Chapter 2
Concern
Unti-unti akong umahon sa pool ng makita kung sino ang paparating. Nagmukmok si Price sa kwarto niya at alam kong gusto niyang mapag-isa kaya hinayaan ko muna siya. Wearing her unused black bikini, I swim here alone while thinking why I really hated commitments from the very start.
Every man is a jerk. Alam kong wala ring perpekto sa kanila. Makakagawa at makakagawa sila ng kasalanan. Kapag nangyari 'yon, kahit hindi sinasadya ay masasaktan ka talaga.
I remebered how dad's wife cry after knowing me. Kaya hindi ko na ipinipilit ang sarili ko sa kanila. Kaya nakokontento nalang ako sa binibigay niyang suporta mula sa malayo. Dahil alam kong may masasaktan akong tao. May ipapaalala akong kasalanang nangyari sa nakaraan. And I don't want that to happen.
In order to live peacefully, I have to stay contented in what I have now. Though I would love to have my own dad and mom to complete me, I know it's impossible from the very start. I would love to feel the love of a parents to their child, but that will only stay in my biggest fantasy in life. Hindi makatotohanan. Mas mabuti pang manahimik nalang at hayaan silang pareho sa kung saan sila masaya. Kahit warfreak ako ay katahimikan rin lang ang hanap ko no. Paki ko ba sa kayamanan nila. Kahit lunukin pa 'yon ng bruhang half-sister ko ng buong-buo wala akong pakialam.
"What are you doing here?" nagtaas ko ng kilay habang pinagmamasdan siyang maghubad ng polo niya, together with his shorts, leaving him with his boxers.
And like what I'm always thinking, behind his shirt was like a blazing rays of the sun in the afternoon. His abs and muscles is very defined, hindi masagwang tingnan bagkos ay parang ang sarap tirahan. His movements make it flex, and damn it! He's hot! He's moreno but lighter. I mean, it's like he's in between moreno and white. In between gatas at kape. Saktong-sakto!
Napakurap ako bago napamura at agad nag-iwas ng tingin, lalo na ng makitang kung paano niya akong mahuling nakatitig sa katawan niya. I can't even look at his boxers who's obviously bulging. My god! Nakakaloka siya!
"I told you, Price is my friend. I've been with her since yesterday," he said before diving in the pool.
Yeah, right. It's not like I'm expecting too that you're here for me. Syempre, dahil sa kanya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Lumapit ako sa lounger na nandito at kumuha nalang ng juice ng hinanda ng katulong para sa'kin kanina. Naupo ako habang umiinom ng juice. I didn't bother covering my body with a towel 'cause I'm confident. Kung naglalaway ako sa katawan mo, pwes maglaway ka rin sa'kin.
I crossed my legs while sipping on my juice. I licked my lips before looking at him. "What?" mataray ko siyang tinaasan ng kilay ng makitang nakangisi siya habang mariin akong pinagmamasdan.
"For a woman to lose her virginity over a man who treated her badly that night, it's so unusual for you to act that way," nagtaas rin siya ng kilay sa'kin. "Unless, you're just pretending."
"E anong gusto mong gawin ko? Habulin ka? Fuck you. Salamat nalang sa masarap na pakiramdam."
"Really..." aniya bago lumangoy palapit sa kinaroroonan ko. Though nanatili siya sa pool habang nakaupo ako sa lounger, nakakailang parin siyang tumingin. It's like he's prohibiting me to look at him without getting drowned by that eyes of his. Damn it. "Are you sure you're a friend of Price? Bakit ba parang ang taray mo?"
"I didn't tell you I'm kind. At... bakit ba parang ang feeling close mo naman? Hindi ba't ayaw mo sa naghahabol? Unless, you want me to chase you?" sarakastikong sabi ko sa kanya.
He chuckled. His next move makes me lose my senses. Humalukipkip siya roon habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. Shit! Malaki ang pagsisisi kong hindi ako nag-towel!
"A-Anong tinitingin-tingin mo diyan?" I shifted uncomfortably on my seat. Sinamaan ko siya ng tingin.
Bwisit! Nanginginig na ang mga binti ko ngayon dahil sa ginagawa niya! Bakit ba ganyan siya?! May pa-layas-layas pa siya sa'kin ng gabing 'yon, tapos ngayon? Bwisit talaga!
Kapag talaga mahulog ako sayo dahil sa kakaganyan mo, hahabulin kita hanggang sa wala kang magawa kundi sumuko sa'kin! Paasa!
He shrugged. "Good thing you're also cool that night. I enjoyed it too, by the way."
Shit!
Natigil ako sa pag-iinom at baka ikamatay ko pang mabilaukan dahil sa mga pinagsasabi niya. Marahan kong nailapag ang baso sa maliit na table sa gilid ko bago siya nilingon.
"Do you really have to still say that? Or are you flirting with me again?" nanliliit ang mga matang tanong ko sa kanya.
"I'm not. I'm just trying to be nice here. Unless you're turned on, then..." tumawa siya. His eyes twinkled because of that. He's gorgeous! Goodness! Kailan pa ako naglaway sa isang lalaki? At bakit ba kasi feeling ko ang landi-landi niya? Feeling ko nilalandi niya ako!
Umahon siya and gosh! The water that's dripping through his abs made me gasp. Ang swerte! Ang swerte ng mga tubig na dumadaloy sa matigas niyang dibdib! Ni hindi ko pa 'yan naramdaman ng ganyan. I only felt it through his shirt that night!
Natigilan ako sa paghinga ng maglakad siya palapit sa'kin. Kinuha niya ang basong ininuman ko at siya ang umubos sa laman nito. Napanganga ako.
"Your boobs still looks delicate, though. I like it," he smirk while looking at my exposed boobs, with only a little bikini top in it, then to me. It sends shivers down my spine. Kinabahan ako bigla. Shit talaga! Landi niya! Gusto niya lang atang makaisa ulit e!
"Pervert!" sigaw ko ng makatalikod na siya. Narinig ko ang halakhak niya bago siya mawala sa paningin ko.
Napatingin ako sa sariling dibdib. Unlike Price, I'm more full when it comes to this part. It enhances in the gym where I always spend time when vacant at work. I always finds time for it. I'm sexy that's why I'm confident around him this way.
Napangiwi ako bago kinuha ang cellphone na nagri-ring. I rolled my eyes after seeing the name on my screen. Capital IGAT. Alam na.
"What do you want?"
Tumawa ang nasa kabilang linya. "Talaga lang ah? Kailangan agad? Hindi ba pwedeng hello muna, Yna?"
"Kapag ikaw kasi ang tumatawag, nasa dalawa lang e. May kailangan o mamemeste lang. Alin sa dalawa ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Oh come on. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang at tumatawag ako sayo? It should be your pleasure, bitch. Kung iba ako, hindi ko na papansinin pa ang bastarda kong kapatid," sarkastiko ring balik niya.
"Edi mabuti. Akala mo ba hinihiling ko rin na pansinin ako ng papansin at demonyita kong kapatid?"
"Shut up! Isusumbong kita kay daddy! Tingnan lang natin kung bigyan ka pa ng allowance, bitch!"
"Go ahead! Gusto mo samahan pa kita? And FYI, lahat ng pera ko ngayon, sa'kin! Hindi sa kanya kaya 'wag kang feeling!"
"Siya parin ang dahilan kaya may pinagkikitaan ka ngayon! Mapagmataas ka na ah? Kung iisipin nga kaya ko pang pabagsakin 'yang pinagmamalaki mong maliit lang naman na negosyo e!"
Atleast may 'maliit.' E siya? Hanggang ngayon umaasa pa sa mga magulang niya! Puro lakwatsa lang ang inaatupag!
Wait, may maliit nga rin pala siya. Maliit na dibdib. Back to back person. Tss. Bahagya akong natawa.
"Deretsuhin mo nalang ako, Igat. Ano bang kailangan mo sa bastarda mong kapatid?"
"I want a dress! May pupuntahan kaming gala this coming weekend! Gawan mo ako!"
"Alright. Prepare your one million."
Ibababa ko na sana ang tawag ng bigla siyang maghisterya sa kabila. Tss. Akala niya naman maiisahan niya na naman ako? Kung noon napagbibigyan ko pa siya, pwes hindi na ngayon. Ano siya, sinuswerte? Wala ng libre ngayon.
"What the hell, bitch? I'm not your client!"
"Then, what are you? Hindi rin naman tayo magkapatid para sayo diba?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Isusumbong kita kay daddy! Magagalit siya sayo!"
Napapabuntong-hiningang hinilot ko ko nalang ang sintedo habang pinapakinggan ang usual pananakot way niya sa'kin. If I'm still eight years old, siguro madadaan niya pa ako sa mga ganyan.
"Edi magsumbong ka! Sinong tinatakot mo? For fucks' sake, Xia, I am almost twenty-three years old! Akala mo ba uso pa sa'kin ang mga multo?"
"I really hate you."
I can already imagine her pouting now. To think na kami-kami lang naman. I'm just one year ahead of her. Para lang siyang si Price sa'kin. Medyo spoiled brat pero mas malala siya. Di hamak naman na mas mabait ang kaibigan ko sa demonyitang igat na 'to.
"Ba't ba? Mayaman ka naman diba? Palagi mo pa ngang pinapamukha sa'kin e. Bakit takot na takot ka sa bayad?"
Pinatayan niya ako ng tawag. Edi wow. Paki ko ba.
If there's one thing that I can always describe Xia, my brat half-sister, it's being true to her words. Kabisadong-kabisado ko na ang ugali niyang kapag hindi napagbibigyan ay parang batang nagsusumbong kay daddy. Palibhasa'y spoiled brat nga. Uminom muna ako ng juice at hinintay ang pagtawag sa'kin ni daddy. And as expected.
"Yna, inaway mo daw si Xia?" pambungad niya pagkasagot ko palang sa tawag niya.
"I didn't--"
"She said nanghihingi ka raw ng one million sa kanya? The hell, Yna? Hindi ba't may negosyo ka ng pinagkakakitaan? I didn't fund you to be like that," aniya sa istriktong tono.
Dahil hindi mo naman talaga ako binigyan ng pampatayo nito ah? Ipon ko 'to. Tss.
"I'm just kidding. Nagpagawa siya ng dress sa'kin--"
"Then bakit nagmamataas ka pa? Hindi ba't nararapat lang naman na gawan mo siya? That's your work."
"But it's not free, Mr. Havana. Paano ako kikita kung hingi siya ng hingi sa'kin? Ganyan din siya last week--"
"So you're now complaining? Ganyan ka ba sa kapatid mo? Hindi mo man lang mapagbigyan?"
Ouch. But it's not really free, dad. Of all people, I expected you to know that since you're a businessman. I sighed. Hindi nalang ako nagsalita.
"Alright. Sabihan mo nalang siyang puntahan ako sa botique bukas. Bye--" puputulin ko na sana ang tawag ng unahan niya ako.
I shrugged my shoulders lazily. As usual. Ano pa nga bang ini-expect ko sa tatay kong ni ayaw nga akong patawagin sa kanya sa kung anong nararapat? He's ashame everyone will know he has a bastard hidden under his shirt? Tss. Dapat noon niya pa 'yan naisip. Noong mga panahong pumapatol siya sa nanay kong alam niyang pera niya lang din ang habol.
Hay naku. Dagdag stress sa umaga. Nakakahaggard! Maybe I should visit a spa again this weekend.
I wrapped the towel in my body while finishing the juice. Tumayo ako habang tinatawagan ang ina kong nasa America ngayon with her 'new' husband.
Ingay ang bumungad sa'kin at mas lalo kong hindi ini-expect na 'landian' nila ng asawa niyang kano ang mabubungaran ko. I can see how her husband tries to kiss her in her neck while she's giggling like a teenager. Magulo ang buhok niya pero hindi iyon sapat para hindi makita kung gaano siya kaganda ngayon. Lalo na siguro noong kabataan niya pa. Noong mga panahong naloko niya si Mr. Havana which is my obviously wealthy dad.
My mom's living in Cebu in her teenage life so it's only normal for us to speak bisaya or cebuano because that's our mother tongue. Mr. Havana owns five star hotels there and my mom's kind of a bitch. He seduce my dad and after nine months, hello dear Yna. 'Yong panandaliang landian nila ay nagbunga at ako 'yon. 'Yan ang kwento sa'kin ni lola noon.
Lumaki ako sa lola kong wala narin ngayon dahil iniwan ako ng nanay ko roon para makapagpatuloy sa buhay niya. And because she's really a bitch in the eyes of people, ng mawala si lola ay sinabi niya kay Mr. Havana ang existence ko para may sumuporta raw sa'kin habang wala siya. Kaya ako napadpad sa Manila. Kaya kami nagkakilala ni Price.
It maybe a blessing but I don't think my story would be interesting. Ni si Price nga lang ang nagtiya-tiyaga sa'kin. I don't know what's wrong with her because even when she's loved by many, she still choose me as her bitchfriend.
My life's a total opposite of her, you see. Nagugulo lang naman ang buhay niya dahil sa asawa niya habang ako, kahit walang gumulo, magulong-magulo na talaga. That's maybe the reason why I am an easy person. What I mean is, madaling kausap minsan, hindi na pinapahirapan pa ang lahat, sumasabay sa agos ng buhay... because my life's already a mess and I don't want to be drowned by it.
"Kumusta, Ma?" tanong ko habang nag-iiwas ng tingin sa kanila. Ni hindi man lang siya nabahalang makita ko ang 'moment' nilang dalawa.
Inayos ko nalang ang buhok sa kaliwang balikat habang hinihintay ang sagot niya. Napakatahimik ng bahay nina Price. Masyadong malaki at tahimik para sa mga taong inakala kong hindi rin aabot sa ganitong punto.
Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Price, ngayon lang ako nakasaksi sa kanila ng ganito. Kaya nga tingin ko perfect na perfect ang buhay niya e. Siya lang ang humahanap ng gulo. A thrill, maybe, but I know she's dead serious. Marrying isn't a joke. Lalo na siguro kapag ikaw lang ang nagmamahal. Kaya nga sinasabayan ko siya sa trip niyang akitin ang asawa niya e. Pero hindi sa puntong sinasaktan na siya nito ng todo.
"Yna! Medyo wrong timing ka, nag-uusap kami ng asawa ko ngayon e. Pwede ba next time nalang, 'nak?"
"Ano bang pinag-uusapan niyo?" tanong ko, pinapahaba lang naman ang usapan at baka sakaling gusto niya rin.
Haler? Anak mo 'to? Hindi mo man lang ba ako namiss? Ilang taon narin tayong hindi nagkikita, Ma. Kahit peke lang po?
Humahagikhik pa siya bago nakasagot. "Gusto niyang magkaanak kami. Kaso alam mo na, dili na pwede. So we're now planning to adopt a child. Malalaki narin kasi ang mga anak niya e!"
"Owws?" napatikhim ako.
"Yeah, so? Bye na. Tawag ka nalang ulit," aniya bago pinatay ang tawag.
"Ni hindi niyo nga po ako naalagaan, mag-aampon pa kayo?" ngiwi ko bago napairap nalang sa kawalan.
Hindi sinasadyang napadapo ang mga mata ko sa kalalabas lang na si Steeve galing sa kusina. May suot na pink apron habang may dalang maliit na bed table.
"What's that?" kuryosong tanong ko sa laman ng dala niya.
"A soup, sandwich, salad and juice," he shrugged. "Hindi ko alam kung anong gusto ni Price. Wala siyang gana pero kailangan niyang kumain," aniya bago ako inunahang makaakyat sa itaas.
Matagal akong napatitig sa likod niya habang natitigilan. Wow. Concern masyado ah?
***