Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 194 - Chapter 44: South Korea

Chapter 194 - Chapter 44: South Korea

Hinatid kami nila Mama sa airport nang gabing din iyon. Tatlo at limang minuto ang byahe bago namin narating ang maningning na kalupaan ng Seoul. Suot ang makapal na jacket, bumaba ako ng erolpano. Hawak pa rin ang kamay ni Jaden na nanginginig dahil sa first time nyang sumakay ng sasakyang panghimpapawid. Hindi ko na yun binitawan simula pa kanina.

"Ang lamig.." di ko mapigilang kagatin ang dila dahil sa panginginig. Tagos hanggang buto. Sanay naman ako sa Australia. Pero bakit iba ngayon?. Naninibago na naman siguro ako dahil galing kami sa mainit na bansa tapos malamig agad ang sumalubong samin pagkalapag.

"Dikit ka lang sakin.." mas lalo nya akong hinila palapit sa katawan nya. Pareho kaming namimilipit sa lamig.

Pagkapasok ng airport. Bahagya na kaming nahimasmasan. Nakahinga ako ng maluwang. Iba ang ihip ng hangin sa labas. Nanunuot.

Dumaan kami sa masusing scanner bago tuluyang nalakabas ng airport. At duon na ako umikot ikot sa labas na para bang baliw. "Hello Seoul!..." nakapikit kong nilanghap ang malamig na hangin nito. Nanuot sa ilong maging sa lalamunan ko.

Sa wakas, pareho na ang hangin na nilalanghap namin ng mga oppa ko. Whoa!.. Kdrama goal!..

"Ang ingay mo..." suway sakin ni kuya. Nginitian ko lang sya. Wala sa mood ko ngayon ang magsungit. Nasa Korea ako for Pete's sake. Ayokong gawing embarrassing moment ang oras na to. Unforgettable ang goal ko. Dapat positive tayo. Para masaya.

Pumara sya ng taxi. Huminto agad ang isang dilaw na sasakyan sa aming harapan. Binuhat nya ang mga bitbit na maleta saka ipinasok na sa loob. Una syang pumasok. Tumabi sa driver bago kami sumunod ni babe ko.

"Wow!.." di ko na namang mapigilang mamangha sa bawat sulok na nakikita ko. Kumikinang silang lahat. Nakakaakit. Gusto kong bumaba subalit gabi na. Kailangan muna naming magcheck in sa hotel bago pumasyal.

Huminto ang driver sa harapan ng isang matayog na gusali. Kinausap sya ni kuya at nagpasalamat gamit ang kanilang lenggwahe. Alam kong magsalita ng hangul, subalit hindi lubos na maalam di tulad ni kuya.

Binigyan sya ng susi bago kami sumakay sa magara nilang elevator. "Ganito ba talaga dito?. Ang ganda.." kanina pa walang imik si Jaden. Hinahayaan nya lang akong mamangha sa lahat ng kinahuhumalingan ko.

"Bawal maingay dito...sssshh..." angil sakin ni kuya. Bitbit pa rin nilang dalawa ang mga gamit namin.

"Nagsabi naman sa'yo?.."

"Ako, di mo ba narinig?.." sarkastiko nitong sambit. Sasagutin ko na sana sya nang bumukas na ang pinto. Hudyat na nasa tamang palapag na kami. Dumaan kami sa malagintong pasilyo. May pulang tela pa sa gitna. Para tuloy akong prinsesa.

"Pangarap ko lang to dati.. ngayon natupad na...ahhh!.."

"Thanks to me.." dinig kong sabi na naman ng kapatid ko ngunit hindi ko na yun pinansin. Nagpaikot ikot akong muli sa loob ng silid namin. Isa lang ang kinuha ni kuya na silid para samin pero may tatlong kama na hiwa hiwalay. Kaya ayos na to. Hinawi ko ang mahaba at makapal na kurtina para tignan ang mayroon sa labas ng hotel. Hindi nga ako nagkamali. Tumambad sa akin ang kabuuan ng syudad na kumikislap sa mga ilaw na galing sa mga kabahayan. Sinamahan pa ng langit na puno ng mga bituin.

"Manunuod ka nalang ba dyan o sasama sa amin?.." kanina pa to masungit. Ewan ko ba kung bakit?. Tsk.

Nilapag nalang nya sa tabi ang aming gamit. Kanina pa raw ito gutom. Reklamo nya pagkababa namin.

"Babe, okay ka lang?. Kanina ka pa tahimik?.." ikinawit ko ang braso sa kanyang kamay habang kami'y naglalakad patungo sa kainan na nakita ni kuya sa mapa.

Pansin ko kasing, mula noong umalis kami. Tahimik na sya. Ganun ba sya katakot na sumakay?. Gosh!. Bakit hindi ko natanong iyon?.

"Sorry. Natakot ka ba?.." muli kong tanong. Binaba nya ang tingin sakin bago umiling. "Tahimik ako dahil gustong gusto kitang panoorin.."

"Eh?.." kinilig ako boy. Suskupo!..

"Makita lang kitang masaya, sapat na sakin yun.."

Tahimik kong ibinuga ang kilig na dulot ng kanyang sinabi.

"Babe, gusto ko.. tayong dalawa ang masaya.. hindi yung ako lang.."

"Alam ko.. masaya na akong isinama nyo ako rito..."

"Hindi halata pre... hahaha. magsalita ka naman kasi.. anu pa't sinama ka namin dito diba?.. minsan lang to kaya kailangang sulitin natin pare-pareho.." biglang nagsalita si kuya sa aming likod. Nauna na itong naglakad samin. "Para mas mag-enjoy si Bamby, dapat mag-enjoy ka rin...tayo.."

"Kaya nga..so, let's enjoy?.." alok ko sa kanya. Unti unti syang ngumiti. Yung ngiting abot mata. Tumango sya. Nahihiya. "Ikaw, kaya ako nainlove sayo eh.. ang kyut mo kapag nahihiya...hahaha.. love you.." kurot ko sa pisngi nya. Pinanggigilan.

Doon lamang sya nagtanong ng kung anu ano tungkol sa bansa. Pinagtawanan pa namin sya ng ayaw nyang banggitin ang iilang salita na itinuro namin. Di daw sya marunong. Di na namin pa pinilit. Kumain kami at inenjoy ang gabing iyon.