Himihingal akong bumaba ng hagdanan habang sinusot ang t-shirt na malaki. Yung shorts na suot ko kanina ay iyon na yun. Basta isinuot ko nalang yung flip flops sa likod ng pintuan bago bumaba.
"Manang, aalis po ako!.." paalam ko.
Kailangan kong magmadali. Gising na sya. Gusto ko nang makita ang ngiti nyang matagal ko nang di nasilayan.
"Saan ka pupunta?.." lumabas si Manang sa kanyang silid. May pasilyo sa pagitan ng kusina at ng sala.Doon ang kanyang silid. Parang nagising ko pa ata sya dahil humihikab pa ito.
"Sa ospital po.. gising na si Jaden.." masayang sambit ko. Nagliwanag ang kanyang mukha. "Talaga?..sya..mag-iingat ka.. di ka ba magpapasama sa kuya mo?.."
"Saan yan?.." biglang sumulpot ang loko kong kapatid sa aking likuran. Malaki ang ngisi sakin. Umamba pa ng yakap pero umilag ako. Saka sya yayakap gayong di ko na kailangan?. Baliktad ba sya mag-isip?. Naku naman kuya!.
"Saan ka pupunta ha?. diba dapat tulog ka na?.."
"Babalik akong ospital.." inayos kong muli ang sarili. Nagmamadali ako eh. bat ang dami nya pang tanong?.
"Bakit?. may nangyari ba kay Jaden?."
"Bakit andami mong tanong kuya?.. nagmamadali ho ako.."
"E ano nga?." bumaba sya ng hagdan. Nakapajama ito ng itim at white sleeveless shirt.
"Gising na si Jaden, hijo. mag-ayos ka na't samahan mo nalang kapatid mo.."
Makahulugan syang tumingin sakin. "What?.." pinagtaasan ko lang sya ng kilay. Pinasadahan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Ganyan ka pupunta?.."
Pinag-ikutan ko sya ng mata. Here we go again. Di ba sya nasasanay sakin?. Ganito ako manamit sa Australia. Bakit bawal dito sa bayan na sinilangan ko?. Kainis na sya!.
Mabilis ko syang tinalikuran.
"Why not?.. nagmamadali ako. sasama ka ba o hinde?.. alis na po ako Manang. pakisabi kay mama gising na po si Jaden.. salamat.." humakbang na ko papuntang garahe matapos abutin ang susi sa may kabinet na malapit sa pintuan.
"Wait!.." agad humarang si kuya sa daraanan ko kaya napapreno ako ng matindi. Ang tagal nyang magdesisyon ha?. Oo o hinde lang naman isasagot nya eh. Umabot pa ng ilang minuto. Suskupo!.
Sa kahabaan ng pagmamaneho. Napuno ng kung anu ano ang aking isip. Simula sa, sana di sya maamnesia hanggang sa, sana mahal nya pa rin ako. I'm hoping that di sya magbabago sa kabila ng mga nangyari sa kanya. Di ko kakayanin kapag ganun.
Di pa nya naipaparada ang sasakyan sa harap ng ospital pero nagmadali na akong bumaba. Pinigilan nya ako pero nagpanggap na akong wala ng narinig.
Kating kati na akong makita sya tapos kung magmaneho, daig nya pa takot sa multo. Ang bagal dude!.
Tumakbo na ako papasok at dumiretso sa may ICU. Hiningal pa akong sumilip doon kaso wala sya. Walang kahit na sino ang andun.
"Jaden.." nalilito kong sambit. Hawak ang noo sa frustration. "Miss, asan po yung pasyenteng andyan?.." tanong ko sa napadaang nurse.
Agad nyang sinabi ang room ni Jaden na nagbigay sakin ng lakas muli para hanapin sya. Akala ko kung saan na sya napunta eh. Suskupo Bamby!. Calm down okay?. Di ka pwedeng magpakita na frustrated ang itsura mo. Kalma!. Hingang malalim.
Ginawa ko ang nasa isip bago nagdesisyong maglakad muli. Inayos ko ang sarili. Taas ang aking noo habang naglalakad. "Hey!.." sigaw ni kuya sakin mula sa di kalayuan. Patakbong sinalubong ako. "Bakit ka ba nagmamadali?. you're with me you know?.."
"Si Jaden nga kasi.." inis kong sabi. Sumabay na sya saking lakad.
Private room sya. Mabuti nalang at pagkaliko mo sa male ward. Kwarto nya agad ang bubungad. "Bamby.." hinawakan ako ni kuya sa balikat. Napasinghap ako. Kinakabahan kasi ako sa maaaring makita. Di ko maintindihan ang kaba ko. Tinatakot ako kahit wala pang basehan. Papasok na ako nang pigilan nya ako. Di na sya nagsalita. Basta nalang nya ako niyakap. "Stop worrying lil sis.. kasama mo naman ako.. di kita iiwan..promise.." pinunasan ko ang iilang luha na bumagsak saking pisngi. Di ko inasahan na mag-aalala sya ng ganito sakin. Sweet side of him. Wew!. Tumango akong nakangiti. "Thanks.." kumalas ako ng yakap sa kanya. Eksaktong lumabas naman ang doktor kasama sina tita at ate Cath.
"Wag kayong mag-alala. Di naman tatagal ang pagkawala ng kanyang alaala.." malinaw kong narinig ang sinabi ng doktor sa kanila subalit parang hindi ko ito naintindihan. Biglang naging malabo ang lahat sakin. Alaala?. Anong ibig sabihin ng doktor doon?. Wala syang maalala?. Seryoso?.
Paano nalang ako kung di nya ako maalala?. Umuwi ako mula Australia para makasama sya sa paggising nya. Tapos, eto lang?. Mawawalan sya ng alaala?. This is hard man!.
"Gaano po ba katagal dok?.." Ani ate Cath. Mahihimigan ang pagkadismaya sa kanya.
Noon lang bumalik ang ulirat ko ng akbayan ako ni kuya. Kaharap ko na pala sila tita. Di ko na narinig pa ang naging sagot ng doktor sa kanila. My mind's out of the world.
"Kanina pa kayo?.. bakit di kayo pumasok sa loob?.." Ani tita samin matapos nyang kumustahin si kuya. Masaya pa raw syang makita ito ngayon. "Ah.. ngayon lang po tita.." si kuya ang sumagot para sakin.
"Bamblebie, sa loob na tayo.." bulong pa rin sakin ni kuya. Hindi ko pa iyon narinig kung di nya pa tinapik ang akbay nyang balikat ko. Doon ko lang napansin na wala na ang mga taong nasa harapan namin.
Di pa ako nakakapag-isip ng tama nang hilahin na nya ako sa loob ng kwarto. Naputol tuloy ang tawanan ng pamilya. Lahat sila nakatingin samin. Bahagyang natigilan. "Here they are.." masayang tumayo si ate sa tabi nya. Agad namang dumapo ang mata nya sakin. Di ko maipaliwanag kung bakit bigla akong napaso at nanginig sa lamig ng mga titig nya. Damn!. Kinakabahan talaga ako.
"Pare.." si kuya ang unang humakbang saming dalawa papunta sa kanya. Masigla itong lumapit at nakipagkamayan sa kanya. "Remember me?. Lance pogi?.." nagpagwapo pa. Sus naman!. Nagkaroon ako ng oras para pakalmahin ang aking sarili ngunit kingina!. Ang hirap. Di ko mapigilan ang damdamin kong nabihag nya. Ganun pa rin mula noon tuwing nakatitig sya. Pinapatibok ng mabilis ang puso ko.
"Hmm.. pre.." inabot nya ang kamay ni kuya at nagyakap silang dalawa. Holy cow!.. He knew him. Ako kaya?. Shit!!.
Yung boses na yun?. Pina-init na naman ang nanlamig kong puso. Hay mahal ko..
"Ehem.." nilinis ni ate ang kanyang lalamunan bago ako hinla sa kanyang harapan.
Kuya, kinakabahan po ako!. Gusto kong magtago sa likod ni kuya but too late. Wala na akong magawa nang iwan nila ako sa harapan nya... nang mag-isa. Holy cow!!.
Takot akong tumitig sa kanyang mata. Kaya mas pinili kong yumuko nalang.
Tahimik ang paligid pero hindi ng aking puso at isip. Ang dami dami kong gustong sabihin subalit natatakot ako sa maaari nyang isagot. I'm damn coward to what he says.
"Sino ka?.." parang kulog itong dumating saking pandinig kung kaya't nagising ang natutulog kong kaluluwa.
Sino ako?. O my God!.
Tumigil ang ikot ng aking mundo. Is he serious?. Jaden naman. Wag ganito. You know kuya tapos di mo ako kilala. Nagbibiro ka lang diba?. Tell me babe.
Agad nangilid ang luha saking mata. Nanginig maging ang mga binti't bibig ko. Damn!. Eto na nga yung kinatatakutan ko. Kingina!!.
"Anong pangalan mo?.." ulit nya. Shit!. Tuluyan na nga akong umiyak. Di nya ba talaga ko kilala?. Bakit si kuya, naaalala nya?. Why not me?.
Suminghap ako sa mismong harapan. I need to face this head up high. Kahit pagtawanan nya akong umiiyak. I don't even care..Gusto ko lang sabihin na sya yung taong mahal ko. Nag-iisa at wala nang katulad. "Babe, ako to.. si Bamby.." paputol putol ko itong sinabi dahil sa hikbi. "Si Bamby, na mahal mo.." hikbi ko bago sya niyakap.
Subalit, inilayo nya ako sa kanya at umiling nang umiling.
No way in hell!.