Chereads / A Way of Destiny / Chapter 8 - CHOKH CHATA

Chapter 8 - CHOKH CHATA

Mark's POV

Di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari parang ang bilis naman ata haaaaaayyy wala naman sanang dramang maganap! Sabi kasi nila kapag masyadong masaya may di magandang nangyayari...

"Sir handa na po yung hapunan" ano ba yan bigla naman umeksena si manang sa pag momonologue ko!

"Sige po manang susunod na ako"

*kling*

*kling*

*kling*

*kling*

*kling* 

(cellphone yan wag kang ano!)

"Yes ma?" Ano na naman kaya ang bili nito? Nung nakaraan pina diligan sa akin ang orchids at ang utos pa niya kausapin ko daw... sinunod ko na naman akala tuloy ng garbage collector sa amin nababaliw ako

"Nakuuuuu anak miss na miss na kita! Grabe ang jetlag dito anak ata ang weathe..."

"Ay naku ma wag mo ako eechosin! Isang oras lang ang pagitan sa atin ng Japan! HAHAHA" Hagalpak ko sa kakatawa ang hilig kasi mang chena nito ni mommy akala mo naman unang beses nakapunta ng japan hahahahaha.

"Alam mo mapanira ka talaga ng moment! Pero kaya pala ako napatawag kasi..... tatanungin ko lang kung may boyfriend ka naba? Gusto na naming mag ka ap.."

"Mommy naman ehhh!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Ikaw naman anak di ka na mabiro! Chinecheck ko lang kung buhay ka pa diyan, dahil ako pa patay na nakakainip dito no! Laging nasa meeting ang dad mo perooooooo anak! Nabili ko na ang mga paborito mong kitkat flavors! May bonus pa dahil bumili din ako nung mga limited edition!"

"Talaga ba mommy! Haaaay love it! Salamat mommy! Kelan ba ang uwi niyo ni dad?"

"Hay ewan ko nga ba dito sa daddy mo pero wala pa naman kaming 2 weeks dito anak medyo marami pang kausap ang daddy mo, pero babalitaan kita kapag uuwi na kami..."

"Sige mommy wala naman akong magagawa, basta mag ingat na lang kayo ni dad diyan. Kanina pa ako tinatawag ni manang para kumain ng dinner baka napanis na doon yun"

"Sige anak don't worry anak this things will be for your future and don't forget to tell manang na na transfer ko na yung pang grocery. Mag ingat ka din lagi anak good night..."

Parang LDR man minsan ang relasyon naming mag papamilya wala naman akong magagawa, kasi gaya nga ng sabi ni mommy para 'to sa future ko at para 'to sa family namin. I guess para nga teleserye ang buhay ko ang daming major plot at ang daming eksena sa mga ari arian namin... natatawa na lang ako...

KINABUKASAN

*tok tok tok*

*tok tok tok*

"Sir?"

*tok tok tok*

*tok tok tok*

"Sir?"

Hanuba yan? Ang aga aga naman ni manang huhuhu inaantok pa ako! Non-stop na naman kasi ang panonood ko ng mga thai series! Ang ganda kasi ng 2Moons! Ayan tuloy inuulit ulit ko mga 300 times na~~~~! Nakakakilig kasi! Very gusto ko yung mga plot na... Pero saglit mabalik ako sa pag katok!

"Bakit po manang? 5 AM pa lang po eh..." Matamad at nakapikit pa na sabi ko kay manang

"Ahhh sir sorry po kung naistorbo ko po kayo. May naghahanap po kasi si inyo si Sir Angelo"

Haaaaaanudaw?! Angelo! Napababa tuloy ako ng wala sa oras.

"Bakit ka nandito Angelo? Ang aga pa ahhh." Anuba naman itong panliligaw style ni Angelo mag sisibak ba siya ng kahoy? Mag iigib? at mag gagatas ng kalabaw? Kaloka ang aga aga niya!

"Hmmmm sorry Mark di kita nasabihan, yayain sana kitang mag tagaytay hehe medyo na miss kasi kita eh and I wanted my someone special to go sa place na paborito ko pero.... parang masyadong maikli yung short mo..."

"Ay sagli lang mag papalit ako! Sige na sasama na ako nandito ka na wala na akong choice!" Anubayan! nag blush tuloy ako ang cute kasi ni Angelo nung napansin niyang super short shorts ang suot ko! Pero nagulat naman ako sa namiss niya daw ako eh parang kahapon lang ay nabigla na lang akong nandito siya!

Angelo's POV

YESSSSSSSSSSSSS! Success na miss ko talaga ang cuteness at pagiging bubbly ni baby ko! Haha di pa kami I know pero kini claim ko na! Gusto ko maging espesyal ang pagpunta sa lugar kung saan ako nakapag let go sa past...

"Tara na Angelo! May pa titig titig ka pa diyan haha" syempre ang cute mo kaya! 

"Let's go para naman ma solo kita." I said in a seductive tone hahaha and the look in his face is so cute with matching panlalaki pa ng mata niya!

"Sira ulo ka talaga!"

SA SASAKYAN

"You know what kung bakit kita gustong isama dito sa Tagaytay?"

"Oo nga pala bakit napaka sudden? Are you running away from something?" Curious na tanong ni mark.

"Hmmmm yes... but before 2 or 3 years ago, Tagaytay really helped me to move on. I guess it's because of the cold weather or the howling winds that sings in unison. I wanted you to know my past pero in a memorable way... 3 years ago my ex died and it just really hit me so hard kaya naisip kong mawala na rin, cause I'm thinking wala na yung tao na nag checheer sa akin and yung taong an aaprecciate ako kahit others think that I'm a failure, pero I think God has other plans for me. Di ko alam but nag drive lang ako nang nag drive hanggang sa makarating ako sa tagaytay and this place made me realized na I should live kasi yun ang pinangako ko sa kanya at pati sa mga magulang niya..."

Mark's POV

Hanubayan! Naiiyak naman ako ang habang nag kwekwento ito si Angelo akala ko naman palaging masaya ang past nito may malalim pa lang hugot ang sira!

"Bakit ka umiiyak? Di pa tapos kwento ko no haha"

"Sira ulo ka ba? Ano expect mo ang lungkot kaya ng ganon! Wag mo na ituloy gets ko na as long as na you know what you're doing and you believe na kaya mo ng wholeheartedly magmahal ng iba nandito lang ako...." OMG! dire diretso akong nag salita! Nadulas tuloy ako!

"Ano mark? hehe"

"Ahhh wa...wala nasa skyranch na pala tayo!" Haaaayyyy nakaka asar ganoon na ba ako ka inlove sa taong ito! Kailangan kong i remind ang sarili ko na 3 days pa lang ata kami magkakilala nito!

"Tara! Sakay na tayo sa Sky Eye! May ipapakita ako sa'yong maganda.."

"Good  Morning sir! Okay na po!" Sabay kindat pa ni ate.. Teka bakit wala kaming bracelet or ticket man lang and bakit walang tao sa Sky Eye?

"Teka hmmm  Angelo bakit walang ibang nakasakay? Inarkila mo ba to?"

"Hmmmm oo para sa special na katulad mo dapat tayo lang ang nandito..." kinikilig naman ako iba talaga ang lalaking to! May pa surprise pa!

"Ikaw talaga! Pero wait natatakot ako ang taas na natin ohhh" napapikit kong sabi, medyo takot kasi ako sa heights.

"Saglit wag ka ng pumikit ayan na yung magandang view ng taal volcano."

"Ayyyy oo nga! Ang gandaaaa!!!" Napakapit tuloy ako doon sa salamin in wonder! Iba talaga ang mother nature. Pero teka bakit di sumunod si Angelo sandali nga... lumingon ako and then doon na shookt ako!

"I know it's been 3 days since I've met you mark but I don't really want to pass this moment. I don't want to have any regrets kasi ikaw ang gusto ko hindi na bilang boyfriend mo kundi pati makakasama mo sa buhay... Mark Alexander Santos will you marry me...