Chereads / UNTIL YOU GIVE UP / Chapter 3 - Chapter 1 - Coincidence

Chapter 3 - Chapter 1 - Coincidence

Chapter 1

Coincidence

That's how I lose it, so kung iisiping mabuti, mas naunahan ko pa si Price na hanggang ngayon ay alam kong naghahabol parin sa asawa niyang pakipot.

It's okay. I enjoyed the damn feeling. Pagkatapos ng gabing 'yon ay umuwi narin ako para ayusin ang sarili. Iba nga talaga ang nagagawa ng kasayahan. Nakakainis na natatawa nalang ako. Nagkaroon nga ako ng pinapangarap kong itayong negosyo, nawala naman ang pinakaiingatan kong pagkababae.

Nevermind.

Nag-focus ako sa trabaho at pilit na isinawalang bahala ang lahat. I designed dresses that suits the taste of this generation. I got models to expose them, even Price modelled them and got them on trend. But something came up. Kasalukuyan akong nasa Paris dahil na-imbitahan sa kanilang fashion week ng mag-viral si Price kasama niya. Nang lalaking hindi ko na nakita pa ilang buwan narin matapos ng nangyari.

But it's not really my concern right now. Mas nag-aalala ako kay Price na alam kong lubos na maaapektuhan nito lalo na't mukhang wala namang paki ang asawa niya.

"Such a slut! Grabe! Si Cupid pa ang niloko ah?"

Agad naningkit ang mga mata ko sa modelong nagsabi nito. Napatigil ako sa ginagawang paghahanap ng mga damit sa rack na susuotin ng mga modelo para harapin siya. "What did you say?"

Napatingin sa akin ang iilang designer, artist at mga modelong naroon, nagtataka sa ginawa kong pagsabat sa modelong isa sa rarampa mamaya.

Kasalukuyan siyang inaayusan ng mga make-up artist niya pero nasa ipad niya ang kanyang atensyon. She's a half filipino model. I've known her to be a slut too so how dare her judge my friend when she's the real one? She look at me with that bitch look of her.

"Did you know Prescilliana Alhara? You're a filipino designer, right? Viral siya ngayon! Niloko niya si Cupid!"

"Says who? That pathetic article?" turo ko sa ipad niya. Kitang-kita roon ang mga pictures ni Price kasama 'yong lalaki. Different pictures that includes them, kissing. Halos hindi ko iyon matingnan.

Bahagya siyang natigil para mapatingin sa'kin. Tumaas ang ngayo'y pormado niya ng kilay. "Yes, why?"

"Kilala mo ba si fake news? 'Yan 'yon."

"Really?" she said while nodding her head. Like she smell something funny.

"Yeah. And you know who's always behind that shit? It's someone insecure. Gaya mo. Mga mapanira kahit hindi naman inaano ng tao."

Tumawa siya kahit namumula na. Trying hard to be classy. Tss. "Why are you so affected? Don't tell me you're a fan of her? You sound defending her."

Humalukipkip siya habang mariin akong pinagmamasdan. She's still in her silk robe. Plastik ko siyang nginitian bago pinasadahan ng tingin. Yes, she's tall and sexy, oh wait, sexy nga ba ang payat at parang hindi na kumakain? I believe sexy is my body. She's not even that pretty.

"'Cause I really am. That's my friend you are talking about, bitch. I know her more than you do, so don't let me hear your pathetic judgment," I gritted my teeth in annoyance.

"Oh, so slut karin like her?" nanunuya niyang tanong. Tumayo siya para harapin rin ako ng maayos. She crossed her arms in a very maarte way na hindi naman bagay sa kanya.

Pansin kong parang wala ng humihinga sa loob habang pinakikinggan ang sagutan namin. Lahat napatigil na habang pinagmamasdan kaming umiinit ang sagutan.

"I'm not, that's you," I tried hard to faked a smile even when deep inside, gusto ko na siyang sabunutan at sampalin hanggang sa mawala lahat ng plastic sa katawan niya. "But I'm a bitch. And you know what? Alam ko na kung bakit hindi ako makapili ng susuotin mo ngayon. Dahil kahit ano pang isuot mo, mukha ka paring cheap. Hindi bagay sa luxury brand na gagampanan mo ngayon," I raised my brow at her in a very maarte way too to emitate her.

Narinig ko ang pasimpleng hagikhikan ng iilan habang sumasama ang timpla ng mukha niya.

"How dare you--"

"Milly? Stop it! It's almost time! We still have to fix you!" saway ng bakla ng akma niya akong lalapitan para sabunutan.

I'm game! Total, tumutulong at nagmamagandang loob lang naman ako dito. I can always fix myself after ruining her. Pero siya, kung sakaling nakalapit siya sa'kin, sisiguraduhin kong rarampa siya na mukhang palaka at multo sa buwan ng nobyembre.

Oh yeah, I'm really a warfreak when someone steps down on the people whom I cherish. Price is like my sister already. Alam ko ang hirap na dinadanas niya ngayon simula ng magpakasal siya sa asawa niya kaya hindi ako makakapayag na isang article lang na ganyan, mahuhusgahan na siya.

It doesn't define who she is. It doesn't define her love for her husband. I'm a witness of her craziness and painful times in the arms of her husband. Pati 'yong mga panahong hindi ko alam ang gagawin para mapagaan ang loob niya.

"Steeve! You're here!" sigaw ng isang magandang modelo na tapos ng ayusan. If I'm not mistaken, she's Elise Style, one of the gorgeous blonde british model. Tumayo siya para salubungin ang taong tinutukoy niya. Ganoon rin ang ginawa ng iilang modelong nananahimik lang kanina.

Tumalikod narin ako para sana makaalis pero agad rin akong napahinto ng makita ang isang pamilyar na mukha. Mukha na ni sa panaginip ay hindi ko na gusto pang makita pagkatapos ng gabing 'yon.

I mean, I'm not bitter. Ayoko lang siyang naaalala lalo na't pinalayas niya lang ako nun. Hindi man lang gentleman. Kahit man lang tinulungan niya akong magbihis bago paalisin. Duh? As if naman maghahabol ako!

"Of course, babe. Who would want to miss this event?" he chuckled while hugging her. Nawala nga lang ang ngiti niya ng magtagpo ang mga mata namin.

There's that familiar blue eyes again. Parang isang malinaw na dagat kung saan masarap magtampisaw ngunit patibong naman ang laman. Hindi ko alam kung nagulat siya o ano ng makita ako lalo na't blangko lang naman ang mukha niya habang tinititigan ako. Para bang hindi na siya familiar sa babaeng minsan rin siyang napaligaya. I looked away before getting drowned again.

Psh. Edi pareho tayong magpanggap na hindi magkakilala!

Aaminin kong medyo na-shock akong makita siya rito but I've already expected this too as soon as knowing he's really a famous model like what I'm guessing. Sikat siya kaya hindi na malabong agad ko siyang nakilala dahil kahit mga tauhan ko sa botique, bukambibig siya lalo na kapag modelo ang pinag-uusapan.

"Bitch!" parinig ni Milly-malandi sa likod ko, mukhang hindi pa nakakaget-over sa sagutan namin kanina.

I know right? Napairap ako sa kawalan bago sila tinalikurang lahat. Sa labas na ako nag-retouch bago humarap sa iilang importanteng panauhing naroon.

Wala akong gana habang umaattend sa fashion show nila. Hindi ako mapakali lalo na't malayo ako kay Price. Wala 'yong ibang kaibigang malalapitan kung sakali. Hindi tulad noon na nasa condo lang ako. Agad ko siyang tinawagan ng magkaoras and thankfully, okay lang naman daw siya. Okay na daw sila ng asawa niya. Finally! That's her dream from the very start. I am happy for her.

After a long tiring day, finally, makakapahinga narin ako sa hotel na tinutuluyan ko dito. It's been my fifth day here and it's always the same day for me. Nakakapagod pero worth it naman lalo na't mas na-iinspire ako sa mundong tinatahakan. Making designer dresses and make them trends. If it is your dream, it could always lift you up, no matter how tiring it is.

"You're not following me until here, right?"

Nag-angat ako ng tingin sa taong biglang tumabi sa akin habang naghihintay sa pagbukas ng elevator. It's him. I'm amazed he approach me. Akala ko nakalimutan niya na ako matapos ng gabing 'yon.

"Excuse me? Are you talking to me?" Tanong ko para siguraduhing ako nga ang kausap niya. Malay naman natin. Mas mabuti ng sigurado kaysa magmukhang katawa-tawa.

"Kailangan ko pa ba talagang magpakilala sayo o nagpapanggap ka lang na hindi ako kilala?" nagtaas siya ng kilay sa'kin.

Peke akong natawa sa kanya. "Wow, nahiya naman ako sa kapal ng mukha mo. Hindi ka naman ganun ka gwapo. Baka naman ikaw ang sumusunod sa'kin? Palusot ka pa," ismid ko.

"Tsh, sinasabihan mo ba ng pangit ang taong pinagbigyan mo ng sayo? Who are you trying to fool?" he asked sarcastically.

Namula ang buong mukha ko. Oo na! Gwapo ka pero ayoko na sayo dahil mayabang ka!

"So what if I know you? Does it matter? Don't worry, I'm not interested too. Ikaw nga ang unang taong napagbigyan ko, but you surely will not be the last man I'll give in. Don't flatter yourself too much," nakangisi kong sabi bago pumasok sa loob ng lift.

Sumunod rin siya sa'kin, madilim ang mukha. Agad akong lumayo sa kanya para magbigay ng distansya sa pagitan namin. Kami lang dalawa ang tao sa loob at gusto kong magmura ng magmura dahil habang nakatingin ako sa repleksyon niya sa harap ay hindi ko mapigilang isipin ang gabing 'yon.

Tall, hot and muscular. Shit! Even his long fingers made me blush profusely! Tangina lang! Bakit ba kasi napaka-erotic ng dating sa'kin?

Napatikhim siya. Pansin kong nakatingin rin siya sa repleksyon ko harap.

"So, you're Yna?" tanong niya para basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

"No, I'm honey," sarkastikong sagot ko. Huli na ng marealize kong napakamali nung banggitin ngayon. Shit! "I mean, yeah! Obviously."

Nagkatinginan kami. Hindi ko kayang tagalan ang mga mata niya kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin.

He chuckled. "Ah, yeah. Of course. Honey. My get out girl. I hate virgins."

"Edi wow."

"I heard you're a friend of Price? Kumusta siya?"

Doon ako muling napalingon sa kanya. Oo nga pala. Isa siya sa dahilan kaya nagka-isyu si Price ngayon! "Did you hit on her too?" nanliliit ang mga matang tanong ko sa kanya.

"She's my friend," he shrugged his shoulders.

Hindi ako naniniwala. Maganda si Price. Mahilig siya sa maganda kaya pakiramdam ko siya rin ang may kagagawan ng lahat! He initiated and because Price is brokenhearted that time, he grabbed it as his opportunity to get to her. Parang 'yong nangyari sa'min!

Thinking about their picture, kissing, makes me furious.

"How dare you? Ganyan lang ang reaksyon mo samantalang binabash na siya ngayon?--"

Pareho kaming natigilan ng malakas na tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha sa bulsa niya para sagutin ang tumatawag. Noon ko lang din napansin ang suot niya. A pink polo shirt where the first three buttons are open, revealing a bit of his sexy goddamn chest, together with his dark pants and boots. A shade is also loosely hanging over his chest. Wala masyadong nagbago sa kanya. Medyo tumangkad lang at mas naging intimidating. Sa tangkad kong 'to ay hanggang baba niya lang ako.

Nameywang siya habang tinataasan ako ng kilay. Hindi ko napansing habang tinititigan ko siya ay nakatingin rin pala siya sa'kin, pinapanood ang bawat reaksyon ko.

"Pink is masculine," aniya bago mag-iwas ng tingin.

I'm not asking! But anyway... palihim akong napalunok. He's still the same hot and sexy man. Paano ko nga ba makakalimutang bumigay ako sa taong 'to gayong siya na nga ata ang pinakagwapong nakilala ko sa mundong ito?!

Shit lang!

"Yes, Lisa? Is my plane ready?" narinig kong sabi niya bago nakinig sa kabilang linya. "Alright. I'll just get my things here before coming over. Let's just meet at the airport," he said before hanging up. Pareho na kaming natahimik habang hinihintay na lumapag sa tamang palapag.

Steeve Wilbert Morgan. A son of a very high profiled businessman that owns chains of hotels all over Asia and America. Hindi na nakakagulat na may private plane siya. He's a damn wealthy man.

Naalala ko sa kanya si Daddy. He owns chains of hotel too. Pero ni katiting ay alam ko namang wala akong mamanahin dun. Anak lang ako sa labas. Asa pa ako. Kaya nga mag-isa akong tinataguyod ang sarili ngayon dahil alam ko namang wala akong maaasahan kundi sarili ko. I need to work hard. I'm not Price. Iba-iba kami ng problemang kinakaharap sa buhay. Nagpapasalamat nalang ako na kahit papaano ay pinag-aral niya parin ako. Atleast, may nagawa naman siya sa'kin.

I sighed. Life isn't that too harsh to me. I'm okay with what I have now. This is already enough for me.

"Hey!" tawag niya ng papalabas na ako. Tamad ko siyang nilingon na tipid akong nginingitian. "I'm not following you here too. I guess it's a coincidence."

"Yeah, right," umirap lang ako bago siya tuluyang tinalikuran.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang normal lang namang makita siya. Medyo naninibago lang dahil maybe it's been months since then. Eight months, I guess? Masyado ng matagal pero ang pakiramdam, ganun parin.

Hindi ko na nga siya nakita kinabukasan. If I'm not mistaken, his flight would be last night. But his girlfriend was still there. Elise Style. In fairness at may taste siya. Minsan ko ng nakausap ang babae and she seems sweet. Palangiti at magaan kasama. Hindi kagaya ng ibang models na nakatuntong lang doon ay parang kung sino ng umasta.

Panay ang irapan at plastikan namin ni Milly. Buti nalang at hindi ko na siya kailangang pagtiisan pa dahil nung hapong 'yon, nakakuha narin ako ng flight pabalik ng Pinas. Pagpapaalam lang sa mga nakasalamuha ko roon ang talagang sinadya ko para hindi magmukhang bastos.

Sana pala nakisakay nalang ako kay Steeve no? That would be a great idea. Nakatipid pa sana ako. Maybe next time. I'm sure last night's encounter wouldn't be the last one. Ngayon pang kaibigan narin pala siya ni Price. Coincidence nga.

Kaya lang, hindi ko inaasahang pagkauwi ko sa Pinas, annulment nila ni Eros ang pag-uusapan namin ni Price. I mean, oh come on! Si Price na baliw na baliw sa asawa niya? Siya talaga ang makikipaghiwalay? Kung nasaktan ako, alam kong mas malala ang sa kanya.

Awang-awa ako kay Price. Awang-awa ako habang pinakikinggan siya. Kung paano niya ipinagtabuyan si Eros na gustong-gustong makipag-usap sa kanya para panindigan ang desisyon.

I understand her concern right now. Her dad and mom's fighting because of some things that should be part of the past already. Ayaw na sa kanya 'daw' ng Mama ni Eros. It started with that issue of her with Steeve, pero hindi ko akalaing aabot sa ganito. Naguguluhan siya pero may desisyon na siya. Nasasaktan pero may gustong panindigan. But fuck it! Ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang siya pa talaga ang makikipag-hiwalay sa pinakamamahal niyang asawa.

"Yna! Hindi ko kaya!" hagulhol niya habang yakap-yakap ko siya. Mabuti nalang talaga at dito ako dumiretso sa kanila pagkauwi ko! "Pero kailangan kong kayanin. Ayaw na sa'kin ng Mama niya."

Shit!

Her tears streams freely down her cheeks. Nakakapanghina rin siyang tingnan. I really hate it when she cries. Mas sanay ako sa Price na palaban, na kahit sinasaktan hindi nadudurog ng ganito. Napasinghot ako. Damn it! Nasasaktan rin ako para sa kanila! Akala ko okay na e! Akala ko okay na talaga sila!

Siguro ganoon talaga ang buhay no? Walang perpekto. May pagkukulang at dapat maging kontento ka nalang sa kung anong meron ka.

Price' life is already beautiful. Her with Eros is perfect. Too perfect actually. Gwapo at maganda, parehong mayaman pa. Kaya ba? Kaya sila hindi pwede sa isa't isa? Dahil hindi pwede ang perfect sa mundo? Bakit hindi si Milly ang pahirapan nila? Total, feeling perfect 'yon e!

***