Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 36 - CHAPTER 26 : PRINSIPE MATULING;

Chapter 36 - CHAPTER 26 : PRINSIPE MATULING;

walang wala sa hinagap ni prinsipe Matuling na narinig ni Arnie ang paguusap nila ng kanyang alagad.... matanan nya'ng minamasdan si Arnie sa bawat kilos nito

PRINSIPE MATULING; hmmmmm simple lang pala ang ganda ng binibini'ng itinakda? katamtamang taas mahabang kulay itim na buhok , bilugang mata , mapusyaw na kulay ng balat. , manipis at mapulang labi at korteng balahibo ng ibon na kilay..... hmmmmm simple lang talaga... ah!!! hinde ....hinde.... tingin koy may kapangitan s'ya! yun nga! pangit s'ya!!!

pamumula ni prinsipe matuling kay Arnie na animo'y napaka kisig nya'ng nilalang

ARNIE; huh??? pangit daw ako??? hmmm sino kaya yon???? asan kaya nagtatago yon? kung maka pintas sagad sa buto at wagas!!!. sabi ni Arnie na di sinasadyang narinig ang sinabi ni prinsipe Matuling

bago lumaot ang gabi, nagpaalam na ang mga tiyuhin, kaibigan at iba pang kamag anak ni Arnie, ganon din si Pat at ka Tonyo. si Arnie, Betty Lia at Loida ay nagtulong tulong magligpit ng lahat ng ginamit sa munting salo salo.

matapos nilang magligpit ng kinainan, muling lumabas ng bahay si Arnie at sinipat ang madilim na bahagi ng ibaba ng kanilang bahay.....

laking gulat nya ng bumuglaw sa kanyang paningin ang isang nakakatakot na nilalang. mahaba ang balbas , nakatayo ang mga buhok , makakapal ang kilay, may mahahabang pangil ,maitim na balat at mapupulang mga mata.....

ARNIE; eeeekkkk inay itay!!!! may halimaw! sigaw ni Arnie na gulat na gulat sa nakita

si prinsipe Matuling naman na nagulat din sa biglang pagsungaw ng mukha ni Arnie sa kanyang panimanman ay kasabay ding napasigaw ng malakaw at saka mabilis na pumulas ng takbo.

PRINSIPE MATULING; aaaaaaaaahhhhhhh HALIMAW!!!! sigaw ni prinsipe Matuling sabay talikod at mabilis na tumakbo palayo.