Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 192 - Chapter 42: Crazy Ape

Chapter 192 - Chapter 42: Crazy Ape

"Ma, we'll go shopping today. May ipapabili ka po ba?.." Tanong ko kay mama na nakaupo sa may terasa sa taas. Nagkakape. Maganda kasi ang view doon. Purong berde at asul ang matatanaw mo kahit sa malayo. Malapit sa kakahuyan ang aming bahay kaya ganun. Tuwing umaga, presko pa ang hangin na nanggagaling sa bundok. Masarap langhapin.

Maaga akong gumising dahip excited ako sa pamimili. At, ito rin ang unang araw kong lalabas simula nung galing akong ospital. Swear. Ayoko talaga sa mga ospital. I hate it really much.

"Ano bang bibilhin mo?.." nilingon nya ako. Hinawi ko ang kurtina na niilipad ng hangin saka tinali. Sinalikop ang buhok at bahagyang itinali bago tumayo sa gilid. Sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin galing silangan. "Sinong kasama mong aalis?.." muli nitong tanong.

Ngumiti ako sa sarap ng umagang sumalubong sakin. Nag-unat pa ako ng kaunti bago humarap sa kanya. "Damit pang lamig ang bibilhin ko ma.. sabi ni kuya Lance kahapon.. ngayon na kami pupunta.."

"Di ba marami ka pang damit dyan?.."

Tumango ako.

"Ma, kahit isa o dalawang bago lang.. you know.. I love Korea.." kindat ko sa kanya.

Bumuntong hininga lamang sya. "Sige.. basta wag masyado sa bills ha... you know Korea?.." tumawa sya sa dulo ng kanyang sinabi. Nagbibiro tungkol sa mga bayarin sa mall. Tsaka, paalal nya na rin na pupunta pa kaming Korea. Kaya hinay hinay lang. Di ko rin mapigilang matawa. "I know po..para sa dream land ko... I'll behave.."

"Good girl... gisingin mo na kuya mo para nakapaghanda na kayo.. mag-eempake pa kayo ng mga damit nyo..by the way, call Jaden.. dapat maaga syang pumunta rito bukas para sabay sabay namin kayong ihatid sa airport.." dire diretso nyang bilin habang humihigop ng kape.

Ang swerte ko naman. Binigyan na nga ako ng ticket papuntang wish list country ko, kasama ko pa taong mahal ko. Ano pa bang hihilingin ko, hindi ba?.. I'm too damn lucky girl. I wish you were too. Someday. Just pray.

Hinihiling ko lang ito noon eh. Ngayon, I'm living into it now. Whoa!..

Nagpaalam ako kay mama para gisingin si kuya. Isang katok ko palang, bunukas na ang pintuan nya. "Good morning.." ngiting bati nya sakin. What a beautiful day. Nakangiti syang gumising. It's a good sign. Ibig sabihin, maganda ang magiging araw ko ngayon.

"Good morning handsome bruh.." humalakhak lang sya. See?. Maganda nga ang gising nya. Bakit kaya?.

"Are you excited?.." himig nya ng mahimasmasan sa pagtawa. Nilampasan kami ni mama. Nilapitan sya ni kuya at hinalikan bago tuluyang bumaba.

"Aha!.. I'm damn excited bruh.. get up and let's go.." excited kong sabi.

"Yeah.. it's too obvious lil sis.. ikaw na ang pumasok at maligo dahil ang baho mo na..."

"Feeling mo?. sino kaya satin ang bagong gising ha?.." I rolled my eyes.

"Ikaw?.. tapos na kaya akong naligo duh?.. kahit amuyin mo pa ako.." itinaas pa ang kanyang kili kili.

"Ew!!..." kumaripas na ako ng takbo habang hawak ang ilong. Dumiretso akong banyo at naligo.

Mahigit kalahating oras akong naligo at nagpalit.

"Tawagin mo na sya Lance. Naiinip na yung sundo nyo oh.." dinig kong boses ni mama sa labas ng bahay habang ako ay pababa. Isang reap jeans at sneaker ang suot ko. Itinuck-in ang isang puting t-shirt na may emoji na nakangiti sa gitnang bahagi.

"Bam--!.." naputol ang pagtawag sakin ni kuya nang matanaw ako sa may sala.

"Ang tagal..." irap nya sakin. Bakla!..

Inayos ko ang buhok saka nagwisik ng kaunting pabango sa palapulsuhan at likod ng tainga. "Let's go.." Yaya ko nang hindi tinitignan ang kausap.

"Drive safely Jaden.." saka lang ako nag-angat ng tingin nang banggitin ni mama ang pangalan ng taong di ko inaasahan.

Lumaki nang husto ang aking mata nang makita ang bulto nya. Nakakhaki short ito at sapatos na sinamahan ng puting medyas na mataas. Sakop ang kalahati ng kanyang binti. Yung usong suot ng mga kalalakihan. Seryoso?. Nakikiuso rin sya?. Pero fairness ha. Bagay. Sobrang bagay. Lalong gumwapo ang mahal ko. "Yes po tita.." sagot nya kay mama.

"Hi.." nilapitan nya ako na nakapamulsa. Tuloy, lumunok ako kahit sobrang tuyot ng aking lalamunan. "Ang ganda mo babe.." puri nya nang huminto saking harapan.

Kumurap ako upang pakalmahin ang naghuhumiranda kong puso. Iba talaga ang epekto nya sakin kahit ano pang gawin nya. Kahit kami na. Di ko pa rin maiwasang kabahan sa presensya nya..

"Hi hehe..." hinihingal kong himig. Suskupo Bamby!. Umayos ka nga.

"Guys, tara na.." dumungaw ang ulo ni kuya sa labas ng isang sasakyan na itim.

Iginiya nya ako papasok sa front seat ng itim na sasakyan. Kanino kaya ito?..

Matapos kong isuot ang seat belt. Umikot sya't umupo sa may driver's seat. Sinaksak ang susi saka pinaandar.

Seryoso ba sya?.. Kailan pa sya natutong magdrive?.

"Marunong ka nang magmaneho?.." nagtataka kong tanong. Sa kamay nya nakatingin. Base sa mga galaw ng kamay nya. Marunong na nga sya.

"Haha.. oo, nito lang..." tawa nya sabay sulyap sakin.

"Sinong nagturo sa'yo?.."

"Ehem!!.." tumikhim ang mokong sa aming likod. Doon nakaupo si kuya Lance. I glanced at him. "Psh!.. ikaw?.. E kaskasero yan eh.."

"E bat natuto yang boypren mo ha kung kaskasero ako?. sige nga?.." inikutan ko lamang sya ng mata.

"Magaling naman sya magturo... muntik nga lang akong mabunggo.... hahaha.."

"What!!??.." sigaw ko.

Humagalpak lamang ang isa sa likod. "Kuya!?..." di nya ako sinagot. Tumatawa lamang sya na parang sobrang nakakatawa ang sinabi ko. "Jaden?!!.." sa kanya ako bumaling.

"Wag ka nang magalit babe, natuto naman ako sa kanya diba?. marunong na akong magdrive ngayon.. hahaha.."

"Babe, hindi nakakatawa ha?.."

"Ang seryoso mo babe.. hahaha.."

"Kaya nga pre eh.. Ang seryoso nya.. hiwalayan mo na nga.. ahahahaha.."

"What the hell kuya!.." mura ko dito. Humagalpak na naman sya. Damn ape!.. "Basagin ko kaya mukha mo.. try natin...." hamon ko sa kanya. Umiling lang sya't tinakpan ang bibig sa sobrang tawa. Umiiling lang din si Jaden habang nagdadrive.

Badtrip!.. Nakakainis ang bunganga nya. Magbiro ba namang naghiwalay kami. Suskupo!..Wag naman sana..