"IKAW LANG pala! Muntik pa tuloy akong atakihin sa puso," natatawang sambit ni Vanessa habang pinipigilan pa rin ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya batid kung dahil ba ito sa takot o 'di kaya ay dahil sa may sikreto siyang nararamdaman sa taong kaharap niya ngayon.
Dahil sa maliwanag na ang loob ng kantina ay agad na nakita ng dalaga ang dalawang mga serbidora na natutulog sa kanilang mga outlet.
Nilapitan niya ang mga ito at akma na sana niyang gigisingin ang mga ito nang makitang may tumutulo na mga pulang likido sa sementong tinatapakan niya. Nagmumula ito sa katawan ng mga babae! Agad siyang napahawak sa kanyang bibig dahil sa takot at pagkagulat. Umatras siya... nang umatras. Hanggang sa mabangga niya ang taong kasa-kasama niya sa kanyang likuran.
"Nasorpresa ba kita, Vanessa?" bulong nito sa kanyang tainga.
"Sinong p-pumatay sa kanila? I-ikaw ba? P-pati kay Gian?" nanginginig na sambit ni Vanessa, hindi pa rin niya nililingon ang tao sa kanyang likuran.
"Oo, ako nga. 'Di kasi nila sinunod 'yung utos ko e. Kaya ayan, pinatay ko na lamang sila. Wala kasi silang mga silbi," pag-amin nito sa dalaga. "At 'yan din ang gagawin ko sayo!"
Hindi na nakapalag pa si Vanessa nang bigla siyang pagsasaksakin habang sapilitang hinahatak nito ang kanyang mahabang buhok. Naramdaman niyang matatanggal na ang kanyang anit dahil sa lakas ng pagkakahila nito. Impit siyang sumigaw dahil sa sakit; mukhang hindi na niya kaya.
Ang huling imahe na lamang na nakita ng dalaga ay ang ulo ni Krystall na puno ng hilakbot habang gumugulong ito sa sementadong sahig papunta sa kanya.
•••••
ISANG NAKARIRINDING SIGAW ang pumukaw sa natutulog na mga estudyante na kabilang sa seksyon Euclid. Nagising na lamang ang iba habang ang karamihan naman ay nagrereklamo pa dahil naudlot daw ang kanilang mahimbing na pagkakatulog.
Agad na nagsigawan at nag-iyakan ang mga ito na tila ba sila ay nababaliw na, nang makita nila ang dalawang bangkay na nakaupo at nakasandal sa harap ng kwarto nina Katheria. Halos mabutas na ang bangkay ni Vanessa sa dami ng saksak nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan, kagaya na kagaya ng pagkamatay ng nauna nilang kaklase na si Gian. Samantalang hawak-hawak naman ng katawan ni Krystall ang ulo nitong punong-puno ng hilakbot. Si Rioka naman na unang nakatuklas ng mga bangkay ay mas lumakas ang pag-iyak dahil sa nararamdamang takot. Maagap namang tinakpan ni Kian ng kanyang kumot na dala-dala ang nagsisimula nang langawin na labi ng mga dalaga.
"Go find some help!" ma-otoridad na utos ni Winter kina Xyryl, Hugh, at Miko.
Mabilis namang tumakbo ang mga lalaki at nasagi pa si Hazel na tulalang nakatingin sa mga bangkay. Na-kompirma na nang tuluyan ng dalaga na totoo nga na may taong may matinding galit sa kanilang seksyon. Biglang nagtama ang kanilang mga mata ni Lawrence. Agad naman siyang tumingin sa sahig upang umiwas sa mapanuring mga mata ng lalaki.
Nagulat si Agustus nang pagtingin niya sa kanyang relo ay alas otso na pala ng umaga at saka nagtaka siya dahil wala siyang naririnig na mga ingay ng kanyang mga ka-eskwela sa paligid.
"Guys? Do y'all find it weird na sobrang tahimik ata ngayon... eventhough 8am na?" tanong ni Agustus bagay na ipinagtaka rin ng karamihan.
"Uhmm, g-guys—" Tinuro ng nanginginig na mga daliri ni Rixxtan ang sentro ng kanilang eskwelahan. Agaran naman itong sinundan ng tingin ng kanyang mga kaklase.
Puno ng hilakbot ang mga mukha nina Xyryl, Hugh, at Miko nang tuluyan na silang makaakyat sa ikaapat na palapag. Nabigla sila nang makitang nakatulala na lahat ng kanilang mga kaklase.
"Th-They are all dead! Our teachers, our schoolmates... even the principal! Patay na silang lahat! W-were all doomed here!" malakas na hiyaw ni Miko. "E-even the telephone lines, putol lahat! Pati cellphone namin, walang n-nakukuhang signal!" sambit pa nito dahilan upang mas lumakas pa ang mga sigawan at pagdadalamhati ng mga magkakaklase.
Walang anu-ano'y bigla na lang nawalan ng malay si Andrea. Hindi na kasi nakayanan ng dalaga tumingin sa napakaraming dugo na nagkalat sa paligid. Mabuti na lang at agad itong nasalo ni Chynna bago pa mabagok ang ulo nito sa sahig. Umismid naman sina Katheria at Eliza sa nangyari kay Andrea.
"Arte naman. You should have let it fall na lang kaya," bulalas ni Eliza na sinang-ayunan naman ni Katheria.
"Definitely. Siguro kung ako yung killer, 'yung mga ganyan ang uunahin ko!" turan ni Katheria dahilan upang magsitinginan ang kanyang mga kaklase sa kanya.
"No, it's not what you think," pagdepensa naman ng babae sa sarili mula sa mga nagtatakang titig ng kanyang mga kaklase sa kanya.
Habang patuloy pa ring nag-iiyakan ang lahat ay bigla na lamang tumunog ang mga speaker ng kanilang paaralan.
["This is an emergency broadcast. No student is to go outside their dormitories under any circumstances. I repeat, no student is allowed to go outside their respective dorms. Thank you."]
["This is an emergency broadcast. No student is to go outside their dormitories under any circumstances. I repeat, no student is allowed to go outside their respective dorms. Thank you."]
Agad na nagsigawan ang mga estudyante upang humingi ng tulong sa kung sino mang nag-ooperate ng mga recorded na emergency broadcasts. May iba pa ngang bumaba para tingnan kung sino yung nasa Audio Room para makahingi sila ng tulong ngunit bigla na lamang may lumitaw na tinig mula sa mga speaker.
["Hello, mic test,"] paunang utal nito.
["Tulong!"]
["Heeeelllppp!"]
["Call the cops!"]
["Tulungan mo kami!"]
Sunod-sunod na humingi ng saklolo ang mga estudyante, nagbabakasaling tulungan sila ng misteryosong tinig.
["Congratulations, Euclid. You're still alive!"] masiglang bati ng tinig na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa dahilan upang huminto sila sa pag-iyak at magsimulang magtaka.
["Anyway, kung tinatanong niyo kung ako ang may pakana ng lahat. May tumpak kayo!"] natatawang sambit nito na sinabayan pa niya ng pagpalakpak.
"Why are you doing this to us? Why did you killed both Vanessa and Krystall?" mahinang tanong ng humihikbing si Mayumi.
["'Di ba tinuro ng mga magulang mo na bawal ang magbintang?"] tanong nito pabalik sa dalaga.
"So who do you think ang i-a-accuse namin?" matapang na tanong naman ni Rioka sabay punas sa mga luha nito.
["Oops. Oops. Oops. Teka nga lang muna. I admit ako at ang mga tauhan ko ang pumatay sa mga schoolmates, teachers, at maging sa punyetang Principal Hector ninyo pero hinding-hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan,"] mahabang turan nito. ["Hindi ko naman kasalanan kung bakit nagpapatayan na rin kayo,"] dagdag pa niya.
"Ibig sabihin, isa sa amin ang killer?" nahihintakutang tanong ni Hazel.
["Probably. Kayo lang naman ang natitirang tao dito 'di ba?"] natatawang sagot ng tinig bagay na ikinagitla nilang lahat.
"Just don't fvcking believe, everything he'll say!" sigaw ni Xyryl ngunit wala man lang pumansin sa kanya.
"I-ikaw ba ang pumatay kay P-panther?" marahang tanong ni Rixxtan.
["Ahhmm... Yes. Ako nga. Ayaw niyo kasing tumigil sa kakangawa no'ng isang araw e. Kaya ayon pinabaril ko 'yung pusa mo,"] ani ng misteryosong tao habang tumatawa pa.
Hindi na muli pang pumalag si Rixxtan. Tinanggap na lang sa sarili niyang wala na talaga ang alaga niyang pusa na kasa-kasama na niya no'ng walong taong gulang pa lamang siya. Inakap naman siya nina Hugh at Kian upang pakalmahin ito.
"G-guys? Wala naman sigurong pumatay sa classmates natin dito 'di ba? Friends naman tayo lahat dito di ba?" tanong ni Miko sa kanyang mga kasama.
Napatingin silang lahat sa puwesto ni Katheria na ipinagtaka naman ng babae.
"O, bakit? Kahit na ganito ugali ko, I can't kill a human being," pagdepensa ng dalaga sa kanyang sarili.
"Sinungaling! E ikaw lang naman ang may masamang intensyon sa ating lahat dito!" sigaw sa kanya ni Chynna.
"Why are you accusing me? Bakit di mo tanungin si Zaira why she followed Vanessa and Krystall kagabi?" sagot naman ni Katheria sabay baling ng tingin kay Zaira na ngayon ay nagsisimula na ring umiyak. "At saka malamang, isa lang sa inyo sa Room 1 ang pumatay sa dalawa!" dagdag pa nito.
"So that includes me, Kath?" tanong naman sa kanya ni Mayumi na may halong panlulumo.
"Sorry Mayumi. I'm just defending myself. Parang ako na kasi yata ang ina-accuse ng lahat e," paghingi ng paumanhin ni Katheria sa matalik na kaibigang si Mayumi.
"Oo, totoo nga na lumabas ako kagabi. Pero bumalik ako kaagad kasi napakadilim ng hallway sa baba. Kahit tanungin mo pa 'yang si Mayumi," pagpapaliwanag ni Zaira sabay turo kay Mayumi.
"I asked Zaira kasi to follow them kasi magpapabili muna sana ako ng tubig. Pero I already slept na," turan naman ni Mayumi. "You—why are you still sleepy?" tanong nito kay Hazel.
"D-di kasi ako makatulog kagabi dahil sa iniwan na code ng killer," utal naman ni Hazel.
"You mean, yung sa bangkay ni Gian?" tanong naman sa kanya ni Rioka.
"Y-yes. S-sinabihan ako ni Lawrence na na-solve na daw niya yung code. And then, may hidden mess—" saad ng dalaga.
["Prepare for my wrath, Euclid,"] biglang sambit ni Lawrence sabay tingin sa gawi ni Hazel.
Kahit na sinabi ng [misteryosong tao] na nasa speaker, na isa sa kanila ang pumatay sa kanilang mga kaklase, hindi pa rin sila naniniwala sa binibintang nito sa kanila. Sigurado silang tuso ito at malamang pinaglalaruan lang nito ang kanilang mga damdamin.
Nang makabalik sina Xyryl at Hugh matapos puntahan ang Audio Room upang tingnan kung sino ang kasulukuyang nag-ooperate dito ay naghilakbot ang kanyang mga kaklase sa kanilang ibinalita.
"G-guys, walang tao sa Audio Room."
"Kung ganun, saan at sino yung nagsasalita?" tanong ni Chynna sa kanyang mga kasama.
"Maybe recorded na yun lahat?" opinyon ni Miko.
"How come? Nag-re-response siya sa mga tanong natin e," sambit naman ni Katheria.
"Baka may iba pang lugar dito na kagaya ng sa Audio Room?" tanong naman ni Agustus.
Bigla na lamang may pumalakpak sa mga speaker.
["Very well, section Euclid. That's true. Totoo pala talaga ang aking mga nalaman na matalino pala talaga kayo. May iba ngang lugar dito sa loob ng campus na pwedeng gawing Audio Room. And also... Lawrence is also correct that I came here for revenge—"] misteryosong sambit ng tinig. ["Revenge for that bastard who killed my wife."]
Tahimik namang napangisi ang isa sa kanilang mga kaklase. Gusto na niyang humalakhak ng malakas sapagkat nakikita niyang nagmumukha nang mga baliw ang kanyang mga kaklase sa kakahanap sa kung sino ang tunay na pumatay sa kanilang mga kaklase. Saglit siyang napatingin sa pwesto ni Theo na kasalukuyang nakatingin sa pwesto ng mga bangkay. Tila ba tulala ito at may malalim na iniisip.
Isang nakakakilabot na ngiti ang biglang sumilay sa kanyang maninipis na mga labi. Binasa niya ito gamit ng kanyang dila.