Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 184 - Chapter 34: Crashed

Chapter 184 - Chapter 34: Crashed

"Babe, gusto mong tawagan ko nalang kuya mo?. Sunduin ka nalang dito.." pilit ni Jaden. Baka raw kasi maaksidente ako.

I laughed at his remarks. "Ang oa mo babe. Malapit lang naman bahay namin eh.."

"Kahit na...." nag-aalala na ang kanyang mukha.

Hinawakan ko ang kamay nya. I look straight into his expressive eyes. "Wala ka bang tiwala sakin?.."

"May tiwala ako sa'yo babe.. pero sa ibang tao.. wala.." umiling pa sya.

Alam ko naman yun eh. Same lang tayo. Mahirap magtiwala sa iba.

I then, nodded and promise him to drive safely. He didn't answer me. He just kissed me tenderly. I blushed when our lips met. Para akong dahon na sinilaban. Unti unting kumalat saking katawan ang apoy na galing sa aming mga labi. Mabuti nalang at sya na rin ang bumitaw. Nakalanghap muli ako ng hangin. Nang, medyo nahimasmasan. Nagpaalam na ako para hindi na nya makita pa ang pamumula pa rin ng aking mukha. Damn!.. Yung labi nya!. Parang pagkain. Kung pwede lang ayoko nang tigilan pa. Suskupo Bamby!.. Umayos ka nga!..

Agad kong pinaharurot ang sasakyan palayo sa kanya. I saw him standing still with hands on his waist. His forehead creased while watching me. I saw it all on the side mirror.

Noong nakalabas na ako sa barangay nila. I slowed down. Kasabay noon ay ang pagtunog rin ng cellphone ko.

"Yes babe?.. Miss mo agad ako?.." I teased. Muli na namang nag-init ang aking pisngi dahil naalala ko ang labi nya. Damn it!.

He sighed heavily.

"You're too fast. Slow down baby.. You're making me crazy here.." Yun ang salubong nya sakin. Hindi sinasagot ang sinabi ko kanina.

Gosh!.. Baby?!..

Nag-alala siguro sya nang makita kung paano ko pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Ginawa ko lang naman yun para agad akong makalabas sa kanilang barangay at para na rin pakalmahin ang sarili sa halikan namin. Gosh!... Tsaka para di ako matraffic sa lansangan. Noong nasa main road naman na ako. Mabagal na ang patakbo ko. Kasing kupad ng pagong.

"I already slowed down babe.." himig ko habang kagat ang labi. Hindi ako makapaniwalang naghalikan kami kanina lang. Feeling ko, lumilipd ako ngayon dahil sa tuwa at kilig na dulot ng mainit nyang halik. Damn!!. I can't get enough. Dumagdag pa ang bansag nyang baby. Suskupo!.. Like I'm gonna die!..

"Are you sure?.." Hindi pa sya nakuntento. Hiningi ang speed ng takbo ng sasakyan ko. I told him na sobrang bagal ko na. Ang sabi pa rin nya. Bagalan ko pa. Suskupo!.. Anong oras ako makakarating sa bahay kung babagalan ko ng todo?..

Para maniwala sya. I took a photo of the meter tank. Sinend ko sa kanya habang ang isang kamay ay nagdadrive.

"Naniniwala ka na?.." I called him again.

"Hmmm..." mukhang ayaw pa rin maniwala. Haiyst!..

"Bat ayaw mong maniwala?.."

"Naniniwala ako.." He paused. "It's just that, I'm too nervous. Knowing you.. are not still at your home.."

"Malapit na ako.." nakangisi kong sagot. "You're too worried baby. Relax okay?.." lumilinga ako sa mga sasakyang dumaraan.

"I want you home safely.." he insisted.

Paliko na ako sa intercession papunta sa aming subdivision nang may pick up na bumagsak. Nabasag at nagkalat ang laman nitong mga bote ng softdrinks. Lumaki ang mata ko.

"I am ba--..bogggshhh.. cssrsshhssh!..." tunog na ito nang isang pick up na paparating. Nakatagilid na ito at papunta na sa aking gawi. Nataranta ako at natakot. Damn!. Katapusan ko na ba?.. "Jaden!.." I called his name. Narinig ko pa ang boses nyang tinatawag ako. Nahimigan ko rin ang pagkabalisa nya. Tinatanong kung anong nangyari. I opened my mouth to even say some words but I have no strength to speak. Gulong gulo ang aking isip. Gusto kong patakbuhin ng mabilis ang sasakyan upang iwasan ito pero huli na. Tumama ito sa right side ng sasakyan at tiinulak hanggang sa punong mangga na kung saan sa left side ako nakaupo. At talagang tatama sa katawan nang punong mangga..

And there, "Bamby!. Shit!.. may nangyari?. Ayos ka lang?. Babe, answer me?.." dinig ko pang boses ni Jaden.

Sinubukan kong magsalita pero wala akong lakas. At... biglang nagdilim na ang aking paningin.