Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 135 - Chapter 35: Tsismoso

Chapter 135 - Chapter 35: Tsismoso

Gabi nang lunes. Pabagsak akong humiga saking kama. Pagod ang buong katawan at isip. Nagkaroon ng general cleaning sa school at kami ang pinakanapagod sa lahat dahil ang guro namin ang namuno sa clearing. Buong gym at school ground ang nilinis namin. Walang panahon para makipagkwentuhan tungkol kila Lance. Ngunit sa mga oras ding iyon. Hindi nawala ng kahit isang segundo ang nalaman tungkol sa kanya. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga o imbento lang yun ni ate. Gustong gusto kong kumpirmahin kay ate ito noong linggo pero nanghina ako. Napipi ng wala sa oras.

"Kuya, isarado mo daw po yung pinto sabi ni Mama.." kinatok ako ni Niko. Kaya bumaba rin ako para isarado na ang pintuan. Kakatapos naming maghapunan at halatang pagod ang lahat maging sina erpat. Pagkatapos siguraduhing sarado na. Uminom muna ako ng isang basong tubig bago umakyat muli. Humiga at tiningala ang blangkong kisame.

Bakit kasal agad ang plano nila?. May dahilan ba para magmadali sya?. Kung meron man, ano kaya yun?. Imposible naman na magpapakasal sya ng walang malalim na dahilan?.. For God's sake!. She's too young. 16 I think. Kung totoo man na ganun nga ang desisyon nya. Sana lang maging masaya sya.

"No. Not until me.." mabilis na kontra ng puso ko sa traydor kong isip.

Umupo ako at hinila ang drawer na tabi ng higaan. Kinuha ko doon ang ilang oras ng hindi nabubuhay na cellphone. Binuksan ito at inopen agad ang data. Umupo ako sa tabing bintana. Binuksan upang may hangin na pumasok. Presko kasi kapag ganitong oras ang hangin. Hinawi ko ang kurtinang sumasayaw tuwing hinihipan ng malamig na gabi. Habang ginagawa ko iyon. Nag-ingay na ang cellphone. Kinuha ko sya matapos itali ang kurtina. Ipinataong ang dalawang paa sa railing ng bintana. Saka sumandal na sa inuupuan. Tanaw mula dito ang itim na langit na puno ng mga bituin. Kumikinang ang mga ito. Pinapagitnaan ang kalahating mukha ng buwan. Na nakaharap sa kanlurang bahagi ng mundo.

Binasa ko ang mga notification. Gaya ng dati. Puro friend request lang ang mga ito. Wala akong tinanggap sa kanila. Ewan ko ba kung bakit.

Sa kawalan ng gana. Inexit ko agad ang gamit na app. Saka binuksan ang messager. Nakita ko agad kung sino sa mga kaibigan ko ang online.

"Boy!.." si Kian na mukhang may kasunod pa ang chat dahil may tatlong dot pa na sumasayaw. Maya maya. "Hinatid ka ni Bamby nung linggo. Kinausap ka ba nya?.."

"Andun ka nung hinatid ako?.." napaayos ako ng upo. Tinuko ang makabilang siko sa aking mga binti. Nagkaroon ng interes sa messenger.

"Oo naman. Ako pa nga tumulong sayong pumasok sa sasakyan nya. Alam mo bang nagalit sa kanya si Lance. Kaya sya ang naghatid sa'yo.." reply nya.

"Hinde. wala nga akong matandaan e..."

"Namental block ka siguro dahil sa kalasingan... so nag-usap ba kayo?.."

"Hinde e. Wala nga akong matandaan. Usap pa kaya.." mabilis kong reply.

"Aba malay ko kung gising ka nung hinatid ka..." sineen ko nalang sya nung makitang online si Bamby. Pinindot ko ang profile nya.

"Hi.." with smile. Kabado ako nung isend ito sa kanya. Nagchat pa si Kian pero di ko na yun pinansin. "Salamat nga pala sa paghatid sakin nung isang gabi... pasensya na. Ngayon ko lang din nalaman.."

"Yah. It's okay.." reply nya. Kaya napatuwid tuloy ako ng upo.

"Sorry nga pala noon. Sobrang daldal ko.." sineen zoned lang ako. Kinagat ko ang labi sa kaba. "Di ko naman kasi alam na ikakasal ka na pala.."

"What!?.. who said that?.." mabilis syang nagreply. May galit pa ata dahil sa padamdam na ginamit.

"Si kuya Mark kay ate. Pasensya na talaga ha. I didn't mean to bother you.."

"Jesus. That's not even true!!.."

Napalunok ako ng mariin sa bilis ng kanyang reply. Hindi pala totoo!. What the hell!!. Jaden, may pag-asa ka pa!.. Magsaya ka na!..

"Hinde totoo?. e sinong tinutukoy ng kuya mo kung ganun?.." ngiti ko habang nagtitipa.

"That crazy monkey.." she cursed.. Ang cute!. Susmaryosep!. "Sya ang ikakaaal. Hinde ako. Wala pa nga akong boyfriend. Tas kasal agad?. Crazy!..."

"Mabuti nalang.." reply ko.

"What?.." sungit nito. Naiimagine ko ang pag-ikot ng kanyang mata at ang labi nyang nakanguso.

"Wala. All I thought ikaw yung ikakasal. ang sabi kasi ni ate may kasama raw kayong binata nung linggo sa simbahan.. boyfriend?.." para na akong baliw neto. Bahala na.

ilang minuto pa muna bago sya nagreply. "Paano ako ikakasal kung single pa ako?. Tsk. Napakatsismoso mo...pinsan namin yun.." may kasama pang mukha na nakatingin sa itaas ang mata. Like what?.

Pinsan pala. Clear!.

Kaya minsan, wag basta basta maniwala sa mga naririnig mo lang. Kailangan, may basehan ka kung manghuhusga ka.

Mariin kong itinikom ang bibig para hinde kumawala ang halakhak sakin. She's declaring that she's still single. So, do your job now man. Or else?. You'll lost this war.

"Still single huh?. Di nga?.." asar ko.

"Ayaw mong maniwala?. E di wag!.." mabilis nyang reply. This is it!.

"Maniniwala lang ako kung ibibigay mo sakin numbebr mo.."

"Ayoko nga. Bahala ka dyan!.. tsismoso."

"Uy ha!. Tsismoso ako pagdating sa mga balita tungkol sa'yo. Wala ng iba.."

"Di nga?. tsismoso ka pa rin.."

"Grabe!. hindi ko nga magawang tumingin sa iba. Makinig pa kaya?. Kaya sige na. Your number please.. miss.." lakas ng loob boy!. Tinamaan ka ba ng kidlat?. Ang lakas ng kumpyansa mo e.

"Bakit anong gagawin mo sa number ko?.."

"I want to know you more.. please.." di sya nagreply agad. Nakita kong nabasa na nya yung chat ko. Pumikit ako at bumulong. "Please. Ibigay mo na.."

Minuto ang nakalipas bago sya nagreply. "Goodnight!.." she replied with her whole contact number.

"Yes!..." tumayo ako at sumuntok sa ere. "Yes boy!. You got it!!.."

Nagsusuntok ako sa ere sa tuwa. Hindi sya ang ikakasal hanggat hindi ako ang pakakasalan nya. Who knows?. Only God knows!.