Chapter 3
Naglalaro
Nagmadali ako sa pag-akyat sa itaas para masundan siya. Nagtatakang napalingon pa siya sa'kin habang binubuksan ang pintuan ni Price. I take a deep breath while gasping. Shit. Why the hell did I run? I probably look like a shit in his eyes now.
Gusto ko lang naman kasing malaman paano siya sa harap ni Price. How will he react or something. I'm just curious. Kaswal siyang makipag-usap sakin pero tingin ko talaga masungit siya e.
Pumasok siya habang pinapakalma ko pa ang sarili, nakaiwas ang tingin sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at bahagyang nag-ayos. Three minutes. I spend three minutes outside the room before entering like nothing.
"Sweetheart, please... you need to eat more," ani Steeve habang may hawak na kubyertos. Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Price na tulalang nakatitig lang sa kanya.
"Kung gusto mo talaga akong kumain, subuan mo nalang ako," ani Price bago bahagyang ngumiti sa kanya.
"Sure. Gladly. Makakain ka lang."
Napatikhim ako. Pareho silang napatingin sa'kin pero mas nagtagal ang kay Price, nagtataka. She looks pale, probably because of her condition right now. Namamaga ang mga mata at mapula ang mga pisngi. Kahit nakasimpleng pambahay lang ay lumilitaw parin ang natural na ganda. Ang maitim at umaalon niyang mataas na buhok ay pinagmumukha siya lalong diwata.
I smiled at her before pointing her bathroom.
"Maliligo ako," paalam ko sa kanya.
Agad siyang napatango sa'kin, nagtataka parin. Hindi ko na naman kasi talaga kailangan pang magpaalam dahil alam ko namang always welcome ako dito. Pero wala namang mali sa pagpapaalam diba? It's always right to do the proper way. Hindi naman pwedeng parati tayong feel at home.
Talaga lang ah? Kahit nagtataka rin ako sa naging kilos ay pinanindigan ko nalang ang lahat.
"Sure. Take your time, Yna."
Tumango narin ako bago kumuha ng iilang damit sa maleta ko.
"Open your mouth, sweetheart. Take this," I heard Steeve saying that.
I almost groaned in frustration. Naipikit ko ang mga mata bago dali-dali ng kumuha ng gamit para makapasok sa banyo. Shit naman kasi. Bakit napaka-erotic ng dating sa'kin nung sinabi niya? Ganito ba talaga kapag... mayroon na kayong napagsaluhan?
Hindi ako mapakali habang naliligo. Kung pwede lang mag fast-forward sa loob ng banyo ginawa ko na. I mean seriously? Bakit bumabagal ang oras kapag nagmamadali ka?
Ba't naman ako magmamadali? It's not like I have some important errands to run now. Ewan.
Naalala ko lang kasi si Price at Steeve sa labas nito na alam kong napag-iisa na ngayon. Bakit pumapayag si Tita na papasukin ito sa loob ng kwarto ni Price? He's a man for fuck sake! Baka ano pang gawin niya kay Price! Knowing him? Tss.
Ilang minuto lang ata akong naligo hindi gaya ng madalas kong tagal sa banyo. Wearing my shorts and sleeveless shirt, naghintay pa uli ako ng ilang minuto bago tuluyang lumabas roon.
I casually look at where they are and found Price there, alone. Natigilan ako. Seeing her sad is breaking my heart too. Alam ko na kung anong iniisip niya, o sino ang laman nito.
"Price..." tawag ko sa kanya.
Hindi siya lumingon kaya ako ang lumapit sa kanya. A white towel is still in my head. Gusto kong magblower pero ayokong ganito siya. Mas sanay akong nagsasalita siya at sinasabihan ako sa lahat ng problema niya. Kahit paulit-ulit ay handa naman akong makinig. Magkaibigan kami.
Tinabihan ko siya at halos madurog ang puso ko ng makitang tahimik uli siyang umiiyak. Shit naman kasi. Niyakap ko siya mula sa gilid at hinayaan siyang umiyak ng umiyak.
"Tama ka nga, Yna. Man can complicate things up. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong nagseseryoso sa kanila at nakikipaglaro nalang," aniya sa isang maliit at nababasag na boses.
Hindi ko alam anong ipapayo sa kanya sa ganitong pagkakataon, sa totoo lang. I'm not an expert when it comes to this. Tulad ng sabi ko'y ayoko sa magulong buhay dahil magulo na ang buhay ko kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko ang ganitong drama.
"Gusto ko siyang kausapin," aniya bago ako hinarap. Alam kong nahihirapan siya ngayon kaya pilit ko siyang iniintindi. Kagabi ay nagpunta rito si Eros at gusto siyang makausap pero ayaw niya pa. Hindi pa raw siya handang kausapin ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan. "Pero natatakot ako, Yna. Dahil alam ko, sa pagkakataong ito, bibitawan ko na siya para sa ikatatahimik ng lahat. Ayoko ng maging makasarili."
"Hindi ka naman kasi makasarili. Nagmahal ka lang."
"Pagmamahal na una palang, mali ng ipinagsiksikan ko pa," aniya habang marahang dumadaloy ang luha sa pisngi.
I don't know what to say anymore. Kailan ba kasi mali at tama ang pag-ibig? May specific scene ba para rito? I don't think so. Hindi ako naniniwala sa sobrang pagmamahal dahil sa magulo kong buhay pero dahil sa kanya, kahit papaano ay nagkaroon ako ng pananaw rito. That maybe it exist. Not perfect but still... valid.
"Don't say that," I sighed. "You know what? Everything will be alright. You just have to stay strong."
"I believe I'm strong. But I have limitation. We do have a limitation. Marami ng nasasaktan. It's enough sign for me to give this shit up."
Hindi na uli siya namansin pagkatapos nun. Hinayaan ko siya. Kailangan niya ng oras para makapag-isip.
Lunch came pero nawalan ako ng gana. Hindi sumabay sa amin si Price pero sinigurado naman ni Steeve na makakakain ito kahit papano. Kami lang tatlo nina tita Pres sa hapag-kainan nila. Napabuntong-hininga ako.
"What's wrong?" tanong ni tita Pres. Pareho silang napatitig sa'kin ni Steeve na pinaglalaruan nalang ang pagkain ko.
Muli akong napabuntong-hininga bago tuluyang nilapag ang mga kubyertos. Deretso ko siyang tiningnan sa mga mata. I don't beg but if I have to, why not? Para sa tingin ko'y kapakanan ng lahat.
"Tita, hindi na ba talaga kayo maaayos ni tito? Kahit kayo nalang?"
Nagtaas siya ng kilay sa'kin. "Seryoso ka bang 'yan ang problema mo?"
"My life's already complicated, tita, but I'm already too used to it. Hindi ito. Hindi 'yong nakikitang umiiyak si Price. Hindi 'yong nananahimik kayo pero deep inside ay alam kong nasasaktan rin. Hindi 'yong tinatakasan ni tito ang mga problema niyo rito. I mean, seriously? Hindi naman po sa nakikialam ako pero, wala na ba talagang pag-asa 'to? Bakit kailangang may magdusa kung pwedeng magpatawad nalang?"
Gusto kong magwala. Alright. I maybe a little overacting, but I can't do this anymore! I hate seeing them this way. They're the perfect model of a happy family for me eversince I've known them.
"Kung pagpapatawad lang, hija, bakit hindi? Pero hindi lang iisang tao ang nagpapatawad. Dalawa kayo sa isang relasyon. Dalawa kayong gagawa nito. Kahit patawarin ko siya kung ayaw niya, ano pang saysay nito? Hindi ba't parang wala lang?" paliwanag niya.
I get it, alright. I just can't believe this is happening right now.
Wala dito si tito para magpalamig sa naging away nila ni tita. Si tita naman ay nagpaplanong umalis para makapag-isip-isip rin sa lahat. Price wants annulment to her dearest husband. Everything's a mess. Kahit ako wala ng maintindihan sa bilis ng lahat. Parang kailan lang, masaya pa sila. Bakit kailangang umabot sa ganito?
"Huwag mo kaming problemahin masyado. Alam kong may problema karin sa buhay. Lilipas rin 'to. At si Price, kung tuluyan man silang maghihiwalay ng asawa niya, maybe because it's what's meant to be? Baka sinasabi ng universe na kailangan nga talaga nila itong gawin habang maaga pa. Para hindi mahuli ang lahat. Hindi naman natin alam kung sinong nakatadhana para sa'tin. Maybe there's still someone worth than her husband."
Hindi ko alam pero sa mga huling kataga na sinabi niya, napalingon ako kay Steeve. Someone more worth, huh? Sino naman? Ikaw? Nagtaas siya ng kilay sa'kin.
"What?" masungit niyang tanong.
May gusto akong itanong sa kanya pero ayokong gawin 'yon sa harap ni tita.
"Kumusta ka nga pala? Okay na ba kayo ng daddy mo?"
Napalingon uli ako kay tita dahil sa tanong niya. I shrugged. "Alam niyong mas imposibleng mangyari 'yon kaysa sa sitwasyon niyo ngayon, tita," tipid ko siyang nginitian.
"Don't lose hope. Matatanggap ka rin niya. Afterall, you're still his daughter. Walang magulang ang makakatiis sa anak."
"Matagal niya na akong natiis, tita. Ano pang bago dun? Tsaka malaki na ako. I don't need it anymore. I had lived without it, I'll surely survive without it," I awkwardly laugh to ease the tension. Sinimulan ko naring kumain, hoping for tita Pres to just drop the topic and leave it to where it was. Wala rin namang magbabago.
Okay lang naman sa'king pag-usapan ang tungkol dun. Huwag lang sa harap ng isang kasama namin ngayon. Sa taong mula sa gilid ng mga mata ko ay nakatingin parin sa'kin.
Please lang, kung si Price ang gusto mo, 'wag mo na akong paasahin.
"Iba ang may magulang, Yna. Iba 'yong may masasandalan ka sa mga panahong kailangan mo ito--"
"I have you. Ikaw na ang itinuring kong ina simula ng makilala ko kayo. I have Price. Alam kong kapag ako ang nangangailangan, hindi niya ako pababayaan. So what's the point of pursuing them? Ngayon pang tingin ko hindi ko na sila kailangan?"
Malungkot na ngiti lang ang iginawad niya sa'kin. Nanginig ang kalamnan ko. Pilit kong pinatigas ang nanghihina kong sarili. Shit lang. Bakit umabot sa ganito?
Kumuha ako ng tubig at uminom. I slowly calmed my heavy breathing. Napatingin ako kay Steeve at kamuntikan ng maibuga ang iniinom ng makitang nasa akin parin ang mariin niyang titig.
Malalalim at mapupungay. His eyes felt soothing. Nakakagaan sa loob kahit nakakailang titigan. Kung may iisang bagay man akong napapansin sa kanya maliban sa kakaibang pakiramdam ko tuwing nandiyan siya, 'yan ay ang pagiging kalmado. Hindi ko nga lang alam kung tama ang basa ko sa kanya. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Mas kilala siya ni Price... maybe like he did back to her. Kilala nila ang isa't isa.
So kung may bagay man ngayon kay Price maliban sa asawa niya, si Steeve 'yon. Si Steeve na feeling ko... may gusto rin sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin ng may mapagtanto.
"Anyway, nagkakilala na ba kayo ni Steeve, Yna? Kaibigan siya ni Price noong nagmomodelo pa siya," ani Tita Pres. "Steeve, hijo, si Yna nga pala. Matagal na silang magkaibigan ni Price. Parang anak ko narin."
"We've met awhile ago--"
"I actually met her in Paris, tita. Sa fashion week. She's a designer," ani Steeve. Nagkatinginan uli kami.
Tama naman. But that's not the first time we've met. We've already met eight months ago. Before you and Price. We fucked in your car.
"Oh, that's good, then. You two actually look good to me. Pansin ko lang, bagay kayo," aniya habang palipat-lipat ang tingin sa'min.
Hindi kami bagay, tita. Tao kami. Hilaw akong natawa. Napangisi naman si Steeve.
"Imposible 'yon, tita," aniya bago humalakhak. Napatingin siya sa'kin ng nakangisi. Like everything is so funny for him. Like it's just so funny to like me.
Like he just didn't tease me this morning. Like he isn't fantasizing my boobs and my whole body months ago.
Right. I understand. Sino nga bang magkakagusto sa'kin? Lalo na siguro kapag nakilala niya na ako ng lubusan. If he really like Price, it would be really impossible for him to like me. I'm just nothing beyond my beautiful face and sexy body.
Kung wala akong gana kanina, mas nawalan ako ng gana ngayon. Tumawa ako. Pareho uli silang napatingin sa'kin, nagtataka sa huli ko ng reaksyon. Well, hindi ba pwede?
"Oo nga naman po, tita. That's impossible. I mean, alam niyo naman ako. I like men in particular, but beyond chasing the funny part, it's already nothing."
Tumawa rin si Tita habang umiiling. "Mas masarap magmahal kaysa pakikipaglaro lang, hija. Nakakasakit pero tingin ko worth it naman."
"So you only chase the fun?" tiim ang bagang na ani Steeve. Nagtaas siya ng kilay sa'kin habang panaka-nakang kumakain, parang nawalan rin ng gana.
"People chase what's fun, Steeve. That's the reality," I answered confidently.
Nabuo ako dahil sa 'fun' na namamagitan sa ina at ama ko noon kahit alam nilang may masasaktan silang tao. Alam kong hindi lang ako ang biktima ng kasiyahang tinutukoy ko. Reyalidad na ng tao ang humabol sa kasiyahang minsan ay nakakasakit na.
"What's literally funny for you, then? Chasing men?" ismid niya.
Napatikhim ako at umayos sa pagkakaupo. Ano bang pinupunto niya?
Hindi ba't ganoon na naman talaga ngayon? Siya nga, babae rin ang habol e. Saya sa pagitan ng babae't lalaki. I am once his victim so he can't deny that to me. Unless he's something beyond his gender.
"Chasing what men can give me. Like how men chase girls to get laid. Is it wrong?" I asked a bit sarcastically. "Hindi naman siguro 'yan big deal sayo diba? I mean, come on," natawa ako.
Hindi naman ako nakikipagtsug-tsugan sa mga lalaki. Ang tinutukoy kong kasiyahan ay 'yong palandi-landi lang. I kissed and suck but I don't fuck. Siya palang.
Hindi siya agad nakapagsalita.
"Maybe that's the reason why I like Price over some other women," aniya bago nag-angat ng tingin kay tita Pres na mukhang natigilan dahil sa sinabi niya. Lalo na ako. "Don't get me wrong, tita. I just like Price' on point personality. Hindi nagdadalawang-isip sa kung anong gusto niya. Lumalaban kahit nasasaktan na siya. Nakita ko kung paano niya pinatawad ang asawa niya sa kabila ng nagawa nito sa kanya. We've been together in Hawaii. Price being Price never give her feelings up. Ngayon lang. Ngayong tingin niya ay nakakabuti para sa lahat. Isn't that amazing?" namamanghang aniya.
Tumango ang nangingiting si Tita Pres sa kanya, sumasang-ayon. "Price could really be stubborn sometimes but that's who she is. Pinaglalaban niya talaga kung anong gusto niya. Kaya nga sila nakasal ng asawa niya e. It's just so sad that things have to end."
"I agree. Higit sa lahat, hindi siya plastik, tita. One thing that I love about people."
Tumaas na ang kilay ko. May pinapatamaan ba siya? Nagkatinginan kami habang umiinom siya ng tubig. Kalaunan ay tumayo siya at nagpaalam.
"Hahatiran ko muna ng cake si Price, tita. Baka gusto niya," aniya bago tumalikod.
What's wrong with you? Parang kani-kanina lang ay ikaw pa ang nang-aasar ah?
Alam kong nakatingin sa'kin si tita, nagtataka sa bahagyang sagutan namin ni Steeve kanina pero hindi ko na siya tiningnan pa. Nagpatuloy ako sa pagkain at isinawalang bahala ang lahat.
Maids serve our dessert and we ate it in peace. Nagtsaa pa kami ni tita sa terasa nila pagkatapos at nag-usap ng bahagya. Just some random topic at work that makes us laugh atleast. Naging mabigat lang ang usapan namin ng dumating sa kanilang dalawa ni tito Bernando.
Maganda si tita Pres, magaang kasama at hindi mahirap kausap kaya madali ko siyang nakagaanan ng loob. Madalas ako rito sa kanila noon kaya hindi narin ako bago sa kanya. Katulad ni Price ay maliit na bagay lang ang nakapagpapasaya sa kaniya. Mayaman siya pero hindi mapagmataas. Maybe that's why he married tito Ando. She doesn't keep people she doen't love. She love him so dearly that it almost felt surreal.
Maswerte si tito sa kanya pero minalas naman siya sa kanya. Nalaman kong ex pala ni tito ang Mama ni Eros noon na hanggang ngayo'y mahal parin nito sa kabila ng lahat. How ironic. Why do we keep chasing unlikely people?
Hindi ba pwedeng magmahal tayo dahil gusto rin tayo? Bakit kailangan pang masaktan? Hindi ba't may nag-iisa naman talagang taong nakatadhana para sa'tin? Bakit hindi ito ang deretsong ikabit sa'tin? Why waste time on people who don't last?
Kaya natatakot akong magmahal e. Natatakot akong masaktan. Wala akong inang masasandalan. Wala rin akong amang makakapitan. Who would be there when the time comes other than myself?
It'll only make me crazy than I already am.
"Uwi na muna ako. Please tell Price I'll just come back tomorrow," ani Steeve matapos ibaba ang tawag na tinanggap niya. Nahilot niya ang sintedo at mariing naipikit ang mga mata bago dali-daling bumaba.
Kasalukuyan ng nagpapahinga si tita kaya kami-kami nalang ang andito.
"Bakit kita susundin?" sunod ko sa kanya habang nagtataas ng kilay.
Pagkatapos niya akong hindi pansinin matapos nung lunch? Wow ha? Feeling ko mas mataray pa siya sa'kin.
"Edi 'wag. Itetext ko nalang siya," aniya bago nagsuot ng shades habang nilalabas ang susi ng sasakyan niya.
He really look like a celebrity. Sabagay at sikat siya. Naalala ko pa sa Paris nun kung paano siya pagkaguluhan ng mga photographers para lang makunan ng pictures. They flock on his way like his servants. Like how girls do to take his attention. Like how his fans go crazy over him.
"May gusto ka ba kay Price?"
"Why do you care?"
Sumunod ako sa kanya hanggang sa garahe nila Price. Pinatunog niya ang isang itim na kotse bago binuksan. Hindi niya na ginagamit 'yong bugatti? Bakit? Ayaw niyang maalala ang mga pinagsaluhan namin dun?
"I care because she's my friend! Obviously! Kung magkakaroon man siya ng bago, atleast man lang sana sa tamang tao na."
Bago siya pumasok roon ay nilingon niya pa ako.
"Bakit? Sino bang tamang lalaki para sayo? Or are your opinions even reliable? Hindi ba't naglalaro ka lang?" he eyed me before raising his brow. Nakangiwi siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya bago iyon pinaharurot palabas.
Tangina niya. Lakas maka-mood swing! Feeling ko tuloy ako nalang ang normal sa mundo ngayon. Hayyst.
***