasyang mag imbestiga ng pisikal sa daan.
Sari-saring sampling ang kinuha nila sa lugar tulad ng lupa, hangin, mga sunog na bagay kapag may nakita sila. Susuriin ito ng kambal na Clei, Cloe at Amihan. Sa dating hallway papuntang banyo sa tabi ng bintana na ginawa nilang Laboratoryo, duon na-isolate ng team ni Amihan ang bakas ng isang interesanteng kompuwestong kemikal.
"Ano ba ang history n'yang lugar?" Bitaw ni Rogelio sa team niya na nakatutok sa kanilang mga consoles.
Miya-miya'y sumagot si Rex "Dating dump-site."
Dinugtungan naman ni Mark "Ipinasara ng Gubyerno sa pamamagitan ng hindi na pag-renew ng kontrata sa karatig na bayan upang mag-tambak."
Hanggang sa nadiskubre nila ang mga grupo ng mga iskwater o informal settlers na nakatira sa iba't ibang kumpol di kalayuan sa Daang Mahiwaga, na mga dating nangangalakal sa dump-site. Sa hirap ng mga ito'y sa paligid sila ng mga puno nag usbungan upang hindi na gumawa ng mga posteng pagkakabitan ng mga lumang plastic, tarpaulin, tela na nagsisilbing panagga nila sa araw at ulan. Mga tuyong sanga, uling, nabubulok na mga kahoy at iba pang didingas naman ang mga pang-gatong sa pagluluto ng mga kung anung mahuli nilang hayop, minsa'y mga palaka at dagang bukid, sa nagu-umpisang gubat na ngayon.
Sinimulan ang tokang mag-saliksik ni Rogelio, Mark at Rex ng anumang ipormasyong tungkol sa lugar gamit ang internet o mga arkibos o archive ng Bansa at mga ahensya nito. Habang ang team naman ni Amihan at kambal na Clei at Cloe ay patuloy sa pag suri sa Lab sa bagong lead na na-diskubre nila mula sa mga sample na inuwi nila mula sa Daang Mahiwaga.
Sumunod na araw sa kanilang pagti-tipon upang matunton ang mga susunod nilang hakbang base sa kanilang mga bagong tuklas sa Lab at Pagsasaliksik. Napagka-sunduan ng Mga Kabataan na hatiing panibago ang grupo. Sina Rex, ang kambal at Mark ay gagawa ng mas malalim na Pananaliksik sa pamamagitan ng interview sa mga settlers sa palibot ng daang mahiwaga. Kahit malaki ang katawan ni Rex, sa tulong ni Amihan ay sasamahan sila ni Sima at dalawa pang tao ng Ama ni Amihan bilang escort sa misyong ito para pangalagaan ang seguridad ng apat. Habang si Amihan at Rogelio ang magpapa-tuloy ng pagsasaliksik sa iba pang aspeto gamit ang web, mga libro at iba pang resources mula sa kanilang headquarters at servers.
Isang linggo ang itinagal ng pagsasaliksik at pag-lakap ng mga impormasyon sa settlers, at ang nabuo nila ay isang Teorhiya sa "Misteryo ng Naglalakad na Apoy". Kung ang ibang entity ay tapos na ang Misyon kapag nalutas na ang misteryo, sa Mga Kabataan Ngayon, kalahati pa lamang ito. Sunod nilang ginawa ay lumapit sa grupo ni Wilhelm Smith at sampu ng mga espesyalista't inhenyero ng Empower upang komunsulta at mag-umpisa ng isang pet-project ng mga Kabataan.
Kahanga-hanga ang "Mga Kabataan Ngayon" o "Mga Kabataan" kung magkaka-sundo ang mga pagka-kataon at oportunidad. Alam ng anim ang mga kani-kanilang gagawin, nagka-kaisa sa layon. Ang bawat kanilang lakas ay nagiging lakas ng grupo, ang kahinaan ay napu-punuan na isa't-isa. Tila lumilikha ng isa pang nilalang na ang katangia'y personalidad ng anim. Isang nilalang na magkakaroon pa ng ibang misyon na interesante. Maalamat at mahusay na mahusay ang iba pang kaso o misteryo ang mga susunod pang haharapin ng grupo na ito ng kabataan. Mga misyon at pakikipagsapalaran na karapat-dapat na itala at isulat upang ma-parisan ng iba pang Pilipinong kabataan ng Bayan. Hanggang sa dumating ang panahon ng giyera at kamatayan sa mga Porgatoryo, sa bayan ng mga Pilipino.
Ang Misteryo ng Naglalakad na Apoy sa dulong bahagi ng Purgatoryo Lima, at sakop ng Purgatoryo Nueve, na ilang dekadang naging tambakan ng basura mula sa iba't-ibang siyudad ng Regiyong Kapital ng bansa. Nuong nahinto ito, ang ika-apat na bahagi ay naging sentrong pinamugadan ng mga komunidad na nagtayuan ang mga bahay at nakilala sa Purgatoryo Lima, ang ika-lawa at ikatlo ay naging bahagi ng Bukid. Habang ang ika-apat na bahagi na katabi ng burol o bundok ay umpisa namang naging tibagan o "quarry" ng isang kumpanya ng graba at buhangin na ginagamit sa mga bahay na yari sa semento sa mga subdibisyong mararangya.
Sa Daang Mahiwaga bumabaybay ang mga truck na naghahakot mula sa quarry. Nuong una walang semento't espalto ang daan, lumulubog ang mga gulong ng mga pang hakot na trak sa gilid kaya't uma-angat ang gitna. Alam ng kumpanya ng tibagan na dating tambakan ito kaya't ganun kalambot ang mga lupa, maliban sa tabi ng bundok na kanilang mini-mina, kaya't kailangang sinisimentuhan para hindi mabalaho ang mga naghahakot sa produkto. Kahit na madalas ang pagsi-simento o espalto, hindi pa din maiwasang lumubog ang magkabilang gilid sa bigat ng mga gulong ng dumadaang nag-hahakot. Sa gitna ng semento at espalto ay may panaka-nakang biyak ng simento na animoy mga biscuit na binali. Ito ang mga lupa at kapirasong semento na nasa laboratoryo ng mga Mga Kabataan Ngayon.
Dito nakita ng Kabataan ang bakas ng "Methane", isang kompuwestong kemikal, dito din sila nagkaruon ng direksyon na ang misteryong 'Apoy' na naglalakad ay mga nakaka-walang mga gas mula sa ilalim ng lupa. Ang hanging amihan na tumatalbog sa bundok ng quarry ang may baong dingas para sa mga kapu-pugang gas, mga bagang nililipad ng hangin mula sa gatong ng mga settlers na naka-palibot sa daang mahiwaga. Naglalakad ang apoy sumusunod sa daang biyak sa gitna. Duon nagsasalubong ang mga baga na naglalakbay upang dingasan ng buhay at maging apoy kahit saglit ang mga hanging kompuwesong kemikal na pinanganak sa basura sa ilalim ng lupa, kaysa mag ambag sa greenhouse gasses na naiipon sa himpapawid na magdudulot ng trahedya sa sangkatauhan. Mula sa kanilang pagsasaliksik, kanilang nadiskubre na ang Methane ay isang makapangyarihang "greenhouse" gas. Kapag nakawala, ang 0.454 kilo o isang "pound" nito ay kayang mag-ipon 25 na ulit ng bigat nito ng init sa himpapawid o kapaligiran. Isa sa mga nag a-ambag sa "Climate Change" na dinaranas ng buong mundo.
Gamit ang mga nalakap na suhestiyon sa mga espesyalista ng Empower, ang mga Kabataan, kasama ang mga na-enganyong mga settlers, ay nagbaon ng mga pinagdugtong na "round pipes", ang mga iba pa nga ay kawayang pinagdugtong-dugtong at binutas ang mga loob, na may mga butas naman ang boung bahagi na panglabas na hihigop kapag naka baon na sa lupa, maliban sa dulong naka angat na mga sampung pulgada. Isang daang pipa o pipes ang unang naibaon sa turo ng mga espesalista, gamit ang hiniram ding mga "drill" at iba pang makinang pambaon mula sa "project site" din ng Empower sa Bukid. Ang bawat dulo ng mga pipa ay kinabitan naman ng lobong goma na lolobo kapag naiipon na ang mga sdya nilang kompuwestong kemikal. Sa may dulo din ng mga nakabaong tubo ay nakakabit ang plastik hose na dadaan sa isang malakas na "compressor" upang sipsipin ang bawat pipa, ito ang kanilang "crude vertical wells" sa pag-katas o "extract" ng mga Methane gasses sa ilalalim ng mga lupang natabon na ng panahon.
"Flaring" o agarang pagdingas o pag-sunog ang rekomendasyon ng mga kinunsulta nila, dahil ang solusyong ito ay isang hindi repinadong proyekto upang maisa-proseso pa ang anu mang makukuha nilang iba pang kompuwestong kemikal. Nuong una ay pinapalutang nila ang Methane, sa ginawa nilang "airtight " na tangke ng yero at bakal kung saan ang lahat ng nahihigop sa mga "vertical wells" ay naiipon papunta sa hurnohan. Sa hurnohan sila nagtitipon upang magluto, magpa-init kapag malamig ang gabi, nagki-kwentuhan at unang nagka-isa.
Masyadong nabuhay ang inspirasyon ng mga taong ito at halos hindi makapaniwalang may nagmamalasakit sa kanila at tutulong. Sa inspirasyon ay nagpakitang gilas pa ang ilan at gumawa ng isa pang projekto, ang ipunin ang kanilang mga dumi sa isang saradong tambol o "drum" at gamitin ito sa pagluluto sa loob ng bahay ng isa. Sa isang aksidente ay sumabog ito sa tahanan nung nag eksperimento, suwerte sapagkat wala namang nasaktan, nabalot lang sila at ang loob ng munting tirahan ng kanilang mga tae.
Mula sa pangyayari at sa tulong ng Kabataan, ang mga settlers ay nakapag-buo ng isa ding Kooperatiba tulad ng karamihan sa mga Purgatoryo, at dahil dito ay natulungan silang maka arkila ng "Heat to Electricity Generator" mula sa Empower na nagbigay ng kuryente sa mga maliliit na kampo ng settlers. Kuryenteng nagagamit nila sa paglu-luto sa loob ng kanilang mga kubo, pangka-buhayan na nagagamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral sa libreng pampublikong paaralan o sa mga alternatibong makikita sa mga Purgatoryong unang natulungan ng mga pagkaloob mula sa labas at loob ng bansa, kabilang na din sila sa pagiging bahagi ng sakop na Kooperatiba.
Hindi pa din dito natapos ang misyon ng mga Kabataan, kasama sila sa kasunduan ng mga settlers at Empower sa pagpapahusay ng naunang sistema na ginamit nila, gayun din ang pagiging kasama o partner sa mga susunod pang proyektong may kinalaman sa "Methane Extraction" mula sa mga dating tambakan, na balang araw ay papasukin din ng banyagang grupo. Masaya na ang Kabataan sa kanilang tagumpay sa una at susundan pang misyon, at dahil sa idea ni Rogelio na gawing Kooperatiba ang mga settlers, na alam nilang matutulad sila sa mga iba pang nasaksihan ng mga Kabataan na wastong nangyayari sa mga iba pang Kooperatiba sa kani-kanilang Purgatoryo. Nasaksihan din ng mga settlers na ang dating kinatatakutan nilang multo o espirito ay isang bagay na mabpapabago tungo sa mabuti ng kanilang buhay, isang tila himalang nakamit mula sa pag rebelde sa normal at karaniwan ng mga Kabataan, sa kanilang pagtutulungan at pagkaka-isa.
#
Habang nag-uusap ng mga pormalidad nalang ang boss ni Max Alberado at ang Presidente ng bansang kasalukuyang misyon nila, ay naglalaro pa din sa isipan niya ang pagsang-ayon ng huli sa kanilang plano. Ang Kliyente nila ang nag areglo upang ang Ahensya nila ang maging konsultahan, o mas tamang magdi-dikta sa Presidente ng bansang ito, sa pamamagitan ng isa pang higanteng bansa sa pag-tawid ng dagat at tabi sa may kanluran ng bansang kanilang misyon. Naka selyo na ang Presidente kapalit ng Trilyon-trilyong dayuhang utang na ninanakaw naman ng Presidente at mga tao sa paligid niya, luma na ang sistemang ganito na hinala ni Max ay pakana din ng Kliyente sa bansang Venezuela at iba pa. Ang pagsang-ayon ng Presidente sa mga sunod-sunod na misyong ay magmi-mitsa sa isang pangmamamayang digmaan o civil war. 'Taon man na ang ito ay mangyayari simula sa araw na ito, ito ang layunin ng Kliyente, walang duda,' patuloy niya sa isip na sanay mag analisa.
Kasama si Max bilang isa sa mga ulong taga-analisa ng Core Executives sa kanilang punong opisina at sentrong tanggapan sa Washinton DC, Estados Unidos, habang ang isang koponan nila naman ang naka talaga sa Presidente ng Venezuela nuong taong 2015. Ipinasa n'ya ang mga case files niya nung natanggap ng boss nya ang Philippine assignment bago matapos ang taon na iyon. Hindi mapakiwari si Max kung plano pa din ng Core Executives ang kasalukuyang nangyayari sa Venezuela, 'malamang!' Sagot niya sa sarili 'continuing engagement pa din kami duon.' Huminga ng malalim. 'Ang kaibahan lang sa kasalukuyang misyon ko,' patuloy ni Max sa sarili, 'ay kumprontasyon ito, at minarkahan ko ang target na mitsa.' Sumilip ito sa papel niya, ang brief sa Presidente, sa titulo ang mga katagang Flash-Point Zigma.
#
"Phoenix One, zooming in on subject's device." Protokol na pahayag ng nasa unang istasyon sa grupo ni Overwatch habang ang kanilang Fixed Winged Global Hawk Tier II + AHE UAV (High Altitude, Long Endurance Unmanned Arial Vehicle) ay naka loiter sa bisinidad, 55,000 feet sa alapaap.
"Tapping UHF Provider's Network now. Phoenix Two tapped to mobile network, on real time." bati nung nasa sumunod istasyon sa progreso ng misyon.
"Phoenix Three, traingulating recipient from subject's device." Sa sumunod na istayon.
"Phoenix Four receiving and.... on main monitor." Pahayag naman sa huling istayon na coordinator ng buong team sa kumpletong "acquire" nila.
Nakatutok na ang konsentrasyon ni Overwatch, ang lider ng koponan sa isang malaking flat screen HD na telebisyon sa harap ng mga operatiba. Habang ang isang binatilyo ay papalapit sa mosque sa loob ng Purgatoryo Dos-Syiete, naka dishdasha, may kausap sa kanyang mobile phone na ngayo'y nasa bigscreen na nila Overwatch.
"Number one, umpisahan na ang tap intercept." Utos ni 'Green', ang Overwatch.
"Commencing second protocol." Pahiwatig ng coordinator, alam na ng iba pang operatiba ang kani-kanilang gagawin sa ilalim ng protokol na ito, ang bawat nilang kolaborasyon sa kasalukuyang misyong intel.
#
Sinalubong ng isang katiwala sa mosque ang binatilyo at inihatid sa pangalawang silong ng samabahan, nadaanan nila ang unang silong kung saan ang ibang kabataan ay nanunuluyan sa pagkupkop ng mga imam. Binuksan ng katiwala ang pinto ng isa sa maraming naka sarado at nakahilerang mga pinto, sinenyasan ang binatilyo na pumasok sa silid, pagpasok ng binatilyo ay isinara ng katiwala ang pinto at tumayong nagbabantay sa labas. Sa loob ay may lamesa kung saan naka nakayukong nagbabasa ang isang matandang naka thawb o thobe at topi.
"Salamalaikum, Ama." Bati ng binatilyo sa matanda.
"Malaikum salaam, Apitong" balik ng Ama ni Amihan, at ama din ng marami pang taong nakaka-alam ng pagka-tao at kapangyarihan ng matandang Shiek sa Oraganisasyon, sa mga ulo nitong Lupon ng Kapatiran, at bilang isa sa mga utak at katiwala ng kanilang Sultan sa Purgatoryo Dos-Siyete.
"Paki lagay mo nalang diyan yung pinadala ng tatay Samiil mo, Apitong." Paturong hudyat ni Ama sa pinaka-malapit ng parte ng mesa sa binatilyo.
"Opo Ama." Inilapag muna ng binatilyo ang kanyang cellphone sa mesa upang mahugot niya mula sa loob ng kanyang dishdasha ang kaingat-ingat na mga papel na iniutos ng kanyang tatay Samiil, mga impormasyong maraming taon ng pinapasa kay Ama. Impormasyong nasasagap niya bilang punong mayordoma sa palasyo ng Presidente. Ang anak na panganay ni Samiil ang taga hatid ng mga ito, dahil delikadong ibang tao, o idaan sa mga makabagong pang-komunikasyong digital.
Hindi din naman nagtagal ang binatilyo, pagtapos ng palitang kamustahan sa ibang miyembro ng pamilya niya na malapit si Ama, at pahatid ng kamusta ni Apitong sa ate-atehan niyang si Amihan ay umalis na ito sa tanggapan ni Ama.
Sinilip ni Ama ang pahina ng papeles, hindi niya mapigil ang sarili sa kabila ng plano niyang mamiya pa ito susuriin. Tumambad sa isang pahina ang litrato ng pambungad na papeles mga katagang Flash-Point Zigma. Napailing si Ama sa kunsensyang pag-alala sa pagpilit niya sa matagal ng kaibigang Samiil na gumalaw ng delikado, ang buksan ang kahong sikreta sa opisina ng Presidente at kunan ng litrato ang lahat ng anumang nasa loob. Nasagap ni Ama sa isang intelihensya niya na may kakaibang galawan sa taong nasa taas na nakapalibot sa Presidente, nasagap naman sa ibang pinagmulang intelihensya ni Ama kung saan ugaling itago ng Presidente ang mga mahalaga at kasalukuyang papeles. Bilang punong mayordoma, may mga pagkakataon si Samiil na bantayan ang mga maglilinis ng silid na iyon.
Lingid kay Ama, ito ang magiging mitsa ng buhay ng kaibigan niya ilang araw mula sa kanyang pag-tanggap ng papeles na ito, at sa kanyang buhay eksaktong tatlong taon sa hinaharap. Ang kamatayan ng Shiek na si Ama, sa kamay ng pangatlong salin ng alamat na siya mismo ang nag-umpisa, ang alamat na Sugo ni Kamatayan, isang kathang kinatatakutan, lihim na pinasasalamatan ng mga walang ibang alam na pag-asa kundi ang bangin ng kamatayan.
#
Sa tahimik at mahabang pag-aabang ng koponan ni Green simula nung wala ng pang-himpapawid na biswal sa kanilang drone, nakasalalay na lamang ang mga ito sa feed na audio mula sa natapik nilang cellphone ng kanilang subject, wala silang matapik na biswal mula sa camera nito, lahat ay passive at dilim lamang.
"Visual acquired, visual acquired!" Biglang sigaw ni number 3, ang operatibang nakatutok sa natapik nilang cellphone. Sa mga ilang segundong paghugot ng subject sa kinalalagyan nito at pagpatong sa mesa ay nakakuha sila ng sampung frames. Tatlo dito ay may imahe ng bagong subject na nadaanan ng back camera nung unang subject. Dalawa sa tatlo ay masyadong blurred, ngunit ang isa ay kayang kunin ang profile ng bagong subject gamit ang mga image enhancing softwares na dalubhasa ang isa sa operatiba ng koponan.
Napangiti si Green, nagpasalamat sa mga operatiba. Alam niyang makikilala na nila ang alas sa linya ng baraha nila sa intel. Ang hari ay ang Sultan, at ang alas ang utak na nagpapa-galaw sa mga sundalo at nangangalap ng intelihensya para sa kalaban nila.
itutuloy...
(end of BOOK ONE)