Alas kwatro y media palang ng madaling araw. Dilat na ang mga mata ko. Maging ang sistema ko ay buhay na buhay. Nakangiti akong bumangon. Tumalon at nag unat.
"Gooood morning gorgeous Bamby.." sabay hikab at pasok ng banyo.
Nauntog pa ako sa pintuan ng cr na may nakasabit na kalendaryo. August 6, 2019 na talaga. Time runs so fast. Parang kailan lang nung summer. Tapos eto na. Pasukan na naman.
Sinipa ko ang pinto dahilan upang gumawa ito ng ingay.
"Bambyyy!." inis na sigaw ng aking kapatid galing sa kabilang kwarto.
Nagising ko ata. Lagot na!.
Parang zombie pa naman yun kapag nagising ng wala sa oras. Nangangakain ng tao. Lol!.
Mabiliisan lang ang ginawa kong pagligo. Maging ang pag-ayos ay minadali ko na rin. Hindi naman sa atat akong pumasok. Sadyang ayoko lang malate kapag ganitong first day of school. Nakakahiya kaya. Atsaka. gusto kong mauna sa school. Alam mo na. Masilayan man lang ng maaga si ehem! Crush daw pangalan nya. Ayiee!
Shet!. Nababaliw ka na Bamby.
Lahat naman siguro tayo may crush. Aminin?. Meron no?. Elementary?. Meron na. O diba?. Di naman kasi masama ang magkacrush sa isang tao. Ang crush ay paghanga lang naman. Saka lang madedevelop ang love kapag tumagal na ang paghanga mo sa kanya. Yun ang paniniwala ko.
"Bamby. Bilisan mo na dyan!!.." tawag na ng aking kapatid. Ayaw kasi nitong napapagalitan kapag madaling araw. Alam mo ba kung bakit? Dahil lang naman sakin. haha. Todong paalala ang abot nyan kapag iniiwan ako kahit saan. Sa school man yan o maging sa bahay.
Aba dapat lang. Anong saysay nyang kapatid kung pabaya sya sakin?. Lagot sya kung ganun.
Tumakbo na ko palabas ng kwarto ko nang mauntog pa sa pader. O diba amazing?.
That's me!. Bamby Eugenio. 13 years of age. Nakatira sa Antipolo. Kasama ng buong pamilya. May nanay at tatay. at dalawang kapatid.
"Ang tagal!." galit nito akong tinignan mula sa hapag kainan. Nakaupo si Papa sa puno ng mesa. Kanang bahagi si Mama at dun ang pwesto ko. Sa tabi ni Mama. Sa kaliwang bahagi naman ng mesa si Kuya Mark. Kaharap si Mama. Katabi si Kuya Lance. Nakahanda na ang almusal. Ako nalang ang wala.
"Good morning po.." masaya kong bati sa kanila. Isa isa ko silang nilapitan saka hinalikan sa kanilng pisngi. Hahalik na sana ako sa isa kong kapatid pero mabilis nitong hinarang ang dalawa nyang kamay dahilan upang di ko sya mahalikan. "Kuya?!." natatawa kong reklamo. Kunwaring nagdabog pa ako.
"Don't ruin my face.." anya. Busangot ang mukha. Zombie talaga!. Ang aga aga!. Bakla!.
Nagtawanan sila samin. Mas malakas naman ang tawa ko. Ano pa nga bang aasahan ko sa taong to?. Sobrang arte!. Hinigitan pa ako. Di naman sya bakla yun ang sabi nya pero bakit itong pakiramdam ko, iyon ang binubulong. Lol! Choz lang!. Pero sa totoo lang talaga, dinaig pa nya ako sa kalinisan. Amp!. Bakla nga ata.. (Lol!.)
"Ready ka na Bamby?." tanong ni Mama na ang tinutukoy ay ang pagpasok ko mamaya.
"Always ready Ma. hehe.."
Always. Kasi finally makikita ko na sya.
"Nagtanong pa kayo Ma. Kahit nga bakasyon. Gusto nang pumasok yan dahil sa crush nya.." ani kuya Lance.
"Kuya naman eh.."
"What?." nakakaloko na ang ngisi nito. Aba!. Gumaganti
"Wala kaya akong crush.." nguso ko. Tinutusok ang tinapay na nilagay ni mama sa plato ko.
"Di nga?.." sabay sabay silang apat. Tinutukso na naman nila ako. Di rin lingid sa kaalaman nila ang may gusto akong lalaki. Ang sabi ni Papa, normal lang naman daw iyon. Basta huwag lang sumobra sa pagiging crush muna. Yan si Papa, kakampi ko. Pero dati na nya aklng binantaan na bawal muna akong magboyfriend dahil bata pa ako. Alam ko naman yun. Kaya nga hanggang tingin tingin lang muna ako sa kanya.
Tingin muna mula sa malayo, kahit pa lumapit sya. Hirap!. tsk!. Pero tiis tiis muna! It takes time.