Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 235 - Chapter 5: Blur

Chapter 235 - Chapter 5: Blur

Gusto kong igalaw ang katawan ko pero nanghihina talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin o kung nasaan ako. Wala akong matandaan.

"Babe.." isang boses ang mahinang nagsalita mula saan. Panaginip ba iyon o totoo?. Basta, di ko alam. "Babe, akala ko ba sa simbahan tayo pupunta?. Bakit naman dito?.." muling nyang sambit. Anong sinasabi nya? Di ko makilala ang boses nya?. Sino sya?. Nalilito kong tanong saking isip. "Papayag naman ako sa alok mo eh. Inunahan mo lang ako.." wala na naman akong ideya sa sinasabi nya. Damn!. Ano bang nangyari?. Bakit ganito magsalita ang taong to sa akin?. "Kailangan mo nang magising babe.. miss na miss na kita.." naramdaman ko ang marahan nyang haplos saking kamay bago dinampian ng halik.

Sinong babe ang sinasabi nya?. Ako ba yun?. Ibig ba sabihin neto may niligawan ako?. May kasintahan ako?. Bakit wala akong maalala?.

Nagising nalang ako, isang umaga. Umiiyak si mama saking tabi. "Anak.." tapos niyakap ako ng mahigpit. Mabuti nalang at andun si ate upang pagsabihan ito na baka di na ako makahinga. "Ma, hindi na makahinga si Jaden.."

Kahit medyo malabo pa ang aking paningin. Inilibot ko ang lugar kung nasaan ako. Purong puti ang nakikita ko sa apat na sulok. Teka. Nasa langit na ba ako?. Bakit andto sila Mama at ate?.

"Tawagin ko lang ang doktor.." paalam ni ate saka kumaripas na ng lakad palabas.

Doktor?. Bakit?. Anong sakit ko?. Gustuhin ko man itong itanong. Hindi ko pa rin magawa dahil nanghihina pa ako. Nanginginig ang kalamnan ko. Parang nanigas ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw.

Maya maya. Dumating ang doktor kasama ang dalawang nurse at si ate. Agad nilang tinignan ang vital signs ko. Maging ang dalawa kong mata. Chineck ng doktor.

"Dok.. kamusta po sya?.." Ani mama sa nakatayong doktor.

"Maayos na ang lagay nya misis.." hinarap nya si mama na mangiyak ngiyak na. "Sa labas nalang po tayo mag-usap."

Ano kayang sasabihin nya't hindi ko pwedeng marinig?.

"Hijo, pagaling ka ha.." bilin sakin ng doktor bago sila lumabas. Sumunod nalang ang mata ko sa kanilang mga likuran. Lahat sila lumabas. Akala ko maiiwan si ate. Pero sumunod rin sya sa kanila.

Pumikit ako't pilit inaalala ang lahat subalit wala talaga. Walang bakas ng kahit na ano ng nakaraan ang maalala ko. Nakalimutan ko kung paano ako napunta rito.

"Jaden.." masaya ngunit malungkot ang mga mata ni ate ang tumambad sakin. Narinig kong medyo nagkagulo. "Wala bang masakit sa'yo?. Ang ulo mo?. Ayos lang ba?.." dahan dahan akong tumango. "Good boy.. pagaling ka.na ha..ang tagal mo ng natulog eh.." hinaplos nya ang aking buhok bago sya tumalikod upang itago ang luha sa kanyang mata. Kahit anong paglilihim pa ang gawin nyang di sya mahina. Nakita ko na yun kanina. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mata.

"Pare.." unang humakbang ang pawang pamilyar na lalaki papunta sakin. Nasulyapan ko ang katabi nyang babae na agad yumuko. Hindi ko na nasilayan ang kabuuan ng kanyang mukha. "Remember me?. Lance pogi?.." nagpagwapo pa ito. Natatandan ko. Sya si Lance. Bakit ko naman sya makakalimutan?. Kaibigan ko to eh.

"Hmm.. pre.." kinamayan ko sya kahit mahina pa rin ako. Tumawa sya gaya ng mapang-asar nyang tawa tuwing maganda ang araw nya. "Pagaling ka ha.." iyon lang at tumahimik na sya. Saka naman naglinis ng lalamunan si ate. Nilipat ang tingin sa babaeng nakayuko pa rin hanggang ngayon duon sa may upuan. Magkahawak ang dalawang kamay. Tinawag nya ito at pinalapit saking gawi.

Noong nag-angat sya ng tingin. Nakita ko agad ang kinang ng kanyang ngiti. Hindi ko alam kung bakit sa bawat hakbang nya ay parang kaybigat nun dahilan para mabagal syang maglakad. Inabot yata ng ilang minuto bago sya tuluyang tumayo sa tabi ko na agad din kaming iniwan na dalawa.

Anong meron?. Tanong ng aking isip pero di ko magawang sambitin.

"Sino ka?.." tanong ko habang nakatingin sa hindi mapirmi nyang mata. Parang marami itong gustong sabihin pero di nya masabi. Parang ako lang. Pakiramdam ko, nagkasala ako ng todo sa tanong kong iyon sa kanya.

Umawang ang manipis nyang labi. Kahit ang perpekto nyang kilay. Nagsalubong agad. Bumigat ang paghinga nya. Ano bang mali doon?. Nagtanong lang naman ako.

"Anong pangalan mo?." Para itong bomba na sumabog sa kanyang mata. Nag-unahan ang luha doon. Damn!.

Ano nga?. Ipaliwanag nyo naman kasi kung anong nangyayari?. Nalilito na ako!

Nag-iwas ako ng tingin. Kinagat ang labi. Kinakabahan ako. Nang ibalik ko sa kanya ang aking paningin. Eksaktong, nag-uunahan na pababa ang mga luha sa kanyang mata.

Parang may parte ng katawan ko ang nadurog.

Nanginginig ang kanyang labi habang pulang pula na ang buo nyang mukha.

Jaden, anong ginawa mo?!.

"Babe, ako to.. si Bamby.." kasabay ng mga hikbi nya ito isinatinig.

Babe?. Sya yung babaeng lagi kong naririnig?. Ang dami nyang kwento sakin ngunit hindi ko talaga maalala kung totoo bang nangyari iyon.

Pumikit ako. Saka nagmulat muli nang marinig ang mahina nyang hikbi. "Si Bamby, na mahal mo.." humagulgol sya sa harapan ko. I don't know what to say.

Ilang minuto syang humagulgol bago nagpasyang lumabas nang kwarto.

Malabo ang lahat ng nangyayari sa akin. Wala akong maalala. At wala akong matandaan. Pasensya na!.