pinagtulungan ni Lia at Betty ang pagluluto ng pananghalian, maya maya pa ay dumating na rin si Peter dala ang mga manok gulay at prutas kasunod si Marcial na may pingga pinggang ( makapal na parte ng kawayan na nakapatong sa dalawang balikat at may nakataling dalawang sako sa magkabilang dulo) sako ng mura .
PETER; nandyan kana pala Lia, mabuti't maaga kayong nakarating. wala yatang trapik? bati at tanong ni Peter sa anak.
LIA ; oho itay, wala namang trapik. isa pa'y madaling araw pa lang ng kami ay bumiyahe..
PETER; ah ganon ba? ang mabuti pa ay madaliin nyo na ang pagluluto ng tanghalian at ng makapahinga kayo saglit makapananghali bago kayo magluto ng pagkain para sa munting salo salo mamayang gabi.
kami na ni JR ang bahalang magkatay mamaya ng mga manok, darating din ang mga kaibigan ni JR para tumulong magbiyak ng murang gagawing salad.