Chereads / UNTIL YOU GIVE UP / Chapter 8 - Chapter 6 - Stole

Chapter 8 - Chapter 6 - Stole

Chapter 6

Stole

Naligo siya habang sinisimulan ko ng inumin ang wine. Then he get in the kitchen to cook something. Hapon na kaya siguro pang dinner niluluto niya. He looked expert in cooking and I've seen him already in aprons so I won't be surprise if he tells me he's a chef too.

"Eat it. Drinking too much wine in an empty stomach isn't really good," he said after putting a plate of sandwich infront of me.

Thoughtful. I like it.

Mabango ang niluluto niya pero hindi ko akalaing sa gitna ng paggawa nito ay maiisipan niya pa akong gawan ng sandwich. Hiindi mahirap gawin. Still. It needs time and effort.

"Thanks."

Tumango lang siya bago ako muling tinalikuran para asikasuhin ang niluluto niya. Unlike earlier, he's wearing something comfy and more casual now. A shirt and black shorts. Simple yet still attractive to look at when he's the one wearing. He look so manly and very neat.

Kung hindi ko lang alam na model siya. He's really damn attractive! Siya 'yong tipong isang kindat lang, mapapapayag ka agad kahit ka-fling lang.

"Kung ako si Price ay baka nagustuhan na kita," I spilled out of nowhere. Nakagat ko ang labi para pigilan ang sarili.

"I think you always like men so I shouldn't be surprise."

Mabuti nalang at hindi niya sineryoso. Mukhang manlalait nga lang.

"Pero may taste ako no!"

"Yeah, because you have me," aniya habang naglalapag ng juice sa mesa. Nagsalin siya nito sa isang baso bago nilapit sa'kin. I can't help but shoot him my deadliest glare.

The fuck?

Tumawa ako. "Ang kapal mo ah?"

Tumitig lang siya sa'kin bago umismid. "Siguro ako ang wala."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. 'Yan ang hinding-hindi ko matatanggap. I may not be a model or something but boys flock on my way too. They go crazy over me even without flipping my hair.

"Excuse me?"

"Nevermind," aniya bago ako muling tinalikuran. Talagang naglagay lang siya ng juice sa gilid ko. Napainom ako ng juice habang tinitingnan siya.

Lakas makaasar. Sumasabay nga, badtrip naman!

"You know what? Ang pangit mo mag-joke," sarkastikong sabi ko habang naghahanda siya ng steak sa harap. Ito lang pala niluluto niya kasabay ng mga steamed vegetables.

"I'm not joking," he said while putting a plate infront of me together with the foods. Nagsalin siya sa baso ko ng wine at sa kanya bago iyon tinago. Bumalik siya bago maupo sa kabisera. "Let's eat."

"Eat your ass," I hissed.

Hindi niya ako pinansin. Nagsimula siyang kumain habang nakatingin lang ako sa kanya. Maybe it's a spun of the moment but I actually think of him as a sweet boyfriend this way. I mean, ano kayang feeling maging girlfriend niya? Will he be this sweet? Will he be this caring? Like how he do to Price?

Nakakabadtrip siya, but when I look at him this way, savoring his sweet gestures, I realize he's actually cool. With that handsome face of him and hidden gentleness he had, he's an ideal.

Hindi ko masisisi ang mga taong mapapadapa niya sa isang kindat lang.

"Hindi ka mabubusog sa kakatitig sa'kin," he snorted.

Umawang ang labi ko habang napapakurap sa kanya.

"The fuck? Ang hambog mo ah? You think you're a nice view to me?"

"No. I think I'm more than a nice view for you to stare at me that way," aniya  bago mag-angat ng tingin sa'kin.

"Bakit? Paano ba ako tumingin sayo?" Napahalukipkip ako habang nilalabanan ang mga mata niya.

"Amazement is an understatement. You look..." Makahulugan siyang ngumisi habang nagtitigan kami. Tuluyan niya ng binitawan ang mga kubyertos para harapin ako ng maayos. "Nevermind. It's impossible, right?"

"What's impossible?"

"Falling in love with me."

Hindi ako agad nakapag-salita.

Matagal uli siyang tumitig sa'kin habang nagtataas ng kilay. Bakit impossible? Sa tingin Niya ba impossibleng magustuhan ko siya? Maniniwala pa akong impossibleng magustuhan niya ako. Because that's the only possible thing for me now. No one would settle down for less. No one would want a mess.

I nodded while smiling slightly. "Right. That's impossible."

Tumawa ako pero hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya.

His eyes could really blown you away. Masarap na nakakalusaw ang tumitig sa kanya kaya hindi ko alam kung paano ako nananatiling buo ngayon sa harapan niya.

Hindi ko alam kung paano ako nagtagal sa harapan niya ng hindi siya inaabot para mahalikan. Basta't Ang alam ko lang, nag-aasaran man kami ay natutuwa parin ako. I like men, handsome men literally, but it feels like I like him more than just his handsome face now.

Falling isn't just in my vocabulary. That's a different issue.

Masakit ang ulo ko ng magising kinabukasan. Pagkatapos kasi naming  kumain ay tsaka siya naghanda ng iilang inumin na walang pagdadalawang-isip kong nilagok. I remembered teasing him after that, purposely pouring some liquid on my chest while licking my lips seductively.

Nakagat ko ang labi ng maisip na parang nagkahalikan din kami. My memory's just a blur since I mostly take the shot.

Napatingin ako sa suot na damit na masyadong kakaiba sa madalas ay shorts at sleeveless (na kung minsan ay tube top or brassier lang) na madalas kong pantulog. Nasa kwarto narin ako. Kwarto ko. Hinatid niya ako rito? Paano?

Mataas ang alcohol tolerance ko pero alam kong nagpassed out ako kagabi, kaya paano ako nakauwi? Kung hinatid niya nga ako, paano niya nalaman ang address ko?

Atsaka, may nangyari kayang higit pa sa halik na alam kong nangyari sa amin kagabi? Pilya ako at alam kong lalo na kapag nakainom ako. Napabangon ako sa kama bago napahawak sa noo. Something pink caught my eyes sticking at my bedside table.

'Consider it as my treat for treating you badly that night.'

'Don't worry, walang nangyari. Hinatid lang kita diyan at syempre, binihisan narin. You smell bad.'

Nabasa ko sa mga notes na nakadikit sa bedside table ko. Nagtagal ang tingin ko sa unang nabasa. Natawa ako. Syempre bumabawi ka lang. Sino bang nagsabing iba na 'yan?

Tss.

Nakita ko rin roon ang susi ng sasakyan ko. Bumangon ako para makapag-ayos na. It's already late for my usual ritual at work but not too late to purposely take a break. Mag-isa akong nakatira sa condo ko kaya madalas sa labas nalang ako kumakain pero dahil wala na akong time ngayon, dumiretso na ako sa opisina ng hindi inaalintana ang kumukulong tiyan.

Peste. Parang may kulog sa loob ng tiyan ko. Hindi ko mapigilang mapahawak dito habang nakasandal sa loob ng elevator.

"You look pale. Something's wrong?" Pinasadahan ako ng tingin ni Kliffer na kapapasok lang sa loob.

Agad akong tinarayan ng tingin ng babaeng kasama niya. Nasa likod ako dahil mas gusto kong sumandal sa wall. May dalawang babae pa kaming kasama sa loob maliban sa kasama niya na tingin rin ng tingin sa kanya at obvious na nagbubulungan habang nagkukurutan.

Minsan napapaisip ako kung paano siya nakakagala dito sa loob ng mall ng hindi pinagkakaguluhan. I mean, his curls could bend your knees down. He's too gorgeous to be seen around. Babaero nga naman. Malaking tulong ang pagiging Playboy niya para mas lalo siyang lapitan ng mga kababaihang madaling nabibilog ng dila niya.

"Okay lang," sabi ko bago napahawak sa tiyan. Agad siyang napatingin dito ng hindi inaalis ang paningin sa'kin.

"Let me guess, hindi ka na naman nakakain bago magpunta dito? May hang-over ka na naman kagabi?" Aniya ng nakangisi.

Napanguso lang ako sa kanya. Madalas kaming magkitaan sa bar kaya alam naming pareho na 'yon nga madalas ang dahilan. I don't know if we're close but Kliffer like a gentleman he is, always approaches first. He's also kind... to all the girls, I guess.

"Aside from that, I'm not really a morning person. I'm just trying to be one for my business."

Tumawa siya. Mas lalong nanliit ang mga mata ng kasama niya sa'kin. Pasimple na akong binabalaan gamit ang mga mata niya.

"The usual, Yna. Why don't you get a chef man to cook for you always? In that way, you won't starve. Sayang ang kagandahan kung nasasayang lang," aniya bago ako kinindatan.

Kung hindi lang ako sanay sa kanya ay nayakap ko na siya at inuwi sa bahay.

"Your girl might kill me, Kliffer. Stop hitting on me."

As if on cue, hinila ng babae ang braso niya at pilit siyang iniharap dito.

"Baby, nagbago ang isip ko. Parang ginugutom na ako. You know kasi hindi na ako nakakain kanina para lang makaaga dito. Kain muna tayo bago mag-shopping?" Hinila siya ng babaeng kasama niya palayo sa'kin. Umirap lang ako sa kawalan.

"Akala ko ba nagda-diet ka?" Tawa ni Kliffer.

"E ayaw mo sa taong nagda-diet diba? So kakain na ako," pabebeng sabi nung babae.

She's pretty and slender. Hindi ganun kabongga any dibdib na tingin ko pinalaki lang ng gamit niyang brassier pero okay narin.

"Alright, baby. As you wish."

Hanggang sa opisina kumukulo ang tiyan ko. Nadidistract tuloy akong gumuhit. I'm currently styling my ideal lingerie style. Tapos na ako sa iilang dresses na pinagawa sa'kin kaya ngayon gusto kong magfocus muna rito. Sara usually was the one who meet up our clients kapag wala ako kaya hindi ako masyadong namomroblema rito.

Lumabas nalang muna ako ng opisina para tingnan sila sa labas. Agad na napatingin sa akin si Sara pati na ang ibang customers namin. Medyo crowded ang botique ngayong araw.

"Okay ka lang, Ma'am?"

"I'm fine."

"Namumutla po kayo. Hindi kayo nag-agahan, Ma'am? Ibibili ko na po kayo," nag-aalalang aniya.

Inilingan ko lang siya bago tinitigan ang babaeng customer na kanina ko pa napapansing nakatitig sa'kin.

"You're the owner of this botique? Zarina Lucero?"

Tumango ako.

"Oh my God, so ikaw 'yong babaeng kasama ni Steeve kahapon? Ikaw 'yong girlfriend niya?" Laglag ang pangang aniya bago ako pinasadahan ng tingin.

Kumunot ang noo ko sa narinig. What is she saying?

Kinuha niya ang cellphone at may kung anong kinalikot. Nagkatinginan kami ni Sara na nagkibit-balikat lang sa'kin.

"Mawalang galang na po, Ma'am, pero baka nagkakamali lang po kayo ng nilapitan," ani Sara sa babae.

"Hindi! Siya 'to diba?" Sabi ng babae bago iniharap sa amin ang cellphone niya kung saan kitang-kita nga ang mukha ko habang akbay ni Steeve papasok sa sasakyan niya.

And yeah, I remember. Nasabi ko ngang girlfriend niya ako kahapon pero katuwaan lang 'yon. Para lang asarin ang mga neneng niyang tagahanga.

"Yeah, but I'm not his--"

"Oh my gosh, ikaw nga 'to! Ikaw ang girlfriend niya! Sabi ko na nga ba nakita na kita dito e!" Aniya bago marahas na hinila ang braso ko at sa ilang sandaling pagkakatulala ko sa kanya ay nakakuha na siya ng litrato.

What the heck?

Pagkatapos niya ay may iilan pang lumapit sa'kin para makipicture. Halos kalahati sa population na nasa loob ng botique, 'yon lang ang sadya. Mas lalo tuloy akong nahilo sa kalikutan nila hanggang sa sa wakas ay umabot ang security na pinatawag ni Sara para paalisin ang mga taong nandito.

"What's happening here? Artista ka na ba ngayon?"

Tinitigan ni Kliffer ang mga taong ngayon ay pilit ng inilalabas ng mga security guard bago ako tinaasan ng kilay.

"Oh my god, Kliffer! Nandito ka rin!"

Napailag si Kliffer ng may magpumilit na abutin siya bago natatawang dumiretso sa'kin dito sa sofa. Naupo siya sa tabi ko bago inaabot sa'kin ang dala niyang paper bag.

"What's this?" Pagod kong tanong.

"Hindi kita nakita sa mga kainan sa baba so I'm bringing you food here. Anyway, ano bang nangyayari? Naging artista ka bang hindi ko nalalaman?"

Napaismid ako sa kanya.

"Baliw na ang mga tao ngayon. Fuck! I feel like a mess!"

Binuksan ko ang dala niyang pagkain at agad na nilantakan ang sandwich na nasa loob. There's also a bottled juice and water inside. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil totoong kanina pa ako nagugutom.

"My god, don't tell me she's cheating?"

"Malandi din pala. Hindi ba't kaibigan siya nung Price na asawa ni Cupid Sierro?"

"Hindi kaya fake lang siya dahil si Price talaga ang totoong girlfriend? Bali-balita ang nalalapit na hiwalayan nung dalawa. Baka cover lang siya para hindi magmukhang masyadong masama si Price?"

Kakagat na sana uli ako sa sandwich kung hindi ko lang narinig ang tsismisan ng iilang tsismosang naiwan sa loob. Sumama ang tingin ko rito.

"'Wag mo ng patulan. Wala silang alam."

"'Yon na nga ang masama dun e. 'Yong tipong wala na nga silang alam maliban sa nakikita nila, nakukuha pa nilang manghusga. And you know what? I'm not the type of a person who just sit around while hearing someone bitchtalk my friend."

Iritadong kinuha ko ang bottled juice at binuksan. Uminom ako habang tinitingnan kung paanong malaglag ang panga ni Kliffer sa'kin. Nang mapuno ang bibig ko ay tsaka ako tumayo at humarap dun sa eksaktong mga taong nakuha pang humarap sa'kin matapos kong marinig ang mga walang kwenta nilang opinyon.

Binuga ko sa kanila lahat ng naiwang likido ng juice sa bibig ko. Agad silang nagsinghapan bago ako pinagsisigawan. Naramdaman ko ang paghawak ni Kliffer sa mga braso ko pero kahit siya ay alam kong hindi ako mapipigilan. Laglag lahat ng mga panga ng empleyado ko sa nasaksihan.

Wala naman akong iniingatang pangalan sa kanila dahil wala akong kaplastikan rito. At wala rin akong paki sa magiging opinyon ng iba tungkol sa'kin.

"Fuck! What did you do?" Reklamo nila habang panay ang pahid sa sarili, lumilipad ang masasamang tingin sa'kin.

"Opps, sorry. Akala ko kasi toilet bowl e. Maamoy kasi," winasiwas ko ang kamay sa harapan habang nagkukunwaring may inaamoy na masangsang sa harap ko.

"Damn you! Gross! Eww!"

I crossed my arms in front of me and eyed her in a very maarte way. 'Yong ibang mga kasama niya panay na ang ngiwi habang pilit na inaalis 'yong juice sa mga damit nila. Kawawa 'yong may puting cropped top dahil talagang kitang-kita ang mantsa.

"Gross? That's you," tukoy ko sa chinitang nagsabi nito.

"Yna--"

"Bakit hindi niyo napansin?!" Sigaw ko sa mga tauhan kong agad na nagsilakihan ang mga mata ng makitang galit akong bumaling sa kanila.

"P-Po? Ang ano po, Ma'am?"

"May nakapasok na basura dito! Gross! Eww! Ilabas niyo nga sila! Hindi sila bagay sa mamahaling lugar na ito! Nadudumihan ang makintab kong sahig!"

Agad nagsikilosan ang mga security guard na naroon at hinila ang tatlong babaeng ni hindi ko nga kilala pero kung manghusga ay akala mo'y mula pagkabata magkakilala na kami. Alam ko namang opinyon lang nila 'yon pero ilagay naman sa lugar.

"What the fuck?"

"Yeah, what the fuck?" I mocked the tall girl who cursed me that.

"Fuck you!"

"Same here, bitch! Fuck to the fuck, YOU!" Tinaas ko pa ang middle finger ko para makita niya.

Tuluyan na silang nailabas ng security. Thankfully. Makakahinga narin ako ng (hindi man gaanong sariwa) ay mas maayos na hangin.

Nilingon ko si Kliffer na bahagya ng nakaawang labi ngayon habang manghang nakatitig sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay bago muling binalikan ang tubig na bigay niya para makainom.

"Wew," I heard a slow clap behind me.

Umirap lang ako habang umiinom ng tubig bago ito muling nilapag at naupo uli.

"Alam kong palaban ka pero hindi ko alam na ganun kabangis," natatawang ani Kliffer habang umuupo rin sa sofa katabi ko.

Bumalik na sa trabaho ang lahat pero kapansin-pansing wala ng customer sa loob ng botique kaya tahimik. The hell I care.

Kung magkakaroon man ako na kagaya lang din nung mga naligaw na basura kanina, mas mabuti pang walang dumating. Baka maging santa pa ako.

"Oo, at may mas ibabangis pa ako, Kliffer, kaya tigil-tigilan mo ako. Alam ko ang pinaggagawa nung kaibigan mo sa kaibigan ko, kaya 'wag ako."

Speaking of Price... kumusta na kaya 'yon ngayon? Nagtext lang ako sa kanya kanina e.

Kinuha ko ang sandwich na dala at muling kinain. Damn. Maybe I should just go down and take an early lunch. Baka mangayayat ako nito. Wala pa naman sa bokabularyo ko ang pag-iwas sa pagkain.

"Ba't damay ako? Siya lang ang may kasalanan ah?" Nakangusong ani Kliffer. Nagpapakyut na naman. Palibhasay may dimple siya kahit papano.

I rolled my eyes at him.

"Kung tutuusin ay mas malala ka pa dun. Dinadaig na nitong building mo ang amusement park kung dayuhin ng mga tao. Seriously, hindi ka ba nagsasawa?"

"Nagsasawa, saan?"

"Sa pambababae, duh? Anong trabaho mo maliban dun?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

Obvious naman kasing madalas palaboy-laboy lang siya dito. Kung hindi dito ay sa labas lang din para maiba naman. Minsan sa ibang mall na pag-aari din ng pamilya niya. May narinig pa nga akong dinala niya sa ibang kalapit bansa lang din dito para lang maiba naman. Palibhasay mayaman. And I think it's the famous supermodel. Ganun siya kabangis pagdating sa mga babae. He treat them enough and that's how fair he is in return of what he wants.

"Anong mambabae? I'm just being gentleman. Isn't that how we should treat women?" Palusot niya.

"Then how gentle do you think you're doing when you are breaking up with them? Anong ginagawa mo kapag nakikipaghiwalay ka na sa kanila ng hindi sila nasasaktan, sege nga?" Hamon ko sa kanya.

Umangat ang gilid ng labi niya bago natatawang a sumagot sa hamon ko.

"That's easy. We're aware of the rules, Yna. At hindi ko naman sila pinipilit kung ayaw nila. Alam kong alam mo 'yan. We're doing the same thing--"

"Excuse me, I'm a good girl!"

"Since, when?" Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngiti. Para bang hindi siya naniniwala.

Well to then, I'm a good woman! Is that make sense?

"I'm always a good girl, Kliffer! You're a whore, I'm not!" Depensa ko sa kanya.

It's true. Hindi mo ako makikitang pagala-gala lang sa kung saan-saan kasama ng mga kalandian ko. Hindi kagaya niya na inaraw-araw talaga. At saksi ako dun.

"Ah, yeah. I didn't see you much these past few months. The last is that night."

Nagkatinginan kami. Kakaiba ang ngisi niya. Para bang may naaamoy siyang kakaiba.

"Don't tell me the playgirl is falling..."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Nang makitang mariin niya akong tinititigan na para bang sinusuri ng maigi ang bawat reaksyon ko ay nginisihan ko siya.

"Are you kidding me?" Humagalpak ako sa tawa. "Seriously, Kliffer? Ano-ano na namang kawirduhan ang binabalak mo? Ba't feeling ko ako ang tinitira mo ngayon?"

"Your boyfriend is the same man you had that night. Akala ko ba walang balikan kapag tapos na?"

Hindi pa man siya tapos magsalita ay napalingon na ako sa marahas na pumasok sa loob ng botique. Heel's scratching around like an angry beast, I look at my bitch of a half sister before rolling my eyes at her 'papansin' entrance. She's wearing a bright yellow dress like a suns rays that could really hurt your eyes. May shades din siyang malaki at agaw pansin. Daig niya pa ang mga artistang parating hinahabol ng media. Tinanggal niya ang shades ng nasa harap ko na. Her upturned eyes slightly reminds me of her mother when her obviously angry eyes directed at me.

Sandali siyang napatitig kay Kliffer na nasa tabi ko lang at nakatingin narin sa kanya bago mapangiwi.

"Really, Yna? You stole my man even when you already have one? Ganun ka ba kalandi?"

***