Kinagabihan. Tinawagan ako ni ate Cath. Sinabi nyang sila nalang daw muna ang magbabantay sa kanya tutal okay naman na sya. Wala akong choice kundi umoo nalang. Mas pangit naman kung ipagpilitan ko pa ang aking sarili kapag ganitong di nya ako maalala. Baka mas lumala lang kung pipilitin ko syang isipin ang pinagdaanan naming dalawa.
Di ko mapigilan ang umiyak sa mga oras na dumaan. I can't imagine him, not knowing me, at all. Parang pinipiga ang puso ko sa sandaling nilalamon ng mga katanungan ang aking isip. Sa lahat ng tao. Ako pa talaga ang hindi nya makilala?. Bakit di nya kapain ang kanyang puso tuwing nakikita ako?. Bakit di iyon ang pakinggan nya imbes na ang kanyang utak ang sinusunod?. Nakakapanghinang malaman na bukas, pagpunta ko roon di nya ako tatapunan ng tingin o kakausapin man lang. Kung di nalang kaya ako dumalaw bukas?. O di kaya'y wag nang magpakita sa kanya ng tuluyan. Uuwi nalang ako kila Papa. But my heart hurts everytime I think about it. Sinuway ko sila tapos uuwi ako sa kanila ng luhaan. Talunan. Ano nalang ang sasabihin sakin ni mama?. I don't want to disappoint them. But I already did. Nilabag ko na nga gusto nila. Bibigyan ko pa ba sila ng problema?. Malaking no no ata yun.
"Bamby, pupunta akong ospital kasama sina Kian. Sama ka?.." kahit ang bigat ng dibdib kong sumama sa kanila. Umoo pa rin ako. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit di nya ako maalala. Andyan pa rin ako sa tabi nya.
"Ang mga Australiano, nagbalik na.." salubong samin ni Billy at ng barkada ni kuya. Tipid ko silang ngitian. Nakipag-apiran kay Aron kahit hindi ko gusto. Ayokong maging bastos sa kanila. Wala silang kasalanan kaya dapat lang na di ko sila idamay.
"Pare, kamusta?.." maingay nilang binati ito. Ngumiti sya sa kanila isa isa. Noong makita kong luminga sya. Nagtago ako sa likod ni Kuya.
"Ayos lang.. salamat sa inyo.." mahina ngunit medyo may galak nya itong sinabi.
Nakakalungkot dahil di nya man lang magawang ngumiti sakin.
"Teka.. asan na si Bamby?.." Ani Aron na hinanap talaga ako. Sumiksik pa ako sa likod ni kuya katabi nya si Kian. Lumingon pa sakin si Kian pero inilingan ko lamang sya. Kinalabit ako ni kuya sa likod. Sinasabing magpakita ako sa kanya pero nagdadalawang isip pa ako kung susundin ko ba sya o hinde. Nang naisip kong sundin nalang. Saka naman sya nagsalita na kinagulat yata ng marami. "Sino si Bamby?.." holy cow!.
Parang may bumara saking lalamunan dahilan para di ako makalunok ng maayos. Natahimik ang dating maingay na dalaw nya. "Sinong hinahanap nyo?.." dagdag pa nya na mas lalong nakapagpagulat sa lahat.
"Pare, si Bamby. Andito sya eh. kasama namin.." Ani Bryan. Nakita ko kung paano umiling si kuya sa kabarkada.
"Sinong Bamby?.." sa muling pagkakataon. Nadurog na naman ang puso ko ng maliliit na piraso. Nilipad ng hangin at di ko na naman alam kung saan sila pupulutin upang muling buuin.
Nalunod na naman ako ng lungkot at sakit. Damn!. Nakakatampo na sya. May amnesia ba talaga sya?. Bat ako lang ang di nya maalala?. Bakit lahat ng kaibigan nya, kilala nya?. Bakit ako hinde?.
"Bamby, dala ko pala yung bolang sinasabi mo sakin.. ibibigay mo ba pa sa kanya?." kuya said while we're eating breakfast. Nginuya ko ng mabuti ang pagkain saking bibig bago sya sinagot. "Thanks.. of course.. sa kanya yun eh.." last time. Nung nasa bubungan kami. Sinabi nyang gusto nya rin ng bola. Si Niko lang ang nabilhan ko noon. Kaya noong nakaipon ako. Bumili ako. Ipapadala ko sana iyon bago ang monthsary namin kaso di ko na naisip pa dahil sa pag-aalala sa kanya. Umuwi akong, di dala ang regalo. Kaya noong may oras ako. Tinext ko kay kuya na isabay nyang iuwi.
Di na ulit ako sinamahan ni kuya papuntang ospital. May gagawin daw sya pero di nya sinabi kung ano. Todo na naman ang aking kaba habang papalapit sa kwarto nya. Ganito nalang tuwing nagpapakita ako sa kanya. May parte sakin ang takot sa mga sasabihin nya ngunit may parte rin sakin na pinipilit akong maging matatag. Na wag susuko sa kanya. Kahit mahirap.
"Babe.." natatakot kong sambit. Iniabot ko sa kanya ang kahon na ang laman ay ang bola. Blanko nya lang akong tinignan. Hindi sya gumalaw upang abutin ang regalo. "Regalo ko yan nung monthsary natin kaso late na.. di ko naipadala nang--.."
Tinapik nya ang kahon dahilan para mabitawan ko ito at tumalbog sa sahig ang laman nito. Nabitin sa ere ang dalawa kong braso na para bang nilagyan ng yelo. Nanlamig at nanginig.
"Jaden, anong ginawa mo?.." suway sa kanya ni ate at tita. Kinagat ko ang labi sa pagpipigil na humagulgol sa kanyang harapan. Para nya akong sinampal sa katotohanang di nya ako kilala. Nanghina ang mga tuhod ko. "Hija.." alo sakin ni tita. Agad akong nagpaalam sa kanila kahit nahihirapan pa akong magsalita.
De javu!
Tumakbo ako papalabas ng ospital hanggang sa may side walk. Parang baliw na naman akong umiyak doon.
Paano nya nagawa iyon?. Di ba pwedeng sabihin nalang nyang ayaw nya sakin?. Kahit kunin nalang yung regalo ko. Sapat na yun sakin. Pero yung itapon nya pa sa mismong harapan ko ang regalong gusto nya. Nasaktan ako. Pinag-ipunan ko iyon. Tiniis wag gumastos para mabili iyon tapos balewalain nya lang ng ganun?. Wala na ba akong halaga sa kanya?.
Umasa akong magbabgo sya sa ilang araw pero hinde. Lumala pa sya na kung pwede, ayaw na akong makita. I tried my best to convince him na ako yung babaeng minahal nya. But he didn't listen. Lagi nya akong tinutulak palayo tuwing lumalapit ako sa kanyang tabi.
Pagod na ako Jaden.. Gusto ko syang sigawan at sabihin ang lahat ng sama ng loob ko kaso lamang pa rin sakin ang pagmamahal sa kanya. Hindi pa rin ako susuko sa'yo. Kahit bumigay pa ang katawan, tatabi pa rin ako kahit ayaw mo. Naaapektuhan na ang puso kong ilang ulit mong dinurog. Ngunit heto pa rin ako. Pilit sumisiksik sa'yo makita mo lang ulit ako, sa alaala mo.