Sabi nga nila, life is short. Hindi ako noon naniniwala sa mga kasabihan. Tulad nito. Pero ngayon, narealize ko nga na maikli nga talaga ang buhay. Na maaari, sa kahit anong oras at araw. Umulan man o umaraw. Maaari kang bawian ng buhay. Maswerte pa ako kaai naidala pa ako sa ospital. Heto't buhay pa, subalit tulog naman.
"Babe?.." isang boses ang nagpatibok muli ng puso ko at nagpagana muli ng takbo ng isip ko.
Ang boses na yun. Yun yung huli kong narinig bago nawalan ng malay. At.. isang iglap.. bumalik lahat ng alaala ko.
"Miss na miss na kita.." he added. "Ang sabi nang kuya Lance mo, gumalaw ka raw nung kinausap ka nya kanina.. Sana ganun ka rin sakin.. babe.." malungkot nitong himig. Hinawakan ang aking palad saka ikinulong sa kanyang mga kamay. "I miss your voice. Your smile. Your laughs.. pati kung paano mo ako asarin at lokohin... lahat.. pati tunog at amoy ng utot mo.. miss ko na.. di ko na alam gagawin... kung hindi ka pa magigising.."
Baliw din sya.. utot talaga?. Kahiya..
Namimiss na rin kita babe.. sobra..
"Kung alam ko lang na mangyayari yun sa'yo noong araw na yun.. sana... sinamahan nalang kita... para tayong dalawa ang nakaratay dyan sa hinihigaan mo... hindi ko kaya ang makita kang walang malay.." bumuntong hininga sya. Suminghot pa. "Sorry kung hindi ko alam magmaneho... torpe kasi tong boyfriend mo.. kung sana noon ko pa inaral ang magdrive.. e di sana ako ang naghatid sa'yo. sana hindi nangyari ang ganito.."
"Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag may nangyaring masama sa'yo... hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili. kaya pasensya kung ngayon lang kita.. dinalaw.. naduwag akong magpakita sa lahat.. lalo na sa pamilya mo.."
"Tama nga si Lance.. duwag ako.. gago.. pinabayaan kitang umalis nang mag-isa... deserve ko nga ang suntok nya.."
What!?.. Suntok?. Ibig ba nyang sabihin, sinuntok sya ni kuya?. Tsk... Sabing wag padapuin ng kamao ang kanyang mukha e.. Anong nangyari ngayon?..
"Gising na babe.. ang dami kong kwento... ayoko sanang sabihin sa'yo to pero kailangan. Baka kapag sinabi ko sa'yo ang kanilang surpresa.. magising ka.. babe.. alam mo ba?.. Binigyan ako ni kuya Mark ng ticket papuntang South Korea. Hindi ko alam kung anong dahilan nya.. basta ang sinabi nya lang sakin..samahan daw kita sa dream land mo..."
Whoa!?.. Seryoso sya?.. Waaa!!...
"Pero, bago natin puntahan ang dream land mo.. gising ka muna babe please...para sabay tayong pumunta nila Lance ng South Korea...."
Unti unti kong iminulat ang aking mata. Liwanag agad ang naislayan ko kaya pumikit akong muli.
"Babe.." naexcite sya bigla. Tumayo pa at kinawayan ako kung kaya't nahaharangan nya ang ilaw na sobrang liwanag.
Tinignan ko sya at dahan dahang nginitian. Nakita ko kung paano mahulog ang butil ng mga luha sa kanyang mga mata. Nag-uunahana ang mga ito. "Gising ka na babe.." garalgal pa nyang sabi. I just smiled at him a little bit.
Humalakhak sya. Lumayo ng kaunti bago pinunasan ang kanyang pisngi. "Hahaha.. sandali lang babe ha.. wag ka ulit matutulog.. tawagin ko lang sila.." dala ng kanyang emosyon. Nanginig pa itong nagpipindot sa kanyang cellphone.
"Hello bro..." uutal utal nyang tawag sa kausap. Nilibot ng aking paningin Ang paligid. Ospital nga ako. Puno ng mga makina ang gilid. Malalaking oxygen tank at kung anu ano pa.
"Bro, gising na sya..." hanggang ngayon, umiiyak pa rin sya. Gustuhin ko mang gumalaw. Hindi ko magawa. Namanhid ata ang katawan ko dahil sa matagal na pagkakahiga. "Kanina lang bro.. sige.. antayin ko kayo.." then he put his phone down..
"Kilala mo pa ba ako babe?. May masakit ba sa'yo?. Okay ka lang ba?..." di ko magawang suamgot sa kanya dahil sa dami ng kanyang tanong. Nakakalito.
Maya maya.. Pumasok ang ilang doktor at nurse. Chineck ang vutal signs ko. Ang sabi nila. Okay an raw. Ilang saglit lang ang pagitan. Sumunod naman si kuya Lance. Basta nalang nyang nilagay ang hawak na supot sa upuan na nasa harapan ng higaan ko at tumabi na kay Jaden.
"Bamby, kilala mo ba ako?.. sya?. You know him?." I don't get it why is their questions are like that. Kilala ko pa naman sila ah.. Bakit kung makareact sila, daig ko pa may amnesia?.
"Doc, how is she?.." hinarap nito ang doktor nang di ako sumagot.
"She's okay.. base sa test na ginawa namin.. Wala syang amnesia..."
"God thank you!.." he preached.
"You should be thankful hijo dahil traumatize yung nangyari sa kanya but she survived it..."
"Yes doc.. thankful din po kami sa tulong nyo..."
"It's my job tho.. hahaha.. sige na...alalayan nyo muna sya. wag biglain...get well soon hija.." Yun lang at nagpaalam na sya.
Naiwan ang dalawang malikot na bata. Si kuya Lance at Jaden.