Chereads / our sort off fairytale / Chapter 4 - four } Jollibee, Waking Up, and the Second Phone

Chapter 4 - four } Jollibee, Waking Up, and the Second Phone

"GOOD MORNING, Fraulein Marieke," bungad kay Marieke ng isang boses nang maalimpungatan na siya kinabukasan. Kumurap-kurap siya at napakusot ng mga mata. She looked around. Medyo madilim ang silid.

Ang maliwanag lang na parte ay sa dulo ng sofa kung saan pumapasok mula sa hindi natakpang parte ng kurtina ang sinag ng araw. Hindi pa iyon marahas. Katamtaman lang at maganda pa sa mga mata. May isang kama sa silid at isang cabinet. May isa ring monobloc. May dalawang pares ng tsinelas. Puti ang kisame. At sa kama... Tinitignan siya ng isang lalaking prenteng nakaupo.

Nakalagay ang mga kamay ng binata sa kandungan nito. May maliit na ngiti sa mga labi. May gauze sa pisngi. May parisukat na bandaid sa sentido. Isang matang hindi masyadong maibukas at kulay talong ang balat sa paligid. Ice blue eyes that seemed a little too clear na gusto na niyang magtaka kung nakakita pa ba ito.

Pale blond hair that's by some miracle stayed miraculously fixed in his head. Walang ni isang baby hair na nakatayo. A slightly huge bodybuild na asa gitna ng bodybuilder at mahilig lang pumunta ng gym. Skin so white and so far na pwede nang maging representative ng Baby Johnson's brand.

"Fraulein Marieke?"

Napapiksi siya at agad napatayo. "W-What? Where?" tinitigan niya ito. He looks unreal. He looks so unreal. "You're still here."

Ang alam niya ay aalis rin ito. Quietly. And she'd find herself waking up this early, alone. Babalik siya sa pagtulog at magigising na lang ulit mamaya para maghanda nang umalis. And yet.

Marahang tumawa ang binata. Naalala niya kung gaano kaganda iyon sa pandinig niya. Nagiging polite lang ito pero ang pakiramdam na may tumatawa nang hindi mapanghusga o pilit sa harap niya ay nakakagaan ng loob. And his eyes, his wonderful ice blue eyes crinkle a little. "You sound a little disappointed. I... I can leave if you want."

"No... I..." kumurap siya saka napasuklay ng buhok. Mas madali siguro kung hindi siya nagising na naririto pa ito. Ang hirap mag-explain. Should she thank him? Para saan? "It's fine."

"I see--" mukhang may sasabihin pa sana ito ngunit narinig nilang dalawang umalingawngaw sa kwartong iyon ang tunog ng tiyan nito. It was...cute. Like a sound a bored tiger would make. "Right. I didn't feed the tiger... Um, you didn't eat I mean."

Nahihiyang nag-iwas ito ng tingin at napakamot ng pisngi gamit ang hintuturo. He laughs lightly. Awkwardly. Mukhang namula rin ito dahil agad niyang napansin ang pagpula ng pisngi hanggang sa may leeg nito. He was facing the opposite direction that's why she could see. Idagdag pang naka-sando lang ito. Life must be unfair to him with that kind of blushing.

Nanahimik na ang binata. Tumayo na siya at kaswal na sinubukang pababain ang mga buhok niya na mukhang nagfla-fly away na. She should care if she looks a little presentable. But nevermind, "Magmumumog lang muna ako."

Hindi na niya pinansin ang nagtatakang tingin nito at sa halip, binigyan na lang ito ng nag-iisang candy na asa bulsa niya. She gave him a look, which tells that he should know what to do before promptly smiling a little and leaving.

::

"I can tell that you don't eat rice," matagal bago sinagot ni Marieke ang tanong ni Gilbert patungkol sa kung bakit hindi siya binilhan nito ng parehas sa kinakain nito. Kasalukuyang asa isang establishment sila ng Jollibee na malapit sa terminal. The place is red... So red for his taste. And yet it made him hungrier. May mascot rin ang naturang lugar na ayon sa dalaga ay si Jollibee. He had pronounced it as, Jolly Bee? She suppressed a laugh and says, Close enough.

The mascot didn't look like a bee. That he knows as much. But the mascot doesn't really look that bad. And now... They're here. Sa second floor kung saan wala raw masyadong tao. She ordered a spaghetti and a burger for him matched with a no-ice sprite and fries. On the other hand, ang pagkain nito ay fried chicken at... kanin. Ngayon lang siya nakakita ng kanin sa personal. Princess Wilhemene told him about it and how it's good. In fact, he even suggested that they try planting some. Ngunit iyon na nga, iba ang in-order ng dalaga para sa kanya. Kaya hindi niya mahusgahan ang naturang kanin.

"Because?" tanong niya, hinihintay ang pag-elaborate nito. Nanahimik na naman kasi ito matapos nitong sabihin iyon.

"You're from Europe and you guys don't eat rice, right?"

He clears his throat. Kumagat muna siya sa burger. "Only on some countries, Fraulein. But you're right in part because we don't eat rice. The Princess suggested that we try planting some though."

"Princess? Monarchy kayo?"

"Yes. I'm..." Masyado na ba siyang nagtitiwala rito at sasagutin lang niya ang lahat nang itatanong nito? Or will trusting her at least make her trust him? Kung tutuusin hindi siya ganoon kagaling na judge of character. Pero randam niyang may pader sa pagitan nila kahit pa tinulungan siya nito.

At mukhang matatag at malakas iyon dahil randam niya talaga. Pansin niya ring hindi talaga nito inaasahan na makita siya kinabukasan. In fact, it kind off looked like she wished he would have left...because it's easier that way.

"It's okay if you don't want to answer," sambit nito at nang tumingin siya ay nakatingin ito sa kanya habang linalantakan ang chicken. She's holding it on both hands. Parang ang prinsesa lang. Kung magkasama sila ng prinsesa ay parang lagi nitong itinatapon ang lahat ng alam nito sa etiquette at irarason na specifically, tinatanggal niya ang korona niya kung kasama niya si Gilbert and that he should feel privileged.

To Fraulein Marieke, it seems like she's waiting for him to feel some disgust at what she's doing. He smiles lightly, softly. "I'm actually... a marquis. I'm a duke's son."

"Oh."

She formed the 'O' sound deliberately before looking down. Mukhang hindi pa rin talaga ito lubos na naniniwala sa kanya. Kulang ba ang sinseridad at katapatan sa boses niya? Inubos na lang muna niya ang burger bago nagsimulang kainin naman ang spaghetti. To be honest, kulang pa iyon sa kaniya. Kaya inaalala na lang niya ang nabasa niya noon na kung mabagal kang kumain ay mabubusog ka nang mas mabilis.

Mukhang gumagana naman iyon. Nahihiya rin siyang humingi bukod sa kung anong ibinibigay sa kanya ng dalaga. Sa tanang buhay niya ay hindi niya inaasahang darating ang araw kung saan siya ang ililibre ng isang babae. Kung kasama niya ang prinsesa ay maghahati sila sa bill dahil na rin sa pag-i-insist nito na 20th century na at dapat half na patay na ang chivalry. Kung kasama naman niya ang ina o mga pinsang babae ay siya ang nagbabayad para sa kanila. Pero ngayon, lahat na ng expenses niya simula kahapon ay sh-in-oulder ng dalaga. Gusto na nga niyang magtanong kung kaya pa ba nito at kung mahal ba ang ibinabayad nito para sa kanya.

Yun na ang laman ng isip niya kaya nang nanahimik na naman sila ng ilang minuto ay nagsalita siya. Mukha rin namang hindi ito tipong mauunang magbukas ng usapan. "Are you spending a lot on me?" diretso niyang tanong.

Kanina niya pa iniisip kung papaano niya iyon ise-segway hanggang sa sumuko na lang siya at naisipang diretsahin na lang ito. Looks like she's going to appreciate that more either way.

Tinitigan siya nito at uminom muna ng tubig. Pinanood siya nito mula sa baso. Weighing. Judging. How much should I tell you?

Inosente naman ang tanong niya pero... Sige.

"Hindi naman... I mean... No."

"You're not very comfortable in speaking in English, are you?"

Tumango ito at nag-iwas ng tingin saka pinamulsa ang mga kamay. He watched her hair move. The blue highlights were pretty. It fits her a lot.

"At pagsasalita, in general."

"Hmm," tumikhim siya at uminom ng Sprite. Even this is new. Mas sanay siya sa beer. Sa kanila kasi, beer is treated like water. This hits a little because of the acid but nothing else. "I can understand a few, Fraulein. But only a few. I'll tell you if I don't understand a word or a phrase. Will that be alright with you?"

"Yes... That's fine. Thanks."

"And we can talk this way if it will make you more comfortable."

Inilabas niya ang freebie na pambatang whiteboard ng Jollibee na ibinigay sa kanila. Nagsulat siya doon ng 'Hi, Fraulein Marieke' bago iniangat at pinakita sa dalaga. "This way. I can answer verbally and you can reply by writing it down here."

::

"...you can reply by writing it down here," nakangiti lang ang binata. Inosente. Ibinaba ni Marieke ang tingin sa handwriting nito. It looks decent and like a font. Iyong tipong isa sa mga sans serif. Pero napakurap-kurap siya sa ginawa nito. What? Is he treating her like a kid?

"Hindi ako bata, Mister... Wait, what's your title exactly?"

"There's no need to refer to me with titles. Gil or Gilbert is fine."

"You're calling me Miss though."

"It sounds respectful."

She shakes her head and takes the board from him and writes something down. Before turning it over, 'Not a kid' ang nakasulat doon.

Nagkaroon ng sense of understanding sa mukha nito. Mukhang napahiya din ito dahil nag-iwas ito ng tingin at hinimas ang batok. Tumikhim. "I-I'm sorry. I'm overreacting or I might be misunderstanding something. I'd stop talking now."

Nawala ang kunot sa noo niya at pakiramdam niya ay parang nahipan ng hangin ang umusbong na feelings ng pagiging offended niya. Wow. Is he seriously... Napailing siya. "Masyadong magsta-standout kung ganito. People will think I'm mute. Nakakapagsalita ako hindi lang sanay..." and if she counted, marami ng mga katagang lumabas sa bibig niya dahil lang rito. In fact, masakit na ang lalamunan niya. Uminom na naman siya ng tubig. "And this will be very offensive for those who can't speak."

"Really?"

"I don't know. I just think they would..."

Napasapo siya ng noo at uminom ulit ng tubig. Huminga siya nang malalim. Ang layo ng hitsura nito sa kung paano ito kumilos. He does move refined. Except kahapon ng gutom na gutom ito. Kahit nga ang pagkain nito ng spaghetti ay mahihiya pa siya. Unti lang kasi ang kukunin nito bago sumubo. Kulang na lang siguro ay may suot pa itong parang bib sa leeg at magpupunas ng mga labi sa bawat pagkain. And she was thinking that he's going to have some sort of stern I-don't-know-you-don't-talk-to-me vibe. He's friendly and polite and he's trying twice now to connect to her.

Parang hindi ito mapapanatag hanggang sa hindi siya bumibigay at kaibiganin ito. Weirdo.

Inubos na niya ang tubig saka umabot sa bulsa at ibinigay rito ang isa niya pang phone. She keeps another one that is not work-related. Puro songs, videos, at ebooks lang ang laman. May sim for emergency purposes kahit wala namang nakakaalam ng number ng phone na iyon. "Ito na lang garud. May sim naman at naka-save diyan ang number ko."

"Gerud?"

"It's an expression."

Tinignan nito ang phone na inilapag niya sa table. It was an Oppo F1 Series model na may puting case at rhinestone art ng isang moon. The rhinestones shone and blinked a little. "Did you design this?" tanong ng binata. Tr-in-ace nito ang naturang disenyo at pinanood niya ang ginagawa nito. His fingers were gentle on the cool surface of the phone's back.

Umiling siya. Binili lang naman niya iyon sa tabi at in-arrange lang niya. Technically, she just searched somewhere so it can't possibly be her design.

"I see... you're a gentle person, Miss Marieke."

"Huh?"

Parang biglang lumubog ang puso niya sa tiyan niya sa sinabi nito. Siya? Gentle? Paano siya naging gentle? Kinuha nito ang phone niya at tinanong kung ano ang passcode niya. Sinagot niya naman habang nakakunot noo pa ring nakatingin rito.

Pagkabukas ng phone niya ay tumipa-tipa ito ng mensahe at napakislot siya sa pag-vibrate ng isa niya pang phone. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa at nagtatakang binuksan. Naroroon ang isang mensahe mula sa phone na hawak ng binata.

AAMeTM:

You are gentle because you have arranged all these rhinestones so carefully. I can't even see any sign of glue anywhere. It also seems to be in pristine condition. It's like you know that even if no one notices something as small as this that you should still do it to the best of your ability.

Hindi niya alam kung ngumiti ba siya o hindi, basta may ginawang ekspresyon ang mga labi niya saka siya tumipa-tipa ng mensahe.

Fr: AASmartTM

To: AAMeTM

Ang weird mo, alam mo ba yun? But thanks.