Chapter 5
Understand
"Hey, wait!"
Nilingon ko si Steeve na kasalukuyan ng naghuhubad ngayon ng itim na apron habang may naghihintay na waiter sa gilid niya. He looked at me. Tinaasan ko siya ng kilay. May kung ano siyang sinabi sa waiter bago ako nilapitan.
Mula sa gilid ng aking mga mata ay alam kong masamang-masama na ang tingin sa'kin ni Mrs. Havana. Kulang nalang unahan niya ako sa pagwa-walk out. Some people approached her and that's when she started to form her famous fake sweet smile again. Halos umismid ako sa kinatatayuan.
"Bawal magsabunutan dito, kaya maghunos-dili ka."
"Do I look like a warfreak to you?" ismid ko kay Steeve sa gilid ko bago pinagpatuloy ang naudlot na paglalakad.
"More than that, actually," ngiwi niya bago napatingin sa dala-dala kong box. "May gagawin ka pang trabaho ngayon?"
"Wala. I wanna party. Ba't ba?"
"Really? Akala ko ba kailangan pang mahanap ng pera ng hampaslupa?"
I rolled my eyes at that. Hindi man lang itinagong narinig niya. Sinabi pa talaga.
"Yeah, right. Next time, 'wag kang nakikinig sa pinag-uusapan ng iba. I believe that's not your business."
"Yeah and next time, 'wag kayong away ng away sa hindi niyo lugar. I believe that's not the proper place to mess," he said, mocking me.
Edi wow. Alam ko naman pero hindi naman ako ang nagsimula ah? I just defend myself. I believe I'm not a martyr. Hinding-hindi ako magpapaapi lalo na kung hindi ako ang nagsimula.
"Don't use your car. We'll use mine," aniya bago may mag-park ng pamilyar na sasakyan sa harap. It's his familiar sports car.
Lumabas ang nagdala nito at agad pinalipad sa ere ang susi ng sasakyan na agad namang nakuha nitong katabi ko.
"Get her stuff and put it at the back," utos niya sa lalaki na agad sumunod sa utos niya.
Sinamaan ko ito ng tingin para sabihing 'wag na 'wag siyang lalapit sa'kin pero parang hindi man lang ito tinablan. Ang kapal ng mukha, nakipagtitigan pa!
Alright, gwapo naman siya at maayos ang porma. Naka-coat ang lolo niyo. Pero tingin ko bodyguard lang 'to ng mokong na nasa loob na ng kotse niya ngayon at kasalukuyang ibinababa ang salamin.
"Anong pakulo 'to? At bakit ako sasama sayo? I said I wanna party tonight! Hindi ko sinabing sasama ako sayo!" I shouted frustratedly. Wala akong pakialam sa mga napapatingin sa'kin dahil sa sigaw na 'yon. I'm not their business.
"There's no club nor bar is open at this hour, so will you please just listen and get in the car? It's not like I wanna be with you, too. I just know a place and it happened that we're sharing the same thought right now," he said sarcastically.
Matagal pa kaming nagtititigan lang. Napangisi ako. May hidden agenda ba ang pang-iimbita sa'kin ng mokong na 'to?
"Oh my god! Si Steeve!"
Pareho kaming napalingon sa isang malakas na sigaw at agad nakita ang batalyong mga kabataan na nagniningning ang mga matang nakatingin sa direksyon ng kotse niya. They started to run towards our direction and from the posters that they're holding themselves, I can now tell that they're some of his young fans.
"Si Steeve, guys! Oh my god! Ang gwapo niya!" tili ng iilan na agad sinang-ayunan ng marami.
"Mas gwapo siya sa personal!"
"I agree! Shit!"
Humarang 'yong bodyguard niyang nakaabang lang sa harap ko kanina pati ang iilang nagsilabasan ng makita 'yong mga tumitili niyang fans. Sigaw sila ng sigaw sa pangalan niya. Tili pa ng tili na para bang inaano na sila ni Steeve. Grabe. Typical fans.
Ano kayang mangyayari kapag hinalikan niya ang mga 'yan? Baka mamatay sila? Tss.
"Damn it! Bakit ba kasi ang tagal mo?" mura ni Steeve na masamang-masama na ang tingin sa'kin.
"I didn't tell you to wait for me so never make me take the blame," inismiran ko siya bago hinila 'yong kamay ng isang bodyguard niya at agad ipinasa rito ang hawak kong kahon. "Pakilagay na sa likod ng sasakyan. Thanks," sabi ko habang nginingitian ang mga neneng na nagkakagulo parin hanggag ngayon.
Mas dumami pa sila kaya nama'y hindi na magkanda-ugaga ang mga bodyguards, pati na ang mga guards na sumali sa grupo, na paalisin sila. Of course they can't make them leave just like that. Avid fans would never take it easy. Walang kahit na anong magpapaalis sa kanila lalo na kung hindi 'yong taong iniidolo nila mismo ang magpapalayas sa kanila. Malas lang nila, busy na 'yong taong magtago sa loob ng kotse.
"Hello!" I smiled wildly at them. Kumaway-kaway pa ako na parang ako ang iniidolo nila.
"Uy, ate! Pwede ba tumabi ka? 'Wag kang feeling, please? Hindi ikaw ang hinahanap namin!"
"Oo nga!" everyone chorus.
Nawala ang ngiti ko at agad pumameywang sa harap nila. Pwes nararapat ngang hindi niya kayo labasin kung ganyan kayo magsi-asta!
"Ano bang gusto niyo sa kanya?!" mataray kong tanong.
"Gwapo siya!" sagot ng halos karamihan.
"Hindi 'yan ang tinatanong ko! What I mean is, anong kailangan niyo pala sa kanya ngayon? Because as you can see, he's just about to leave!"
"Autograph lang naman po!"
Kumunot ang noo ko, lalo na ng sang-ayunan ito ng karamihan.
"Bakit? Magkakapera ba kayo diyan sa pirma niya?"
"Paki niyo ba? Idol nga namin diba? Tsaka bakit ba kayo tanong ng tanong? P.A niya ba kayo?"
Agad akong na-offend sa nagtanong nito. I know what P.A means. It's personal assistant.
Mukha ba akong alalay?
The heck? Sa ganda at sexy kong 'to?
"E mga peste pala kayo e! Mas mabuti pa ngang lumayas kayong lahat! Mukha ba akong alalay sa paningin niyo? Hindi niyo ba alam na ako ang girlfriend niya? At naiirita na ako sa inyo!" bahagya akong humingal bago napansing pare-pareho silang natahimik... at nagsilabasan ng kani-kanilang cellphone at cameras!
Malakas uli silang nagtilian sa di ko mawaring dahilan. Tutok ang mga camera nila sa'kin kaya di ko alam kung mako-conscious ako o ano na kinukunan nila ako ng litrato!
Shit lang! Ang hirap palang maging artistahin!
Maya-maya pa'y may naramdaman akong braso na biglang umakbay sa'kin. Nilingon ko si Steeve na hindi ko napansing bumaba pala ng sasakyan niya para sakyan ang trip ko. He's now wearing his famous aviator while showing his infamous smile.
"Sorry, we still have a date so... if you'll excuse us, my girlfriend and I needs to go now," muli silang nagtilian ng bahagyang ibaba ni Steeve ang suot na aviator para kindatan sila. Para uli silang nahimatay sa kilig dahil sa ginawa niya.
Hinila niya ako patungo sa sasakyan niya bago walang babalang pinasok sa loob. Hindi ako nakapagsalita dahil... bumaba siya para isuot ang seatbelt sa'kin. Ang bango, pucha! To think na galing pa siya sa kusina niyan!
Matapos niyang ilock-in ang seatbelt ko ay muli niya akong nilingon at pinitik sa noo. "Behave, honey," he said sarcastically before closing the door and walking fast to the driver's seat.
Mabuti nalang at kahit papaano'y nagbigay daan naman ang maiingay niyang fans ng paalis na kami roon.
"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin? Bakit kailangang dito pa ako sumakay?" tanong ko habang nasa daan na kami.
"Don't flatter yourself too much. I just think you have a problem so I'm dragging you with me. Hindi kailangan ni Price ng dagdag na problema ngayon."
Natahimik ako. At some point, I thought he's just concern. Kahit papano naman magkakilala na kami diba? O hindi parin ba?
Napangisi ako bago pumangalumbaba habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Do you think I'm problematic?"
"Aren't you?"
Napailing-iling ako.
"Hindi mo nga ako kilala. Hindi ganoon ang pinoproblema ko sa buhay. Mas mapo-problema ako kapag wala na akong naiisip na designs na ilalabas o kaya'y kapag naubos na ang lahat ng wine sa mundo," tumawa ako.
Natahimik siya. Tignan mo na? Judgmental ka rin pala e.
"Don't worry, I won't bother Price. Kaibigan ko rin siya kaya alam ko kung anong pinagdadaanan niya ngayon."
Pinakialaman ko ang playlist niya para makapili ng kanta. Naghintay ako ng pag-alma niya na hindi naman nangyari kaya nagkibit-balikat ako.
"Hindi ka naman tsismoso no?"
"Do I look nosy to you?" masungit niyang tanong.
"Wala lang. Malay ko ba. I'm just curious if you're curious about the 'mess' you've encounter awhile ago. That's Mrs. Mylene Havana, by the way. Wife of the owner of--"
"Havana Chains, I know. Ano bang nagawa mo sa kanya at trinato ka niya ng ganun?"
Ouch, ha. Ako talaga ang may ginawa? Mukha ba talaga akong warfreak?
"Kapag sinabi ko bang wala, maniniwala ka?" tumawa uli ako. Sumulyap siya sa'kin at nagtaas ng kilay.
He's wearing a white v-neck shirt and a dark pants. Damn. The man's really hot and gorgeous. Kumikinang ang gold chain ng sout niyang necklace ngayon na may cross pendant, paired with his also gold watch on his left arm. His hair's a little bit long yet... ang pogi niya!
"Hindi," simpleng aniya.
"Bakit?"
"One look and it's as if you don't decline wars. You look so much like you casually engage yourself in a mess," ismid niya.
"Ah, so hindi ko na pala kailangang mag-explain sayo?" nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Bakit?"
"May opinyon ka na naman. What's the point?"
Hindi siya uli nakapag-salita. I look at his biceps that's flexing while he's driving his car manually. Looks like he's into gym's too. Saan kaya ang gym niya? Ba't parang ang nakakaganda sa katawan?
Bobo. Saan ba hindi nakakaganda? Gym nga e? Nagtatanga-tangahan lang, Yna?
I entered one sexy song, the same song we had that night. While I'm dancing and he's his hands all over me like I am his property.
'We should take this back to my place... that's what she said back to my face... 'cause I want you bad... yeah, I want you baby...'
"Remember that night? It's the same song."
"Yeah, so?" walang paki niyang tanong.
Bakit meron ka nito sa playlist mo? I wanna ask that but I don't want him to think that I'm making it a big deal. Pwede namang nagkataon lang.
"But this isn't the same car. Where's your bugatti?"
Kumunot ang noo niya. I pretended busy listening to the song eventhough I'm really curious where's that car now. I'm not really familiar with cars, but I slightly know the difference in appearance of Bugatti's to the other luxury cars kaya agad kong nakilala ang sasakyan niya kahit lango sa pinaghalong pakiramdam at alak ang sistema ko ng gabing 'yon.
"Somewhere. Stop being nosy."
"Ah, oo nga pala. Ayaw mo ng tinatanong. As usual. Like that night."
"Alam kong alam mo na ang mga sagot sa mga tanong mo ng gabing 'yon. Stop pretending like you don't 'cause I know you do," he hissed like I'm pissing him off.
Tumahimik nalang ako habang nakasandal sa upuan. The comfort it gives made me feel weak. I tried closing my eyes to take a nap. It's not a long tiring day but I felt tired.
'Slow, slow hands... like sweat dripping down our dirty laundry... no, no chance... that I'm leaving here without you on me... I, I know... Yeah, I already know that there ain't no stoppin'... your plans and those... slow hands...'
Kinuha ko ang cellphone sa dalang handbag bago nagtipa ng message para kay Price. Hindi siya nagpasama sa'min kanina papunta sa bahay nila ni Eros para kunin ang mga gamit niya. Baka may kung anong nangyari.
Kung hindi ba naman peste 'tong papansin kong kapatid, baka nasamahan ko pa talaga siya kahit ayaw niya.
To Price:
Hey, bitch! How are you? Call me if you need some back-up. I'm just here.
Nilingon ko si Steeve na naabutan ko pang nakatingin sa cellphone ko. Kunot ang noo niya habang nagda-drive. I know my cover's cute. Too girly for my liking, bit it's cute so I just let it. It's hello kitty in pink theme with glitters. Inggit lang?
"What? You want hello kitty, too?"
"Shut up," asar niyang sabi na tinawanan ko lang.
"Opps, my fault. Boobs nga pala gusto mo," tawa ko uli ng maalala ang pagpuri niya sa boobs ko. Mas lalo siyang sumimangot pero hindi na siya nagsalita.
I stared at him being grumpy for awhile and shit, I can't help but look back that night! How he massage my boobs sexily with that powerful fingers of him. He he touch me sensually... how I arch my back in pure pleasure...
Nag-iwas ako ng tingin ng sulyapan na naman niya ako. Gulat siguro na bigla akong tumahimik. Pinikit ko nalang ang mga mata para magpanggap na tulog. Bahagya akong nakatulog pero agad ring nagising ng makarating kami sa pinagdalhan niya sa'kin. Sabay kaming lumabas at naglakad sa lobby patungo sa loob ng elevator.
I stopped.
"W-Wait, where exactly will we go?" my heart thump a bit in excitement, thinking that we're obviously in a condominium and there's a bigger chance that we'll be stopping at his condo unit.
Sinasadya niya ba ang lahat ng 'to? Is he seducing me?
"Tss. It just happened again that I have wines at home. 'Wag kang ano," he explained defensively before looking away.
"Ano?" I teased.
"'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil walang mangyayari! Fuck. Kung alam ko lang na pag-iisipan mo pa 'to ng masama, sana hindi nalang kita isinama."
"Well, I'm just kidding. If you're not just explaining defensively like it matters. I get it, alright? And it's not like gagapangin rin kita. Chill," tumawa ako na ikinairita niya.
Nagmura lang uli siya bago supladong ibinalik sa mga mata ang suot na aviators. Looking at him this way, and this close, made me think another funny way to earn.
Kung bumili kaya ako ng mga posters niya at pipilitin ko siyang pirmahan ang mga 'yon, bebenta? For sure. Baka nga kulangin pa e. Looking back awhile ago. His fans go crazy over him that I'm sure they're willing to take anything that has his sign. Mas madali akong yayaman.
I laughed evilly within myself. Nagkatinginan kami. Ano nalang kaya kapag kumuha ako ng isang boxer shorts na suot niya at ibenta? Baka magkagulo ang bumili?
"Whatever you're thinking, stop it," he said before stepping out of the elevator.
Natatawa akong sumunod sa kanya sa loob ng condo niya.
"What do you think am I thinking right now?" I laughed while admiring his wide space. A chandelier is hanging loosely on the ceiling, same with some of his abstract paintings on the wall.
Maaliwalas ang loob ng condo niya, di hamak na mas malawak pa ng sa'kin. We have the same white couch but his are arranged meticulously like it has been planned for a long time. Wala kang ibang gamit na makikitang pakalat-kalat sa paligid. Isang tingin lang sa simpleng panloob nito na kahit madalas ay itim, puti, krema, at skyblue ang makikita ay alam mong maarte ang may-ari. Minimal.
"You're vulgar so don't make me guess what you're thinking. You won't like it."
May mini bar nga siya rito. And damn, parang nainggit ako ng makita ang koleksyon niya ng wines na parang library sa loob ng opisina ng daddy ni Price.
"Try me," hamon ko sa kanya, hindi nawawala ang paningin sa kakaibang koleksyon niya kahit sa kusina niya ako dinala.
"Stop it, Yna."
Natigilan ako at muling napatitig sa kanya. I don't know if it's the first time but it feels like it to hear my name in his mouth. And damn, it feels sensual! Bakit parang ang ganda pakinggan?
Kung hindi lang malakas ang pakiramdam kong may gusto siya kay Price, baka kanina palang ay naghahalikan na kami sa kotse niya. His lips looks red and kissable. I forgot the feeling, but I know it's very teasing.
What if I seduce him? Would it be bad?
Naghubad ako ng coat at isinabit sa likod ng upuang naroon. Napatingin siya dito at agad kumunot ang noo. He eyed me first with only my tube top and high waist trousers that's slightly showing skin on my waist.
"One rule. Don't mess around," aniya bago maglabas ng isang wine mula sa ref. Naghanda rin siya ng glass habang nakatingin lang ako sa kanya.
This would do. But it's boring. Maybe we should be out tonight to have fun. Mukhang hindi naman siya mahirap kausap. Magulo lang. Charot. Ewan ko sa kanya.
"Arte mo. Mas maarte ka pa sa'kin," ngiwi ko. Pinabayaan ko ang coat ko roon. Bahala siya diyan.
Mainit rin kasi. Mas komportable ako sa ganito. For formalities lang naman sa'kin ang coat e. Minsan kasi ay may mga unexpected client akong dumadaan sa botique para magpagawa ng designs.
"Ayoko ng makalat. At hindi mo 'to bahay kaya sumunod ka."
"Yeah, right. Like I tell you to bring me here," I rolled my eyes at him but he just ignored me this time.
Isang bote lang ang nilabas niya at isang baso. Mukhang pababayaan niya nga akong uminom dito. Grabe. Hindi man lang gentleman?
"You know what? I changed my mind," pumangalumbaba ako ng lumingon siya sa'kin at sumandal sa counter habang nakakunot ang noo. "May tanong ako sa'yo."
"You always ask questions. What is it this time?" buntong-hininga niya bago ako pinakatitigan.
Bahagya akong nailang. He's a bit intimidating yet sometimes, he's showing off kindness you won't expect. Paano kaya sila naging magkaibigan ni Price. Hindi naman katulad namin ang una nilang pagkikita diba? Price love Eros so much that you would hesitate thinking she's betraying him. Masyado kong kilala si Price para isiping madali niyang makakalimutan ang lahat ng ito.
"You really like Price?" I asked curiously. "Alam mong mahal na mahal niya ang asawa niya diba? Kahit maghiwalay sila, alam kong hindi niya ito malilimutan kaagad. So, you like her?"
"Why are you curious?"
"I told you. I'm a friend-"
"So what if I like her?" tinaasan niya ako ng kilay, questioning what it would mean to me if he likes her.
I honestly didn't know what to react. I expected it. He likes her. He's always concern of her so it's not surprising anymore.
"One last question," nagtaas ako ng hintuturo para i-emphasize na isa nalang talaga. "Bakit ako ang napili mo nung gabing 'yon?"
"I thought it doesn't matter to you?" hamon niya sa'kin, nanliliit ang mga mata.
I smiled a bit. It is. I just don't want to look like a fool. But I'm curious right now.
"Answers always matter. Just answer the damn question and we're good."
Matagal kaming nagkatitigan. I watch how his jaw moved while staring back at me. I'm smiling but deep inside, I am dying to hear his answer that I've question for a long time.
Hindi ko pinagsisihan, pero kahit papano ay nanghinayang ako pagkatapos nun. But it's normal. Whether I lose it to him or to the other guy, it won't really matter these days.
"Because you simply caught me that night. That's normal for me. I hope you're not asking to make it a big deal. I didn't know you're a virgin," he shrugged.
I tried to smile again. I almost lost it. It almost fade.
So kung sinabi ko talagang virgin ako ng gabing 'yon, hindi niya itutuloy? Hindi ko alam kung maganda 'yon o hindi. Pero tapos na ang lahat kaya move on na dapat kami. No hard feelings. Hindi niya ako pinilit at parang nahulog pa nga na ako ang nagpumilit sa kanya ng gabing 'yon kaya wala siyang kasalanan.
"I have a question too," he said before crossing his arms while intently looking at me.
"Shoot."
"You said that you only play along with men. Do you have anyone after that night?" Aniya bago magtaas ng kilay sa'kin.
Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kapag sinabi kong wala, anong iisipin niya? Na napaka-sentimental sa'kin ng bagay na 'yon? Kung mahalaga bakit naibigay sa kanya?
Kapag sinabi ko namang oo, anong iisipin niya? Na ang landi ko? Pero hindi ba't 'yon naman talaga ang tingin niya sa'kin? Malandi kumilos at manalita. He said I'm vulgar.
"Don't get me wrong. I mean, I understand. You're not Price so... that's alright," aniya bago ako iniwan sa kusina.
Yeah, right. I understand what he mean. Hindi ako si Price na talagang hindi pumapatol sa iba. Na kahit ano pa atang pang-aakit ang gawin mo, hangga't asawa niya lang ang nakikita niya, ay talagang hindi ka papansinin. Pero literal na hindi ako si Price kaya sana iwasan niyang ikumpara ako sa kanya.
***