Chereads / UNTIL YOU GIVE UP / Chapter 6 - Chapter 4 - Hampaslupa

Chapter 6 - Chapter 4 - Hampaslupa

Feeling ko napakagulo na ng mundo ngayon.

Nag-usap si Price at Eros kinagabihan at halos madurog ang puso ko sa kinahihinatnan nila. I can't only see it, I can feel it already. Mahal na mahal na ni Eros si Price. Si Price na alam kong wala ng plano pang makipag-balikan sa kanya.

Shit lang diba?

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?

Lahat ng sigaw ni Price pagkatapos nilang mag-usap, luha ang pumapatak sa'kin. Goodness! Hindi ako umiiyak pero dahil sa sobrang awa ko sa kanya, hindi ko rin ito napipigilan. Malamig ang panahon dahil sa biglaang pag-ulan. Nagiging kasing lamig ng mga pusong nasasaktan ngayon.

"Price... tama na please?" pakiusap ko sa kanya na iniilingan lang niya.

"Hindi ko kaya... ang sakit-sakit... Mommy..." mahigpit siyang niyakap ni Tita Pres na naluluha narin ngayon.

"Shh, everything will be alright. I will help you. Padadaliin natin ang lahat, okay?"

Pagod siyang nakatulog habang nasa magkabilang-gilid kami ni Tita Pres. She looks so exhausted while sleeping. Mararahang hinaplos ni tita ang buhok ng anak. Alam kong lubos rin siyang naaawa sa kanya. That's her daughter. Alam ko kung gaano niya ka mahal si Price at saksi ako doon.

Kung pwede lang lagyan niya ng carpet ang bawat lugar na nilalakaran nito, gagawin niya. Kung pwede lang akuin niya ang sakit na nararamdaman nito ngayon, ginawa niya na.

Kaya hindi ko ma-imagine ang sarili kong nasasaktan ng ganito. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko itong mag-isa.

"Nasa'n 'yong isang gown na katatapos ko lang gawin?" tanong ko sa assistant kong nagbabantay sa botique tuwing wala ako.

Nilingon ko si Sara na agad nag-iwas ng tingin sa'kin. "A-Ah, Maam, kasi 'yong step-sister niyo, nagpunta dito kanina at sinabing kanya raw 'yon. Sinabihan mo raw siyang magpunta rito para kumuha ng gown."

"E hindi ba sabi mo kinuha niya rin 'yong isa kahapon?" nanliiit ang mga mata ko sa kanya.

"Hindi niya raw nagustuhan, Maam. Gusto niya raw 'yong kanina."

Bwisit!

"Hindi niya binalik 'yong isa?"

"Hindi po."

I dismissed her frustratedly before walking inside my little office. Glass wall lang ang nakapagitan nito kaya nakikita ko parin ang nangyayari sa labas pero pinasigurado kong soundproof. Ayoko ng magulo habang nagdedesinyo. Mabait naman si Kliffer kaya pinagbigyan niya ako. Madali namang kausap ang mokong na 'yon.

Hapon na at ngayon lang ako nakabisita rito dahil sa mga kaganapan sa bahay nina Price. Naaksidente si Eros kagabi at halos magwala siya kaninang umaga para mapuntahan ito. Nakipaghiwalay na siya kaya hindi pumapayag si tita. Ako ang naaawa sa sitwasyon niya pero tama naman kasi si tita. Kung gusto niyang panindigan ang desisyon niya, 'di na dapat siya naghahabol pa sa asawa niyang gago rin. I-announce ba naman ng ina kaninang may future engagement ng nag-aabang pagkatapos ng annulment nila ni Price? Hibang ba sila?

I sighed. Nilabas ko ang cellphone para tawagan ang igat na nanggugulo na naman sa'kin.

"What?"

"Anong what ka diyan? Bakit dalawa ang kinuha mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi? Gusto ko e. Pakialam mo?" maarte niyang sabi.

"Wow. Pakialam ko? Akin 'yan, inggrata! Kaya ano nga bang pakialam ko diyan ha?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Pwede ba, Yna? Ang dramatic mo! It's not like magaganda rin naman 'to e. You're overacting!" humalakhak pa siya sa kabilang linya.

Mas lalong nalukot ang mukha ko sa narinig mula sa kanya. Hindi na nga siya nagpasalamat, manlalait pa siya?!

"Hindi magaganda pero halos ubusin mo na ang laman nitong botique ko? Come on, bitch! Don't be so insecure. Masyado kang halata."

"Excuse me? Me? Insecure? Sayo, Yna? Nagpapatawa ka ba? Kahit nga sampong botique, kaya kong ipatayo ng sabay-sabay tapos maiinsecure ako sayo?" malakas siyang tumawa na parang baliw.

"'Yon naman pala e. Kaya mo. Bakit hindi ka magtayo ng sayo? Kailangan mo pa ba talaga akong pestehin ng ganito?"

"Whatever you say. Isang gown lang naman. Kung maka-react ka? Sabagay. Mahirap e," pang-iinsulto niya. Napapikit nalang ako sa inis habang minumura siya sa isip. Peste! "Kung gusto mo talagang kunin, edi kunin mo sa bahay. 'Yon ay kung makakapasok ka," aniya bago ako binabaan ng tawag.

"Fuck you!" napasandal ako sa swivel chair sa sobrang inis.

Bruha talaga siya. Alam niyang hindi ako makakapasok sa bahay nila kaya niya ako hinahamon ng ganito. Walanghiya diba? Kung pwede ko lang siyang tirisin, matagal ko ng ginawa. Kung may delete lang sa totoong buhay, siya ang unang-una kong buburahin! 'Yong tipong kahit isang bakas wala akong maaalala sa kanya? Hay naku! Pabebe masyado!

Naturingang nasobrahan sa pagmamahal, pero papansin parin! Ano bang gusto niya, pati ako mahalin rin siya katulad ng pamamahal na nakukuha niya sa mga magulang niya? Tangina lang! Manigas siya.

Kasalukuyan akong nag-e-sketch ng may kumatok sa'kin sa loob. Nilingon ko ang glasswall na sinadya kong lagyan ng siwang ng kaunti mula sa floor-lenght kong cream-colored curtains. It's Fam. One of my night-out friend.

Tumayo ako para mapagbuksan siya na agad nakipag-beso sa'kin.

"God, Yna! Ang daming ganap! Ano 'tong bali-balita ngayon na maghihiwalay na raw si Price at 'yong papable niyang asawa? Totoo ba?" agad niyang tanong hindi ko paman siya naiimbita sa loob.

Kaya pala andito. Makikichismiss lang.

"Yna! Ang gaganda ng designs mo ah? I love it!" sulpot ni Katty sa likod niya na mangha pang iginagala ang paningin niya sa paligid.

I fake a smile at her before crossing my arms. Lumabas ako para tuluyan silang harapin. Total mukhang hindi naman sila magtatagal.

"Really? Bibili ka?"

Agad kumunot ang noo niya at napanguso. "Sana. Kaso hindi naman pwedeng utang diba? Wala akong cash e. Mahal," aniya bago maarteng nagkibit-balikat.

Napangiwi ako. Wala ka pa sigurong nabibihag na mayaman kaya ganyan. Tss.

Malamang na mahal 'yan. Talent ko ang binabayaran niyan maliban sa mga imported na materials. Papantay sa brand ng chanel ang pinasukan niyo, anong ini-expect niyo, pang ukay-ukay lang ang presyo dito?

I eyed her from head to toe. Hindi halatang wala kang pera ah? Galante kasi ang outfit. White Off shoulder top and a pink high waist shorts, high heels and a Gucci bag clinging meticulously on her arm.

Talaga lang ah? E anong laman ng gucci kung hindi pera? 'Wag mong sabihing peke 'yan? May maipagmayabang lang?

Pansin kong naiilang na siya sa paninitig ko kaya tinigilan ko na siya.

"Edi pareho lang kayo ng sadya? Makikichismiss sa buhay ni Price? Teka, baka naman may hidden camera kayo diyan? Daig niyo pa ang media kung maki-chika e!" pumalakpak ako habang napapailing.

"Uh, Yna, ibahin mo ako. Actually, nagshoshopping ako kaya ako nandito. Nabalitaan ko lang talaga kanina kaya ganun," ani Fam bago tumingin-tingin narin sa paligid.

Sinundan ko ang paglapit niya sa mga bagong labas kong dresses, napapataas ang kilay lalo na't wala naman akong nakikitang shopping bags na hawak niya. Maraming magaganda at magagarang botiques ang nandito. Hindi ako naniniwalang dito lang nila nagustuhang pumasok. Para-paraan 101. Mga modos rin pala.

"I like it! Can I have this?" aniya sa isang itim na dress na may deep V-neckline. It's a mini dress that I also like. Pasok sa taste kong outfit sa mga nightouts.

"Of course! You can have all you want. As long as you pay."

"Pero bago ko 'to isukat, pwede ba pakisagot muna ng tanong ko? Totoo bang naghiwalay na talaga sila?" she faced me curiously again. Para bang ikamamatay niya kapag hindi niya nalaman 'yon.

"Oo nga, Yna! Tsaka 'yong tungkol sa gwapong model na si Steeve Morgan? Totoo bang nagkarelasyon sila? Shit, ang gwapo rin nun! Ano bang ginagawa ni Price para swertehin siya ng ganyan?"

"Ang alam ko nagpapakabait lang naman siya. Hindi nakikialam sa buhay ng iba kasi alam niyo 'yon? Maling-mali 'yon e. Kaya kung makikichika lang kayo sa buhay niya, mas mabuti pang lumayas nalang kayo dito. Kasi 'yong ayoko sa lahat? Makitang may masaya habang nasasaktan 'yong iba," pareho ko silang sinamaan ng tingin na mukhang na-offend sa'kin.

Pwes na-ooffend rin nila ako sa katatanong nila! Obviously! Wala na bang mga common sense ang mga tao ngayon?

"Yna naman, may nagpapatanong lang kasi sa'kin e. Women crave for Eros now. Maraming excited sa paglaya niya lalo na't nag-announce ang Mama niya kanina ng future engagement niya. Totoo talaga 'yon?"

"Pwes sabihin mong manahimik sila dahil nasasaktan ang kaibigan ko ngayon! Common sense naman. Importante 'yon," nakangiwing sabi ko bago sila tinalikuran.

"Yna--"

"Stop it. Hindi na ako nasisiyahan sa katatanong niyo ah? Bullshit!"

Muli akong pumasok sa loob ng opisina at agad isinarado ang pinto. Mga bwisit talaga. Nasasaktan na nga ang kaibigan ko ngayon, nagtatanong pa? Ba't hindi sila nagreporter? Total mukhang gusto nilang career-rin e.

Mrs. Havana:

Meet me at Morgan chains restau, 3 PM.

Halos mapamura ako ng makitang lagpas isang minuto na sa sinasabi niyang oras, ang oras sa relo ko. Ibig sabihin late na ako. Ang malas naman talaga! Sa bruha pang ito!

Bakit ba kasi siya makikipag-meet? Imposible namang dahil mabait na siya kaya niya ime-meet ang bastarda ng asawa niya. Oh come on, mas impossible pang mangyari 'yon sa pangarap kong magkaroon ng sariling star na galing sa langit!

I'm just on my tube top and trouser right now, my usual outfit at work together with my blazer na madalas ko talagang hinuhubad sa loob ng opisina. Sinabit ko nalang ito sa braso bago kinuha ang handbag at lumabas.

Tunog palang ng high-heels, napalingon na ang mga empleyado ko sa'kin. I flipped my long straight hair to make it stay in the back. Sumenyas ako kay Sara ng pagpapalapit.

"Kindly email the whole sales for this month. I need to review it before designing something again. Gusto kong mag-expand tayo from dresses to lingerie. Inform the other two brands," I explained before wearing my shades.

Overall, may tatlong brand na ang Yna's sa Maynila. Sinisimulan ko na 'yong sa Cebu kaya maybe next time bibisita rin ako dun.

"Alright. Kukuha narin po ba tayo ng mga bagong models, Maam?"

"Not now. Pag-uusapan natin 'yan sa susunod. For now, kailangan ko munang mag-review," tumango siya kaya tinapik ko na ang balikat niya. "Ikaw na muna bahala sa lahat. May kailangan pa akong i-meet. Sege na."

Nagmadali na ako sa pagbaba at baka nagwawala na ang dragon ngayon. Kakaiba pa naman 'yon.

"Yna, kumusta--"

"I'm fine. Sorry, nagmamadali ako," tinanguan ko nalang si Samuel na naging ex ko noon. Ex-fling.

"Kita naman tayo minsan! Bar, perhaps? Madalas ka parin ba dun?"

"Yeah, sure! Oo! Bye na!" patalikod akong kumaway sa kanya bago gumamit ng elevator pababa na siksikan pa.

Daming mga neneng na nagkakagulo. Naghahagikhikan pa. Alas tres pa ah? Nag-cut ba ang mga 'to para lang makapunta rito? Natawa ako dahil parang ganito rin ako noon e. Lalo na kung may natitipuhan. Dinadayo talaga. Good influence sa'kin si Price kaya kahit papaano ay nakatapos ako ng maayos. Aniya'y ayaw niyang mapahiya sa future husband niya. Not knowing na si Eros na pala 'yong tinutukoy niya noon.

"OMG, girls! Nakita niyo si Kliffer kanina? Ang gwapo niya grabe!"

"Tama pala ang sinasabi nilang pakalat-kalat lang siya dito no? Punta ulit tayo bukas, guys!"

"Sure! Dala tayo ng gifts! Rinig ko hindi niya raw tinatanggihan 'yon. Malay niyo naman, guys?"

Alarm na this.

Hindi na bago. Marami talagang mga schoolgirls ang dumadayo rito para lang makita ang gwapong mukha ni Kliffer na pakalat-kalat nga. Palibhasay may-ari. Parang walang ibang inatupag kundi mambabae e. Kailan kaya 'yon magbabago?

I'm already fifteen minutes late when I've reach the hotel. Sa labas palang ay inabangan na ako ng isang bodyguard niya para igiya sa kanya. Mga tao palang na nakikita ko sa loob ng restau, alam ko ng magara ang hotel na 'to.

Agad tumaas ang kilay niya ng makita ako. Nakakunot ang noo niya habang umiinom ng tsaa. May sweet na nakahanda sa harap pero halatang wala pang bawas.

"Good afternoon--" I said out of formality but she cut me off.

"Ganyan ka ba makipagkita sa mga kliyente mo? Late? Buti at nagtagal ka pa no?" she raised her brow while tilting her head in a very intimidating position while staring straight at me.

I can hardly look at her eyes. She's wearing an elegant black dress with all her Sierro jewelries in the right places. She screams wealth and elegance that could take your breath away. Idagdag mo pa ang high-cheekbones at kilay niyang kahit may edad na ay hindi parin pumapalpak umilang sa mga taong kaharap niya.

But I can still see bitterness in her eyes beyond that. At alam ko na kung bakit.

"Hindi naman po kasi malayo ang two fifty-six sa 3 PM. May trabaho po ako at babyahe pa. Baka naman po tinext niyo ako habang nandito na kayo?"

"Even so! An effective businesswoman should always be on time! Hindi tumatanggap ng eksplenasyon ang mga naiiritang kliyente!"

Bumuntong-hininga ako.

"Alright, Maam. My apology. I'll do better next time." kinagat ko ang dila para iwasang magtunog sarkastiko.

Tatagal lang ang usapan kung pangangaralan niya lang ako. Hindi ba siya nangangating umalis sa harap ko?

"Sabagay at kung wala ang asawa ko, malamang ay nasa squatter ka nakatira. Tambay ka sana ngayon at nagpapabuntis lang din sa kung sino-sino. A typical attitude of a beggar. Walang iniisip kundi sarili nila," aniya bago umismid habang mariin akong tinitingnan.

"Sino naman po kasing ibang iisipin ko, e nag-iisa lang naman talaga ako? And Maam, I'm not a beggar. I maybe have accepted my father's support but I'm currently returning the favor now. Hindi po ba't nasa inyo na nga ang card na bigay niya sakin? Sinasauli ko na kasama ng perang pinahiram niyo lang pala sa'kin."

"Of course! Do you think it's free? Wala ng libre sa mundo ngayon. Kahit nga ang nanay mo noon, pinapaligaya na ng asawa ko, walanghiya pang nanghihingi pa ng abuloy--"

"I believe that's not the reason why you called me here. Will you just direct to the point, Madam? May trabaho pa po kasing nag-aabang sa'kin e. I need to earn so I can finally get away from being a beggar in your eyes," I tried hard not rolling my eyes on her.

Mas lalong nanliit ang mga mata niya sa'kin. Nagpapaka-chinese siguro pero hindi bagay sa kanya. Mas mukha siyang witch.

"Bitch. Hindi ka nga nagmana sa mukha ng nanay mo, kopyang-kopya mo naman ang ugali niya. Mga pulubi!" sigaw niya na nagpalingon sa iilang naroon at nakarinig sa kanya.

Marahan kong naipikit ang mga mata bago tumayo. I'm done.

"At saan ka pupunta?" galit na naman niyang sigaw ng akmang tatalikod na ako sa kanya.

Malamang aalis. Sino ba namang gustong makipag-usap sayo? Para ka lang anak mong papansin.

Naiintindihan ko namang galit siya sa nanay ko. At dahil anak ako ng nanay ko at hindi ko na mababago pa 'yon, galit na galit rin siya sa'kin. I'm not going to deprive her the right to get angry because she has all the right to feel that way. She felt cheated, but isn't that her husband's fault, too? Kasi pumatol siya sa nanay ko? Bakit naging kasalanan lang namin gayong mas malaki parin ang ambag ng asawa niya? Kay nga ako nabuo e. Mabubuo ba ako kung nanay ko lang gumawa mag-isa?

Naiintindihan ko siya pero may mga oras ring hindi. Sa tingin ba niya siya lang ang nahihirapan? Ang selfish niya naman ata. Ako ang lumaking walang kinilalang ama't ina tapos e-eksena pa siya para agawan ako ng inaaping role?

"Madam, alam kong nasasaktan kayo pero wala po akong time ngayon makinig sa mga drama niyo. Ano ba talagang kailangan niyo sa'kin?"

"Oh, right! Buti at pinaalala mo dahil naiirita na ako diyan sa mga gawa mong pakalat-kalat sa bahay! Pati ba naman si Xia pinapatulan mo na? Para ano? Para makahingi ng one million? Isn't that a cheap of you?"

"Madam, binabayaran po ang serbisyo ko. Hindi ako nagnegosyo para mamigay. Obvious naman po kung anong rason ko diba? And I didn't push your daughter to bought my works. Siya pa nga po ang nagpupumilit--"

Nagulat ako ng tumayo rin siya para singhalan ako.

"I know how much she despise you so don't give me that crap! Kung naloloko mo pa ang asawa ko, ako hindi! Stay away from my daughter! Hindi niya kailangan ng mga cheap na 'to!"

A familiar box was given to her by her bodyguards. It's some of the dresses from Yna's na kinuha ni Xia. Napapikit ako ng sabay-sabay niyang ihampas 'yon sa mukha ko.

"We don't need these. My daughter can afford more precious one from a more luxury brands, not your cheap items! And next time, 'wag ka ng tawag ng tawag sa ni isa sa kanila dahil hindi ka namin kailangan. Hindi namin kailangan ng kahit anong galing sa isang hampaslupa," mariing aniya habang pinapanatili ang iniingatan niyang poise.

Sa harap ng maraming taong narito, ininsulto na naman niya ako. Isn't that a cheap move from a high-class woman who've studied proper etiquette all her life?

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko. Hindi ako lumilingon pero naamoy ko siya. Napangisi ako habang iniiwasan ang tingin ng iilang naroon.

Hindi ko kasi alam kung mahihiya ako para sa sarili o para sa kanya.

"Excuse me, but I think this isn't right anymore. Maam, naiisturbo niyo na po ang iilang narito at tahimik na kumakain," Steeve's familiar baritone filled my ears.

Nakita ko kung paano umamo ang mukha niya ng makita si Steeve. Pareho silang nagmamay-ari ng hotel kaya hindi na ako magtatakang magkakilala sila.

"I'm so sorry, hijo. Nadala lang ako. A cheap person isn't really good to me. Nawawala ako sa sarili," aniya bago humalakhak. Umaasim nga lang ang mukha kapag napapadapo sa'kin.

"Still. I believe this isn't the right one to treat your co-person, wether she's hampaslupa or not. Hindi ba't mas kahiya-hiya kung ang isang tulad niyong high-class sa paningin ng iba ay pumapatol sa isang gaya nitong pang eskwater lang pala?" mariing ani Steeve na bagaman hindi nakaka-insulto ay parang ganoon parin.

Hindi agad nakapagsalita si Mrs. Havana dahil dito.

Yumuko ako para pulutin ang mga 'cheap' items ko raw. Kinuha ko narin 'yong pinaglagyan nito para ibalik ito roon tsaka karga ito ay muli ko siyang hinarap.

"Salamat at binalik niyo po ah? Kasi may plano na po kasi talaga akong sugurin ang bahay niyo para kunin ang lahat ng mga kinuha ng anak niyo sa'kin ng libre e. Alam niyo na, para kumita ang hampaslupa," I shrugged while faking a smile. Total dito ako magaling. "Don't worry, hindi rin po kayo magandang impluwensya sa'king nagsisimula palang tumuntong sa mundo niyo. The feelings mutual po, Madam."

Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti bago tinalikuran.

"Excuse me, you're blocking the hampas-lupa's way. Shoo! May virus 'to kaya mandiri ka!" nakangiwing pagpapaalis ko kay Steeve na nakatingin lang sa'kin gamit ang mapupungay na naman niyang asul na mga mata.

And like what I think it always made me feel, I've relax.

***