Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 32 - chapter 21 ; SI ATE LIA

Chapter 32 - chapter 21 ; SI ATE LIA

ako'y maagang papasabayan upang mamili ng kaunting mailuluto, Peter maaga kang pumunta ng ilaya at manghuli ng manok na kakatayin mamaya. paalala ni Betty sa asawang si Peter

LOIDA; inay maya maya po ay pupunta dito ang mga kaibigan kong sila Bibi Cecil Liza at Edith, kami na po ang magsasabi kila kuya Barako kuya Pekoy Ka kustan Ka Tonyo at Kuya Pat .paalam ni Loida sa ina

BETTY; oh sige, pero isama mo ang kapatid mong si Rosanne, maraming gawain mamaya walang magbabantay sa kapatid mo. ikaw naman JR hintayin mo maya maya si ati Cenen at tatakalin na nila ang inirok natin.malaki na rin ang hinilab ng irok tingin ko ay aabot ng kulang kulang isandaang salop

JR; opo inay! magkano po ba ang kuha ni kakang Cenen per salop ng irok inay? kukunin ko na po ba ang bayad? tanong ni JR

otsenta'y singko kada salop, ako na ang kukuha mamayang hapon pagka kwenta. oh sige at ako'y lalakad na at nang hindi tanghaliin paalam ni Betty