Chereads / Ang Nobela ng mga Bukas / Chapter 2 - "Sa Ngalan ng Anak"

Chapter 2 - "Sa Ngalan ng Anak"

"Ako si Amihan, hate na hate ko si Kuya Marco, lagi nalang akong binabantayan. Kainis 'yun, inuupakan lahat ng mga nagiging boyfriend ko mula nung ako'y Grade 4. At alam mo ba, gusto ko silang pag-untugin ni Ama, kase lagi silang mag-kakampi. Ni minsan, hindi nila pinakinggan ang mga reasons ko. I need to live, I need to love. 14 na ako now, and I hate them both. Grrrr!

"Most of all, open minded ako, kaya nga lagi akong tumatakas at pumupunta sa kapilya ng mga Kristyano, kase I'm so crush si Father Roy, ang pogiiiiii. Syempre, tinatakasan ko si Kuya Marco at si Ama at never nila malalaman na Islam at Catholic din ako, dahil sumasamba din ako sa aming mosque. Balang-araw balak ko naman sa Budhist o Hindu, sa paniwala ko nama'y iisa lang sila, naka costume lang ng iba't-iba, gusto ko maintindihan baket sila pinag-aawayan talaga. 'Ni mga close friends ko, hindi nila alam mga ibang ginagawa ko. Ahh, basta kapag type ko, gagawin ko at walang makakapigil saken. Hindi naman ako kayang pagalitan ni Ama kung sakaling mabisto at bawal ang ginagawa ko 'daw' ayon sa kanila. At, paki ko kay kuya Marco! The nerve nung tao na yun! Kainis s'ya, basta mainit ang dugo ko sa kanya, I sooo hate him, kahit walang reason, basta alam ko pwede yun, kase yun ang feeling ko, at buhay ko ito walang pwedeng maki-alam, ahmph!

"Kapag mali ang teacher, aba, kelangang paki-alaman 'yan. Marami akong alam dahil may internet at 'google' kame. Sayang naman ang madalas na pag-pupuyat at mga nadi-diskubre ko kung 'di ko sasabihing mali ang tinuruto nila dahil nabasa ko na o napanuod ko na ang topic sa net tubes. I hate lalo ni si ma'am Trinidad, ayaw na ako tawagin kapag nagtataas ako ng kamay, hindi naman lahat ng tinataas ko ay para sabihing mali s'ya, tulad nung sa history na nabanggit niya ang mga Tasadays at ibang 'Indigenous People', nagising ako sa lecture niyang ito na hindi boring at nakaka-antok dahil interesante. Eh bahala sya, 'pag uwi ko naman mahahanap ko sa 'web' ang buong kwento nila. Simula ng mag-school ako, lagi akong nasa top five, kun'di top one. Lahat ng gang ko need nilang mag-aral mabuti, kame lage ng gang ko ang nasa top. Yahooo! Girl power! Bihira lang ang boy na nakakalusot sa top, at si Rogelio lang ang consistent na nakakasingit at kaisa-isang lalaki at hindi namen ka gang na laging nasa top ten, 'sya yung unang binugbog ni kuya Marco na manliligaw ko nung grade 4,.

"Sa mga 'soc-med' ang famous ko kaya, mas marami akong minions dun na mga ka-girl power at mga pumupormang guys, kaya naman astig ako sa mga classmates kong minions at suitors na minions na din sa true lyf. Marami akong jowa at sabay-sabay pa, may mga girls din akong jowa pag trip ko, at sinasapak ko yung mga boys kapag makulit o boring. Ni minsan hindi, no need ko ang nagpapa-bosong sadya. 'KSP' lang ang babaeng nagpapa-sexy sa profile, hmph! Sa mga dance presentation o drama sa school lang ako makikitaan ng alindog kapag required ng costume, dun lang tumutulo ang laway nila saken. Bawal ang walwal sa 'girl power gang international' ko, hindi kame tulad ng iba d'yan na para sumikat need magpakita ng fake na p'wet ng bata sa dibdib na 'filtered' naman, tapos nagrereklamo silang binabastos daw. Haaay naku, mga pariwara we are not, ibahin kame or else barag ka sa group attack namen with my minions, kapag may binastos kang isa sa amin.

"Feel ko talaga mabait ako, pero hindi ako pwedeng diktahan nino man. Ako daw ang bully sa school? Sus, ayaw ko lang maunahan 'yun ang totoo. Ayoko sanang mang-api, pero meron talagang mga epal. Tulad ni Nimfa, grabe nakaka-init ng ulo, kababaeng-tao tapos napaka-jologs, batang hamog ang peg, pano s'ya gagalangin at ang ibang tulad naming kababaihan kung ganun ang nakikita ng madla. Gusto kong paliguan tuwing nakikita ko, ayaw pa din makinig, napag-bubuntunan ko tuloy. 'Di bale, magso-sorry nalang ako kapag bumalik siya sa school kahit na higher grade na ako. Wala kase ako 'nung ginulpi s'ya nung minions ko, 'di ko sila napigil at hinding hindi ko yun iuutos sa kanila, napag trippan lang talaga nila. Pagkalipas ng dalawang araw biglang nawala na lang s'ya, nag-'drop' na ata. Oy, hindi ang gang ko ang dahilan, madalas naman s'ya nagugulpi ng iba, abnormal kase.

"Bukod sa mabait ay maawain ako sobra. Nu'ng may sumabog sa Quiapo church na gawa daw ng mga terrorista. Buti nalang at papunta palang ako upang mag simba, nakita ko ang pagsabog sa gilid ng gusali, kaya't tumakbo akong papasok iniisip ko yung mga nasaktan. Ang dami ko kayang tinulungan makalabas at makawala sa pagkaka-ipit ng mga batong bumagsak. Kahit hapung-hapo nako hindi ako tumigil, hindi ko inisip ang galit ni Ama sa duguan kong t-shirt at pambaba. Duon ko nakilal si Samantha, ang cute cute ng batang yun. Una akala ko may sugat, yun pala'y shock lang at kaya't nahuling bumangon sa pagkakadapa nung una ko siyang nakita. S'ya ang assistant ko sa rescue, kahit maliit na bata ay kami ang unang sumugod sa loob ng simbahang kalahating na-giba at nagbuhat ng malalaking bato at naglabas nung mga sugatan na buhay. Nung nalaman kong ulila na s'ya sa ina at nandun s'ya upang hanapin ang tatay niyang baliw, ay gusto ko na sana siyang ampunin, ayaw niyang sumama at hahanapin daw n'ya ang tatay nya. Binigay ko nalang yung natira sa one-thousand na dala kong pera sa kanya, at binilinan ko kung paano s'ya makakauwi, sana nahanap n'ya ang tatay niya at nakauwi na sila. Believe ako sa batang 'yun maliban sa nakarating s'ya dun na galing sa malayo dahil narinig nya na nakita daw dun ang tatay nya at sa pag buntot niya saken at pag-tulong sa pag-rescue, may something pa sa kanya na parang humipo sa pagka-tao ko. Nakita ko na ang kapatid ko sa kaluluwa at sa ibang ina. Hinding-hindi ko siya makakalimutan, at pag laki ko hahanapin ko siya, hindi ko na s'ya hihiwalayang muli."