Pagbaba ko palang ng sasakyan. Nadapa na ako. Mabuti nalang talaga at wala pang estudyante. Maaga pa kasi. Alas sais palang ng umaga. Guest what?. Di man lang ako tinulungan ng mabait kong kapatid. Astig nya talaga!.
Deep sighed!.
Relieved! Walang nakakita sa kapalpakan ko e.
"Kuya. Wait for me!." tawag ko sa kanya pero di na nito ako pinansin. Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad. Sinalubong ang mga dati nitong kaklase. Nakipagtawanan na sya't lahat, di man lang ako tinatawag o ihatid man lang sa bago kong room. Tsk. Yaan ko na nga.
Bwiset! Sarap batuhin!.
Irap na lang ang tanging nagawa ko sa tawanan nila. Kung di lang talaga first day of school ngayon. Naku!. Tsaka isa pa, ayokong makita nya ako na haggard agad pag umaga. That is a big turn off, if ever Bamby. No way!.
Mabilis ang takbo ng oras. Mataas na ang sikat ng araw. Unti unti na ring dumarami ang mga estudyante. May nakita akong mga dati ko na ring kaklase.
"Uy Bamby.."
"Kamusta Win?." naķipagbeso pa ito sakin. "Lalo kang gumanda ah?." tukso nya pa.
Naku!. Kung alam nya lang na stress ako nitong nagdaang bakasyon. Tsk. Tsk.
Nagkibit balikat lang ako dahil may bigla nang yumakap sa akin galing sa likod. "Namiss kita Bambyyy.." diniin pa ni Joyce ang huling pantig ng pangalan ko. Sya ang bestfriend. Nag-iisa. Alam rin nya ang pinakatatago kong sikreto. "Andyan na sya.." sabay siko sa aking tagiliran. Humaba ang kanyang nguso. Sinundan ko ito. There he is. Walking. Full of confidence. Right hand on his pocket. Hanging on his left shoulder is his bag. Damn!. Why so gwapo?. Ugh!.
Yes po!. Gumwapo na po sya sa paningin ko!
"Tulo laway mo te." asar ni Joyce. Sinara nya pa ang bibig ko dahilan para matauhan ako. My ghad!. Anong ginawa ko?.
"Batiin mo na dali.." tulak tulak pa ako. Grabe talaga. Di na nga ako makahinga. Pinapatay pa nya ako sa kaba. Grabe sya.
"Tsk. Joyce. Nakakahiya.." bulong ko sa kanya. Akala ko bubulong din sya. Pero what the hell!. Tinawag nya pa ito. "Hi Jaden!." tuloy napabaling samin ang seryoso nitong tingin. Kinawayan sya ni Joyce kaya lumapit ito samin.
"Nasaan ang room natin?." tanong nya agad pagkalapit. Hawak ang strap ng bag nyang kulay madilim na asul.
"Di pa namin alam e. Iaanounce ata after ng flag ceremony." si Joyce ang nag-entertain sa kanya. Dahil ako?. Gosh!. I'm telling you now. I can't breath. Pinapawisan pa ako kahit wala naman akong ginagawa.
Wala ka nga bang ginagawa o palihim kang nakatitig sa kanya?. Oh damn self! Can you please shut up! Hihi! Ngayon nga lang ulit to eh! Hihi!..
"O hi Bamby, okay ka lang?." yung kakarampot na hininga ko. Nasimot na nang tanungin nya pa ako.
I'm dead!.
Palipat lipat ang tingin samin ni Joyce. Nagbabadya ang ngiting may halong kilig. Amp!.
Help me Joyce!. Oxygen please!.
Di pa rin matanggal ang mata nya sakin. Kaya napilitan akong tumango. "Ah-ahh. Okay lang ako." Mukhang di pa sya kumbinsido.
Paano ba kasi kumalma pag kaharap ka?. Paturo naman ako nyan! Turuan mo ko nyan! Turu-turuan mo ko nyan! Ek! Crazy girl!!
"Bakit parang pinapawisan ka?. Sigurado kang ayos ka lang?." pinilit ko na talagang ngumiti. Even if I don't have any strength to. Bahagya syang lumapit. Napaatras rin agad ako. Tuloy di na dumapo sa noo ko ang likod nang palad nyang balak nya sanang ilapat.
Susmiyo Bamblebie! Iyon na sana eh! Naku ikaw!!!
Napapahiya na lamang syang bumalik sa pwesto at ngumiti ng pilit. Di ko alam kung pilit nga ba ang ngiti nya o hinde. I don't know. Di ko naman Kasi mahulaan nararamdaman nya at lalo na ng nasa isip nya. Who knows diba?
Nawala lang ang mata nya sakin ng dumating na si Ryan. Thanks to him.
"Huy!. Ayos ka lang?. Grabe pawis mo ah." ngisi ni Winly na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Galing yata sa paghuhunting ng boys! Hay!
"I'm fine.." ayos na ako dahil hindi na sya nakatingin sakin. balak ko sanang idagdag to kaso baka asarin nila ako rito. Nakakahiya! Pero, grabe!. Yung mata nya?. Damn! Para akong binabaon sa kanyang isipan patungo sa kanyang puso. Ehhh!!
Mama oh!. Yung crush ko! Ang gwapo!! Wahh!!..
Sana maramdaman din ng puso nya ang tibok nitong puso ko. Mabilis at nakakapanghina. Pwede kong ikumpara ito sa bilis ng takbo ng isang kabayo.. Matulin, dahilan para pagpawisan ako ng sobra.