Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 136 - Chapter 36: So happy

Chapter 136 - Chapter 36: So happy

Kinaumagahan, late na naman akong pumasok. Wala e. Sobrang saya ko kaya di ako nakatulog sa tamang oras. Dapat kasi

mga 10 tulog na ako dahil may pasok pa bukas. Kaso, ang nangyari. Panay ikot, talukbong, upo at tayo ang ginawa ko habang hawak ang cellphone. Matapos ko kasing isave.ang number nya, tinitigan ko lang ito. Magtatype ng text rapos buburahin ulit. Ilang ulit kong ginawa yun hanggang sa wala na akong naisend sa kanya na mensahe. Sa sobrang excitement ko, nawawalan ako ng maisip na sabihin hanggang sa nakatulugan ko ng walang menaaheng naipapadala sa kanya.

Pero bago pa ako tuluyang pumasok ng school, kahit late na. Tinext ko sya. "Hi. Jaden to. Good morning!.." bati ko. Mabilis kong ibinalik sa drawer ang cellphone bago kumaripas ng takbo papuntang sakayan.

"Mr. Bautista?.." tawag sakin ng aming guro ng pumasok ako ng room ng nakayuko. Nahihiya. Bwiset!. Pinagtawanan na naman ako.

Kamot ang ulong tumayo at humarap sa kanya. "Sorry Ma'am.." hinging pasensya ko. Naghagikgikan ang mga babaeng nasa mismong kinatatayuan ko. Susmaryosep!..

"Lagi ka nalang late. May problema ka ba?.." usisa nya sakin. Ipinatong sa mesa nya ang hawak na chalk at eraser saka tumayo ng tuwid at humalukipkip sa akin.

Tuloy napakamot ako kahit wala namang makati.

"Wala po ma'am.." tanggi ko. Wala akong problema. Yung orasan ang may problema. Ang bilis tumakbo. Kaya ako nalalate.

Tinaasan nya lang ako ng mataray nyang kilay. Lagot na!.

"Meron po ma'am. Lovelife nya. Hahaha.." sigaw ni Bryan kaya napatingin sya dito. Nagsitawanan ang lahat sa sinabi nya. Pero ako, kinagat lang ang ibabang labi. Nagkibit sya ng balikat at ibinalik sakin ang paningin. "Lovelife huh?. Grades ang atupagin mo hinde yang lovelife na yan.. Graduating ka na. Tandaan.." paalala nya sakin o samin. Di naman yun nawala sa isip ko. Syempre, aral muna bago lovelife. Pero kasi, once in a lifetime lang tong chance ko. Baka di na maulit kung papalampasin ko pa.

"Sit down now. Kung late ka ulit bukas. Wag ka ng pumasok. Automatic ka ng absent.." her finality. "Yes ma'am.." sagot ko habang nakayuko. Naglakad ako patungong upuan ko. Nanlulumo. Di ko naman sinasadya e. Malay ko kasi sa mabilis na takbo ng oras kapag masaya ako. Laging bitin.

"Araw araw ka ng late boy. Hahaha.. Anong meron?. kwento naman dyan. walang makakaalam. Peksman.." bulong sakin ni Dave ng nakaupo na ako.

"Mamaya na.." I assured to him. Baka lalong magalit guro namin. Mapalabas pa ako. Double kill yun sakin. Triple kill na kapag nalaman ni erpat. Bawiin pa phone ko. That's totally a savage man. Savage!.

Kalahating oras ang nagdaan bago sya nagpaalam samin.

"Jaden at Kian, tawag kayo ni sir Pete.." isang estudyanteng grade nine ang sumulpot sa room at tinawag kami. Sabay kaming tumayo ni Kian at naglakad palabas ng room.

"Bakit daw pre?.." tanong niya sa taong inutusan ni sir. "Hindi ko alam e. Punta nalang kayo dun.." sagot naman nito.

"Ah sige salamat.." pasalamat ko sa kanya. Tinapik ang kanyang balikat.

"Sige una na ako.." paalam nya samin. Bumalik sa kanilang room. Kaharap lang ng building namin. Magkadikit kasi ito. Grade nine at ten ang nasa parehong floor. Sa itaas naman ang mga junior at senior high. Pinabago na kasi nila ang mga room dito. Kaya may mga bagong building. Tulad ng sa amin.

"Bakit kaya tayo pinapatawag?.." biglang tanong ni Kian habang papalapit na kami sa hall ni sir.

"Di ko din alam e.." tapos naman na ang tournament namin. Bakit nga kaya?.

Pagkapasok namin. Sinalubong nya kami agad. "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kayo ang napiling athlete of the year.." umawang ang pareho naming bibig ni Kian sa sinabi nha. Biglaan e. Magtatanong palang sana kami kaso nasagot na nya agad ang tanong namin.

"Talaga po sir?.." di makapaniwala si Kian.

"Oo. Final na yun. Pero wag munang ipaalam sa iba.." hinarap kami at pinaalalahanan.

"Yes sir.." halos sabay pa naming sambit. Matapos nun, lumabas kami at naglakad pabalik ng room.

"Boy Jaden, student late of the year.." kantyaw nya sakin. Humalakhak pa.

"Baliw!.." ngiti ko. Ang daming magagandang nangyayari ngayon. Sana magtuloy tuloy na.

"Yang ngiti mo, iba?. anong meron?.." dinamba pa ang kaliwang braso ko. Tuloy napausog ako pakanan.

"Kachat ko sya kagabi.." di ko mapigilang kagatin ang labi pagkatapos itong sabihin.

"Nay!!..." tinukso nya ako. "Kaya pala late ha?. Kaya pala yung ngiti, abot tainga..."

Tinanguan ko lang sya. Masyadong masaya ang puso ko. Hindi nakakapag-isip ng normal.

"Nagreply ba sya ha?." patuloy nya. Malapit na kami sa room. Tanaw ko na rin ang sunod naming guro.

"Hmmm.." kulang nalang kantahin ko ito sa kanya.

"Naykupo!.. binata ka na boy!!."

"Ulol!..." singhal ko sa kanya.

"Ahahahaha.. kingina!. kinikilig. Kaya walang masabi.. haha.."

Inilingan ko lamang ang pang-aasar nya. "E anong reply nya?.." tanong nya matapos tumawa.

"Akin nalang yun..."

"Hahaha.. pakyu ka!. Ikaw ang ulol!!. matapos kitang tulungan.."

"Hiningi ko number nya.." sagot ko sa mga ratchada nya. Mabilis akong sinuntok sa dibdib. Mahina lang naman. Daig pa babae sa mga reklamo. Ang dami. "At pre, binigay nya rin.. hehehe.." di ko mapigilang sabihin sa kanya ang mga progreso sa amin. Isa rin ito sa mga tagasubaybay at lihim na nagbibigay ng lakas ng loob sa.akin. Kaya wala akong dapat ilihim sa kanya.