Chereads / A Way of Destiny / Chapter 3 - CHANCE

Chapter 3 - CHANCE

Mark's POV

Naliligo ang lolo mo ngayon kailangan kong mag relax dahil kailangan ko pang mag review dahil malapit na ang midterm week namin! Nakakaloka ang daming sabay saby na pinapaggawa buti na nga lang at tapos na yung isa yung essay namin.

The question is how do you see yourself after you graduate? Honestly di ko rin alam kaya I'm having a hard time na gawin yung essay pero sa tingin ko ako ang mag tatake over sa company namin ka graduate ko eh, pero kung nag tataka kayo kung bakit hindi business related ang course ko kasiiiii yun yung gusto ko sinabi ko kila Mom and Dad na ayaw ko kumuha ng course na ayaw ko kahit naman na alam kong hindi ko matatakasan ang pag take over sa company. isa lang naman ang line nila eh "Okay lang anak we understand kung saan ka masaya just follow your heart and magiging succesful ka if you love what your doing" 

Kaya mahal na mahal ko ang mga yon...

*toktok*

*toktok*

*toktok*

Sino naman kaya ito pa drama na ako eh.. Pag bukas ko ng pinto si Kuya Ray lang pala...

"Bakit po Kuya ray?" Nakangiting sagot ko nagtapis ako haaa.

"Ay sir aalis na po ba kayo niyan?"

"Maya maya po kuya. Bakit po?" takang tanong ko kasi sinabi ko naman sa kanya na baka mga 3:30 na ako makakaalis 2 palang kaya.

"Ahhh sir ihahatid ko lang po muna kasi sila sir at ma'am sa airport"

"Airport? Saan sila pupunta kuya?" Hindi ko na hinintay makasagot si kuya ray ako na lang ang magtatanong. Saan na naman kaya pupunta ang love birds haaaaay alone na naman ako sa bahay kapag nagkataon....

PAGBABA KO.... 

Aba't naka impake na sila agad partida naka bihis na sila agad!

"Mom, Dad? Saan kayo pupunta?" Istorbo ko sa pagseselfie nila *facepalm*

"Ayyyy anak andiyan ka pala! Nakakahiya hehe" Nahiya pa talaga si mommy.

"Nag yaya kasi itong mama mo anak punta daw kami ng Japan... Wag ka mag alala 2 weeks lang naman kami doon?" Ano daw 2 weeks iiwan nila ako dito OMG! huhuhu

"2 weeks? Anong gagawin niyo doon Mommy naman eh!" Naaasar na sabi ko.

"Ikaw naman anak siyempre mag hohoneymoon kami ulit ng daddy mo..." ay ang galeng ganda talaga nito ni mommy!

"Wag ka ng malungkot anak! May mga kasama ka naman dito eh at sisiguraduhin kong may pasalubong ka ng paborito mong mag kit kat flavors!" Ano daw! mga favorite ko! Naku sige na nga napa ikot na naman ni daddy ang utak ko.

"Sige na nga may magagawa pa ba ako?! Basta dad wag mong kakalimutan ilagay niyo yan sa list niyo! Nakakainip kaya dito" naka pout na sabi ko.

"Why don't you go out pasasamahan kita sa mga guards mo at sa driver. You should hang out sometimes! Malay mo mahanap mo na ang soulmate mo! Anak pakilala mo sa amin haaa dapat kabalik namin ng dad mo galing japan may boyfriend ka na or baka gusto mo talaga kunin ang offer ko na ipakilala sayo ang anak ni Ms. Cecila De los..."

"Ma naman! Oo na lalabas na lang ako hehe"  Sabi ko para matapos na ang usapan!

"Haha! Go lang ng go anak! Oh sya baboo! Aalis na kami ng dad mo! Ingat ka at iupdate mo ako about sa shop call me or text me" Nakakaloka to si Mommy may pa baboo pa minsan iniisip ko hindi ba ako nag mana ng kabaklaan ka mommy?

Magsasalita pa sana ako ng biglang parang magic nawala si Mommy and Daddy! Hay kabibilis talaga ng dalawang yun! Aalis na nga ako baka mapagalitan ako kay mommy kapag wala akong update na nabigay sa kanya doon sa shop.

BACK TO THE KWARTO...

Pwede na ba tong suot ko? Bak ma judge na naman ako ng mga tao. Ang alam ko kasi simpleng tao lang ako pero pati ba naman damit ko sinusundan ng mga press di naman ako artista! Okay na siguro to.. Green na shirt with Parallel print and itong Adidas na trackpants, wala na talaga akong masuot dahil kay dad. Pero don't get me wrong haaa okay lang yung nag donate si Dad ng damit kasi bibilan naman niya ako eh hehe 

Pagbaba ko nag reready ng merienda si Manang.. Nakalimutan kong sabihin sa kanya kanina na aalis ako kaya naman eto ako ngayon super kain ng macaroons na binake niya...

"Nakuuu manang napaka sarap parin talaga ng Blueberry Cheesecake Macaroons niyo walang kupas!"

"Ikaw talaga hijo! Salamat! Anong oras ka ba aalis para masabihan ko na si kuya ray mo na maghanda" Napaka bait talaga ni manang biruin mong siya pa ang nag alaga sa daddy ko at ngayon ako naman at ang buong family namin

"Ngayon na po manang kukunin ko lang ang bag ko"

"Sige hijo pupuntahan ko lang si kuya ray mo"

SA SASAKYAN...

"Sir saan po tayo?" 

"Ahhh sa shop ni Mommy.." Maikling sagot ko.

"Saan po branch?" Ayy oo nga pala, Di ko na realize may branches pala.

"Sa may Shangri-La po pala kuya ray hehe" Mag heheadphones muna nga ako ayoko kasi yung pinapakinggan sa radyo ni kuya ray at nag jajamming sila niong mga bodyguard ko.

NOW PLAYING: Hindi Tayo Pwede by The Juans (pakiplay na lang :))

"Pilit nating iniwasan

Ganitong mga tanungan

At kahit 'di sigurado

Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan

Nagsimula nang magsisihan

Lahat ay parang lumabo

'Di alam kung sa'n tutungo

Sabi ko na nga ba

Dapat no'ng una pa lamang

'Di na umasa

'Di naniwala

Teka kasakit naman pala ng kantang to! Nakakasenti ahhh infairness! Tama na nga hanubayan! Gusto kong magsaya no!

"Sir nandito na po tayo." ay buti naman baka kung ano pa mapakinggan ko na kanta ayoko mag breakdown haha

"Ahhh sige po" bumaba na ako and as usual baba din ang tatlong kumag na to ayoko naman kasi talaga kontrahin ang mga gusto nila mommy at daddy...

"Sir tara na po" Nagulat naman ako laki kasi ng boses nito ni kuya emman isa siya sa mga bodyguard ko na feeling ko ilalaban ka talaga ng patayan. Napatango na lang tuloy ako...