Flashback 2.0
Gabi nang birthday ni Niko. Umakyat kami sa bubungan. Doon kami umupo kahit na ang iba ay nagkakantahan at nagsasayawan pa rin sa baba.
"Anong sinabi ni Niko sa'yo kanina?.." tanong nya patungkol sa ibinulong ng kanyang kapatid. Humingi sya ng regalo pero hindi ako nakapagdala dahil biglaan lang din akong sumama sa kanya. Sa sobrang saya kong umangkas sa kanyang motor. Nakalimutan ko na kung anong dahilan kung bakit ako sumama sa kanya. Mabuti nalang at nawala agad sa isip ng bata. Naguilty ako. Kaya kinaumagahan, pinuntahan ko ulit sya at binigyan ng bolang gusto nya. Gusto nya raw gayahin ang kuya nyang magaling maglaro ng basketball.
"Naisip kong bilhan nalang sya ng bola bukas.." nahihiya kong sambit. Kinuha nya yung flashlight sa kabinet na nasa loob ng kanyang kwarto bago umupo saking tabi. Pinailawan nya iyon. Pero pinatay rin agad. Bahagya pa akong umusog palayo sa kanya dahil pakiramdam ko. Napapaso na ako sa sobrang lapit nya. Kung kandila lang siguro ako. Kanina pa ako tunaw. Ganun ang epekto nya sakin. Nakakalusaw.
"Pati rin ba ako?.." nagulat talaga ako sa sinabi nya. Damn boy!. Seryoso ba sya?..
Natulala ako sa mukha nyang malaki ang ngiti. Nakaside view sya sakin pero kita ko kung paano nakaukit ang maganda nyang ngiti na naiilawan sa liwanag ng bilog na buwan. Sa langit na madilim sya nakatanaw. Ngunit ako, sa kalahati nyang mukha nakatingin. "Gu-gusto mo rin ba?.." uutal utal ko pang tanong.
My goodness Bamby!!..
Lumingon sya sakin ng nakangiti. "Oo naman.. Basta galing sa'yo.. lahat gusto ko.." ipinatong nya sa mga tuhod ang dalawa nyang braso at doon pinahinga ang baba habang nakatitig sakin.
My goodness!.. Anong ginagawa nya?. Mamamatay yata ako sa kilig ngayon.
Kyaaaa!..
"Birthday mo ba?.." Wala sa sarili kong bulong. Duon naman sya humagalpak ng todo. Sobra akong natigilan sa mata nyang biglang nawala. Mas gwapo sya kapag tumatawa. Gosh!. I love you!..
"Ahahahaha.. ikaw talaga.. ang cute cute mo.." umurong sya ng kaunti sakin bago ginulo ang aking buhok. "Joke ko lang.. hahaha.." dugtong nya.
Matapos nyang tumawa. Nilamon na kami ng nakakailang na katahimikan. Muntik na akong nabangi. Kundi lang sa videoke na maingay. Pakiramdam ko. Bingi na ako. Kanina pa ako tahimik. Marami kasing gumugulo saking isipan kaso wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya.
Sa haba ng dumaang katahimikan samin. Inabala ko nalang ang aking sarili sa mga talang kumikinang. Maghihintay nalang ako ng shooting star. Tutal andito naman kami sa may bubong. Abot kamay na namin pag ganun. Kating kati na akong magsalita. Magtanong o magsabi na may gusto ako sa kanya. Subalit, nauunahan pa rin ako takot at kaba.
"Bamby.." basag nya sa nagyelong pader samin.
"Hmmm?.." mahina kong tugon. Biglang kinabahan.
"May tanong sana ako.." anya. Lalo akong nilamon ng kaba. Suskupo!. ano kayang sasabihin nya?.
"Ano yun?.." sagot ko. Sabay pa kaming tumingin sa isa't isa. Kinabahan ako ng sobra. Hindi normal na kaba. Hindi normal na kilig. Basta kaba na di ko maipaliwanag.
"Naniniwala ka ba sa love at first hear?.." di ko agad naintindihan ang lahat ng sinabi nya. What? Love at first hear?. Seryoso ba sya?..
"May ganun ba?.." hindi makapaniwalang tanong ko. Parang ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon. So rare. Tumango sya habang muling tiningala ang mga bituin. "Meron.. ako.." maikli nyang sagot.
"Ano?!.."
"Hindi ka maniniwala.. " iling nya. Kaya umiling din ako kahit hindi sya nakatingin sakin.. Hindi nga ako naniniwala.
"Hindi talaga.. ngayon ko lang kasi narinig iyon.."
"Sakin.. hindi na bago iyon.. sa ganoong lagay kasi ako nahulog sa isang tao.." nakagat ko ng mariin ang ilalim ng aking labi. May parte sakin na ayaw nang marinig ang kwento nya. Ngunit, lamang pa rin sakin ang gustong tapusin kung anuman ang sasabihin nya. Masaktan man ako. Okay lang. Marinig lang ang kwento nya.
"Noong bata ako.. may batang babae akong nakita... unang tanaw ko palang sa kanya, nakabusangot na... maganda sana sya kaso hindi ngumingiti.. ngunit nang kausapin nito ang kanyang kapatid..tumigil bigla ang paghinga ko. hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko.. di ko makuha kung bakit ako ganun tuwing nagsasalita sya.. parang musika ang kanyang tinig.. gustong gusto kong pakinggan..matagal bago ko napagtanto na.. gusto ko na pala sya.." hirap akong tumango sa kanya.
"Ang swerte naman nya kung ganun.. kakaiba mo sya nagustuhan.." may bahid na ng luha saking mata. Tumingala ako upang pigilang mahulog ito.
"Hmmm... gusto mo bang malaman kung sino sya?.." tanong nyang muli. Pinagpahinga ko ang aking baba sa mga braso kong nakapatong sa magkadikit kong tuhod.
Mukhang ayaw ko nang tapusin pa ang buo nyang kwento. Wala pa nga syang sinasabi. Naiiyak na ako. Ano nalang kung banggitin na nya ang pangalan ng babae?.. Tsk. Hirap nun. Double kill.
"Kahit wag na..Uy!. Shooting star!.. magwish tayo!..." tinuro ko yung bulalakaw na dumaan saka pinagdikit ang mga palad bago pikit matang humiling.
Hinihiling ko na sana ako yung babaeng tinutukoy nya. Sana, ako nalang ang gusto nya. Taimtim ko ito ibinulong.
"Anong hiniling mo?.." tanong nya sakin matapos kong humiling. Huminga ako ng maluwang. Tiningala ang kalangitan na puno ng mga tala bago sya sinagot. "Wish ko.. sana maging masaya tayo pareho.." nginitian ko sya kahit mahirap. "Ikaw?. Anong wish mo?.." balik tanong ko.
"Sana, magustuhan rin ako ng babaeng gusto ko.." malayo ang kanyang tingin.
Tumango tango ako sa kanya. Sana ako nalang yung wish nya. Sana hiniling nya ring maging kami nalang. Para matupad yung sinabi kong maging masaya kami pareho.
Huli ko nalang narinig yung babaeng gusto nya. Yung babaeng nasa kanyang kwento. Hinayaan nya muna akong umalis at bumalik bago nya inamin na ako nga iyon. Hay naku!. Kahit kailan talaga ang kabagalan nya.
Naglakbay muna ang bulalakaw bago nya kami hinayaang magtagpo. At maging masaya sa piling ng isa't isa.
Hindi ko aakalain na matutupad ng maaga ang aking hiling.
Kaya ngayon. Hihiling muli ako sa bulalakaw. Na sana, gumising na sya. Na sana, wala syang amnesia. At sana, gusto nya pa ring marinig ang boses ko. katulad nung dati..