"Jaden, pasalubong ko ha.." ilang ulit na paalala sakin ni ate. Nakatayo sya sa may entrada ng pintuan. Hawak ang trolly ni Klein na naglalaro din ng bola.
Gustong gusto nya rin daw pumunta ng Korea pero wala syang pera. Tsaka, kung pupunta raw sya. Sinong maiiwan sa anak nya?. Ang dami nya pang reklamo sakin. Sa huli, pasalubong nalang ang hinirit nya. Tumango nalang ako kahit di ko alam kung makakabili ba ako ng sinabi nya. May baon akong pera rito pero hindi iyon ganun kalaki para bumili ng gusto nya. Titingin nalang siguro ako ng mura doon kung meron man.
Matapos magempake. Hinatid na nila ako sa bahay ng mga Eugenio. Sinabihan ako ni papa na mag-iingat doon. Lagi naman akong nag-iingat eh. Ano kayang ibig nyang sabihin?. Napaisip ako hanggang paglapag ng eroplano sa Korea.
Sobrang saya ko dahil nakasakay na rin ako ng eroplano. Kingina!!. Pagtawanan nyo na ako't lahat. E sa mahirap lang ang tao eh. First time kong makasakay ng eroplano. At, wag mo akong maliitin. Kasama ko pa ang taong matagal kong pinangarap. Granted na ang hiling kong makapaling sya at makasama sa bawat pagpasyal sa ibang lugar o bansa.. Sobra pa nga e dahil sa wakas hindi na galit sakin si Lance. Hinahayaan nya kaming magkaroon ng oras para sa isa't isa.
Si Bamby ang dahilan kung bakit ako sumali ng basketball. Gusto kong humanga rin sya sakin katulad ng sobrang paghanga ko sa kanya. Ginalingan ko rin maging sa school para mapansin nya ako. Lagi akong umaakyat sa entablado para sa medalya o napanalunan sa kumpetisyob. At doon mula sa malayo. Nakikita ko kung pano sya humanga sakin. Para na naman akong nanalo tuwing nagtatagpo ang aming mata. Di ako mayabang. Sadyang, gusto ko lang ipakita sa kanyang kaya kong abutin ang hindi ko maabot para lang sa kanya.
Habang nasa Korea. Alam kong hindi payag si Lance na nasa isang silid lang kami. Di na rin ako nagtaka nang ang kinuha nyang kwarto ay para sa aming tatlo. Nasa pareho kaming dulo ni Bamby. Tig isang kama. Nasa gitna si Lance para wala daw kaming takas. Naku naman!. Kahit pa magtabi kami ni Bamby. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ko sa mata ng kanyang pamilya. Malaki ang respeto ko sa mga kapatid nya lalo na sa kanya.
"Babe, promise. Maganda ka pa rin kahit bagong gising.." kakatapos kong maligo nang marinig ang boses ni Lance. Inaasar na naman sya. Para sa pakikisama. Ginaya ko rin ang ginawa ni Lance sa kanya. Tuloy, di ko mapigilang tumawa sa kakyutan nya. Takip ang mukha kahit wala namang madumi sa kanyang mukha. Ang sabi nya. Pangit raw sya. Pinagtawanan ko na naman sya. Kahit ano pa ang magiging itsura nya. May uban at kumulubot man ang kanyang balat. Mamahalin ko pa rin sya dahil iyon ang nararamdaman ko noon pa.
Minadali sya ni Lance na maligo at magpalit. Kaya nung nasa Seoul Tower kami. Ang dami nyang inaayos sa sarili. Ang buhok nyang maayos naman pero inayos pa rin. Kaya ang ginawa ko. Sinalikop ko iyon at tinirintas. Di daw sya kuntento sa suklay lang e. Nakunaman po!. Babae nga naman!. Nung tinanggal nya naman ang kanyang jacket. Doon na ako gumalaw. Niyakap ko iyon muli sa kanya para di sya malamigan. Wala nang hiya hiya kahit makita pa ako ng kapatid nya. Kesa malamigan diba. "Paano nga kung mapilit?.." kulit ko sa kanya. Tinutukoy ang mga babaeng lumalapit sakin. Napakagat na lamang ako ng labi nang sabihin nya saking iba ang iniisip ko.
Kung alam mo lang mahal ko. Kahit isang segundo. Di ka nawala sa isipan ko. Ikaw lagi ang tinitibok nitong aking puso.