Ilang oras nalang ang natitira para sa kanyang kaarawan. Napag-usapan namin ni Lance na, sundin lahat ng kanyang sabihin. Lahat ng gusto nyang puntahan. Pupuntahan namin. Kahit pa ang mamahalin na damit na nadaanan nya. Binibili namin ni Lance.
"Pare, baka di na tayo makauwi neto.. wala na tayong pera.." lihim na bulong sakin ni Lance habang kinakamot ang ulong nakamasid sa kapatid. Abala pa rin sa pamimili ng mga damit si Bamby. Ang dami nyang tanong sa nagtitinda pero sa huli. Di nya naman kinuha.
"Mukhang meron pa pare.. ako bahala.." tinanguan nalang nya ako saka ko naman sinalubong si Bamby na ang daming binubulong. "Nakakainis.. sinabing bibilhin ko naman e. Pinaalis ba naman ako. bwiset.." inis syang nagdabog paalis ng store.
Kinindatan ko nalang si Lance na kulang nalang tumalon sa tuwa dahil sa ginawa ng tindera. Loko rin!.
Marami pa kaming dinaanan na tindahan bago kami lumabas at magpahinga sa daan. Doon sya kinulit ng kanyang kapatid. Kiniliti namin sya hanggang sa pareho na rin kaming napagod. Tahimik kaming bumalik ng hotel upang ilagay ang mga napamili. May binili rin ako para kila ate. Ganun din ang magkapatid na binilhan ang buo kong pamilya. Nahiya tuloy ako. "Wag kang mag-alala.. utang yan pare.. saka mo nalang bayaran pag may pera ka na.." bulong na naman sakin ni Lance nang mapansin siguro ang kanina ko pang pagtanggi sa mga binibili nila. Kahit ayaw kong sumang-ayon. Tumango nalang ako. May pera naman ako dito. Subalit, sapat nalang para sa gagawin ko mamaya.
"Pare, pwede favor?.." inakbayan ko sya palayo sa kanya. Abala sya masyado para mapansin kaming lumayo. Tinitignan nya ang kuha sa camera ni Lance. "Ano yun?. Basta wag lang ang kumain ng kimchi ha.. ayoko ng lasa.." umiling ako sabay tawa.
"May kinausap akong violinist kanina. nirequest ko ang favorite kpop song nya.. surprise ko para sa kanyang kaarawan.." matagal nya akong tinitigan. Parang hindi naniniwala sakin. "Gusto kong gawing memorable ang araw na to para sa kanya.."
"Aalukin mo na ba sya ng kasal?.." hindi ko talaga alam kung saan nya napulot ang ideyang iyon. Maganda sanang gawin yung tanong nya kaso ayokong mauwi lang sa disappointment ang lahat. Tuwing binabanggit ko kasi sa kanya ang ganun. Laging pabiro ang sagot nya. Meaning, hindi pa sya handa para doon. Kaya chill lang muna ako ngayon. Konting, pasurpresa lang.
"Bakit gusto mo ba akong maging bayaw?.." biro ko sa kanya. Agad nya akong sinamaan ng tingin. "Ano namang magagawa ko kung gusto ka ng kapatid ko.." kibit balikat nya. "Sige na.. puntahan mo na sya.. bibili lang ako ng bulaklak.."
"Salamat pare..asahan mong ikaw ang unang makakaalam kapag ikakasal na kami.." muli kong biro na inambaan na ako ng suntok. Naiwasan ko naman ito ng mabilis. Umalis na nga sya para bilihin ang nakalimutan kong bulaklak. May regalo akong binili kanina. Isang padlock na mag susi. Ibibigay ko sa kanya ang susi. Dahil sya lang ang makakabukas sa puso kong nakakulong na sa kanya.
Matapos kaming kumain sa market kung saan maraming street food. Hinila ko sya sa park kung saan ilang hakbang lang ang layo. Hindi pa madilim kung kaya't di pa gaanong makita ang sinasabi nitong ganda tuwing gabi. Hinawakan ko ang malambot nyang kamay habang naglalakad.
"Anong ginawa nyo ni kuya ha?.." tanong nya sakin. Nakita nya palang nasa malayo kami kanina. Naku naman!. I lied. Sinabi kong may nakita si Lance na babae. Type nya ito. Lumaki ang kanyang mata at natuwa. "Talaga?. maganda ba?.."
"Ewan.." mabilis kong sagot. Tinapik nya ako sa balikat. "Diba kasama ka nya?. paanong ewan?." naiinip nitong sambit.
"Wala na akong ibang makitang maganda kundi ikaw lang.." pinaikutan nya lang ako ng mata. "Hay boy Jaden!..." nauubusan ng pasensya. Bago ako hinila papunta sa looban ng park.
Bat di sya naniniwala?. Babe, naman totoo yun.
"Totoo babe.. ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko.." humito sya't hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Opo na po.. mahal din kita.." halakhak nya sabay kurot sa kaliwa kong pisngi.
Kiniliti nya pa ako subalit natalo sya ng bihagin ko ng mahigpit na yakap. Kasabay noon ay ang pagsindi naman ng mga ilaw sa may puno at ang poste sa bawat daan. Tumingkad ang kulay ng cherry blossoms nang umilaw na ang paligid na binabalot na ng dilim.
"O my God!.. Ang ganda naman dito.." umikot pa sya. Talagang tinignan ang lahat ng bagay na kumikinang.
"Pero mas maganda ka.." di ko mapigilang mamangha muli sa kanyang ganda tuwing nasisilawan sya ng kinang ng mga bombilya. Nakatingala sya habang nakangiti. Sumasayaw ang mahaba nyang buhok kasabay ng bawat galaw nya. Mas lalong naging maganda ang anggulo nya sa paningin ko. Mukha talaga syang Prinsesa ngayon. Bibig mo Jaden!. Nganga pa more.
Kingina!!. Parang pinagsisihan kong di bilhin yung singsing kanina. May nagtutulak sakin na alukin na sya ng kasal. Jaden, anu na?.
Tumigil sya't nilapitan ako.
"Tsk.. nambola ka na naman.." anya at pinisil ang aking ilong.
Nakita ko sa di kalayuan si Lance. Kinukuhanan kami ng litratong dalawa kasama ang taong kinausap ko. Sinenyasan ko sya na sabihin sa taong katabi nya na magpatugtog na.
Muli. Namilog na naman ang kanyang bibig. Naningkit pa ang magaganda nyang mata. Inaakit pa ako lalo. Nakunaman!.
"You planned this?.." tanong nya matapos marinig ang tugtog ng paborito nyang kdrama. Papalapit ito samin. Tumango ako habang may kilig na nadarama. Kinikilig ako dahil sa yakap nyang sobrang higpit. Mabuti nalang at nagustuhan nya ang surpresa ko kahit di pa nya totoong kaarawan. Niyakap ko rin sya ng mahigpit saka inikot ikot. The best day of my life is to be with her arms. Hugging me this way. So tightly.