Bumuhos ang luha ko paglabas ng kwarto nya. May ideya naman na akong maaaring di nya ako maalala. Kaso mahirap palang marinig mula sa kanya na di nya ako kilala. Parang sinaksak ako ng ilang daang beses ng kutsilyo. Nadurog ng pinung pino ang malaki kong puso nang muli nyang itanong ang pangalan ko. Damn Bamby!. Mahirap bang tandaan ang pangalng iyon?. Gosh!.. Jaden, why?.
"Bamby.." tinawag pa nila ako pero mas pinili kong tumakbo nalang palayo sa kanila. Di ko kayang magpakita sa harap nilang ganito. Wasak. Baka pagalitan nila si Jaden. Mas lalong di ko kaya. I get it. Kuha kong may amnesia sya subalit di ko lang matanggap na ako pa ang di nya maalala.
Ganun ba talaga ang buhay?. Na kapag lagi mong iniisip ang isang tao. Maaaring isang araw, di mo na ito maaalala. Parang imposible naman yun.
Hindi ko ata magagawa iyon. Kahit araw araw pa syang tumakbo saking isip. Minu-minuto o bawat segundo. Hinding hindi sya mawawala sa puso ko.
"Bamby!.." tawag ni kuya pero di ko sya pinakinggan. Tumakbo lang ako sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Gusto ko lang munang mapag-isa sa ngayon. Maraming gumugulo sakin na kailangan kong sagutin ng mag-isa.
"Bamblebie!.." di ko alam na sinundan nya pala ako kahit sa gitna ng kalsada. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Iyak kung iyak. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao nakakakita sakin. I'm too wreck to look at every dog that barks. Di ko kailangan ng opinyon nila.
"Hey!.." sabay nyang hinawakan ang balikat ko. Kahit naglalakad pa rin ako. Wala rin syang pakialam kung patalikod nang maglakad. Naawa ako kaya huminto ako sa side walk. Inabutan nya ako ng panyo. "Bumalik na tayo doon.." umiling lang ako sa kanyang panyo. Nakatakip na doon ang buo kong mukha. Umiiyak sa likod ng panyo. "Uwi na tayo sa bahay.." umiling muli ako.
"Kung ganun, wag ka nang umiyak.. pinagtinginan na ako ng mga tao dito oh.. akala nila pinaiyak kita.." suminghot ako. Ilang minuto pa muna ang lumipas bago ko nagawa ang gusto nya. Pulang pula na ang mukha ko. Damn!.
"Balik na tayo.. mainit dito Bamby.." reklamo nya sakin. Di man lang inisip kung bakit ako nagkakaganito. Nang pasadahan ko sya. Pawisin na nga sya. Ayaw na ayaw pa naman nitong nilalagkit.
"Mauna ka na kung gusto mong umuwi kuya.. dito muna ako.. gusto kong mag-isip.." humarap sya sakin. Naaawa. I saw some head turned to him while passing us.
Wag kang maawa sakin. Mukha lang akong mahina pero malakas to. Palaban lagi.
"Kahit sa kotse lang Bamby.. di naman ako magsasalita.." he suggested. Di daw magsasalita?. Sya pa?. Tsk.
Di na ako umoo o umiiling pa sa kanya. Basta nalang akong tumayo at naglakad pabalik ng ospital. Hinabol nya pa rin ako hanggang sa pinagparadahan nya ng kotse. Agad nyang pinatunog iyon nang makitang nasa malapit na ako. Imbes sa harap ako uupo. Mas pinili kong sa likod pumasok at doon sumalampak ng upo.
Akala ko. Susunod sya sakin. Sasakay at magtatanong. Pero hinde. akala ko lang pala iyon dahil sumandal sya sa mismong kinauupuan ko. Parang tinatakpan ako sa pwedeng makakita sakin.
Mas lalong namuo ang mga butil ng luha saking mata. At doon bumuhos ng sobra sobra. Humagulgol ako sa loob ng sasakyan. Mas masakit pala kapag totohanan na ang lahat. Sa pelikula ko lang kasi ito napapanood. Di ko aakalain na nangyayari pala sa totoong buhay. Sa buhay pag-ibig ko.
Malaki ang tiwala kong di mangyayari ang lahat ng ito. Ngayon ko lang nalaman na. Mali palang magtiwala sa mga bagay na wala pang kasiguraduhan.
But it's okay. Di ko sya sinisisi dahil alam ko naman na aksidente ang nangyari sa kanya. I should be happy instead dahil sa loob ng mahigit ilang buwan nyang pagkakatulog. Nagising na rin sya. Di na mahihirapan pa ang pamilya nya. Si tita at tito. Si ate Catherine at ang kanyang anak sa ama nito. Gusto ko sanang tanungin pa si ate Cath tungkol sa kanyang asawa kaso masyado nang pribado iyon.
Invading someone's privacy is a sign of unrespectful. Kahit gaano pa kayo kaclose ng isang tao. You need to have some space for each other's privacy. Saka ka lang pwedeng magtanong kung sya mismo ang mag-oopen sa'yo. That's the real meaning of what respect is.
Just like kuya did today. He's not asking but I knew he knows what the reason behind my tears. Andun sya kanina nung sabihin nang doktor na wala ang kanyang alaala. He's not that naive.
Alam ko rin na pagkatapos ng lahat ng ito. May magandang bukas pa na darating sakin.
Kaya huminahon ako't inayos ang sarili. Ako na mismo ang kumatok sa bintana. Sinilip nya ako mula sa tinted na bintana saka nagthumbs up kahit di nya ako makita sa labas. Kumatok lang ako bilang tugon. Mabuti naman at nakuha nya. Agad syang naglakad at sumakay sa may driver's seat.
"Uwi na ba tayo?.."
"Gutom ako.." garalgal pa rin ang boses ko. Nagsalubong ang aming mata sa salamin na nasa harapan. Nakita ko kung gaano kamugto ang aking mga mata kaya nahihiya akong nag-iwas sakanya. "You sure, you're okay?.." nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ba nya o hinde.
"I'm not.."
"Then we'll stay here.."
"I am not but, I have to..." Di pwedeng magpatalo nalang ako basta sa nawala nyang memorya. Pwedeng gumawa ulit ng bago kasama sya.
Inalis nya sakin ang tingin mula sa salamin bago humarap sakin patagilid.
"Fine.. saan mo gusto?.."
"Kahit saan, basta may pagkain.." sagot ko. Pagkain na kahit mahirap lunukin, masarap pa rin.
Parang pag-ibig lang.
Kahit mahirap, susubok ka pa rin dahil masarap ang magmahal.