"Bilisan mo na babe. dali..." hinila ko sya palabas ng sasakyan. Iniwan ang walang kwento kong kapatid.
"Pano si Lance?.."
"Hayaan mo sya dyan.. lakad na.." tinulak ko pa sya para lang maglakad. Mabuti at nagpatianod naman ito. Subalit nakatingin pa rin sya sa entrance ng mall.
"Hey!.." dinig naming sigaw nito sa baba. Tinuro pa kami. "Wait for me.." tumakbo syang paakyat ng escalator. Damn!.. Di ko nalang sana sya sinama. Bwiset!.
"Antayin nyo naman ako." tinakasan namin sya ng umabot na kami sa taas. Agad tumakbo at pumasok sa isang clothing store. "Hoy!.." sigaw nya pero hindi ko pa rin sya pinansin.
"Babe?.." Ani Jaden sakin. Hawak ko ang kanyang braso para wag syang magpakita dito. "Don't.." banta ko.
"Pero babe?.."
"No.. saka nalang natin sya hanapin mamaya..hayaan muna natin syang mag-isa.. magdusa sya dyan.."
"Babe, ako malalagot eh.. baka di na naman ako papasukin sa bahay nyo.." himig nag-aalala ito.
"Basta. akong bahala sa'yo..Tara.." pumasok agad kami sa nagbebenta ng mga damit.
Dumiretso ako sa may hilera ng mga jacket. "Ilang araw pala tayo sa Korea babe?.."
"Hindi ba nila sinabi sa'yo?.." umiling ako sa kanya. Sa excitement ko, nakalimutan ko talagang tanungin ang detalye ng byahe namin. Tutal naisip ko na. Tatanungin ko nalang mamaya.
"Ang sabi ng kuya mo, tatlong araw daw tayo doon.."
"Talaga?.." para akong nakalutang sa ere sa tuwa. Kung ganun, tatlong araw kong lalanghapin ang hangin ng mga oppa ko Whoa!.
Ipinakita ko sa kanya ang kulay pink na jacket na makapal. Napili ko ito dahil sa balahibo. Ang sarap lang sa balat "Try it.." anito sakin. Pumasok ako sa fitting room at sinuot. Eksakto lang ang laki nito.
Paglabas ko. Nadatnan ko syang nakaupo at kausap ang isang babae na sobrang iksi ang damit. Hapit pa sa kanyang katawan. "Please, samahan mo na ako.." kulit ng babae sa kanya. Nakatalikod ito sa gawi ko kung kaya't di nya ako nakikita. Ganun din si Jaden. Hinaharangan ang paningin nito sakin.
"Sorry, pero andyan ang girlfriend ko.."
"Saglit lang naman eh.. balik tayo agad.." hinila pa nito ang kamay nya. Pero mabilis hinila ni Jaden ang kanyang braso palayo sa babae. "Sige na.. di nya naman malalaman eh.."
Kumulo na parang tubig ang dugo ko saka umakyat lahat saking ulo. Damn girl!.. You're hitting my boy bitch!.. Walang ganyanan.
"Babe?.." may halong landi ito. Tangina!.. Kailangan eh. May linta kasi.
Agarang tumayo si Jaden sa harapan nya at lumayo. Dahan dahan syang lumapit sakin habang nagkakamot ng ulo. "Babe.." handa na itong magpaliwanag nang pumihit paharap samin ang lintang babae.
Oh my God!!..
What the fucking hell!..
"Holy shit!.." mura ko sa babaeng nasa aming harapan. Hindi ako bumabanggit nang pangalan kapag ganitong galit at kumukulo ang dugo. No way in hell!.. Kahit magkadugo pa kami.
"O my God!.." natutop nito ang kanyang sariling bibig. Lumaki pa ang bilugan nyang mata.
Yeah girl!. He's mine!. Back off!.
"Bamby?.." uutal utal nyang sambit.
Buong tapang akong humakbang bago sya tinanguan. "Yes?.." taas noo akong tumitig sa kanyang mata.
"Kilala mo sya?.." tinuro nito ang taong nalilito sa amin ngayon.
"Hmmm..." tinanggal ko yung jacket at iniabot kay Jayden. "Kilalang kilala.. bakit?..."
She's a bitch?.. Well, I am too..
"Kailan pa?.." di matanggal ang tingin kay Jaden na nasa akin naman ang paningin.
Ikinawit ko sa kanyang braso ang aking kamay.. Tiningala ko sya at nginusuan. "Matagal na..." natahimik ang taong iyon ng ilang minuto. Mukhang nag-iisip ng malalim o nanghuhula pa.
Di na kailangan girl. Di ba kami obvious?.
Lihim akong umirap. Get lost bitch.
"Will you excuse us.may pupuntahan pa kami.. bye.." kahit hindi na sya umoo. Naglakad pa rin kami palayo sa kanya. Halos liparin ko na ang labasan ng damit sa kagustuhang makalabas na at mailayo lang si Jaden sa taong yun. Hindi pwedeng madikit syang muli doon. Matinik iyon sa mga lalaki. Suskupo!.
"Kilala mo sya?.." tanong nya nang makalayo na kami. Nagdesisyon akong sa game zone na muna kami. Magpapahangin lang para medyo kumalma ang init ng ulo ko.
Malayo palang kami pero nagsalubong agad ang aking kilay nang matanaw ang loko kong kapatid na nakaupong naglalaro. "Oh?. Anong ginagawa nyo rito?.." salubong ba naman samin.
Di ko sya sinagot. Basta, umupo nalang ako sa tabi nya. Nakatayo naman si Jaden saking likuran.
"High blood pa rin?.." dugtong pa nya. nang di kami tinatapunan ng atensyon. Walang sumagot saming dalawa.
"May kausap ba ako o wala?.."
"Tumahimik ka nga kuya.. isa ka rin eh.."
"Huh?.. iisa lang naman talaga ako.. tsaka, single pa ako baka nakakalimutan mo na.." Tsk. Pilosopo.
Badtrip!..
Tahimik lang kami habang ang dami nyang daldal. "E ano nga?. Nag-away ba kayo ha?.. pare, ano?.." itinigil nito ang ginagawa saka kami hinarap.
"Bakit?. Anong problema?.." Kay Jaden sya tumingin nang iwasan ko lang sya.
"Eh, may babae kasi kanina, kinausap ako.."
"Tapos?.. sinapak mo ba?.." baling nya sakin. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Kilala nya ata.. di ko naman alam.." ani Jaden.
"Holy cow!. Sino?.." mura ni kuya. Hinintay ang isasagot ko ngunit wala syang napala. Sabi ko naman. Di ako nagsasalita kapag galit. Baka puro mura lang ang masabi ko. Hindi ang pangalang kailangan nya.
"Oh ho!.. wag pilitin kapag galit Lance.. baka sumabog.. masapak ka.." Alam nya rin pala ang ugali ko. Good bruh.
"Baba nalang tayo.. bili tayong ice cream para lumamig ulo ng isa dyan.." inakbayan nya pa rin ako kahit nagbabaga ako ng galit.
Kung bakit kasi, sa dinami dami ng lalaki sa mundo. Sya pa ang nilapitan nya?. Ganun ba kaliit ang mundo upang pagtagpuin ang iilang tao?. Parang ang unfair naman ng mundo?. Hindi ba pwedeng ibalato nalang sya sakin?. Yung tipong walang kaagaw na iba?. Tsk.
Tuloy, hindi shopping ang ginawa namin bago umuwi. Kundi kumain lang ng iba't ibang flavor ng ice cream. Doon bahagyang kumalma ang aking pakiramdam.