Chereads / our sort off fairytale / Chapter 8 - eight } The Mall, Being Human, and Assurance

Chapter 8 - eight } The Mall, Being Human, and Assurance

NAWAWALA si Gilbert. Napalinga-linga na si Marieke nang ilang beses pero hindi niya pa rin nakikita ang binata. Tahasan naman siyang binangga nang kung sino. Siya pa ang awtomatikong humingi ng tawad habang tinignan lang naman siya nang masama ng nakabangga.

She can't believe it. Nag-backtrack na siya at tumigil sa harap ng isang shop sa SM. Hindi na niya ch-in-eck kung ano iyon. Dumikit lang siya sa pader at kumurap-kurap.

Napapikit lang naman siya ng isang beses dahil may bumangga sa kanya kanina. Nabitawan niya lang naman ang kamay nito. At ngayon wala na ang binata. Hindi niya rin ito mahanap kahit na luminga-linga siya. Hindi niya dapat ma-miss ito dahil matangkad ito. Napalitan na nga nila ang kulay ng buhok nito bago sila lumabas ay magsta-standout pa rin ito sa kanya. Mare-recognize niya ito kahit asaan man sila. Especially when...

He left you, didn't he? mapanghusgang tawa mula sa isang parte ng utak niya. Assuming ka kasing merong may pake sa'yo. Sino ka ba? Pabigat ka lang naman sa kanila, right? You know that. Huwag kang umasa na magkakaroon ka ng puwang sa ibang tao. You don't matter. You never do.

"Right," pagsang-ayon niya sa boses na iyon. "Of course."

Huminga siya nang malalim saka umupo sa sahig. She placed her arms on her knees and hid her face in the square formed by her arms. Huminga ulit siya nang malalim. Nagpigil ng mga luha. Her throat automatically hurt. Just for a few... I'd leave later.

At hinayaan na niya ang sariling tahimik na lumuha. Of course. Bakit nga ba hindi pa siya nasanay? May mga umampon sa kanya dati na umaabot naman ng buwan at pati ang mga iyon ay ibinalik pa rin naman siya. Bakit nga ba niya naisip na iba ang binata sa kanila? Dahil sabi nito cool siya? Na amazing woman siya? Na gentle siya? Na kaibigan siya nito? Na may pake ito sa kanya? Na tinitigan siya nito na parang nage-exist talaga siya? Na pinipigilan nito ang pag-ubos niya ng kuko? Na wala itong masamang reaksyon ng nag-panic attack siya?

Oh goodness gracious, how desperate.

Yes. How desperate.

Siguro nga dapat hinayaan na lang niya itong umalis nung una itong nagpaalam. Dahil kaunting kabutihan lang nito sa kanya ay na-attach na siya. Bumibilis na naman ang paghinga niya at sumisikit na ang kanyang dibdib. Great, now a panic attack.

::

"How about some ice cream, schatz?" tanong ni Gilbert sabay lingon pero hindi niya nakita ang dalagang kasama. Akala niya nang bitawan nito ang kamay niya ay dahil nahiya ito kaya hinayaan niya lang. Hindi niya alam na wala na pala ito. Agad siyang nilukob ng kaba at napalinga-linga sa paligid. Wala ito.

Gaano ba siya kalayo? Asa labas na siya kaya pumasok agad siya sa loob. Inalala niya kung saan napabitaw ang dalaga sa kamay niya. Kung wala siguro siyang hawak hawak na mga shopping bags ay napasapo pa siya ng noo. Baka isipin nitong iniwan siya nito. At baka asa sulok na ito at nagkaka-panic attack. She had been controlling it well enough earlier. Pero dahil sa nangyari ngayon at dahil may ideya siya sa posibleng pumasok sa utak ng dalaga ay hindi na siya mapakali.

Kailangan niya itong mahanap ngayon din. Nakarating na siya sa floor kung saan sila naghiwalay at nagsimulang magtanong. Wala namang sumagot sa kanya at kung mayroon man ay iling lang. Isa lang ang matinong nagtanong pa kung saan niya huling nakita ang hinahanap. Pero natigil na siya sa pagsasalita nang sa wakas ay makita niya ang dalagang hinahanap.

"Sir?" tanong ng kausap niya at luminga siya rito. "I can take you to the Information Center."

"No, it's okay. I found her," sagot niya at pinasalamatan na lang ang kausap. Ngumiti ito bago siya iniwan. Dahan dahan naman siyang yumapak papunta sa direksyon nito. Dahan dahan na parang may tutuklaw sa kanya kung hindi niya gagawin iyon. She was crouching down. Head buried on her arms. Defensive. Hurt. Alone.

Naupo siya at nakilebel dito. Ibinuka niya ang bibig para sana may sabihin pero walang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya. He feels strongly apologetic. Inabot niya ito saka maingat na ipinulupot ang mga braso sa kabuuan nito. "Hey..." mahinang wika niya.

Napapiksi ito at saglit na itinaas ang ulo. Nakita niya ang panunubig ng mga mata nito na agad nitong itinago. "W-Why are you here, Marquis?" naginginig ang boses nito.

"I'm going to answer that later. For now, follow how I breathe, schatz."

He breathed and she breathed accordingly. Nagpatuloy iyon hanggang sa tuluyan nang kumalma na ang dalaga. At nang nangyari iyon ay marahan siyang itinulak saka tumayo. Binitawan niya naman ito at sumunod. Suminghot ito at mukhang namumula ang mga mata at ilong nito. He smiles lightly. "Come here."

Ibinuka niya ang mga braso para rito. Nilinga siya ng dalaga at napabuntong hininga bago sumusukong lumapit sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib at niyakap niya ito. With his free hand, he gently carressed her hair. "It's okay. I'm here now. I'm sorry I left you alone here," litanya niya. "I thought you were... Never mind."

Tama siya nang isiping parang babasagin ito. At parang gusto niyang magsisi dahil naiwan niya ito. O magsisi na sa dinami-dami ng pwede niyang makilala ay ito pa. He could tell that he shouldn't have met her. Dahil kung hindi siguro ay asa bahay lang ito. Having comfort in her own presence and just living as peacefully as she might have wanted. Hindi ito asa mall ngayon para bilhan siya ng mga damit at ng disguise. At mas lalong hindi ito iiyak sa isang sulok sa pag-aakalang iniwan niya ito.

He sighs. "I'm sorry, Marieke. I'm so sorry." He buried his face on the crook of her neck and hugged her closer. And they stayed like that for a moment and he felt... in a sense... at ease by having her in his arms. She's small but fits him snugly.

Unti-unti narandaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanya. Hinigit ata siya ng hininga dahil isa lang ang ibig sabihin niyon. Tanggap na nito na sa ngayon, hindi siya aalis sa tabi nito. And she's going to probably be mad if he told her that it reminded him of when his hamster finally accepted the food that he's offering or when his hamster climbed his hand to eat from his palm.

::

Kasalukuyan na asa sahig si Gilbert at nag-aayos ng damit sa bag nang nakita niyang umilaw ang screen ng phone niya. Kinuha niya iyon at nakita ang mensahe ng dalaga.

Marieke:

I want to ask something.

Nilingon niya ang dalaga na nakaupo na ngayon sa sofa. Asa sariling kwarto lang ito kanina. Nakataas ang mga paa ng dalaga at nakayakap ito sa mga hita.

Humarap ulit siya sa ginagawa. "Yes, schatz?"

Narinig niya itong tumitipa sa cellphone at nag-vibrate na naman ang phone niya. Tinignan niya ang susunod na mensahe.

Marieke:

Sigurado ka bang gusto mong ako pa rin ang sumama sa'yo? I can def find someone who can tour and translate for you. Ako na lang ang bahala sa IT side.

"Ja, I still vant you to come with me."

Marieke:

Lagi akong may random attacks. I can control at most pero hindi ko maipapangakong hindi tayo magsloslow down dahil sa akin.

"Zat's fine, I know how to handle your attacks."

Marieke:

I really thought you left.

Liningon niya ito at marahang nginitian. Nag-iwas ito ng tingin at ibinaba na lang iyon sa hawak na cellphone.

"I thought you just didn't want me to hold your hand anymore. But when I turned and saw no one, I panicked. I worried zat you might assume zat I left you," humarap na siya sa ginagawa at tinapos iyon bago lumapit at idinikit ang likod sa baba ng sofa. Nag-reply ulit ang dalaga.

Marieke:

Lagi nila akong iniiwan. It wouldn't be surprising if you would to and I feel like I've been desperately clinging to the idea that someone actually likes me. Na may babaljk para sa akin. *babalik

He blinks at the message. "Because you get those frequent attacks?"

Mahina itong natawa. But it was out of shame and pity for one's self.

Marieke:

Yes. Ang high maintenance ko nung bata pa ako. Mas matagal akong asa ospital kaysa sa labas. And the people who adopted me thought they can take care of me. Pero nung lumabas na rin ang anxiety at panic attacks ay ibinabalik na nila ako. I was wrong physical wise and wrong mentally. May stigma sa mental health kaya

Walang katuloy ang mensahe nito at hinarap niya ulit ang dalaga. Nakatingin lang ito sa cellphone at nakataas ang mga hinlalato nito sa taas ng screen. Nagpipigil. Na parang kung mage-explain ito ay baka i-judge niya ito.

He read the message again. "You're an orphan," he says softly. A statement and not a question.

Tumango ito.

Tumaas na siya at tumabi rito. He takes the same position as hers. Itiniklop niya ang mga hita at niyakap iyon. He might look awkward seeing as how he's not really regular-sized. Pero hindi na niya pinasin iyon. Naramdaman niya namang nakatitig ito sa kanya, nagtataka siguro kung ano ang ginagawa niya. "It's not your fault."

Sa peripheral vision niya ay nakita niya itong kumurap-kurap bago mapait na natawa. "You don't say."

"It won't always be about you, you know?" mahinang wika niya. Humilig siya sa mga tuhod at diretso itong tinignan. "You're not the most negative person in the world and certainly not the most leaveable. Zat's not even a title, mind you."

Nabigla naman ito sa sinabi niya at siguro pati na rin sa pagseryoso ng mukha niya. Wilhemene always say that there seems to be two sides of him. May Gilbert na kayang sumunod sa lahat ng gusto mo sa buhay kahit mukha itong pagod at mukhang pinagbibigyan ka lang talaga sa gusto mo. At may Gilbert na kung sa tingin niya ay tama naman ay lalaban at didiretsahin ka pa. Wilhemene tend to avoid the other Gilbert. She once said that sure, she likes it better when he's straightforward with what he really wanted. But his delivery can be a little... offending.

"Gil..." mahinang wika ng dalaga.

"No one in this world is really put together, you know?" siya naman ang natawa na parang nag-joke siya. "Heck, I'm not even put together."

Natahimik ito at marahang tumango na parang binibigyan siya ng permisong magpatuloy. Pero kahit mayroon man o wala iyon ay magpapatuloy pa rin siya. "Also, if I'm going to be honest, I am attached to you because you're the one who helped me. If it was any other person, I would have been attached to them.

"And just staying here, in this house, and just looking at you pay for my needs makes me owe you more. I don't like owing people, Miss Marieke. That's why I don't depend on anyone because I'd owe them.

"Now, I owe you so much."

Huminga ito nang malalim at saglit na inayos ang nahulog na buhok na tumabing sa bibig nito. Tumikhim. "...Well. May utang ka nga talaga sa akin... pero monetary lang naman iyon. Hindi naman ako magpapatong ng interes."

"It's not just the money. I owe you your time. I owe you your space. I owe you your peace."

"Gilbert... That's not--"

Umiling siya. "I have middle child syndrome, if zat's a sickness, I don't know. I know that people are taking advantage of me. But I let them."

Ibinaling niya ulit ang tingin dito at mukhang plano nitong magsalita. Pero nang tumingin siya rito ay pinagisipan nito ang sasabihin at itinikom na lang ang bibig.

"You might be wondering why," patuloy niya. Solemn. Serious. "I feel like a ghost, Miss Marieke. No one pays attention to me until I provide some value to them. So, I let zem and zey recognize me."

"Really?" mahina ang boses nito at narinig niya ang pag-usod nito palapit sa kanya. "Even your... your family?"

Tumango siya. Pati ang Kuya niyang si Viktor ay hindi takas doon. Pero kung ire-rate niya kung sino sa pamilya niya ang pinakamalala, asa second to the last si Viktor, at last naman ang huli niyang kapatid.

"Well, no one's perfect."

She laughs lightly. Wala ng self-pity. Wala ng kahit ano. Magaan at maganda sa kanyang pandinig ang naging pagtawa ng dalaga. Sa unang pagkakataon ay mukhang na-amuse niya ito. And well, it was worth it. "Naglalabasan na ba tayo ng skeletons mula sa closet ngayon?"

He chuckles. Napahimas na rin siya ng batok. "I vas trying to comfort you."

"By bringing out your own skeletons?"

"Ja."

Natawa ulit ito at hindi niya maiwasang mapangiti. Isang tawa lang ang nagustuhan niya nung una niya iyong narinig. It was Wilhemene's. It was when he made her laugh when they first met, even though, she was actually bullying him that time. Pero... hindi niya alam na may makakapantay pala sa pagtawa ng prinsesa.

Marieke's laughter was soft and light. Medyo nagpipigil pa rin pero magaan sa loob na pakinggan. Pakiramdam niya ulit ay may ginawa siyang tama sa mundo.

"Fine, let's drink to that," in-extend na nito ang mga paa at nakangiti na sa kanya.

Napatango siya. "Wait, are you legal enough to drink?"

Kumurap kurap ito at napailing. "How old do you think I am? Atsaka wala akong liquor dito ano. Tubig, kape, at juice lang ho, Manong."

"Manong?"

"Kuya."

Tumayo na ito. "So, coffee, water, or juice?"

"Coffee's fine," wika niya at tumango ito.

"Coffee it is then. And I'm twenty two."

Napakurap kurap siya rito. Ang alam niya ay at most, 18 or 19 ito. Hindi niya nakita iyon sa hitsura ng dalaga. So, totoo palang mukhang bata ang mga Pilipino. "Twenty five."

"I didn't ask."

Natawa siya.