Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 183 - Chapter 33: A Date

Chapter 183 - Chapter 33: A Date

Maagang umalis sina ate Cath dahil nagwawala na si Klein. Ubos na kasi baon nilang gatas nito. Nagpaiwan naman si Jaden.

"Hijo?.." papa tapped his shoulder nang makapasok kami sa bahay. Tinulungan lang namin si Ate na ayusin ang dalawang bulilit sa loob ng sasakyan bago pumanhik sa loob.

"Nakaalis na ate mo?.."

"Ah opo.." Ani ni Jaden. Naupo kami sa stool chairs sa may kusina. Abala syang magluto ng adobo.

"Marami pa naman akong niluto para sa hapunan. Bakit kasi hindi kayo nagdala ng maraming gatas ni Klein?.." Anya pa. Humarap sya samin habang nakapatong ang kaliwang kamay sa kanyang baywang. Habang ang isa ay sa lababo nakatuon.

"Hindi ko po alam kay ate Tito.. hehe." nagkamot sya ng ulo habang nag-iiwas ng tingin kay Papa. Nahihiya sya. Parang ako lang sa mga magulang nya. Haist!..

"Ah tito?.." naglakas ito ng loob na magsalita dahil nakatalikod si papa samin. Nakatitig lang din ako sa kanya habang nakangisi.

"Yes hijo?.." masigla kung sumagot ito sa kanya. Mukhang good mood sya.

"Ipapaalam ko po sana si Bamby.." agad syang humarap samin. Bahagyang kinagat ni Jaden ang ibaba nyang labi. Takot sa hindi nya pagpayag. Tumaas ang kilay ni papa sa kanya. "Ipapaalam? Saan?.."

"Pupunta po sana kaming mall. Manonood lang po.."

Nakipagtitigan muna sya sakin. Binigyan ko sya ng pumayag ka na Pa please look. Matagal bago sya dahan dahang tumango.

"Thank you po.." I hugged him happily. Tinapik nya lang ako sa likod.

"Hijo, I trust you.. Umuwi bago mag-alas syete ng gabi. Malinaw?..."

"Pa, eight?.." umiling sya sa hirit ko.

"Seven Jaden.." matigas na bilin nito sa kanya. Wala na akong maaaring gawin kundi umoo nalang. Kesa mabulok sa bahay no. No way!. Mabuti na tong makapaglakwatsa ng ilang oras. Kasama pa sya. Whoa!.

Pinagamit sakin ni Papa yung Chevy. Mahirap daw kasing magcommute kapag gabi na. Kaya isusugal nya raw itong sasakyan ni kuya Lance. Magagalit yun panigurado.

"Anong papanoorin pala natin?.." I asked while driving. Ako na ang nagdrive dahil di naman sya marunong. Baka lalo lang magalit si kuya kapag naibangga nya tong pinakamamaahal nyang sasakyan.

"Kahit anong gusto mo.."

Sumulyap ako sa kanya. Damn!. Nakasandal pala ito sa pintuan habang mariing nakatingin sakin. Naasiwa tuloy ako.

"Don't stare at me please. I'm driving.."

"Stop being so beautiful first.."

"Jaden?.."

"Yes?.."

"I said stop.." banta ko pero di nakinig.

"How will I stop?. I can't ignore your beauty.."

"Tsk.. Basta.. sa harap ka nalang tumingin.."

"Ayoko nga. Gusto kitang panoorin eh.."

"Di ako makapagconcentrate sa pagdadrive.."

"E di wag mo nalang akong pansinin..."

"I can't.. tsk.. Jaden naman.." nauubusan na ako ng sasabihin sa kanya. Juiceku!..

"It's babe nga kasi.. babe.." Kita ko sa gilid ng aking mata kung paano nya kagatin ang kanyang labi. Suskupo!.. Magdrive ka muna Bamby. Tama na muna ang landi. Ikaw!!..

"Babe, sa harap ang tingin. wag sakin.." ulit ko. Yun lang pala ang gusto. Tsk.. Ang landi rin nya. Suskupo!..

"As you wish babe.." diniinan ang huling salita nya bago tuluyang umayos ng upo. Pagkarating namin ng mall. Agad nya akong hinila sa sinehan. Beauty and the beast lang ang available. Yung iba. Punuan na raw.

Meanwhile.

"Prinsipe pala sya?.. Gosh ang gwapo.." tili ko habang hawak ang kanyang braso. Parehong sa screen nakatingin. Namamangha sa pinapanood.

"Mas gwapo sakin?.." naagaw na naman nya ang atensyon ko.

"Napakaseloso mo.." pinaikutan ko sya ng mata. Nakita ko kung paano humaba ang kanyang nguso nang ibalik ko sa screen ang paningin.

"Para magtanong lang eh.." tunog nagtatampo.

"Opo na po. Mas gwapo ka na dun.." Piningot ko ang pisngi nya. "Tsaka, mahal ko pa.. ayiie.. kilig ka na naman.." dagdag ko.

Lumabas ang ngiting ayaw ipakita. "Mas mahal kita babe.. sobra.." nanindig mga balahibo ko nang ibulong nya ito sa mismong tainga ko. Kanina pa kami nagbubulungan pero ngayon, sobrang lapit na nya. Magkadikit na ang aming pisngi. "Mahal na mahal.." humalik sa aking pisngi bago muling tumitig sakin.

Naramdaman ko nalang na nagtayuan na ang mga tao sa aming tabi. Tapos na pala. Hindi ko nakita yung last part. Naman!!..

Pero okay na rin dahil sa nakaw nyang halik. Whoa! .

Pagkalabas ng sinehan. Hinila nya ako sa may game zone. May maingay na grupo na naglalaro ng basketball. Noong pumasok pa kami sa loob nito. Nakita namin sina Kian. At Karen kasama si Winly.

"Gurl!.." halos sabay nilang sambit. Sinalubong ako ng yakap. Group hug.

"Di nyo man lang sinabi na lumabas kayo. Kayo ha?.." kunyaring tampo ako.

"Si Kian pogi. Inimbitahan si Karen maganda tapos hinila lang rin ang isang dyosa dito..wag tampururut gurl.." sabit ni Winly ng braso sa akin. Nagpapacute.

Tinanguan ko sya sabay halakhak. Nakipagkamayan naman si Jaden kila Kian, Billy, Bryle at Paul.

"Bro, congrats pala sa inyong dalawa..di ko kayo nabati noon. Sobrang nalasing eh.." Ani Aron. Tumabi agad sakin si Jaden. Inakbayan pa ako. Suskupo!. Di po ako sanay sa Pda!.

"Salamat bro.." nagtanguan ang dalawa.

"Sino palang kasama nyo?. Si Lance?.." tanong ni Bryle na si Jaden din ang mabilis na sumagot para sakin. "Busy. May kausap lagi.."

"Wuii... sinong kausap nya boy?.." ngiting ngiti si Aron sa kanya. Palipat lipat din ang tingin saming dalawa. Nagkibit balikat lamang ito sa ngisi ng kaibigan. Ganun rin ang ginawa ko. Wala rin kasi akong ideya sa sinasabi nya eh.

At sa isang oras namin sa game zone. Naglaro lang ang ginawa namin. Hanggang sa oras na para unuwi. Hinatid ko na rin sya sa kanila. Ayaw nya pa sana pero paano sya makakauwi kung di ko sya ihahatid?.

"Babe, ako sana itong maghahatid sa'yo eh.. nakakahiya.." kamot na naman ang kanyang ulo.

"Ayos lang po babe.. Ang cute kaya natin.. hehehe...."

"Hindi ayos sakin babe. Bukas na bukas kukukitin ko si papa. Magpapaturo na akong magmaneho.."

"I'll support you for that babe.."

"Salamat.. you sure... Kaya mo nang umuwi mag-isa?.."

"Of course.. ako pa.."

"Tsk.. Kung alam ko lang talagang--..."

"Ahahahaha.. sa susunod nalang babe. Sure akong ikaw na ang maghahatid sakin sa bahay soon..." di pa rin sya kumbinsido.

"I'll be safe..babe.." I promised.

"Okay. Tatawagan kita.." tumango ako sa bilin nya. "I love you.." he said.

"I love you too babe.." humalik ako sa kanyang pisngi. Pero hindi pa rin sya nakuntento. Hinila ako palapit sa kanya at hinalikan sa labi ng mabilis. Damn boy!!..

Related Books

Popular novel hashtag