Chapter 7 - 6

Luray-luray na ang pobreng hotdog sa plato ni Myla ngunit hindi pa rin niya tinantanan ang pagtusok rito habang masama ang tingin sa lalaking sarap na sarap naman ang pagkain ng almusal sa harap niya. Ini-imagine niyang ang mukha ng lalaki ang tinutusok nang mga oras na iyon. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtusok sa pobreng hotdog na may mukha ni Darwin sa isip niya ay hindi gumaan ang pakiramdam niya.

"Myla, stop playing with your food." Ang utos sa kanya ng Lola Anita niya na nasa kabiserang upuan ng lamesa habang katapat naman niya ang pinakakinaiinisang lalaki.

Ang iniisip pa naman niya kanina ay anghel ang umaawit. Parang gusto niyang kalbuhin ang sarili dahil sarili sa pagkakamali kaninang umaga. Ang akala niyang panaginip na naging bangungot ay naghuhumiyaw palang reyalidad. Ang lalaking ipinanganak yata sa mundong ibabaw para buwisitin siya ay talagang nasa hacienda ngayon ng Lola niya gaya niya at nakikisalo pa ngayon sa almusal nila. Parang gusto niyang magwala!

"Lola, I'm not playing with it." Ang sagot niya sa Lola niya.

"Eh ano pala 'yang ginagawa mo riyan sa hotdog?" tanong muli nito.

"Killing it." Mariing sabi niya habang nanlilisik ang mga mata kay Darwin.

"Poor hotdog." Sabi naman ni Darwin saka ngumisi sa kanya at balewalang sumubong muli. Ang sarap nitong sungalngalin ng tinidor.

Padabog niyang ibinagsak ang mga kubyertos.

"Ano ba talagang ginagawa mo rito?" hindi na nakatiis na tanong niya sa lalaki.

"Working." Kibit-balikat na sabi sagot nito sa kanya.

"At kalian pa naging kompanya mo ang asyenda ni Lola?" kunot ang noong tanong niya rito.

"It's not." Simpleng sagot nito. "It's just one of my investments."

"What do you—"

"Hindi ba nasabi sa'yo ng Kuya mo, apo?" agad na napabaling siya sa Lola niya.

"Ang alin po?" bakit pakiramdam niya ay hindi siya matutuwa sa isasagot nito.

"Si Darwin ang bagong kasosyo sa hacienda. Siya ang tutulungan mo habang narito ka." Sagot ng Lola niya. At bawat salitang binibitawan nito ay nakakapagpalaki pang lalo sa mga mata niya. "Gabi na siya dumating kahapon kaya naman hindi ka na niya naabutang gising. Hayan at nagkagulatan tuloy kayo. O saan ka pupunta?" tanong ng Lola niya nang basta na lamang siyang tumayo mula sa lamesa.

"I need to make a call." Agad na sabi niya at iniwan na ang mga ito. Kinuha niya ang cellphone at dumiretso sa hardin saka agad na tinawagan ang kapatid niya.

"What the hell, Kuya!" sa malakas na boses ay agad niyang bungad nang sagutin ng kapatid ang tawag niya.

"What? Where's the fire?" ang natatarantang sabi ng kapatid. Hula niya ay nagising lamang niya ito ng tawag niya.

"There will be a fire at your house if you won't explain to me what's happening right now!" galit pa ring sabi niya.

"What is it, Myla? Ang aga mo namang mambulabog." Ang sabi ng kapatid niyang mukhang kahit papaano ay nahimasmasan na.

"Dahil ang aga ko ring binulabog ng kaibigan mo! What the hell is Darwin doing here kuya?" kunot ang noong tanong niya sa kapatid.

"Hindi ko ba nasabing may dadating tayong kasosyo?"

"Oh you did, but then you forgot to mention that it would be your annoying friend!" galit na balik niya. "Alam mong kahit kalian, hindi kami nagkasundo ng taong 'yon kuya! Bakit ako pa ang ipinatapon mo rito kung siya pala ang makakasama ko?"

"Look, Myla. I just wanted you to rest. At 'yan lang ang naisip ko. Nagkataon lang na ang magiging trabaho riyan ay ang alalayan si Darwin." Bumuntong-hininga ito. "It's work, Myla. Can't you just be civil with him kagaya nang ginagawa mo sa tuwing makikipag-meeting ka sa mga kliyente ng kompanya."

"Kuya, it's a different story!" giit niya.

"Because it's Darwin?" tanong nito. "The guy practically saved you when you fainted. Can't you at least treat him well because of that?"

Agad niyang naitikom ang bibig. Gusto niyang sagutin ang kapatid ngunit hindi niya maaaring ipagwalang-bahala ang punto nito. Kahit pa inis siya kay Darwin, hindi pa rin maaaring kalimutang ito ang umalalay sa kanya noong nawalan siya ng malay.

"Fine! Pero para lang sa trabahong ito. Kapag natapos kami rito, babalik na ako sa kompanya, Kuya!" sagot niya pagkatapos mag-isip.

"Oo na.. oo na!" sabi ng kapatid.

Pinatay na niya ang tawag at pumihit nang pabalik sa loob ng bahay nang mapansin niyang nakatayo sa pintong papasok ng bahay mula sa hardin ang topic nila ng kapatid.

"Fought with your brother?" ang agad na tanong nito.

"Your fault, of course." Paismid na sabi niya rito saka akmang lalagpasan ito nang humarang ito sa harap niya. "Get out of my way." Mariing sabi niya.

"Why are you so angry with me?" tanong nito na para bang hindi pa nito alam ang sagot sa tanong nito.

"And you're not?" balik tanong niya rito.

"Of course not. I don't hate you." sabi nito.

"Ah kaya ba sa bawat pagkakataon na lang na nagkikita tayo, inaasar mo ako?" taas ang kilay na tanong niya rito.

"I was teasing you, yes, but it doesn't mean I hate you."

"Then why are you doing it?"

"I just like teasing you." kibit-balikat na sagot nito.

"Whatever." Sabi na lamang niya at tangkang lalagpasan muli ito ngunit muli rin itong humarang sa daraanan niya. "What?"

"Look, we are both here for work. At hindi tayo makakapagtrabaho ng matino kung galit ka sa'kin." Seryosong sabi nito.

"'Your point?" taas ang kilay na tanong niya rito.

"It's not like I'm here to tease you. I'm here because this is business. There's no reason to antagonize me, right?"

"Again, 'your point?" ulit niya sa tanong niya rito.

"Let's call a ceasefire." Sagot nito. "We won't be able to work together if we are not in good terms."

"And if I don't want to?" tanong niya.

"Then you would not be able to go back to your company." Simpleng sagot nito.

"You were eaves dropping!" akusa niya rito.

"I'm not. I just overheard it." Kibit-balikat na sagot nito. "So?"

"Fine. But you have to do your part as well."

"And that is?"

"No teasing. Kahit tawagin akong bansot, hindi pwede." Sabi niyang dinuro pa ito ng hintuturo niya.

"Why not. It's cute."

"It's not so don't you dare do it!" sabi niya rito.

"Fine." Balewalang sagot naman nito. "I'll behave for the time being."

"Good." Sabi na lamang niya rito at akmang lalampasan ito nang humarang muli ito sa harap niya. "Ano pa bang kailangan mo?"

"Aren't we going to seal it to make it official?" tanong nito sa kanya.

"Kailangan pa ba ng kasunduan at ipapa-notaryo pa ba sa ba 'yan?" inis na tanong niya.

"Not really. I actually have an idea."

"What ide---" hindi pa man niya natapos ang sasabihin ay basta na lamang pumulupot ang braso nito sa beywang at hinapit siya. Hindi pa tuluyang nakakalabas ang protesta sa bibig niya ay lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya. Dapat ay itinutulak niya itong palayo ngunit tila ba wala siyang lakas upang gawin iyon. Idagdag pang bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya.

"Sealed and binding." Sabi nito nang sa wakas ay bitawan siya habang siya naman ay nakatulala pa rin rito. Hindi ba dapat ay ginugulpi na niya ito? "Get yourself ready. Kailangan mo pa akong ipasyal sa hacienda ninyo." Sabi nito at basta na lamang siyang iniwan roon.

What was it with her? Ni hindi niya ito hinabol para katayin dahil sa ginawa nito at nanatili lamang nakatulala roon. And what was with her heart. Patuloy pa rin ang mabilis na pagtahip niyon.

Why does it feel like she had just agreed on a very dangerous deal with him?