KATATAPOS lang ng klase ng seksyon Euclid kung kaya ay agad silang nagpulasan upang makalabas na sa kanilang silid-aralan. Makikitang pagod na pagod na ang mga estudyante dahil sa maghapong mga aktibidad. Sa katunayan, hindi nila inaasahan na magbibigay agad ang kanilang mga guro ng mga pagsusulit kahit na unang araw pa lamang ng pasukan. Nagtaka sila kung bakit ang tagal nilang pinauwi ng kanilang huling guro; sila na lang kasi ang natitirang mga estudyante sa buong paaralan.
"Yey! First day is done!" sigaw ni Kian sabay akbay kina Theo at Hazel na kasalukuyan niyang kasabay sa paglalakad.
"Aahh... Kian?" ani Hazel. "'Yung braso mo, ang bigat kasi," dagdag pa nito sabay yuko.
"Susss... nahihiya ka lang yata sa akin e," panunukso ni Kian na agad ikinapula ng dalaga.
"'Di kaya! Sadyang mabigat lang talaga. 'Di ba, Theo?" sambit ni Hazel sabay baling ng tingin kay Theo. Tahimik namang ngumisi ng malapad si Theo sa babae.
Papalabas na sana sila ng gate nang mapahinto sila sa kanilang mga kinatatayuan. Bigla kasing hinarang ang grupo nina Eliza ng limang maskuladong mga lalaki—ang mga guwardya ng Academia de Adler—na kilala sa pagiging mahigpit nito sa mga estudyante.
"And why you wouldn't let us out? For God's sake, we're all tired, and it's getting late na! So please," pagmamaktol ni Eliza habang hawak-hawak siya sa braso nina Mayumi, Katheria, at Rioka.
"Pasensya na po talaga, ma'am pero iyon na po kasi ang iniutos sa amin. Kami ang malalagot dito e kapag hinayaan namin kayong makauwi sa inyo," turan ng isa sa mga guwardya habang kinakamot nito ang kanyang batok.
"So, saan mo kami patutulugin? Sa guard's house?" pamimilosopo ni Chynna.
"May mga dormitoryo na po kasi ang paaralang ito na para sa inyong seksyon. At matatagpuan po ito sa 4th floor ng building n'yo," giit naman ng isa sa mga guwardya dahilan para lalong mainis ang mga estudyante.
["Seriously?"]
["Punyeta talaga o!"]
["My dad never told me this."]
"Ba't ngayon pa? May TV guesting pa ako this 7pm! That's why I have to be real quick!" pagmamaktol naman ni Mayumi.
"Sorry talaga, ma'am. Kung may tanong pa po kayo, pumunta na lang kayo sa Principal's Office," saad ng isa sa mga guwardya. "O kung wala na, dumiretso na lang kayo sa inyong building at hanapin ang inyong mga kwarto. May listahan na rin po na nakadikit do'n," dagdag naman ng isa pang guwardya habang pilit na pinipigilan ang mga nagtatangkang lumabas.
Habang abala sa pakikipag-argumento ang mga guwardya ay bigla na lamang tumakbo papalabas ng gate si Rixxtan.
"Let me go! Uuwi na nga ako e!" sigaw niya habang marahas siyang pinipigilan ng dalawang mga guwardya. Dahil sa nangyayaring kaguluhan ay nagsimula na ring magpumiglas ang ibang mga estudyante.
Walang anu-ano'y bigla na lang may pumutok na baril. Napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Sapol sa ulo ang alagang pusa ni Rixxtan, dahilan ng agarang pagkamatay nito.
"Nooooooo!" palahaw ni Rixxtan sabay lapit sa kanyang alagang pusa na kasalukuyan nang nakahandusay sa malamig na konkretong daan ng eskwelahan.
Ramdam ng iba ang pagdadalamhati ng lalaki habang ang iba nama'y nagawa pang umismid sa tagpong napapanood nila ngayon.
["Arte naman. Parang bakla."]
["Condolences."]
["So sad for Panther."]
["Pusa lang naman yan e."]
["Sino yung bumaril?"]
Sa kalagitnaan ng pag-iiyak ni Rixxtan ay bigla na lamang dumating ang kanilang prinsipal. "Students go to your respective rooms, now!" sigaw ng lalaki dahilan upang magsitakbuhan ang mga estudyante pabalik sa kanilang gusali.
Kung lumingon pa sana ang mga estudyante, makikita sana nila ang biglaang pagngiti ng kanilang punong-guro.
•••••
"DITO raw po ang kuwarto ko." Dahan-dahang isinara ni Andrea ang pintuan matapos siyang pagbuksan ni Chynna. Agad niyang inilagay ang kanyang backpack sa kama ngunit bigla siyang nagulat nang makita ang ilan sa mga gamit niya sa kanyang kuwarto sa kanilang buhay.
"Don't be too surprised nerd if nandito na lahat ng mga gamit mo. You see, our parents had made them delivered while we are still on class kanina," sambit ni Katheria.
"And one more thing, why are you even here? Mayumi should have been our roommate." Tinitigan ni Eliza si Andrea mula ulo hanggang paa na wari ba ay sinusuri ito. "Para naman walang mga loser sa kwartong ito," dagdag pa niya.
"Ikaw talagang bruha ka!" Akmang susugurin na sana ni Chynna si Eliza nang bigla siyang pigilan ni Andrea. "'Wag mo nang patulan pa. Baka lumala pa yan e."
"Cut it off! Magla-live na ako! Hi, guys! Currently, we're here at our dorm," biglang sabat naman ni Rioka na ikina-ikot ng mga mata nina Eliza, Katheria, at Chynna.
SAMUT-SARING mga ingay ang kasulukuyang maririnig sa kuwarto nina Gian, Hugh, Xyryl, Lawrence, at Winter. Naglalaro kasi ng Mobile Legends:Bang Bang ang tatlong unang nabanggit habang seryoso naman na naglalaro ng jigsaw puzzle si Lawrence. Samantala, tahimik naman na nagtitipa sa kanyang laptop si Winter—na kanina pa nagtitimpi sa lakas ng mga boses ng kanyang mga kasama.
"Xyryl 'yong bot! Hugh, dito tayo sa mid!" sigaw ni Gian habang matinding nakapokus sa kanyang cellphone.
"Papatayin ko kayong lahat!" wala sa sariling utal ni Xyryl patungkol sa kanyang mga kalaban na wari ba'y naririnig siya ng mga ito.
"'Yung tore ang tirahin niyo," paalala ni Hugh.
["Victory!"]
"Woah! Seven win streak na tayo mga men! Hahaha!" masayang sigaw ni Hugh sabay apir kina Xyryl at Gian.
"Ingay niyo. Tss," biglang sabat ni Winter bagay na ikinagulat nilang lahat. "Magsitulog na nga kayo."
"Ok pres," halos sabay-sabay na utal nina Gian at Hugh. "Kakatakot talaga 'pag may kasama kang presidente sa kwarto niyo. Geez," bulong pa ni Hugh kay Gian.
["Please ban an enemy."]
"Hoy! Tulog na raw!" paalala ni Gian kay Xyryl nang maaninagan niyang naglalaro na naman ito.
SAMANTALA, sa kabilang kuwarto naman ay tila ba nagkakasayahan sina Hazel, Mayumi, Vanessa, at Zaira. Kasalukuyan kasing kinukunan ng litrato ni Hazel si Mayumi na animo'y isa itong modelo. Sa katunayan, pangarap talaga ni Mayumi ang maging isang sikat na modelo balang-araw. Sa kabilang dako naman ay abala sa pagsusulat sa kanyang kuwaderno si Zaira habang tahimik naman na nagbabasa si Vanessa sa sinusulat nito.
"Mayghad Zaira! Nakakatakot naman 'yang kuwento mo! Pero infairness ha, ang ganda ng pagkakasulat mo. Pro na pro!" pagpupuri ni Vanessa kay Zaira, bagay na ikinatuwa naman ng dalaga.
"Oy, thank you ha," pagpapasalamat ni Zaira.
"Susss... wala 'yon. Teka lang. Ang tagal yata ni Krystall sa loob ng CR," utal ni Vanessa tapos ay bigla siyang sumigaw. "Hoy! Bilisan mo na diyan! 'Wag ka nang mag-jakol! Hahaha!"
"Mga lalaki lang nagjajakol no!" sigaw ni Krystall. Napuno tuloy ng halakhakan ang buong kuwarto.
"Your shots are always excellent, Hazel. Picturan mo ako ulit bukas, ha?" sambit ni Mayumi na agad namang sinang-ayunan ni Hazel.
"But girls? What's jakol?" tanong ni Mayumi matapos ay inosente siyang ngumiti. Napuno na naman ng mas malakas na tawanan kaysa kanina ang buong kuwarto.
KASALUKUYANG pinapatahan nina Miko at Theo si Rixxtan na patuloy pa rin na nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang alagang pusa. Hinihimas naman ni Theo ang kanang balikat ni Rixxtan habang pilit naman siyang pinapayuhan ni Miko. Sa kabilang dako naman ay nanunood ng nakakatakot na palabas si Kian sa kanyang laptop habang may nakalagay na earphone sa kanyang mga tainga. Si Agustus naman ay kasalukuyang nagsusulat ng news article sa isang puting papel.
"Bro, kumalma ka na. Mapapalitan naman 'yung pusa e," giit ni Miko.
"Pero, Panther has been with me for almost a decade," sambit ni Rixxtan habang humihikbi. "Pangako, papatayin ko talaga kung sino mang pumatay kay Panther," bulong niya sa kanyang sarili. Agad namang nanginig si Theo dahil sa biglang inusal ng kanyang katabi.
HATINGGABI. Nakababad pa rin si Eliza sa kanyang cellphone at tipa nang tipa rito. Samantalang si Andrea naman ay hindi pa rin makatulog dahil sa siya ay namamahay.
"Andrea, patayin mo na nga 'yung ilaw. 'Di ka pa ata tulog e," utos ni Eliza sabay turo sa switch ng ilaw na nasa tabi lang ni Andrea. Ngunit tinitigan lamang siya ng dalaga.
"O bakit? Sabi ko patayin mo na!" bulyaw niya at sandaling inayos ang kanyang kumot.
"E kasi Eliza... hindi ako nakakatulog ng walang ilaw," nahihiyang turan ni Andrea.
"The hell I care," sambit ni Eliza sabay tumagilid siya ng higa.
Wala namang nagawa si Andrea kung hindi ang sundin na lamang ang utos ng dalaga kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot para hindi siya matakot.
Hindi alam ni Andrea na sa pagkatalukbong na pagkatalukbong niya ng kanyang kumot ay siya namang dating ng isang misteryosong anino—na kasalukuyang nakatanaw sa natutulog na mga dalaga. Nagniningning ang hawak nitong kutsilyo dahil sa ilaw na tanglaw ng poste.
SAMANTALA, dahil sa pamamahay ni Hazel ay nagawa niyang lumabas muna ng kanilang silid. Maya-maya, naaninag niya ang isang tao na kasalukuyang nakatayo sa isa sa mga silid ng kanyang mga kaklase. Lumapit ito sa kanya.
"Hazel? Namamahay ka rin ba?" tanong sa kanya nito.
"Oo e. 'Di ko kasi akalain na dito na tayo titira," nahihiya namang utal ni Hazel.
"Dapat 'di ka na lumabas. Alam mo namang delikado na ang panahong ngayon. Baka mapaano ka," pag-aalala nito kay Hazel sabay haplos sa mapulang pisngi nito—bagay na ikinagitla ng dalaga.
Habang nagsasalita ang kanyang kaharap ay 'di nakaligtas sa paningin ni Hazel ang hawak-hawak nitong patalim—na tinatago ng binata sa kanyang likuran.
[Papatay ba talaga siya ng tao nang dahil lang sa isang pusa?]