Mabilis dumaan ang oras at araw sa hotel. Matapos naming pumasyal sa Seoul Tower. Bumaba kami at kumain sa isang restaurant. Matapos naman noon. Dinayo na namin ang sikat na Cheonggyecheon stream sa Central Seoul. Maraming tao. Nakakahilo. Pero sulit dahil marami kaming litrato roon. Pwede na nga kaming bansagan na baliw eh dahil sa ingay at katuwaan naming tatlo.
"Tama na nga!.. Nakakahiya kayo!.." natatawang saway ko sa pagkiliti nila sakin. Damn boys!.
Mabuti naman at tumigil na sila. Pagod at gutom ang namutawi saming nang lumipas na gabi. Kinaumagahan rin. Sa Namsan tower kami pumasyal. Tapos bumaba at dumiretso sa Bukchon Hanok Village kung saan pwede mong isuot ang traditional na mga damit doon. Makikita mo rin dito ang kultura at arkitektura ng bansa. Mas lalo akong namangha at bumilib sa mga taga roon. Isang oras lamang ang pinalipas namin at sa National Museum of Korea naman kami. History and artwork of Korean people ang narito. Patuloy akong namangha.
Walang kapagurang pasyal ang nangyari sa lumipas na dalawang araw.
"Gawin nating memorable ang araw na to!.." masiglang hiyaw ni kuya bago kami tuluyang bumaba. Ito na ang huling araw namin dito. At dahil last day na namin, dapat sulit at unforgettable talaga.
Tinanong nya sakin kung saan ko pa gustong pumunta. Sinabi kong sa Jeju Island. Pumayag sya. Pero, ang sabi nya. Kung pupunta kami roon, di na namin muling malilibot ang ibang parte ng Seoul. Kaya nagdesisyon akong wag nalang muna ang Jeju. Maybe next time.
"Saan na tayo Bamby?.." Tanong sakin ni kuya matapos naming magpahinga saglit. Itinuro ko sa kanya ang Myeongdong underground shopping area sa kanyang mapa. Tumango sya matapos ang ilang segundo. Nag-isip ata sya kung higit magkano ang magagasto namin pagpasok doon. Pero kalaunan rin. Pumayag. Namili nga kami ng mga pasalubong para kila Mama at sa pamilya ni Jaden.
Huli naming pinuntahan ang K star road kung saan andun ang mga pangalan ng mga kpop idols. Nagpakuha ako ng litrato at namili.
"Bamby, ang gastos mo.." reklamo sakin ni kuya matapos naming bumalik ng hotel at ilagay ang mga napamili roon. Nagkamot pa sya ng ulo sa harap ko ngunit pinagtawanan ko lang sya dahil panay ang kanyang nguso. Ang dami nyang reklamo pero mas mahal naman mga binili nya sakin. Tsk. Abnormal talaga.
Hapon na pero pinili pa rin naming gumala pa sa Gwangjang Market. Kung saan maraming street foods doon. Yung tteokbokki lang ang tinikman ko dahil iyon lang ang naintindin ko sa paliwanag ni kuya. Fried spicy rice cakes. Masarap. Nga lang. Spicy. Di ko kaya.
"Babe, doon tayo.." hinila ako ni Jaden matapos naming maglakad lakad. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nag-uumpisa na ring umilaw ang mga puno at ang kalsada. Mas lalo akong namangha. Kahit ilang araw yata akong tumira dito. Di pa rin mawawala sakin ang pagkamangha.
Tumigil kami sa isang park na puno ng mga cherry blossoms na naiilawan ang mga sanga maging ang katawan nito. Maging ang iba't ibang uri ng halaman na naroon sa park. Kumikislap ang mga ilaw na parang sumasayaw. Para nila akong kinakausap kahit hindi naman.
Pareho kaming nakatayo sa medyo gitnang daan ng park. Pinagmamasdan ang kagandan ng lugar.
"O my God!.. Ang ganda naman dito.." sambit ko matapos ilibot ang paningin.
"Pero mas maganda ka.." Anya sabay hapit at akbay sakin.
"Tsk.. nambola ka na naman.." siko ko sa kanya. Mahina syang nagreklamo. Bad Bamby!
"Seryoso ako babe.." saka ko lang sya tinignan nang sabihin nya ito. Nagsalubong ang aming mata. Kita ko paano kumislap ang mga ito. Hinihigitan ang kinang ng mga ilaw sa paligid. "Pero, mas seryoso ako sa'yo.." huli na nang sabihin ko ito. Naisip ko na sana sa isip ko lamang iyon. Suskupo Bamby!
"Talaga?. Pakasal na kaya tayo.." ngumisi sya. Heto na naman yung ngiti nyang di ko mahulaan kung ano.
"Soon babe. We're too young..." nawala ng kaunti ang kinang ng kanyang mata. "I know.." maikli nitong sagot. Wala na ang malaking ngiti sa kanyang labi. Tuloy, parang akong naguilty ng wala sa oras.
Humugot ako ng malakas na hininga upang maibsan ang kaba. I need to change the topic. I asked him kung saan nagpunta si kuya. Ang sabi nya lang. nasa gilid lang daw. Ibig sabihin ba nito. Pinayagan nya kaming magmoment na dalawa?. Hay Kuya!. You're too late. Ngayong paalis na tayo, ngayon nya pa naisip?. Hay naku!.
Humakbang ako at nilasap sa huling pagkakataon ang hangin sa Korea. Ito na ang huli. Not literally the end. Pero sa trip na ito. Ngayon ang huling araw namin. Pumikit ako at tumingala. Naramdaman ko ang paghawak ni Jaden saking baywang. "Babe, look?.." biglang bulong nya sakin. Binaba ko ang tingin sa kanya. Nakangisi na ito. What?., I mouthed. Noon ko lang natanto. Sa aming likuran may tumutugtog ng violin. Na parang pamilyar ang ritmo. Lihim ko pa itong kinanta sa isip kanina habang nakapikit nang marinig ang unang nota ng violin.
Umawang ang labi ko nang makita na naglalakad ito palapit sa amin. "Babe?.." yugyog ko sa kanyang braso.
"Happy birthday babe..." bulong nya saking tainga. Nanindig balahibo ko sa mainit nyang hininga. Natulala ako ng ilang minuto bago nagsalita. "Bukas pa birthday ko babe.." hinarap ko sya habang nakikinig sa tugtog.
"Ilang oras nalang at birthday mo na.. kaya ginawa kong advance..."
"You planned this?.."
"Hmmm.. surprise.." tumango sya.
"Oh!.." naningkit ang aking mata. Di ko maiwasang kiligin. Amp! "Thank you babe.." pinsil nito ang tungki ng ilong ko.
"All for you babe.." tumigkayad ako at niyakap sya ng mahigpit. "I love you.." Anya.
"I love you more.." bulong ko sabay halik sa kanyang pisngi. Mabilis din syang humalik sa aking pisngi. "Promise stay with me forever?.."
Sa gitna nang titigan namin matapos kumalas sa yakap. "I'll stay with you forever..babe.. promise.." sagot ko habang nakatitig sa mata nya. Saka nya inulit ang isang linya sa kanta. Ang kanta kasi na tinutugtog ng violinist ay yung Stay with me ng isang sikat na kdrama na kinahuhumalingan ko ng sobra. Di ko alam kung paano nya nalaman na paborito ko iyon. Maybe, it's kuya. They planned it.
Hindi ko pa birthday pero sobra na ang sayang nadarama ng aking puso. Wala na yata akong mahihiling pa.