Sa pinaka-malaking silid sa ika-apat at huling palapag ng "Mansyon" nila Amihan ay ang Silid-Aklatan. Ekslusibong pina-gawa ang silid ng kanyang ama para sa kanya mula nung nag-umpisang mag-aral ang bata, isang kumportable at ma-espasyong lugar upang tumawag ng mga inspirasyon. Sa loob ng Silid-Aklatan, isang 'conference table' na katamtamang laki sa kaliwang parte na may malaking 'white board'. Sa pader ng pinto ay ang isang malaking flat screen TV at audio system component sa itaas ng estanteng naglalaman ng mga vinyl na plaka, compact disks, cassettes, external hard-drives, at simpleng mga dekorasyon na karamihan ay kulay pink. May modular na mesang pang-barista at angkop na mga stool o bangko sa kanang parte, at sa likod nito ang isang pinto patungo sa isang silid na may munting kusina at comfort room, kung saan matatagpuan din ang isang bintanang malaki katabi ng pintong papunta sa labas na rooftop promemade na may mga parteng natataniman ng mga halaman at ilang maliliit na puno. Sa labas na promemade ay may lagusan papunta naman sa dalawa pang mga kwarto sa palapag na iyon at sa kinala-lagyan ng gym.
Naka-hilera sa bahagi ng isa sa apat na pader ng silid ang mula sahig hanggang kisame, sulok hanggang kabilang sulok, na bukas na aparador na puno ng mga samut-saring libro na kuleksyon ni Amihan. Sa pinaka-babang helera ng pitak ng aklatan ay ang mga kinalakihan na niyang mga librong pang-bata, hanggang sa mga iba't-ibang mahirap hanaping torno o volumes ng mga aklat sa Literatura, Pilisopiya, Siyensya, Idelohiya, Kosmolohiya, Occults, Pamahalaan, dalawang set ng 'encyclopedia' at marami pang iba, na nasa mga itaas na baytang ng mga pitak naman, simbulo at talaan ng ebolusyon ng may ari nito.
Tulad ng mga pitak sa mga lupang hinuhukay o na maa-aring matagpuan sa mga gillid ng mga bundok sa kalikasan, na siya namang pinag-aaralan ng mga Archeologists at Geologists. Mga naglalarawan sa mga magka-kasunod na kasaysayan at edad ng mundo at sa mga panahong napag-daanan nito, pati na ang mga kultura ng mga sibilisayong namuhay sa mga ibabaw ng kani-kanilang pitak ng lupain, bago ito matabunan ng kalikasan. Mga pitak na sadyang binabaon ang mga maka-lumang sibilisasyon at kultura ng mga maka-bago. Bawat pitak ay may kani-kaniyang kasaysayan ng mga pag-kakamali at mga pag-susumikap, mga muling pagtu-tuwid at pag-hango't pag-tayo mula sa mga kamalian ng bawat henerasyon. Simbulo ng pag-angat at pag-usad paharap dapat ng sang-katauhan. 'Dapat' uma-angat, 'dapat' natu-tuto, 'dapat' mas matino na ang kinalabasan ng kasalukuyang henerasyon ng mga kasalukuyang sibilisasyon. Ngunit sa halip ay nagiging isang malaking tanong na lamang, dahil tila walang natutu-tunan mula sa mga nakaraan ang mga may-ari ng kasalukuyan, at mga salin-lahi ng kasalukuyang sibilisasyon sa bawat kani-kanilang mga lipunan at kultura. Si Amihan lamang ang nakaka-pasok dito at mga pili niyang mga bisita. Dito niya inimbitahan ang mga bisita niya ngayong araw na ito.
"Sige po manong Brando, papasukin n'yo na po, paki-turo nalang po ang paakyat sa Library, salamat manong." ibinaba na ni Amihan ang telepono na tawag mula sa mga bantay sa baba, napa-ngiti sa hindi inaasahang huling panauhin.
"Magandang hapon sa inyo, pasensya na at nahuli ako." nagulat ang lahat maliban kay Amihan sa pag-pasok ni Rogelio sa silid. Hinigop muli ng bagong dating na binatilyo ang tumambad sa mata niyang karangyaan ng silid, kumpara sa ibang panauhin, siya lamang ang unang naka-kita ng ganitong karangyaan at kasa-ganahan. Alam nilang lahat ang trahedyang naganap sa kanila ng tatay ng binatilyo. Nadinig nilang lahat ang Talumpati nito nung araw ng kanilang pag-tatapos.
Binasag ni Amihan ang katahimikan ng lahat, habang na-upo ang bagong dating sa isang arm chair sa gilid ng malaking sofa sa gitna ng silid, "Eherm, salamat Rogelio at nakarating ka. Kaka-umpisa pa lang namen. Umabot ka lang ng maka-kain, may sandwich, pansit at chichirea at pan-tawid uhaw sa may mesa."
Sumunod bumati ang kambal na dalagitang parehong nasa Pangka-lahatang Top 3 sa kanilang pinag-tapusang paaralan. Sa sumunod na section sila, habang sila ni Rogelio at Amihan ay nasa Pilot Section, sa pag-kilala ni Rogelo sa kanila, at kung hindi siya nagkaka-mali ang pangunahing galing ng kambal ay ang computers, programming at World Wide Web.
"Magandang gabi Rogelio." pauna ni Cloe,
Sinundan naman ni Clei, "Salamat sa pag-dalo."
"Nakikiramay kami..." nakangiting sinundang muli ni Cloe ang kakamabal, "... ng buong puso." ika ni Clei sa nakasanayan ng magka-patid sa pag-dugtong sa sasabihin ng bawat isa sa kanila.
"Maraming salamat Clei at Cloe." galak na sagot ni Rogelio sa dulaan ng kambal.
Sinundan ni Rex, kasabay ang pag-tayo nito ng kaniyag malaking katawan at niyakap si Rogelio mula sa pagkaka-upo nito. Kilala ng lahat ang estudyanteng si Rex, bukod sa laging nasa Top 10, ang pinagkaka-abalahan nito ay ang advance martial arts and weapons training, hanggang maging isa siyang trainor ng mga nakaka-babang baitang, kapalit ang isang scholarship hanggang sa sabay-sabay nilang pagta-tapos, "Bro, nakiki-ramay ako."
Mula naman kay Mark ang sumunod na akap kay Rogelio, pumatong ang magaang 10-taong gulang na katawan sa tila higanteng kaha ni Rex. Si Mark ang katangi-tanging accelerated na animo'y tumatalon sa mga baitang sa buong Intermediate Grade kaya't malaki ang agwat ng edad nito sa mga kasama sa grupo. "Kuya Rog, sorry...", kasabay ng mahina at mahinhing hikbi.
Ilang sandali pa'y yumakap din sa kanila si Amihan, sinundan ng dalawa pang kambal. Naramdaman ni Rogelio ang mga galing sa pusong mga pakiki-ramay mula sa nagu-umpisang kapatiran nila. Napa-hagulgol ng muli ang may pinagda-daanang binatilyo, nagkamali sa akala niyang huling pag-hagulgol na niya nitong umaga lang.
Nag-kwentuhan ang mga bagong magka-kaibigan ng mga tatlong oras pagtapos ng salubong, nag ngi-ngitian, mga mahihina't pigil na tawanang puno ng respeto sa binatang nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang itay. Hanggang sa pag-daan ng anghel at dumating ang sandaling katahimikan.
"Tara?..." sa pag-basag ni Clei sa saglit na katahimikan.
"...umpisahan na natin." pag-yaya ng ka-kambal.
Binuksan na ni Amihan ang pulong, "Ok, salamat 'K-1' at 'K-2'. Mungakahi ko sana ang mag-mula ngayon ay tatawagin natin ang isa't-isa sa code o alias. Tulad ng pag-bansag ko kay Cloe na 'K-1', at 'K-2' naman si Clei. Ako ay si 'An'."
Natawang tumango ng sabay ang mag-kambal, hudyat ng pag-tanggap sa binyag. Habang nagi-isip ang iba, Itinuloy ni 'An' ang pag-hayag ng dahilan sa pag-tatag ng grupo.
Patuloy ni bansag 'An', "Naisip ko sanang i-try natin pag-samahin ang talino at likas nating kakayahan, para mag-solve ng mga mysteries all around... Ay, masyadong malaki ata, sa ginagalawan nating little world na lang. For example, yung nakaraang Quiapo bombing, or yung apoy na nakikita ng ilan sa may sapa."
Biglang iwas ng dalagita sa nasaksihang nakaraang kaganapan sa simbahan. Walang nakaka-alam na nanduon siya nung kaganapang iyon, maliban kay Ama. Kahit si Sima na tinakasan niya ay hindi alam. Ayaw na ayaw niyang iku-kuwento ang anu mang pangya-yari sa mga nakaraan. Laging pasulong dapat, ang mas mahalagang pinag-uusapan, maliban nalang kung may pagsu-suring kina-kailangan o pagsiyasat ng kamalian na gamit sa pag-sulong at sa pag-angat.
"Ahmm, tawagin n'yo nalang akong 'Mak'. Gusto ko yan ate Ami - este 'An', o kaya yung multo du'n sa light house tuwing bilog ang buwan." sunod ni Mark.
Nakuha na ni Rex ang idea, "Ako na lang si 'Ar', paki lista 'K-1' yung Misteryo ng pugot na nagla-lakad sa kalye dose tuwing quarter-moon ata yun."
"Sakin napili ko: Paano natin maha-'hack' ang Central Data Center ng Sandatahang Lakas ng bansa." sunod ni bansag 'K-2'.
Na laging dapat susundan ni bansag 'K-1', "Ako naman 'hack' din pero sa Central Intelligence Command."
"Ako 'Reg' na lang ang bansag. Matutulungan ko ata kayo diyan 'K-2'. Dahil umpisa na ng training ko sa Sandatahang Lakas pagtapos ng bakasyon. Duon ako papasok at balak mag-tapos." pang-enganyo ni Rogelio sa kambal na sabay nanlaki ang mga mata at buka ng mga bibig habang nagtinginan at tila nag uusap at nagka-sangayunan na walang gamit na salita.
"Ikaw 'Reg', ano ang misteryong napili mo?" udyok ni 'An' sa binatilyo, nung wala ng boluntayong kasunod ang unang pahayag nito.
Lumipas pa ang mahabang saglit, bago sinagot ni bansag 'Reg' ang tanong, "Ang tunay na katauhan ng 'Sugo ni Kamatayan'."
Natulalang saglit si 'K-1', bago niya na-alalang isulat ang pang-huling misteryo sa kanyang talaan.
#
"Nanny Sims, patingin nga po ng pinabili nyo." wika ni Amihan kay nanay Sima, ang nanay-nanayan ng dalagita na nagsilbing inahing tigre sa bata na laging nagbabantay sa anumang panganib. Pinagka-katiwalaang hindi masukat ng Ama ni Amihan. Desisyon ni Sima na hayaang maging normal si Amihan simula ng ito'y mag-anim na taong gulang, hindi na niya hinahatid at sinusundo ang bata sa paaralan, ngunit naka-manman ito habang nasa malayong sumusunod sa bata tuwing papasok at uuwi, maingat din siyang naka-kubli sa payak na tanaw, at naka-masid sa bata sa loob ng gusali ng paaralan, handang sumugod sa anumang panganib na papa-lapit sa anak-anakan. Masigasig na handang harangin ang mga panganib sa lahat ng kasaysayan ni Amihan.
Mabilis na inembentaryo ni Amihan ang mga pina-bili niya para sa regular na na pulong ng grupo nila simula nuong unang maitayo ito, mga isang buwan na ang nakaka-raan. Pang chicken sandwich, 'check'. pang carbonara, 'check'. pang pika-pikang cocktail hotdogs, kikiam at fish-balls at chicheria, 'check'. Lemonada na gagawing juice, 3 in 1 na mga kape, milo at gatas, 'check'. Dahil kaarawan ngayon ng kambal na si 'K-1' at 'K-2', ang cake na inorder niya sa Blue Ribbon na darating mamiyang hapon, 'check'. Ang 3 uri ng ice-ream na naka-imbak na sa kanilang freezer, 'check'. Tama ang hinala ng dalagita, naka-limutan niyang ipa-bili ang mga dekorasyon na ikakabit niya sa kanilang hide-out. Kaya't dagling tumakbo ang dalagita palabas ng kusina.
"Sasaglit lang ako ng palengke Nanny Sims, bibili ng mga palamuti at baloons ek-ek ha." mabilis na paalam niya kay Sima.
"Oy, ako nalang... sasamahan kita..." dagling inabot ni Sima ang customized knap-sack niyang pahaba ang hugis na lagi niyang dala, hindi nalalayo ang bag sa katauhan niya, at bumubuo ng kanyang kasuotan simula pa ng unang tapak niya sa Purgatoryo Dos-Siyete, isang taon bago isilang si Amihan.
"Pendeja...", ang imboluntaryong bulong ng tubong Espanyolang Amazona, nung narinig niya ang mahinang pag-sara ng likod na pinto sa labas ng kusinang pinanggalingan ng nagmama-daling Amihan. Alam na niyang iniwasan ng alaga ang main back at front doors nila na laging mahigpit ang mga bantay. Sa secret door dumaan ang alaga, at iyon ang biswalisasyon na tumakbo sa utak ni Sima, ang mga daanan at mga pi-pwestuhan niya sa pag-habol at lihim na pag-subaybay sa alaga. Isang kasanayang natutunan niya sa tagong ahensya na "Grupos de Operaciones Especiales" (GOE) ng isang unit ng Spanish Legion ng nakaraan niyang gobyerno, bilang isang multo na operatiba o black ops, sa bansang nilisan na trumaydor sa kanya, nuong mas bata pa si Sima, bago siya kinupkop ni Ama.
#
Naka-ismid si aling Pacing sa papa-lapit na dalagita sa di-masayod nitong itsura at ayos. Semi-kalbo na mestizang maganda, may pares ng kilay na naka-ayos sa itaas ng matatalas na mga mata, mataas na cheekbone sa pisngi at pangang tila matyagang linilok ng isang eskultor mula sa mga mukha ng mga anitong diyosa, na kinorohan naman ng matangos at prominenteng ilong. Isang hikaw na mahaba sa isang tainga na may tig-apat na naka-hilerang batong mali-liit, at lima naman ang naka-hilerang batong diyamante sa kabilang tainga. Kulay abong tabas na pam-babaeng plain t-shirt, kulay uling na plain colored at masikip na tactical na pantalon, at botang pang militar na lagpas lamang sa bukong-bukong ng dalagita. Isang sakit ng ulo ng kanyang ama, sapagkat kailangan niyang depensahan ang ayos ng anak sa iba pang maka-tradisyong kasamahan, dahil wala na siyang ibang pwedeng gawin, hindi niya o sino man kayang diktahan ang anak kailanman.
"Pabili nga po ma'am ng isa nito, lima nito, sampu n'un, 'tas dalawam-pu ng ganito." Pag-hinto ng daligita sa tindahan ni Pacing. "Magkano po lahat?"
Nang matapos ang transaksyon at papa-alis na si Amihan. Tumingin si aling Pacing sa katabing pwesto, at inumpisahan ang naka-ugalian nitong kadaldalan sa katabing pwestong tindahan ang di niya mapigilang damdamin.
"Ang mga kabataan nga naman ngayon oo, wala na talagang magandang kinabukasan...", papansing umpisa ni aling Pacing sa may-ari ng kabila.
"Shhhh, hindi mo ba kilala 'yun?", sagot ng kausap.
"Bakit, sino ba yun?" Panguso ni aling Pacing sa kaka-alis at papa-layong Amihan.
"Si Amihan 'yun, ang anak ng 'Shiek'. Nakilala ko nung kasabay grumadweyt ng Grade 6 ko sa Central."
Napalunok ang Pacing, imboluntaryong napa-hawak ang kamay sa bungangang makati. Sabay na kumambiyo ng ibang pagu-usapan. "Hoy, mare nabalitaan mo bang nabuntis din sa pagka-dalaga ang 13-anyos ni Simeon, diba kaka-panganak lang ng ate nun na panganay niyang babae nung isang taon? Makakati ang pamilyamg 'yun talaga, manang-mana sa...."
Habang pabalik na si Amihan sa kanilang bahay, tinitimbang niya ang mga narinig niya kasama ang iba pang ingay sa palengke, "ANG MGA KABATAAN NGAYON"... Naisip niyang ilista ito kasama ng mga pangalang pag-bobotohan nila mamiya sa pulong. Kagabi pa laman ng utak at balintataw niya ang mga progreso sa ginagawa ng grupo, ang mga plano, ang mga misyon, ang mga kaka-ibang antas ng mga talino't abilidad na magbibigay sa kanila ng mga oportunidad upang mabalatan ang halos lahat ng misteryong makakasalamuha nila, nahuhulaan niyang muli ang mga mangyayari sa hinanarap ng kanilang samahan, isang representasyon ng "Mga Kabataan Ngayon".