Chapter 4 - 3

BAHAGYANG hinilot ni Myla ang sentido nang maramdaman niya ang pagkirot niyon ngunit hindi pa rin niya tinigilan ang pagbabasa ng mga reports na kaharap. Kailangan na kasi niya iyong matapos nang araw ring iyon.

Kahit pa mataas ang posisyon niya sa kompanya ay hindi pa rin biro ang trabahong hawak niya. Alam niyang hindi naman siya mapapasipa sa kompanya kahit magpa-easy easy lamang siya. But she was not the type to neglect her job. Kaya naman kahit masakit na talaga ang ulo niya ay hindi niya basta matalikuran ang trabaho niya.

Nag-angat siya ng tingin nang makarinig ng pagkatok mula sa labas ng opisina niya.

"Come in."

Agad namang pumasok ang sekretarya niya.

"Ma'am, kailangan daw po kayo ni Sir Lenard sa conference room." Ang agad na sabi ng sekretarya bago pa man siya makapagtanong rito.

"Bakit daw?" tanong niya.

"Hindi po nasabi eh." Magalang na sagot ng secretary niya.

"Okay, I'll be going, then. Thank you." Sabi niya na naging hudyat naman para lumabas na ang sekretarya.

Naiiling na ibinaba niya ang papeles na kanina pang pinagkakaabalahan at tumayo ngunit sa ginawa ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nasapo niya ang noo at saglit na tumayo lamang roon. Nang pakiramdam niya ay kaya na niyang maglakad ng matino ay lumabas na siya ng opisina at dumiretso sa elevator. Ngunit lalong sumama ang timpla niya nang makita ang nag-iisang makakasabay niya sa elevator.

"Uy, Bansot!" ang nakangising bati ni Darwin mula sa loob ng elevator at nakuha pa nitong kumaway.

Literal na sinimangutan niya ito.

"What are you doing here?" taas ang kilay na tanong niya sa lalaki.

"Work." Simpleng sagot nito. "Hindi ka ba papasok?" tanong nito at kasunod niyon ay ang dahan-dahang pagsara ng pinto ng elevator.

"No thanks. I would just---" Nagulat siya nang pigilan nito gamit ng sariling mga kamay ang papasarang pinto at walang sabi-sabing hilahin siya papasok ng elevator. At dahil hindi niya inaasahan iyon at walang lakas dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya ay tagumpay na nahila siya nitong papasok bago pa tuluyang sumara ang mga pinto ng elevator. "What are you doing?" she snapped at him.

"I helped you get in the elevator." Kibit-balikat na sabi nito.

"I could have taken the next elevator!"

"And that would be childish." Simpleng balik nito sa kanya.

"Whatever." Sabi na lamang niya at sumandal sa dingding ng elevator pagkatapos siguraduhing nakapagbigay siya ng sapat na distansya sa pagitan nila ng lalaki.

Ipinagpasalamat niyang hindi na ito nagsalita pa dahil wala siyang balak na makipagsagutan pa rito. Sadyang masakit ang ulo niya bukod pa sa parang umiikot ang paligid kahit pa bahagya lamang naman ang galaw ng sinasakyang elevator.

Nang sa wakas ay tumigil ang elevator sa floor na bababaan niya ay umayos na siya ng tayo ngunit agad ding napakapit nang makaramdam na naman ng pagkahilo.

"Hey, are you alright?" ang tanong mula sa tabi niya.

Hindi niya ito pinansin sa halip ay pinilit na tumayo nang maayos at maglakad palabas. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli niyang naramdaman ang pagkahilo. Nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyang magdilim ang paligid. Naramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan. She was sure she would soon hit the floor when she suddenly felt warm arms around her. And that warm familiar arms were the last she remembered before she went completely unconscious.