Nagising ako, alas syete na nang umaga. Nag-unat ako't tinanggal ang dumi sa mukha.
"Good morning sleepy lady.." bati sakin ni kuya na nagpupunas ng kanyang buhok. Tapos na syang naligo. Bihis na rin ito.
Bakit ako, heto pa rin sa higaan?. Nakupo!..
"Pare, bilisan mo dyan.. gising na mahal mo.." bigla nitong sigaw sa gawi ng banyo. Suskupo!.. Nagkandarapa akong inayos ang sarili, maging ang hindi ko maintindihan na buhok tuwing umaga sinuklay ko na gamit ang mga kamay.
"What the hell kuya!!?..." mahina ngunit madiin kong reklamo sa kanya.
Ang loko. Pinagtawanan lang ako.
"Bwahahahahaha!..."
Damn bastard ape!!!..
"I hate you!.." irap ko sa kanya. Nagdabog at naglakad papunta sa maliit na mesang magulo. Tinalikuran sya't bumusangot. Shit!.. Badtrip!.. Ang aga tapos iyon isasalubong nya sakin?. Bwiset!..
"Tapos na ako pare, nasaan na ang mahal ko?.." dinig kong boses ni Jaden. Nataranta ako ng todo. Hindi alam kung saan tutungo. Sa labas na malamig at di pa ako nakaayos o sa banyo rin na pinaggalingan nya?. O gosh!.. What to do?..
"Babe?.." I heard some footsteps coming towards me.
O damn!. Really?!.
Mababaliw na yata ako. Ayoko na dito. Matinding sigaw ng aking isip. Bakit kailangang nilang mantrip ng ganito kaaga huh?. Di ba nila alam na kapag nasira na ang araw ko, bente kwatro oras na iyon?. Nakakaasar!
"Good morning..." ramdam kong may umupo saking tabi. Maging ang kanyang hininga na tumatama saking braso, parang kuryente na bumuhay sa inaantok ko pa ring diwa. My goodness!.
"Morning..." bulong ko sa likod ng pagtatakip ko saking mukha. Nahihiya sa di maayos na aking itsura.
"Babe, bakit nakatakip mukha mo?.." sounds like he's teasing.
I just groaned.. "Maganda ka naman kahit bagong gising eh." dagdag nya pa rin. Hawak na ang aking kamay upang tanggalin ang nasa mukha ngunit hindi ako pumayag. Nagmatigas akong wag ipakita ang mukha sa kanya.
"Babe, promise. Maganda ka pa rin kahit bagong gising.."
"E bat, parang natatawa ka?.." pinagtatawanan nya ako. No way!. Hindi ko ipapakita mukha ko sakanya kahit ano pang gawin nya. Hinawakan nya nang mahigpit ang mga kamay ko saka hinaplos gamit ang hinlalaki.
"I'm not.."
"You are?. I saw how your damn mouth smirked.." singhal ko sa kanya. Sinilip ko sa pagitan ng aking mga daliri kung paano tumaas ang gilid ng kanyang labi. Damn lips!..
Doon sya humagalpak.
Mabigat akong bumuntong hininga. Natigil sya sa ginagawa. Muling hinaplos ang aking kamay.
"See?.." sisi ko. Kinagat na nya ang labi para pigilan ang ngiti na gustong kumawala.
Tsk. Para tuloy akong bata neto. Buset!!.
"Guys, pakibilasan!. Marami pa tayong pupuntahan!.." hiyaw samin ni kuya. Bahala sya dyan!.. Di nya ako ginising eh.
"Babe, di ko sadyang pagtawanan ka..." he paused then caressed my back. "Di ko lang mapigilan, dahil--..."
"Because what?.." pigil ko sa sasabihin nya. Di sya agad nagsalita. Nagulat nalang ako nang isang halik na ang dumampi saking sentido. Oh!. "Dahil, ang cute cute mahiya ng mahal ko...di ko mapigilang matunaw sa tuwa..."
Whoa!.
"Di pa ba kayo tapos dyan?.. Oh come on, Bamby!.. Ngayon ka pa nahiya, kung kailan nakahunan na kita ng litrato?.." hinarap ako ni kuya. Nakapamaywang.
"Kuya?!!.."
"Kidding little Bamblebie... hahaha.. go now and take a bath... iiwan ka talaga namin sa kabagalan mo.." anya. Hinila pa ako sa kinauupuan ko saka tinulak patungong banyo. "Double time.." bilin pa nya bago inilock ang pinto sa labas.
Kalahating oras akong naligo at nag-ayos bago tuluyang nakalabas ng hotel. Panay reklamo si kuya sakin. Ang tagal ko raw. Kung sana, ginising nya ako ng maaga, e di sana mas maaga pa ang alis namin. Wala naman na syang magagawa pa kundi antayin ako. Kasalanan nya.
Bumayhe kami papuntang Seoul Tower. Bumili ng ticket para makasakay ng cable car patungong tuktok nito.
"Babe, malapit na birthday ko.." sa kabila ng yakap naming dalawa na binabalewala lang ni kuya, ay ibinulong ko ito sa kanyang tainga. Bahagya pa syang humalik saking pisngi nang tumingkayad ako.
"Hmmm... Anong gusto mong regalo?.." bulong nya rin pabalik.
I smiled. "Ikaw..." Kinindatan ko sya bago nagpatuloy. "Ikaw lang sa tabi ko, sapat na.."
"Talaga?.." ngisi nya. Parang naglalaro ang kanyang isip. Di ko mahulaan kung ano
"Yes babe.." tumango ako nang napakaganda. My best shot!.
"Eh, pano kung may kumausap sakin?.." wala sa oras akong lumunok. Sinalubong ang mata nyang nakangiti.
"Layuan mo.." seryoso kong sagot.
"Hindi maganda iyon babe, baka sabihing bastos ako.." inirapan ko lang sya na naging dahilan ng pagkurot nito saking pisngi. "Pano kung mas lalong lumalapit?.." patuloy nya. Bahagyang nakausli ang manipis nyang nguso.
"E di iwasan mo.." isang irap na naman ang pinakawalan ko. Kagat ang labi syang ngumiti.
"Paano nga kung mapilit?.." Tinitigan ko sya ng matalim. Yung nakakatakot. Pero, damn boy!.. Imbes matakot. Nagpacute pa ang gwapo. Suskupo!.
"Depende na sa'yo kung anong gagawin mo.. Bahala ka nang mag-isip... ang dami mong tanong, wala ka namang regalo, iba pa ang iniisip mo..." nauubusan ko nang sabi. Nag-iwas nh tingin sa kanya. Kinabig nya ako palapit.
Humagalpak na naman sya. "Hahaha.. ang cute mo talaga.. I love you." hinawakan ang baba ko para pagpantayin ang aming paningin. "Mahal kita babe, lagi mo yang tatandaan.." Anya saka ako niyakap. Matapos nun, sabay na namin pinanood ang mga cherry blossoms na nasa ibaba ng tower. Mula taas, makikita rito ang kabuuan ng syudad.
Sa panaginip ko lang dati nakikita ito. Tapos, ngayon?. It's real. Surreal!.