Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 191 - Chapter 41: Surprise Visit

Chapter 191 - Chapter 41: Surprise Visit

Hindi na ako mapakali simula nung tunawag ako sa ate nya. Ayoko syang pagdudahan. Ayokong gumawa ng away na wala namang basehan. "Napapraning ka ba Bamby. Di magagawa ni Jaden yun sa'yo.." nagpaikot ikot ako sa loob ng silid bago magdesisyon na lumabas. Mababaliw ako kakaisip ng kung anu ano.

"Kuya, san punta mo?. Sama ako.." pababa na ako ng hagdanan nang magmadali si kuya Lance na bumaba. Dala nito ang pang basketball na bag at sapatos.

"Hinde pwede.."

"Please.. I'm bored.." nagmadali rin akong bumaba. Sumunod sa kanya sa may garahe ng mga sasakyan.

"Bamby, wag makulit.. ako lang pinayagan na lumabas ngayon.."

"That's so unfair?. How about me?.." he just shrugged his shoulders. Humaba ang aking nguso. Nakatalikod sya sakin kung kaya't di nya ito makita. Basta pinagpatuloy lang ang paglalagay nya sa loob ng sasakyan ng mga dalang gamit. I wonder kung saan sya makikipaglaro. Mukhang ang dami nyang dala. Parang di laro ang pupuntahan. Parang tatanan.

"Talk to papa.. not me.."

"Wait me then?.." handa na akong tumakbo papunta kay papa subalit agad nya naman akong pinigilan.

"No.. I'm getting late.. I need to go.." sumakay sya ng sasakyan saka pinaandar.

"Kuya!?..." kulang nalang umiyak ako. Kinatok ko ang bintana ng sasakyan nya. Binuksan nya ito. "Maybe next time lil sis.. not now... you know papa.." ginulo nito ang buhok ko. Di ko mapigilang pangiliran ng luha.

"Tsk... don't cry na.. promise.. bukas lalabas na tayo.. we'll go shopping.." biglang nagliwanag ang mundo ko. Tangina!.. Bat ang babaw ng luha ko ngayon?. Nakakahiya.

Kagat ko ang ibabang labi para wag tuluyang umiyak. "You sure?.." nasisiguro kong mapula na ang pisngi at ilong ko.

"Promise.." itinaas pa ang kanang kamay upang ipakitang sinsero nga sya sa sinasabi. "But for now.. let me go first... late na ako.." paalam nya. Umaatras ako upang makadaan sya ng mabilis sa harapan ko. Bumusina sya bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan paalis.

Wala na naman akong nawaga kundi tumambay nalang sa may garden. Hanggang sa napag-isipan kong linisan na lamang ito. Medyo matagal ko na nga palang di sila nadidiligan. Kaya medyo laylay na ang mga dahon nila.

"Bamblebie!.." tawag naman ni kuya Mark sakin after a minute. Lumapit ako sa kanya na hawak ang shovel at pandilig.

"Bakit kuya?.." iniabot nya sakin ang tuwalya. Binaba ko sa mesang nasa gilid ang hawak bago kinuha ang tuwalya. "Pupunta kaming Batangas. you wanna come?.." nagningning nang wala sa oras ang paningin ko. Batangas?. Sure?.

"What time po ba?.." tanong ko nang di sinasabi ang nasa isip ko. Inabala kong pinunasan ang pawis saking noo at likod. "Ngayon na.."

Oh no!!.. Bad timing!.

"As in, ngayon na ba?. di ko pa tapos yung garden eh.." Kung iiwan ko kasi, sinong tatapos?. Tsaka, di ako kuntento kung iba ang tatapos sa nasinulan ko. Kaya, wag nalang siguro muna ang Batangas.

Tumango sya. "Tapusin mo nalang bukas.. o si mama nalang dyan.."

Umiling ako habang nasa halaman ang mata. "Saka nalang siguro kuya.. may next time pa naman di ba?..."

"Di ko alam kung may next time pa Bamblebie.. after kasi ng Korea trip nyo.. aalis na tayo..."

"For real?!.."

"Hmm.. kailangan na raw sabi ni papa..." naku po!.. Ilang araw nalang kung ganun?. Dalawang linggo bago kami umalis?. Suskupo Bamby. Feeling ko mas tumagal pa ako sa ospital kaysa sa bahay. Naku naman!!..

Di na nya ako pinilit pang sumama. Bumalik akong muli sa ginagawa.

Dala ng pagod at pagkawili sa mga halaman. Umupo na ako sa lupa habang hinuhulma ang ilang mga bonsai. Di iniinda kung madumihan ang damit o may kumagat pa na insekto. Ganito ako kapag may ginagawa. Pokus talaga.

"Yan ang ganda nyo na.." puri ko sa sariling gawa. Inayos ko na sa dating gawi ang natapos na, nang may biglang kumalabit sakin.

"Damn it!!.." Wala sa sarili kong mura. Dinig kong humalakhak si kuya sa likod. "My goodness kuya!.. papatayin mo ba ako sa gulat?.." hiyaw ko sa kanya nang di tinitignan ang tao saking likod. Di nya ako sinagot. Imbes kumalabit lang ito muli sakin at humalakhak ng malakas.

Padabog akong tumayo at inihanda na ang sapak. Suntok. At sipa.

Subalit.

Nabitin lamang ang mga iyon sa ere dahil hindi pala sya ang nasa likod ko. Kundi ang kalahati ng aking puso. It's him. My boy.

"Jaden?.." umawang ang sarili kong labi nang makita ang maganda nyang ngiti. How I miss this boy. "Oh my God!..." naiiyak kong kinapa ang kanyang mukha. "Hi babe.." his voice makes me really cry. Di ko na napigilan pang yakapin sya ng mahigpit. Damn man!!..

Humagulgol ako sa kanyang dibdib. Niyakap nya lang din ako ng mahigpit. Hinayaang umiyak sa kanyang mga bisig. "I miss you babe.." bulong ko sa pagitan ng mga hikbi. Hinagod nya ang aking likod. "Hahaha... surprise.." sinuntok ko sya sa kanyang dibdib. "Muntik na akong magtampo sa'yo.. di mo sinagot tawag ko kaninang umaga.." binaon ko pa ng husto ang mukha sa kanyang dibdib. Ang amoy nya. Nakakalasing. Gusto ko ng matulog.

"Sorry babe.. nakwento nga sakin ni ate.. may pinuntahan lang kami ni papa.. pasensya na kung di ako nakapagpaalam sa'yo.."

"Hmmm. wag mo nang uulitin yun ah.. nakakabaliw eh.."

"Opo boss...I miss you too.." magkayakap kaming dalawa hanggang sa tinawag na kami sa loob para magmeryenda. Hinayaan nila kaming mag-usap na dalawa sa may sala. Kayakap pa rin ang isa't isa. Namiss ko ang init ng kanyang yakap. Maging ang haplos nito saking buhok. Nasurpresa ako ng todo sa pagdating nya. Naging buo na ang araw ko ngayon kahit hindi nakapaggala.

Related Books

Popular novel hashtag