Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 223 - Chapter 73: Granted

Chapter 223 - Chapter 73: Granted

Mahigit isang linggo na simula nang samahan ko si ate Cath sa pagbabantay tuwing gabi. Lumabas na rin si tita after a day. Salitan kaming tatlo nila tito papuntang ospital. Di pwede kasi si tita dahil kagagaling nya lang sa sakit. Dumadalaw sya pero saglitan lang. Pinipilit nyang maiwan kaso tatlo kaming kalaban nya kaya wala syang magawa kundi umuwi nalang. Umaga sya pumupunta. Sumasabay sya kay Tito. Ganun rin pag-uwi. Walang araw naman na di sila nagpapasamalat sakin. Minsan nga. Pinagtatawanan nila ako dahil sabi kong sawa na akong pakinggan ang pasasalamat nila. Hindi naman ako magsasawang bantayan ang anak nila. Kaya di na kailangan pa ang magpasalat. Kahit pa tumira na ako doon kasama sya. Ayos lang. Subalit, hindi rin daw pwede. Masyado na raw nakakahiya pag ganun. Natatawang pahagay ni tito ito minsan.

"Tito, tita. Mauna na po muna kami.." paalam ko. Dumating na sila para pumalit samin. Naiwan yung asawa ni ate sa bahay nila. Kaya kailangan na naming umuwi. Niyakap ako ni tita saka nagpasalamat na naman. Kumaway nalang ako bago tuluyang isara ang pinto.

"Si kuya Gerald ba tinutukoy ni tita, ate?.." I asked without thinking. Palabas na kami ng ospital ngunit ramdam kong natigilan sya. Kinagat ko ang ibabang labi sa maling nasabi.

"Sorry.." bulong ko matapos nyang ngumiti sakin. Tinanguan nya ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Sa harap nakaparada ang sasakyan ko.

"Wala na akong choice kundi tawagan sya.. ayoko mang gawin kaso--- no choice na ako para mag-alaga kila Klein at Niko.." bigla ay paliwanag nya nang nasa loob na kami ng sasakyan. Pinaandar ko na ang sasakyan paalis doon. Naawa ako bigla.

"Gusto nyang magkabalikan kaming dalawa.." doon ako natigilan pero pinapagpatuloy ko pa rin ang pagmamaneho. "Pero, pagod na ako sa kanya.. pagod na akong pakinggan ang mga paliwanag nya.. ang kasinungalingan nya.. at ang panloloko nya sakin..sawa na akong masaktan.. nakakapagod.."

Ang hirap ng kanyang sitwasyon. Ngayon ko lang natanto na, mas masakit palang magmahal kapag hindi mo na alam kung bakit mo sya minahal. Yung tipong mahal mo nga sya. Pero mas pipiliin mo nalang na mapunta sya sa iba kaysa piliin pa sya dahil pagod ka na.

"Thank you Bamby.. Mauna na ako.. ingat sa pagdrive ha?.." ginulo nya ang buhok ko bago malungkot na ngumiti saka bumaba. Bumusina nalang ako bago umalis.

What a tiring day.

Ganunpaman. Hindi ako magsasawa para sa kanya. Kahit maubos pa ang lakas ko. Maging okay lang sya.

Nang makarating ako sa harap ng bahay. Bukas na ang gate. Di ko alam kung bakit. Kaya dire diretso na akong pumarada.

Humihikab na akong bumaba. Ilang minuto lang kasi ang tulog ko nung nasa ospital ako. Nakakaidlip pero saglitan lang. "Manang, mamaya na po ako kakain.." sigaw ko mula sa entrada ng pintuan. Naririnig mula dito ang boses hanggang kusina.

"Hey, Bamblebie!!.." paakyat na sana ako sa may hagdanan ng biglang sumulpot ang bulto ni kuya Lance sa sofang mahaba. Nakahiga pala sya doon. Di ko napansin.

"Kuya!..." yung hikab ko, hindi ko na natapos nang tumakbo ako pababa sa kanya.

"Hep!.. stay there.." agad syang tumayo. Natatakot. Iniharap pa ang palad sakin. Pinipigilan akong lumapit.

"Why?. gusto lang kitang yakapin kuya?.."

"No!. galing kang ospital?. Maligo ka muna.." iling nya sakin. Humakbang patalikod nang nakitang gumawa ako ng isang hakbang.

Psh.. Ang arte!. Kailan kaya sya dumating?. Wala pa ito nung umalis ako kahapon eh.

"Malinis naman ako ah.." dalawang hakbang na ang nagawa ko nang umatras muli sya ng tatlong hakbang. Yung mukha nya. Di na maipinta. Ayaw kasi nito ng marumi o kahit na anong may amoy. Eh jusku!. Di naman ako mabaho. Anong inaarte nya?.

Umiling sya. "No. you're not.. maligo ka muna.. shu!.. go upstairs and take a shower.. I'll give you a tight hug later. " lakad takbo nya itong sinabi. Papalapit ako sa kanya. Tinalon nya pa ang sofang hinihigaan kanina para lang takasan ako.

"Kuya please.. I need it now.. I miss Jaden's hug.." I really miss him. Hindi kasi sapat sakin ang tulog at kain lang eh. Yakap lang ang tanging energy booster ko. At kailangan na kailangan ko ngayon iyon.

"Then wait until he's awake.." nasa ikalawang baitang na sya ng hagdan. Mukhang balak pang umakyat hanggang sa taas dahil nasa Ikatlong baitang ang kanan nyang paa.

"But I'm too tired.. gusto ko lang ng isang yakap para mawala pagod ko.." It's a no no for him. Ang arte talaga. Suskupo!. Kung di lang ako pagod. Baka hinabol ko pa sya sa may hagdan.

"Later Bamblebie.. Promise I'll hug you.." habol nya sakin nang talikuran ko na sya papuntang kusina. Gusto ko lang magpakita kay Manang. Agent kasi sya ni mama. Lahat ng ginagawa ko. Sya ang nagsasabi. Walang bahid ng kakulangan.

"Good morning po.." masiglang bati ko sa kanya. Malayo sa matamlay na itsura ko kanina. Agad syang humarap sakin. Iniwan ang niluluto.

"Napaaga ka.. good morning din hija.. kumain ka muna bago matulog.."

"Wala po akong gana.."

"Tsk.. kahit konti lang hija.." di ko na kinontra pa. Hinintay kong ihain nya sakin ang mainit na sabaw ng sinigang. At kanin. "Kumain ka na.. para may lakas ka ulit mamayang gabi.." agad kong hinigop ang sabaw na umuusok pa. Dumaan ang mainit na sabaw saking lalamunan. Naibsan ang lamig dito.

Pinanood nya ako hanggang sa matapos akong kumain. "Salamat po Manang.."

Nginitian nya ako at tinanguan. "Manang, kailan po pala umuwi si kuya?.." tanong ko sa kanyang likuran. Hinuhugasan nya ang mga pinagkainan ko.

"Kagabi lang.. nung umalis ka.. Nagtext nang sunduin namin sya ng airport.." tinanong nya pa kung nakausap ko na ba sya. Sinabi kong oo, pero ayaw akong yakapin. Tumawa sya ng todo dahil alam nya rin ang sobrang kalinisan nito sa katawan. Bakla kahit kailan.

Nagpaalam na akong aakyat na. Akala ko madadatnan ko pa si kuya sa may hagdan. Subalit wala na pala sya doon. Nagkulong ata sa kanyang silid. Ayaw talaga akong yakapin. Bwiset lang!.

Kumatok pa muna ako sa kanyang kwarto. At alam mo kung ano lang ginawa nya sakin?. Sinigawan lang naman ako na, 'Later Bamblebie.. get some hot shower first..', Bumuntong hininga nalang ako sa likod ng pintuan.

Kung si kuya Mark sana ang umuwi. E di sana kanina pa ako komportable. Suskupo!. Anong ginagawa nya pa dito kung di nya naman ako matulungan?. Kainis!..

Pumasok ako sa aking silid. Agad kinuha ang tuwalya na nakasabit at dumiretso na sa banyo. Doon, nagpakalunod sa lamig ng tubig. Humiga lang ako sa tub na may laman ng tubig at mga panligo. Inihanda na dati ito ni Manang bago ako umuuwi.

"Bamblebie, you done?.."

"Go away!. I'm sleeping.." ganti ko sa aking kapatid na kanina pa kumakatok. Kung kailan naibsan na ng lamig ang init na kailangan ko. Doon naman sya lalapit sakin. Ugh!!.

Hindi na sya nangulit pa nang di ko sya pagbuksan. Ba'la sya dyan!.

Nakatulog nga ako hanggang alas dos ng hapon. Nagising lang sa ingay ng cellphone. Pikit mata ko itong kinapa bago nagsalita. "Hello.." inaantok kong bati.

"Bamby, gising na sya!.." mangiyak ngiyak na sambit ng nasa kabilang linya. Di ko matukoy kung sino dahil wala pa ako sa tamang ulirat.

Agad akong bumangon. Lumaki ang inaantok kong mata. Maging ang aking bibig. Pumorma ng malaking bilog. "Po?.." tanong ko. Parang di ko kasi naintindihan yung sinabi nya eh.

"Si Jaden, gising na sya Bamby!.."

"Oh my God!!.." natutop ko agad ang aking bibig kasabay ng pangingilid nang luha saking mata.

Wish granted!.. Thank YOU again!.

"Oo Bamby.. gising na sya.. Salamat.." umiyak si ate Catherine sa kabilang linya. Di ko na inayos pa ang higaan. Basta naghanap agad ako ng aking damit. Babalik ako doon. Gusto ko na syang makita. Gising na ang mahal ko!..