Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 31 - Chapter 20 : Piging ng Pasasalamat;

Chapter 31 - Chapter 20 : Piging ng Pasasalamat;

Mahimbing ang tulog ng mag anak, wala silang kamalay malay sa ilang pares ng mata na nagmamasid sa labas ng kanilang bahay

kinaumagahan, maagang nagising si Arnie, inabutan nya sa kusina ang ina na nagluluto na ng almusal.

Arnie; inay ano po ang niluluto nyo? napakabango!!! amoy espesyal. bati at tanong ni Arnie kay Betty.

ah piniritong itlog lang na may sibuyas at kamatis, pritong tuyong sapsap at sinangag, nagugutom kanaba anak? sagot at tanong ni Betty kay Arnie.

Arnie; opo inay, gutom na gutom na po ako pakirandam ko po, para pong ilang araw akong di kumain at pagod na pagod din sagot ni Arnie.

BETTY; ganon ba anak,? ang mabuti pa ay maghilamos kana at pagkatapos gisingin mo na ang mga kapatid mo, tawagin mo na rin ang tatay mong nagsisibak ng kahoy sa silangang bahay bago ka pumanhik sa taas at ng sabay sabay na tayong mag almusal. utos ni betty kay Arnie.

ARNIE; opo inay, tugon ni Arnie sa ina at nagtungo na ito sa may banyo na kadugsong ng kusinang lutuan upang mag sipilyo at mag hilamos.

Maganang kumain ng almusal si Arnie habang nagkukwento sa magulang at mga kapatid.

ARNIE; inay itay, saang lugar po kaya iyong napuntahan ko kahapon? naoakaganda ng kubo at bakuran! may bakod pang may magandang halaman na namumulaklak kwento ni Arnie.

PETER; magandang kubo at magandang bakuran ba ikamo ang lugar na iyong kinaroroonan nuong nagdaang gabi anak? tanong ni Peter kay Arnie.

ARNIE; opo itay, pero hindi naman po gabi nuon! tanggi ni Arnie sa tanong ng ama, umaga po noon itay! sa katunayan may malapit po yatang simbahan sa kubong iyon! may narinig po akong tunog ng tumutugtog na piano at may mga ibon pang kulay itim na nagliliparan, layang layang po yata iyon! patuloy pang kwento ni Arnie.

pero anak, hindi naman magandang kubo ang iyong kinaroroonan. kawayanan iyon na malapit sa malalim na ilat doon sa may patay na burol kaya't walang magandang kubo at bakuran doon, isa pa gabi na noong oras na yon. sa katunayan maraming kanayon natin ang nagpunta doon upang hanapin ka at natagpuan ka nila sa may kawayanan bago maghatinggabi sawata at pagpapaliwanag ni betty sa anak.

PETER; tama ang iyong inay Arnie, sa katunayan kami man ng tiyo Isyu mo ay nakarating ng Panungyan at nakita ng dalawang mata ko ang lalakeng tinutukoy mo nuong nakaraang araw, iyon ang tikbalang na nag anyong tao anak, dagdag na paliwanag ni Peter sa anak

BETTY; oh s'ya s'ya tama na muna ang kuwentuhang iyan at tayo'y magsikain na. ako'y papasabayan maka almusal darating ang ate lia mo maya maya, nagpadala na rin ang ate lilac mo magluluto tayo mamaya ng kaunti para sa munting salo salo bilang pasasalamat. saad ni Betty