Chereads / Ang Nobela ng mga Bukas / Chapter 5 - "Sa Purgatoryo Dos-Syete"

Chapter 5 - "Sa Purgatoryo Dos-Syete"

Sa mga sulok, gilid at tabi-tabi ng mga mauunlad na siyudad at magagarang subdibisyon ay ang kung tawagin ay mga Purgatoryo. Tahanan ng mga maliliit na tao sa lipunan, mga alipin at biktima ng sistema, biktima ng mga taong may mga ideyang mas angat sila sa nakararami, suki ng mga taong nang-uuto upang maka-upo gamit ang kanilang mga boto, mga parokyano ng mga oportunistang legal na grupo tulad ng television networks at iba pang media, at ng mga ilegal tulad ng mga kartel ng droga. Sangkalan o taga-salo din sa mga salot sa lipunan mula sa mga halang ang sikmura. Lugar na may bahid ng karumal-dumal at kaya't kinakailangang tinatakpan ng mga tarpaulin o mga pinintahang plywood lalo na kapag may mga delegasyon galing ng ibang bansa. Tinatago, ikina-kaila, ikina-hihiya. Hindi maaring alisin ng mga nanunungkulan, sapagkat sinauna pa ma'y ina-alagaan na ang mga Purgatoryo upang madaling utuin, bulagin, linlangin ng mga politiko. Isang balong pinang-gagalingan ng mga boto, dapat lang kilalanin mo ang mga puno't ugat at sapat ang bayad mo, salapi man o pangako.

Tulad ng sanlibutan, biktima mula simula ng mga iba't ibang relihiyon, mga bulaang propeta, kulto at mga panatiko ng mga itong kadalasan ay nagpapatagisan, nag aaway at nagpapatayan na halintulad sa mga politiko ay upang magligtas ng mga kaluluwa, kuno.

Sari't-sari ang mga tao dito. Sa mga bungad, ang karamihan ay mga bagong salta, mga namamasukan sa kalapit na mga siyudad at iba't-ibang pabrika, ang iba nama'y bilang mga kasam-bahay sa mga magagara at mararangyang subdibisyon. Sa bandang gitna, karamihan ang mga nangangalakal, mga tindera sa kalapit na palengke, mga taga-luto't serbidor sa mga kantina, mga namamasukan at tauhan sa mga car wash o taga sip-sip ng mga poso-negro, mga 'barker' sa mga terminal ng pampasaherong sasakyan, o taga-ipon at taga-pulot ng basyo ng tubig at soft-drinks na kalakal. Sa mga gitna o dulo ng bawat Purgatoryo ang mga "Ugat", ang mga naunang nagtayo at nag-tirik ng kanilang pangalan sa lupang hiram. Madali mong makikilala kung sino ang mga Ugat, sila lamang ang mayroong mga haliging bato at bakal na napapalibutan ng mga maliliit na tahanang gawa sa mga yero, 'dos por dos' at plywood lamang. Malalaki ang sukat ng lupa at may ika-lawa hanggang ika-limang baytang na impraestraktura o "Mansyon" sa bansag ng mga taga rito. Mga "Eredero" naman ang tawag sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan dito. Hindi pwedeng walang paupahan ang mga Eredero sa loob ng nasasakupan na Purgatoryo, ito ang normal na kanilang pinagka-kitaan kasama ang pautang at iba pang negosyong tinatangkilik ng mga taga rito. Ang ibang halang na may kapangyarihan at impluwensya sa mga Ugat ay ang nagpapatakbo naman ng mga ilegal, tulad ng sugalan, bentahan ng lamang pampa-raos o pang-palit sa pyesang pang-loob ng mga may sakit, smuggling, droga, at kung ano pa ang mai-imbento ng mga imhinasyon ng sangkatauhan.

Mayroon din namang mga tahanang may mga baytang para sa mga yagit, ngunit hindi yari sa bato at bakal. Mga patong-patong na lungga na yari sa plywood't yero, mga "Condo" sa bansag. Bawat baytang ng bawat Condo ay maaring manuluyan ang isang pamilya na lima, sa sukat ng sampu o labing-limang quadro-metro. Walang mga palikuran ang mga Condo, sa bawat sampung Condo ay may nakalaan na tatlo hanggang limang palikuran at paliguang sa baba at likod, kaya't minsa'y kailangang pumila ang gagamit ng mga ito. Kadalasa'y binabalot na lamang ang kanilang mga dumi at iniha-hagis sa tambakan na sa likuran ng kanilang mga gusali. Walang kuleksyon ng basura sa loob ng mga Purgatoryo, maswerte kapag may ilog o sapa dahil hindi nai-ipon sa mga pathwalk ang mga dumi at basura. Mas ma-swerte kapag may isang "may-kapangyarihan" ang iniutos sa mga tao, o ginawang batas sa purok niya na ilabas ang mga basura sa mga bungad ng kalsada upang ma-abot ng city garbage collection trucks. Ngunit kahit batas ang ganito ay may sapa naman sa Purgatoryo Dos-Syete, kaya't madami pa din ang nagta-tapon at nagta-tambak ng mga nabubulok na basura at dumi na madalas masasadya ng iyong mata, kapag hindi pa naanod ng baha kapag umulan. Tuwing tag-ulan at baha na sanhi ng mga naipon at nagbarang mga tinapon na basura sa daluyan ng tubig, ang mga nasa naka-tambak sa likod ng mga gusali nama'y nababasa't tumatagas na humahalo sa tubig na kanilang tinatahak o nilalakaran. Kapag baha na, matiyagang inaayos ng mga kabataang naka tampisaw sa maduming tubig ang mga basurang naka sako o plastic upang magsilbing tulayan at tapakan ng mga dumadaan, para maka-diskarte ng barya. Amanos, sabi nila, dahil kapag natuyo ang mga basura sa daan, ay magiging lupa na naman din.

#

Nuon pa mang Grade 1 sila Rogelio at Amihan ay nabighani na ang batang lalaki sa batang babae. Naging matalik silang mag-kaibigan dahil sa lagi silang magka-sabay sa uwian. Si Amihan ang lihim na nagu-udyok kay Rogelio na mag-pusigi sa pag-aaral, kahit hindi gaanong mabilis mag-isip ang batang lalaki na tila laging dalawang oras niyang maka-bisado ang isang mahabang tula, habang ang batang babae'y isang oras, kung ang matematika ay saglit lang kay Amihan, siya namang haba ng saglit upang ang unawa niya'y matanto ito. Sa diskarte, pagpu-pursigi at tiyaga niya'y nadidi-kitan niya ang pagka-'first-honor' ng babae. Nuong Grade 4 sila, naging una sa listahan ng mata-talino sa pangkalhatan si Rogelio sa loob ng tatlong 'grading period', habang si Amihan ay isang beses lang sa top one.

Dinamdam ito ni Amihan nuong araw na ipahayag ng kanilang Adviser sa Section, walang imik ang 9-na taong babae at pigil ang gigil, habang masaya ang ka-edad na kaibigang batang lalake nung sabay nilang pag-uwi. Naghiwalay silang wala pa ding imik si Amihan, sumabog ang bulkan pagka-pasok ng 'maldita' sa loob ng bahay nila. Nag-wala, nag-basag, nag-dabog, hindi pinansin ang mga kasam-bahay na dumiretso sa kuwarto, hindi ginalaw ang mga dinalang meryenda at hapunan na na-panis sa may pintuan niyang naka-kandado sa loob. Nasaksihan ni Marco ang mala-trahedyang drama ng batang babae at naririnig niya ang pangalan ni Rogelio na isini-sigaw niya ng patili na puno ng puot at suklam.

Kaya't nung pina-una niya si Rogelio na maglakad kinabukasan nang uwian, nagulat ang batang Amihan nuong naabutan niya itong kasalukuyang ginu-gulpi ng kanyang kuya Marco. Napa-sigaw siya ng malakas at humarang sa kuya upang tantanan nito ang mas maliiit na Rogelio. Tinitigan niya ng masama ang kuya Marco niya na tila nabuhusan ng malamig na tubig na nagpa-hupa sa lagnat nitong dulot ng pisikal na atake sa batang Rogelio. Naiyak ang batang Amihan nuong tumakbo ng pauwi si Rogelio, naramdaman ng batang babae na kasalananan niya ang magiging paglayo ng kababata niyang kaibigan, ang mga pag-iwas nito sa kaniya simula ng araw na iyon. Hindi niya maintindihan nuong araw na iyon ang mga rebelasyon sa isip niya, hanggang sa panahong sabay nilang pag-tanda kung bakit tumugma ang kaniyang nakita o mas tamang naramdaman pa-ukol sa mga hinaharap na mangya-yari. Hindi na nga siya kinausap ng batang si Rogelio hanggang sa kanyang pag-lapit nuong praktis nila ng Paglipat-up o Moving-up upang kumbinsihin si Rogelio na maging miyembro ng bubu-uhin niyang grupo, nuong pag-sapit nila ng 15-taong gulang.

#

"Rogelio anak, nakauwi ka na ba galing school? Kumain ka na riyan, may tinira akong isang longganisa at paborito mong pansit canton, a-akyat nako haaay, kapagod." unang sambit ni mang Fernan pag dating ng kanilang Condo na sa ikalawang baytang, alam niyang nandiyan na ang Grade 4 na anak galing sa Public School dahil bukas na ang naka-kandadong pinto. Mabait ang anak at matalino kaya't lahat ay gagawin niya upang itaguyod ang pag-aaral nito. Unang kita palang niya sa anak pagka-silang ay naiyak ito, nagpasalamat, nangakong hindi matutulad sa kanya ang munting sanggol, kahit anong mangyari. Kaya't kahit nung iniwan silang dalawa ng kanyang ina-asawa at sumama sa kanong negro, nuong walong buwan palang ang bata ay itinaguyod niya ito at pinalaki ng mag-isa, hanggang sa kasalukuyan.

"Anak Rogelio, madilim na ba't dika pa nagbu-bukas ng ilaw." Muling usisa ng ama sa walang imik na bata, naka talungkod lang sa sulok ng kanilang munting Condo, sa sulok ng kwadradong nagsisilbing kainan, aralan at tulugan. Binuksan ng ama ang kanilang nag-iisang ilaw, pilit na tumalikod ang bata.

"Anong nangyari sayo? baket ganyan ang itsura mo? May gumulpi ba sa iyo anak ko?" Tanong ng nabilasang ama.

"Hindi po itay, sinubukan ko lang po sumabit ng jeep, nung nasa kanto na po naten tumalon po ako habang mabilis ang takbo." Sagot ni Rogelio ng mabilis na tila kabisote.

"Diyos ko anak, wag mo ng uulitin yun," balisang tugon ni Fernan, "bibigyan nalang kita ng dagdag sa baon para sumakay ka na magmula sa Lunes. Halika na, kumain ka na habang gagamutin ko yang mga sugat mo." dugtong na paniniwala ng ama.

"Opo itay, salamat po. Sabay na po tayo kumain itay."

"Tapos na ako anak, para sa iyo lang iyan. At alam mo ba, makakasama ka na dun sa "Quiz Bee Tournament" ba yun na sabi mo sa Baguio? Sa lunes sasabihin ko sa teacher mo at babayaran ko na ang pamasahe at tutuluyan mo d'un ha."

"Naku, itay huwag na po, masyado pong mahal 'di ba?"

"Wag kana mag-alala anak, ako pa. Eh alam mo naman labs na labs kita, kaya ok na yun. Hala yung mahabang hand-shake naten, game. Hehe." Panigurado ng ama sa anak.

Pagtapos linisin ni Mang Fernan ang mga galos ng anak mula sa inipong tubig sa timba sa tabi ng kanilang munting lababong hugasan ng pinag-kainan at hilamusan sa umaga, ay masayang nagkwentuhan ang mag-ama hanggang sa oras ng pag-tulog. Hating-gabi, kunwa'y tulog si Rogelio hinintay muli ang marahang pag-alis ng ama, maingat na hindi siya magising. Alam niyang mga ala-singko na nang umaga ang balik nito. Base sa mga gabing pinagpa-pasyahan niyang labanan ang antok upang abangan ang balik ng ama. Ito din ang madalas niyang oras ng pag-gunita sa mga aralin nila sa eskwelahan. Madalas ay masikap na ina-aral niyang muli habang masusing inuulit sa kaniyang balintataw ang mga lesyon ng kaniyang mga guro. Ngunit sa gabing ito, sadyang hindi siya pinatulog sa paulit-ulit na pag-gunita sa pangya-yari nuong hapon ng uwian, ang pananakit ng kuya ni Amihan sa kaniya, ang hapong nag-pasya silang lumayo sa kababatang Amihan. Lumayo ngunit siya namang pag-sibol ng walang humpay niyang pag-ibig sa batang babae, hanggang sa pag-dating ng muling pag-uusap nila, ang malayo pang araw ng pagsasanay sa kanilang Paglipat-up o 'Moving-up' sa Grade 10, sa kanilang edad na 15-taong gulang, nuong araw nang pag-paslang sa kanyang ama.

#

Marahang pumasok ang 'Sugo ni Kamatayan' sa Condo nila Mang Fernan at Rogelio isang oras pag-lipas kumagat ang dilim.

"Alam mo Fernan kung bakit ako narito." hindi patanong ang malumanay at malalim na boses ng panauhin.

"Oo kapatid, oras na. Tanggap ko ang hatol. Naka-handa na ang binhi ko upang i-angat ang lahi at pangalan ko." sagot ni Fernan.

"Natapos mo ba kapatid ang orasyon?"

"Oo, huwag kang mag-alala. Nabalikan ko ang lahat."

Duon na lumapit ang Sugo ni Kamatayan kay Fernan, na naka-tingala sa kisame ngunit tagos sa bubong ang tingin. Pinipigilan ang mga luha habang bumabalik ng kusa ang mga gunita. Ang desisyon niyang lumapastangan sa tiwala ng Organisasyon. Ang mga unti-unting pag-ligaw ng pondong dapa't ay kaniyang ini-intrega. Ang pag-laro sa mga naili-ligaw niya upang itapal naman sa mga sususunod. Maingat niyang kinalkula na ang lahat ay sa bandang dulo na mau-ungkat, mapa-pansin. Dumating na ang dulo, sumapit na ang araw na iyon.

Kasama sa ritwal ni Mang Fernan kanina ang huling nakausap at nayakap niya ang anak kaninang umagang paalis ito't papuntang paaralan.

#

"Itay, alis na po ako. Ok ka po ba itay? Kagabi ko pa po kayung napansing balisa at tahimik." nuong umagang iyon sa ala-ala ni Fernan.

Nagpakita ng ngiti ang ama sa nagbibinatang ngayo'y 15-anyos na na anak, "H-hindi anak, pinagma-masdan lang kita. Naging mabait at maalala-hanin kang anak. Salamat, maraming salamat, anak."

Niyakap at hinagkan ang anak, habang sabay ang iwas nito upang hindi magulo ang naka-gel nitong buhok at baka matamaan ng ama ang masinsinan niyang pi-norma, habang walang alintana ang amang yumakap ng mahigpit sa anak. Nagpa-salamat ito sa itaas at natupad ang plano niyang matanggap ang anak sa isang scholarship ng 'Hukbong Sandatahan ng Bansa'. Isang pangarap na pinag-saluhan nilang mag-ama, sa bawat gabi ng kwentuhan bago matulog.

"'Tay naman eh, may sakit ka po ba?" nagtatakang tanong ng anak sa pag-yakap ng ama. Pilit hinaplos ng ama ang noo at leeg ng anak.

"Haha wala, na kerid-away lang ako sa drama sa TV kagabi nung naki-nuod sa baba. Hala, arya na. At oy! 'Yung pangako mong pag-bubutihin mo pang lalo ang pag-aaral mo anak, hanggang sa ma-approve na ng husto ang scholarship mo ha. Sa mga susunod na linggo Paglipat-up n'yo na. Ikaw lamang ang naka-pag-aral sa buong angkan natin, hahaha! Salamat, salamat." Litanya ni Fernan.

"Sige po 'tay. Gagabihin po ako, nasabi ko na po bang may praktis kame ng Paglipat-up o Moving-up. At mag i-speech po ako, paiiyakin kita sa talumpati kong pasasalamat sa lahat ng suporta mo 'tay, hahahaha!" Pabirong paala-ala ni Rogelio.

"Oo anak, nasabi mo na nun isang gabi pa. Pangako hindi ko pala-lagpasin ang speech mo kahit anong mangyari, haha. Ay anak, naalala ko. Pumayag na pala si pareng Ike na mag-trabaho ka sa kanya habang bakasyon. Puntahan mo kapag maluwag ka."

Nag-kamay ang mag-ama, isang magkaka-sunod na uri ng mga pag-kamay na nagta-tapos sa 'high-five', na matagal nang itinuro sa kaniya ng anak. Umalis na ang binatilyo, naiwan ang itay na mag-uumpisa na ng kanyang 'Orasyon ng Kamatayan'.

#

Masayang hini-himay ni Rogelio ang mga pangya-yari sa kanilang ensayo sa pag-martsa ng kanilang pagta-tapos o Moving-up habang papa-uwi na. Ang kina-tuwang pagtu-turo sa kanya kung saan pupunta at saang podium siya tatayo upang ihatid ang kanyang talumpati at mensahe sa buong graduating batch. Ang kina-kilig na pag-tawag sa kaniya ni Amihan at nagpa-alam kung pwede siyang makausap. Ang masidhing pagpapa-liwanag ni Amihan sa kaniyang plano, isang kaka-ibang proyekto na pagtu-tulungan nilang pag-isipan at saliksikin ang mga makabuluhang mga pang-yayari. Oo, matu-tuwa si itay, matagal na niyang alam ang pagmamahal ko kay Amihan.

Naka-ngisi ang binatilyong tumingin sa bilog at maliwanag na buwan, habang pasuray-suray ang mga paang nag-lalakad na tila isang konserbatibong sayaw sa daang pauwi sa kanila, nang may na-aninag siyang aninong gumalaw ng mabilis sa ibabaw ng mga bubungan. Mabilis ngunit tila sigurado ang mga galaw, sa pag-talon at pag-lapag, sa mga sipat nito sa susunod na tatalunan. Isang tila malaking pusa na maingat, sigurado, at kalkulado ang mga galaw.

Nang mawala ang anyong gumagalaw sa mga titig ni Rogelio ay humudyat ito ng isang lousy salute sa direksyon kung saan niya huling nakitang nag-halo ito sa mga walang buhay at totoong anino. Kilala na niya ang anino, ngayon ay naniniwala na siya sa mga kwento-kwento na may taglay na kapang-yariang may hiwaga ang may-ari ng anino. Nasaksihan niya ang galaw nito sa una at maiksing panahon na iyon. Isa na siya sa mga 'naka-kita' sa "demonyo ng Diablo" sa "Sugo ni Kamatayan". Sa kaniyang pag-uwi lamang niya madadama ang malalim na kahulugan ng nasa isip niyang paglalarawan na "demonyong Sugo ng Diablo". Kapag natagpuan niya ang kanyang itay at ang bahid ng bumulwak na dugo sa leeg nito, ang maliit na kupitang ginto at mga kasamahan nito, ang marka ng "Demonyo'. Kung saan galing ang demonyo nung mga sandaling inaaninag niya sa mga bubungan, upang ganapin ang kilabot nitong misyon.

#

Saglit na sumilip si Rogelio sa taga-pamahalang guro ng pagtatanghal, humudyat ang guro ng paturo sa podium. Duon pa din siya magsa-salita tulad ng sa una at huling ensayong dinaluhan niya. Ngayon lamang nagpakita ang binatilyo sa paaralan, pag-tapos mai-libing ang kanyang ama.

#

'Ang Talumpati ni Rogelio'

"Magandang hapon mga kamag-aral, at mga ka-eskwela. Maligayang pag-tatapos sa ating lahat. Sa ating mga guro at naging guro, sa mga opisyal, empleyado at manggagawa ng paraalan. Maraming salamat sa inyo. Lubos sana nating pasalamatan higit sa lahat, ang ating mga magulang na walang sawang nagtaguyod sa atin."

Pansamantalang tigil.

"Ang munting tagumpay na ito, ay inaalay ko sa aking itay. Pangako niyang hindi niya palalagpasin ang programang ito at alam kong nakikinig siya sa talumpating ito. Salamat mahal kong itay."

Pansamantalang tigil, tahimik ang lahat, tila nakatingin sa kanya at nakiki-ramay. Biglang lakas ng boses ng binatilyo sa sumunod niyang salaysay.

"Kung ako'y tulad ninyong mapagpala-sampalataya, mananalig akong wala ng kikitil ng buhay. Hindi lamang ang wala na sanang mag-remata sa sanglang buhay ng aking ama, kundi'y lahat ng kaluluwang una pang napaslang, hindi natubos, hindi napa-laya. Mga kaluluwang pinag-samantalahan, napag-malupitan, napag-maliitan, na-api, at mga kaluluwang kailangang sumapit sa mga pighati't hirap mula sa kapwa.

Hindi ba't parehas 'daw' tayong lahat? Pero bakit may mga 'angat'? Bakit gusto nilang kami'y tapakan upang mas-maabot nila ang langit? Oo, parehas tayo. Sa sipag at tiyaga, naabot ko... Naabot namin ang unang baytang. Nakamit namin ang unang 'Agimat'.

Ngunit hindi ko... Hindi namin gagawin ang ginagawa ninyong pag-yapak sa mga taong nasa ibaba. Hindi kami titingala sa itaas upang hanapin at abutin ang langit."

Pansamantalang tigil, mahinahon na tinig.

"Dahil alam naming ang langit ay nasa ibaba. Sa pagitan ng mga nag-hihirap, nag-hihikahos at nag-durusa. Sa gitna ng mga umaasa, kumakapit sa patalim upang mabuhay, nagsusumikap, nagta-tiyaga upang matikman ang kahit katiting sa taglay nitong likas na ganda. Sa bawat ngiti't saya, sa bawat pag-ibig sa gitna ng mga parusa, nanduon ang langit sa piling namin at nila.

Kung ako'y tulad ninyong mapagpala-sampalataya, mananalig ako sa Diyos ko, na nag-alay ng buhay, upang tubusin Niya ang lahat na nakasangla, upang hindi ito maremata nino man, ang mga sawi at nagdurusa. Makikinig ako sa Diyos ko, na nag-sabing 'mag-tulungan' kayo. Magpapa-salamat ako sa Diyos ko, na nagpapa-alalang 'Mag-mahalan kayo'.

Sa aking mga kamag-aral. Ang buhay ay laging may pagpi-pilian. Laging dalawa o higit pa ang ipapa-kitang daan sa atin. Tayo ay nag u-umpisa pa lamang sa lakbay, ngunit makikita nating ang mga pabalik na, ang ating mga nakaka-tanda. Kung sila ay naligaw, nawa'y gabayan kayo ng mga panalangin ninyong huwag magkamali na tulad nila. Huwag madapa ng walang lakas upang muling umahon at tumayo. Kung ako ay mapagpala sampalataya, ito ang ipapanalig ko sa bawat isa sa inyo.

Kung tayo ay muling magki-kita man, sana'y walang yabangan, walang inggitan, walang tapakan, walang burautan o pagsa-samantala. Sabay-sabay nating gunitain ang mga pinag-samahan nating nakaraan. Nuong tayo ay sabay-sabay na humakbang, at sabay-sabay ding umangat sa hagdan na ito, na ating pinagti-tipunan at ipinag-diriwang. Ang ating unang pag-tatapos.

Salamat po sa lahat.