Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

our sort off fairytale

🇵🇭pinutbutterjelli_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
102.8k
Views
Synopsis
[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ] "I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me." Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search. Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa. Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - one } Beckenbauer, the Princess, and the Chosen

=============

NOTE: the people from valwick are speaking in german :> their dialogue should be italicized here but we can't italicize text yet so just keep it in mind

=============

GILBERT von Beckenbauer sighed.

Kanina pa nagri-ring ang telepono sa kanyang kwarto at hindi na siya makapag-concentrate sa ginagawa niyang mga papeles. Marami pang nakatambak roon. Tatlo ng pile ang natapos niya pero kahit tatlo ay parang wala pa ring nabawas sa ginagawa niya. Ang alam niya ay alam ng lahat ng asa Dutchy ng Dietrich na busy siya. Hindi siya makikita nang kung sino unless siya mismo ang lalabas sa kanyang opisina.

With his Father on a meeting, his Mother visiting farmers, his older brother planning his wedding, and his younger brother in boarding school, Gilbert is the one stuck with all the Dutchy's administrative tasks. Ilang araw na rin siyang hindi maayos ang tulog kaya ang simpleng tunog ng telepono ay hindi lang nakakairita kundi nakakasakit sa kanyang ulo.

Huminga ulit siya nang malalim bago nagdesisyong sagutin na ang telepono. Itinaas niya ang receiver. "Gilbert von Beckenbauer. Guten tag," pagbabati niya nang magandang araw sa taong nasa kabilang linya. Isinabay niya na rin ang ngiti kahit hindi siya nakikita ng kausap.

"Wilhemene von Krahenberg, hallo Beckenbauer," walang siglang bati ng kausap. Mula sa background nito ay naririnig niya ang pagtatalo ng ilang matatanda.

Napaayos siya ng upo. After all, the one who's currently talking to him is the Princess of Valwick, his country's princess. At kung sa limang noble house o Dutchy ay ang Beckenbauer ang tinawagan ng Prinsesa ay malamang importante ang gusto nitong sabihin. Hindi sila basta-bastang tinatawagan ng walang liham munang ipapadala o may mismong susundo sa kanila. At mas lalong hindi siya ang unang tatawagan kundi ang Ama niya.

"Anong maipanglilingkod ko sa inyo, Mahal na Prinsesa?" tanong niya rito sa wikang German ang national language ng kanilang bansa: Valwick.

Valwick is influenced by their neighboring country Germany, kaya iyon na rin ang naging national language nila. English was their second language. Asa tabi sila ng naturang bansa, sa hilagang dulo nito at malapit sa Baltic Seas. Maliit lang ang populasyon nila at umaabot lang iyon ng ten million. May limang Dutchy sa Valwick: ang Beckenbauer na namamahala sa agrikultura, ang Tesch naman ang namamahala sa agham at teknolohiya, ang Alwardt naman ang namamahala sa punong armas, ang Sommer naman ang nakatoka sa turismo, at ang Baeder naman ang sa kalusugan at medisina.

"Pwede mo ba akong puntahan rito?" sagot ng prinsesa.

"Ja. Iuutos ko na lang muna sa iba kung ano ang pwede nilang gawin--"

"Gilbert, please. Iwan mo muna kung ano 'yan. Kailangan kita rito, ngayon din."

"Ja. I vill come right away."

Saglit na tinitigan niya ang mga kailangan niya pang gawin. Hindi na naman siya matatapos sa araw na ito. Bilang sa sila ang nakatoka sa Agrikultura ay inuulan sila palagi ng mga kailangan asikasuhin. Mapaisyu na related sa farming, fisheries, at pati na sa pagproproseso ng mga pagkain. Iyon ang rason kung bakit palaging subsob sila sa trabaho. Kahit ganon pa man, ayos lang iyon kay Gilbert. Dahil kung hindi man inalagaan ng kanilang noble house ang agrikultura ay hindi magiging malago iyon at hindi magiging maayos ang pagkain ng kanilang bansa.

Kung hindi lang ang prinsesa ang nagpapatawag sa kanya ay hindi siya aalis. Tumayo siya at dumaan muna sa salamin upang sipatin ang sarili. Sa tuwing haharap sila sa mga membro ng Royal Family ay dapat maayos at malinis ang kanilang hitsura. Clean, pristine, and should emanate discipline. Mula sa suot na uniporme hanggang sa suot na sapatos ay dapat mukha silang kaiga-igaya.

Inayos niya ang suot na silver butterfly na brooch sa kanyang breastpocket at saglit na ngumiti. Mukha namang handa siyang humarap sa prinsesa. Maayos ang light blond niyang buhok. Malinis ang kanyang mukha. Walang kahit anong senyales ng bigote, muta, o dumi sa ilong. His eyes seemed bright enough as well at hindi naman siya mukhang hindi pa natutulog.

Nang makuntento na siya ay lumabas na siya ng kwarto. Naroroon agad ang kanyang butler na si Philipp Langenau. "Junker Beckenbauer! Vhere are you going?"

"Pinapatawag ako ng Prinsesa. Aalis na muna ako. Pakisabi kay Kuya Viktor na itutuloy ko na lang ang mga ginagawa ko mamaya," pagpapaalam niya. Kahit kasi busy ang kuya niya sa pagplaplano ng kasal ay umuuwi pa rin ito at tumutulong sa kanya.

"Sige po. Masusunod po," ani ni Philipp. Sumunod ito sa kanya sa paglalakad sa pasilyo. Doon siya nagsimulang maghabilin nang gagawin nito habang wala siya. Kaunti lang iyon at alam niyang hindi naman mahihirapan ang butler sa kanyang pinapagawa.

Nasanay na siyang ang lahat ng gawain niya ay siya ang gumagawa. Kaya minsan, muntikan pang palayasin ng kanyang Ama ang kanyang butler dahil wala itong ginagawa kundi ang bantayan siya sa labas ng kanyang opisina. Kung hindi lang siya nakipagkompromiso sa Ama ay mawawalan ng trabaho si Phillip. And he can't bear that. Kaya kung may maipapagawa siya ay ipinapagawa niya kahit na sobrang minor pa. His dad thought it was weird since he was noble first and foremost, while he does need to work, it didn't mean that he should do everything. Nang naglaon doon lang siya hinayaan na lang ng Ama.

Ngayon ngang asa may pinto na siya ay lumingon pa siya sa butler at sa mga chambermaid na naglilinis sa entrance at nagpaalam. Isa-isang tumigil ang mga chambermaid sa ginagawa at nakangiting binati siya pabalik at sinabihang mag-ingat. It does make him feel better seeing them smile. Tumango na siya bago lumingon at nagsimula nang maglakad papunta sa Valwick Royal Castle.

::

Nasa labas si Prinsesa Wilhemene nang makarating si Gilbert sa pasilyo sa Castle kung saan makikita ang Conference Room. Naririnig niya mula sa kwarto na kahit naka-lock ang pagtatalo ng mga members ng Council ng Valwick, ang decision circle na natatanging nakakaimpluwensya sa mga mabibigat na desisyon na kailangan gawin ng Royal Family. Naroroon din ang hari at mukhang gusto na rin nitong umalis sa diskusyong iyon.

"Nakakatawa silang tignan, ano? Buti nagkakaintindihan pa sila diyan," na-a-amuse na komento ng prinsesa sa wikang German.

Princess Wilhemene is a young beautiful woman. Mahaba ang palaging naka-braid na kulay mais nitong buhok. She had fair skin. Hugis puso naman ang mukha nito na naglalaman ng madamdaming asul na mga mata, aristokratikong ilong, at maliit na mga labi. Mas maliit ito sa kanya ng isang talampakan. At kahit bente pa lamang ito ay para na itong isang epitome ng Roman goddess.

Saglit na nag-iwas siya ng tingin. It's not polite to stare. "Bakit mo nga pala ako naipatawag?" tanong niya para simulan ang usapan. Naramdaman niya ang mataman na pagtitig nito sa kanya.

"Nakaka-stress na," sabi nito sa wikang Tagalog. Isang wikang ni minsan ay hindi niya naririnig sa kahit na sino sa kanilang bansa. Ito lang ang gumagamit niyon dahil na-fascinate raw ito sa Pilipinas ng maging isang exchange student ito sa naturang bansa. Kaya sa tuwing ayaw nitong may ibang makaintindi sa usapan nila ay nagTa-Tagalog ito.

At siya ang pinilit nitong matuto ng lengwaheng iyon at kahit hindi niya pa masyadong nakukuha, ay naiintindihan naman niya ang ilan sa mga sinasabi nito. "Gusto nilang ikasal na ako, Gil. Bente na ako for God's sake!"

Sinagot niya ito sa wikang German dahil hindi pa siya sanay sa lenggwaheng Tagalog. "Hindi mo naman sila masisi, Mahal na Prinsesa. Gusto lang nilang malagay sa mabuting kamay ang Valwick."

Pinaningkitan siya ng mata ng Prinsesa at alinlangang ngumiti siya. "Quatsch, Gilbert!" naiinis na sabi nito na ang ibig sabihin ay 'Nonsense'. "Huwag ka ngang kumampi sa kanila. Hindi porket hindi ako ipinanganak na Prinsipe ay wala na akong karapatang magdesisyon."

Hindi dapat namromroblema ang dalaga kung hindi lang dahil sa isang aksidente na naging rason nang pagkamatay ng Reyna at nang nakakabatang kapatid nitong lalaki. Dahil doon ay naipasa ang pressure sa Prinsesa na maging tagapagmana ng Royal Crown. At dahil babae ito at likas na patriarchy ang Valwick ay hindi nito hawak ang desisyon sa pag-aasawa. Kaya pa naman ng kasalukuyang Hari na pamunuan ang bansa ngunit dahil wala na itong ibang susunod na tagapagmana ay kailangan nitong makasal ang naiwang anak.

Kahit hindi niya sabihin ay alam iyon ng prinsesa. Alam nitong kahit anong pagmamaktol nito ay wala itong magagawa para maapektuhan ang desisyon ng konseho.

"Vhat can I help you with?" tanong niya dahil ito naman ang nagpatawag sa kanya. Hindi naman siguro para makinig at panoorin lang ang pag-aaway ng konseho.

Malawak na ngumiti ito. "Vell, I need you to witness zis," anito bago tahasang pumasok sa loob ng Conference Room. "Gilbert, can you make them listen to me, please?"

Nagtataka man ay sinunod niya ang utos nito. Kinuha niya ang atensyon ng konseho. Isa-isang lumingon ang mga taong naroroon at pati na rin ang Hari.

Tinatagan niya ang neutral niyang ekspresyon kahit na ninenerbyos siya sa presensya ng mga taong naroroon. Nagpokus na nga lang siyang tumingin sa mga noo ng mga naroroon para lang wala siyang makatinginan ng diretso. Kahit kasi siya ang mas natotoka sa trabaho ng Dutchy of Beckenbauer ay hindi siya ang ihinaharap sa konseho. Ang Ama lang niya ang may karapatan kaya hindi niya alam kung tama bang naroroon siya.

"Vhat is it, liebe?" tanong ng Hari sabay ayos ng upo. Tinawag nito ang anak sa endearment na liebe na nangangahulugang 'darling'.

"May i-pro-popose akong solusyon. I vant to go to the Philippines and I'm going to stay zere. After two months, you will send a representative per Dutchy and whoever finds me first gets to have the right to marry me."

Nagsimula na namang magtalo ang mga naroroon. May sumasang-ayon. May tumataliwas. Samantalang siya naman ay hindi makapaniwalang nakatitig sa Prinsesa. She looked so proud of herself habang pinagpapawisan na siya sa nerbyos.

"Vhat? Hindi ba nito masosolusyonan ang problema niyo? Makakatulong rin iyon para malaman natin sino ba talaga sa mga Dutchy ang nararapat na ma-appoint bilang susunod na Hari."

Saglit na natahimik ang konseho at nagpalitan ng tingin. Mukha namang may punto ang Prinsesa dahil 'di naglaon ay nagsitanguan ang mga ito at inutusan na lang silang lumabas muna habang pag-uusapan pa ng mga ito ang mas magiging pinal na desisyon.

Nang makalabas na sila, hinarap niya agad ang Prinsesa para magtanong. "Ano talaga ang plano mong gawin?"

Malawak pa rin ang ngiti nito at masuyong inilapat ang isang kamay sa kanyang pisngi. Agad siyang namula. Dahil kung tutuusin, may nararamdaman siya para sa dalaga kaya sa simpleng ginawa nito ay nakakuha agad ng reaksyon mula sa kanya. Kaya ayaw niyang palaging naiiwang mag-isa kasama nito. Kinakabahan siya sa ginagawa nito sa kanyang puso.

Lahat siguro silang hindi pa nag-aasawa na membro ng Dutchy ay hinahangaan ang Prinsesa. Matagal na itong espesyal sa kanya simula nang makilala niya ito ng mga bata pa sila. Hindi lang niya ipinaalam dito dahil hindi niya nakikita ang sarili bilang karapatdapat. Idagdag pang kilala niya kung sino talaga ang napupusuhan nito.

"Gilbert," sabi nito. "Simple lang ang plano ko. Kung gusto nila ang suggestion ko, ikaw ang gusto kong makahanap sa akin."

::

Isang linggo ang nakalipas bago nakapagdesisyon ang mga konseho. Nakaupo silang dalawa ni Viktor sa loveseat na naroroon. Nakaupo siya sa kabila at naroroon naman ito kaharap niya. At ngayon ay hawak-hawak ng kapatid niya ang kautusan mula sa konseho.

"VHAT? Did the Princess really say that?" nagtatakang tanong ni Viktor sabay ang pagkunot ng noo nito.

Ang naging kondisyon lang ng konseho ay may isang knight na kailangang sumama rito. Hindi naman na nakatanggi ang dalaga. Ang importante rito ay makaalis, sa katunayan ay ngayon ito lalabas ng bansa.

Tinanguan niya ang kapatid at mas lalong kumunot ang noo nito. Halatang nag-a-alala. Parehas nilang kilala ang dalaga simula pagkabata. Kung hindi pa dahil sa kapatid ay hindi niya agad makikilala ang Prinsesa. At alam niya na kung hindi lang ito ikakasal, ito ang ipapatawag ni Wilhemene. Ito ang gugustuhin ng Prinsesa na makahanap dito. Alam niya iyon. Saksi nga siya sa pagdadalamhati ng Prinsesa simula nang malaman nito na ikakasal na pala ang kapatid niya.

"Bakit naman siya gagawa ng ganito ka-reckless na bagay? Alam niya naman kung gaano ka-competitive ang mga Dutchy," ani ni Viktor at umiiling na ipinasa nito pabalik sa kanya ang kautusang iyon. Totoo ang sinasabi nito.

Kahit na ang mga Dutchy ang rason kung bakit monitored at lumalago ang mga specific areas na pagtutuunan ng pansin sa kanilang bansa tulad ng agrikultura, turismo, teknolohiya, at iba pa, hindi magkakaibigan ang mga ito. Ang natatanging nagtatali lamang sa mga Dutchy ay ang nag-iisang Royal Family. Kung ang Royal Family ang nagsabing magkaisa sila, doon lamang sila magkakaisa.

"May natanggap pala tayong sulat. Pwede ko bang makita?" tanong ng kanilang Ama na kararating lang mula sa pinuntahan nitong pulong. Iniabot ni Gilbert ang sulat rito at mataman naman nitong binasa bago nagsimulang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito.

"Son. You have to go," natutuwang sabi nito. Ipinatong pa ng Ama ang kamay sa kanyang balikat. "Isa itong magandang oportunidad para maipakita sa ibang Dutchy na hindi tayo simpleng mga magsasaka lang. At matalino ka, Anak, hindi na ako magtataka kung ikaw ang unang makahanap sa Prinsesa."

Hindi niya inaasahan iyon. Ang akala niya ay kailangan niya pang pilitin ang ama para roon. Kahit kasi alam niyang siya ang napili ng Prinsesa para hanapin ito ay hindi naman siya ang palaging pinapaboran ng Ama. Simula kasi nang malapit ng ikasal ang kanyang kuya na paborito ng kanyang Ama, ay mas binigyan nito ng atensyon ang pinsan niyang si Warren. Kung hindi man si Warren ay may ilan pa siyang pinsan na walang asawa at maaring mas may kakayahan pa sa kanya.

"You can't be saying what I zink you're saying, Father," nag-alalang wika naman ni Viktor. "Parang itinatapon mo si Gilbert sa kapahamakan."

"Son, son," tuwang-tuwa pa rin na wika ng kanilang Ama at si Viktor naman ang masuyong pinalo nito sa balikat. "Kung hindi ka ikakasal ay baka ikaw ang pinadala ko, Viktor. Hindi mo ba nakikita na isa itong malaking oportunidad para sa ating Dutchy? At mas magandang sarili kong anak ang ipapadala ko kaysa sa Extended Family natin. No son of mine is incomptent, after all!"

Hindi pa rin mukhang kumbinsido ang kanyang kapatid. Ngunit, totoo naman ang sinasabi ng kanilang ama. Si Viktor talaga ang ipapadala nito dahil ito talaga ang pinakapapaborang anak nito. At tama rin ito na mas magandang sarili nitong anak ang ipadala dahil kapag siya man ang nakoronahan, ibig sabihin noon ay mas mare-recognize ang kanyang ama.

Magaling man ang kanyang ama sa larangan kung saan ito nakatoka ay maraming beses namang maliit ang tingin ng iba rito kahit na ang Dutchy ng Beckenbauer pa ang pinakarason kung bakit maayos ang pagkain sa kanilang bansa. Ngunit hindi naman nagpapadala ang kanyang Ama, itinatago lang nito ang nararamdaman. Sa kasamaang palad, ang pagtatagong iyon ay lumalabas sa ibang paraan, sa ganitong paraan.

Huminga nang malalim si Gilbert. Isa siyang mabuting anak kahit anumang mangyari. Kahit alam niyang hindi palaging nakikita o nabibigyan ng magandang credit ang mga ginagawa niya. Ayos lang sa kanya iyon. Kaya nang harapin na niya ang ama at kapatid, nakangiti siya.

"Ayos lang, Viktor. Ako na ang pupunta. Gagawin ko ang lahat para sa Dutchy."

Natuwa naman ang kanyang Ama at napayakap pa ito sa kanya. "I know I can depend on you, son," sabi ng ama at tumango lang siya. Saglit na tinignan niya naman ang nakakatandang kapatid at mukhang hindi naman nito nagustuhan ang sinabi niya. Napailing na lang si Viktor bago siya nito tinapik sa balikat. Tumango naman siya at ibinalik nito ang pagtango niya.

"Tara at magdiwang tayo, mga anak," sabi ng kanilang Ama at inakbayan silang dalawa bago sila dinala sa personal na bar nito.

"Tara at magdiwang tayo, mga anak," sabi ng kanilang Ama at inakbayan silang dalawa bago sila dinala sa personal na bar nito