"GUMISING ka na, Kath! Please!" pagdadalamhati ni Rioka habang sinusubukang i-CPR ang bangkay ni Katheria, umaasang mabubuhay pa ito. Nasa likod naman nito si Andrea na hinihimas ang balikat ng dalaga upang kahit papaano ay mapatahan niya ito.
Maya-maya ay bigla na lang nagkukumahog na makapasok si Eliza sa kanilang silid nang makarinig siya ng malakas na pagsigaw kanina mula rito.
Napaawang ng bibig si Eliza nang makita ang magulong sinapit ng kanilang kwarto, maging ang katawan ng kanyang kaibigan na kasalukuyang pinaglalamayan ni Rioka. Lumapit siya rito at pa-upo ring lumuhod gaya ni Rioka.
"T-tell me this is some sort of joke, R-rioka!" marahas na niyugyog ni Eliza ang magkabilang balikat ng dalaga. Itinigil naman ni Andrea ang kanyang pagpapatahan kay Rioka upang mabigyan ng panahon ang mga ito na magdalamhati sa kanilang nasawing matalik na kaibigan.
Umiling nang dahan-dahan si Rioka bilang tugon sa tanong ng kaharap niyang dalaga. Tumingin si Eliza sa lumubong katawan ni Katheria at nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak.
"Kath! P-please wake up!" Tumigil siya saglit upang humikbi. "S-sabi mo pa 'di ba na you'll treat Rioka, Mayumi, and I once we g-get out of here?" dagdag pa nito at saka pinunasan ang kanyang mga luha.
Pinatahan naman siya ni Rioka at nagyakapan silang dalawa.
Walang anu-ano'y biglang kumawala si Eliza sa mga yakap ni Rioka nang may maalala ito, at saka tinanong ang dalaga, "Rioka, 'di ba kayo ang unang nakaakyat dito sa dorm?"
Marahan namang tumango si Rioka na nagtataka sa biglang katanungan ng dalaga.
"H-have you seen, M-mayumi?"
Napadilat ng mga mata si Rioka nang maalalang bumalik daw rito sa dormitoryo si Mayumi, base na rin sa sinabi ni Andrea, sa gitna ng pag-aaway nina Chynna at Eliza kanina sa kantina.
"H-hindi pa. B-baka nasa kwarto nina Hazel... " sagot naman ni Rioka ng may pag-aalinlangan.
Nang marinig ang mga katagang sinambit ni Rioka ay kumaripas naman agad ng takbo si Hazel upang tingnan kung nandoon ba talaga sa kanilang silid si Mayumi. Mabilis namang sumunod sina Lawrence at Zaira sa kanya.
"Wala siya sa room namin. Baka nasa kwarto ng mga lalaki," nanlulumong sambit ni Hazel pagbalik nilang tatlo sa kumpulan ng kanyang mga kaklase sa harap ng basang-basang silid nina Eliza.
"Imposible 'yang sinasabi mo, Hazel. How come naman na pupunta siya sa kwarto namin?" nagtatakang sambit ni Augustus
Sumenyas naman si Winter na subukan na lamang nilang hanapin sa kanilang mga kwarto si Mayumi.
Ngunit paglabas ng mga lalaki sa kanilang kwarto ay walang ni anino ni Mayumi ang kanilang nailabas.
"N-no... this can't be happening," humihikbing utal ni Eliza nang mapagtantong baka patay na rin ang kanilang kabarkada na si Mayumi. Naalala niyang hindi pa pala nagkakaayos ang dalaga at saka si Katheria simula ng aksidenteng mapagbintangan itong maysala ni Katheria sa pagkamatay nina Krystall at Vanessa. Agad naman siyang dinaluhan ni Rioka upang tumigil na ito sa pagpapalahaw.
"H-hindi nga ako nagkamali. P-patay na talaga si M-mayumi," wala sa sariling sambit ni Andrea.
"What? Can you repeat what you've said, nerd? Patay na si Mayumi?" dahan-dahang sabi ni Eliza nang marinig niya ang tinuran ni Andrea.
"P-patay na si Mayumi... at kasalanan ko 'yon," pag-uulit pa ni Andrea sa kanyang sinabi.
Agad na lumapit si Eliza sa dalaga at akma na sanang sasabunutan ito, ngunit maagap namang pumagitna sa kanila si Chynna at saka hinawakan sa magkabilang balikat si Andrea.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Andrea sa nangyari kay Mayumi. Kung hindi lang sana kita inutusan na kumuha ng toyo sa stock room... baka ngayon kasama pa natin si Mayumi," marahan niyang tugon sabay yuko ng kanyang ulo. "Dapat ako na lang ang pumunta doon para mapatay na ako ng killer. Tutal wala naman talagang kwenta 'tong buhay kong 'to," dagdag pa niya at saka humikbi.
Umiling naman si Andrea sa sinambit ni Chynna.
"So, it's you pala talaga!" sigaw ni Eliza sabay marahas niyang sinabunutan si Chynna.
Hindi naman pumalag ang dalaga at hinayaan na lamang na saktan siya ni Eliza. Sa isip-isip niya, nararapat lang sa kanya ang ginawang pagpaparusa sa kanya ng dalaga, upang kahit papaano ay mabayaran man lang niya ang pagkamatay ni Mayumi. Para bang wala lang sa kanya ang pagkakaalog ng kanyang ulo at pagkakahatak ng kanyang itim na itim na mahabang buhok.
Wala namang sumubok na pigilan si Eliza—habang patuloy pa rin itong umiiyak—sa kanyang pagsasabunot kay Chynna. Maging si Andrea ay nakayuko, tila ba bulag sa ginagawa ni Eliza. Akma sanang pipigilan ni Hazel ang pagsasabunot kay Chynna ngunit malakas siyang itinulak ni Eliza. Mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Lawrence na nasa kanyang likuran na pala.
"Come on! Stop her!" utos ni Winter sa kanyang mga lalaking kaklase.
Mabilis namang sumunod sina Hugh at Kian, at marahas na hinawakan ang mga braso ng dalagita. Pilit namang nagpupumiglas si Eliza upang patuloy na saktan si Chynna ngunit napakahigpit ng kapit sa kanya ng mga binata.
"Do you think, Eliza... na maibabalik mo si Kath 'pag sinaktan mo si Chynna?" turan ni Winter kay Eliza at saka dahan-dahang binitawan si Chynna.
"Anyway. All girls should be altogether inside Room 1 since punong-puno ng tubig ang Room 3, which is ang kwarto nina Rioka," anunsyo ng kanilang school president. ["And tomorrow, we'll start our plan to escape this hell as soon as possible."]
Matapos nito ay umalis na si Winter at pumanhik na sa kanilang silid. Isa-isa namang nagsunuran ang iba papunta sa kani-kanila ring mga silid. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay bigla na lang namutawi sa makakapal na mga labi ni Eliza ang isang salita na minsan lang niya sambitin.
"Sorry," aniya kay Chynna at saka dahan-dahang umalis.
"Hindi sapat ang isang [sorry] lang sa lahat ng mga ginawa mo sa'kin noon," sambit ni Chynna ngunit hindi na ito narinig pa ni Eliza sapagkat nakalayo na ito.
•••
"WALA PA rin bang signal, Rioka?" tanong ni Eliza sa dalaga nang matapos nitong maligo sa banyo ng orihinal na kwarto nina Hazel. Sa katunayan, nung una, natatakot pa siyang pumasok sa loob ng banyo dahil baka mangyari rin sa kanya ang nangyari sa kanyang nasirang kaibigan. Ngunit, naisip naman ng dalaga na kung oras na niya talaga, dapat lamang na bagong paligo siya, upang kahit papaano ay hindi umalingasaw ang kanyang baho sa lamay niya.
"Kanina ko pa nga sinusubukang i-contact ang mga social media friends ko e... but to no avail," sagot ni Rioka at saka itinapon ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Muntikan pa nga itong mahulog ngunit agad naman itong nasalo ni Andrea. Gayunpaman, hindi nagpasalamat si Rioka; isang walang buhay na titig lamang ang kanyang iginawad sa dalaga.
Pumili naman ng damit na susuotin si Eliza sa kanyang walk-in closet. Nang makahanap na siya ay tumayo na muna siya sa harap ng pintuan ng banyo.
"Have you tried calling 911... or any other hotlines that might help us?" ani Eliza at saka dahan-dahan nang pumasok sa loob ng banyo ng makitang umiling si Rioka. Naalala niyang wala nga palang signal.
["If there's really no other way, maybe we'll just cry in agony, and will be dead soon]," bulong ni Eliza sa kanyang hubo't hubad na repleksyon sa harap ng isang salamin.
BUKAS ang bintana ng kanilang silid kung kaya ay malayang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin ng buwan ng Hunyo.
Nasa pintuan naman si Chynna habang tinutukso nito si Hazel dahil sa nahuli niya itong nakatitig sa larawan ni Lawrence na kanyang kuha.
Pilit namang pinapatahimik ni Hazel si Chynna sapagkat takot siyang baka marinig siya ng kanyang mga kaklase at tuksuhin sila lalo. Sumasabay pa nga si Zaira sa pagtawa kay Chynna habang nagsusulat ito sa kanyang kwaderno. Tahimik naman na nasisiyahan si Hazel sapagkat nakikita niyang nakangiti na ulit si Chynna. Mas mainam na rin iyon upang hindi na nito sisihin ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Kath at pagkawala ni Mayumi. Si Andrea naman ay nagsisimula na ring humilik matapos nitong magbasa ng libro na pantasya. Saglit pa ngang umismid si Rioka dahil sa lakas ng hilik ng dalaga at saka nagtalukbong na rin ng kumot upang makatulog na rin ito.
Maya-maya ay bigla na lang napatigil si Hazel at saka dahan-dahang itinuro ang likod ni Chynna. Makikitang may taong nakaitim na kasalukuyang may hawak na kutsilyong napakatalim. Kuminang pa nga ang dulo nito dahil sa ilaw sa kanyang silid. Ngunit hindi man lang nadaplisan si Chynna nang iwinasiwas ng misteryosong tao ang kanyang hawak na kutsilyo; sapagkat lumapit ang dalaga kay Hazel sa pag-aakalang nagtatampo na ito.
Nang mahimasmasan na si Hazel sa nangyayari ay agad siyang sumigaw, "Chynna! Sa likod mo!"
Matapos nito ay dali-dali nilang isinara ang pintuan at agad na ini-lock ito. Lumangitngit pa nga ito dahil sa sumasayad ang bandang ibaba nito sa sahig.
Nang maisara na ang pintuan ay marahas ito na kinalampag ng [misteryosong tao.]
Nagsimula na ring manginig si Hazel dahil sa takot samantalang impit namang sumisigaw si Chynna. Pati tuloy si Zaira ay napatigil sa kanyang ginagawa at sumandal sa sementadong dingding ng kanilang kwarto.
Nang marinig na tila ba nagkakagulo sa labas ay dali-daling lumabas ng banyo si Eliza. Nang mapagtanto niyang ang dahilan ng kaguluhan sa loob ng kanilang kwarto ay ang [killer] na nasa labas, ay agad niya itong sinugod.
"Fvck you! Why did you ki—" Napatigil ang dalaga sapagkat wala na siyang naabutang tao sa labas ng kanilang kwarto, matapos niyang matapang na buksan ito. Napa-indak na lamang siya sa inis nang wala na siyang mahagilap na tao sa labas. Labis naman ang ipinagtaka niya nang mapansin niyang saktong paglabas niya ng silid ay sakto ring pagsarado ng pintuan ng katabi nilang silid.